You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF BALANGA CITY
CATANING INTEGRATED SCHOOL
QUIRINO ST., SAN JOSE, BALANGA CITY

Ikatlong Markahang Pagsusulit sa Filipino 3

Pangalan:_________________________________________________Marka:____________

I. Direksyon: Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.


_______1. Ang mga sumusunod na halimbawa ng tambalang-salita ay nananatili ang kahulugan
maliban sa isa:
A. hawak-kamay C. bahay-kubo
B. balat-sibuyas D. kapit-bahay

______2. Nangangahulugan ito ng lakad- pagong


A. mabagal lumakad C. lakad tulad ng pagong
B. gumagapang D. mabilis lumakad

______3. Ang tawag sa dalawang payak na salitang pinagsama upang makabuo ng bagong salita.
A. Pandiwa B. Tambalang- salita C. Paksa D. tema

______4. bungang-
A. gutom B. kahoy C. pawis D. bahay

______5. bahay-
A. kubo B. sala C. silid D. bahay

II. Basahing mabuti ang maikling kuwento at sagutin ang mga katanungan tungkol dito.
Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

Ang kahirapan ay hindi


hadlang kay Berto para matuto. Dala ang lapis, papel at kuwaderno, siya ay pumapasok
kahit walang baong pera. Para sa kanya, wala ng mas mahalaga pang iba kundi ang pag-
aaral.
Mga Tanong:

______6. Sino ang batang pinag-usapan sa kuwento?


A. Berto B. Bert C. Alan D. Kuya

_______7. Anong klaseng bata si Berto?


A. masungit B. masipag C. matulungin D. masayahin

_______8. Sa iyong palagay, ano kaya ang maging bunga sa kanyang pagiging masipag sa
pag-aaral?
A. Maging matanda siya.
B. Maging basurero siya.
C. Makapunta siya sa ibang bansa.
D. Matupad niya ang kanyang mga pangarap sa buhay.

_______9. Mahalaga ba ang pag-aaral? Bakit?


A. Hindi, dahil wala kaming pera.
B. Oo, para maging mayaman na kami.
C. Hindi, dahil mahirap sina nanay at tatay.
D. Oo, dahil sa pag-aaral maging maganda ang ating kinabukasan.

III. Hanapin ang wastong salitang kilos/pandiwa upang mabuo ang pangungusap. Isulat
ang titik ng tamang sagot sa patlang.

_______10. __________ si Lina ng masarap na keyk.


A. Uminom B. Kumain C. Sumakay D. Gumuhit

_______11. Si Leo ay _________ ng aklat.


A. nagbabasa B. naliligo C. naghuhugas D. kumakain

_______12. ___________ mo ang basura sa tamang lalagyan.


A. Iwasan B. Itapon C. Ibenta D. Hugasan

_______13. Anong bagong salita ang mabubuo kung palitan ang unang tunog ng salita sa b?
sanga= _________________ _
A. sangga C. bangga
B. banga D. baga

________14. Anong tunog ang idagdag sa patlang upang mabuo ang salita?

___________uta
A. /b/ B. /c/ C. /t/ D. /d

IV. Tingnan ang larawan. Basahing mabuti ang teksto at sagutin ang mga katanungan na
nakasulat sa ibaba. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

Isa sa mga bantog at tanyag na yaman ng


Mabinay ay ang Mabinay Spring. Ito ay matatagpuan
mismo sa bayan ng Mabinay, lalawigan ng Negros
Oriental. Ito’y napalilibutan ng mga punongkahoy na
nagbibigay lilim at natural na kalamigan. Dahil sa
sobrang linaw at linis ng tubig, ito ay ligtas sa mga
batang gustong magtampisaw sa buong araw. Dinadayo
na rin ito ng maraming turista dahil sa taglay nitong
natatangi. Kaya,tayo na at bibisitahin na natin ang Mabinay Spring!

Mga tanong:

______15. Bakit dinadayo ng mga turista ang Mabinay Spring batay sa teksto?
A. dahil sa masarap itong kainan
B. dahil sa natatangi nitong taglay
C. dahil matatagpuan ito sa bayan ng Mabinay
D. dahil maganda ang halaman at mga maraming mga prutas

______16. Ano ang angkop na pamagat sa tekstong iyong binasa?


A. Ang Bantog
B. Ang Sikat na Lugar
C. Ang Mabinay Spring
D. Ang Bayan ng Mabinay

______17. Alin sa mga sumusunod ang sumusuportang kaisipan sa tekstong iyong binasa?
A. Ang Mabinay Spring
B. Dahil sa sobrang linaw at linis ng tubig
C. Isa sa mga bantog at tanyag na yaman ng Mabinay ay ang Mabinay Spring.
D. Ito’y napalilibutan ng mga punongkahoy na nagbibigay ng lilim at natural na
kalamigan.

V. A. Basahin at ibigay ang iyong sariling hinuha sa pangyayari sa ibaba. Isulat ang titik
ng tamang sagot sa patlang.
Ang Nawalang Pera
ni Chell M. Cañon

Si Elma ay nag-aaral sa ikatlong baitang sa Mababang Paaralan ng Anibong.


Binigyan sila ng proyekto sa asignaturang MAPEH. Ito ay paggawa ng paso mula sa
plastic na bote. Kailangan itong pintahan. Kaya humingi siya ng pera sa kaniyang
nanay para pambili ng pintura. Binigyan si Elma ng dalawandaang piso para nito at
ito’y kaniyang inilagay sa bulsa ng kaniyang palda. Hindi niya alam na may butas pala
ang kaniyang bulsa.
Mga tanong

______18. Bakit kaya humingi ng pera si Elma sa kaniyang nanay?


A. para pambili ng laruan C. para pambili pintura
B.para pambili ng paso D.para pambili ng pagkain

______19. Ano kaya ang mangyayari sa pera ni Elma sa kaniyang bulsa?


A. Dumami ito.
B. Dumikit ang pera sa bulsa.
C. May pera na siyang pambili ng pagkain.
D. Mahuhulog ito at hindi na siya makabibili ng pintura.

VI. Kilalanin ang bahagi ng liham na nasa ibaba. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
patlang.

______20.

A. Pamuhatan C. Bating Panimula


B. Lagda D. Katawan ng Liham

______21. Anong bahagi ng liham ang nagsasaad ng mensahe o ang nais iparating ng taong
sumulat?
A. pamuhatan C. Bating Pangwakas
B. Lagda D. Katawan ng liham

______22. Alin sa mga sumusunod ang hindi bahagi ng liham?


A. pamuhatan C Bating Panimula
B. Talaan ng nilalaman D. Lagda
VII. Hanapin ang angkop na pang-abay na naglalarawan ng kilos upang mabuo ang diwa
ng bawat pangungusap. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.
______23. Maingat na ibinalik ni Michelle ang kanyang sapatos sa kahon. Alin ang pang-
abay sa pangungusap?
A. sapatos B. ibinalik C. maingat D. kahon

______24. ________binuksan ang pinto upang makapasok si Tiya Vina galing palengke.
A. Agad-agad C. Masayang
B. tuwing Linggo D. sa kusina

______25. ________tumayo ang may sakit kong pinsan.


A. Dahan-dahang C. Patalong
B. Masiglang D. Madaling

VII. A. Punan ang patlang ng wastong pang-ukol. Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang.
______26. __________World Health Organization (WHO), nakamamatay ang sakit na
COVID-19.
A. Ayon sa C. Para sa
B. Laban sa D. Galing sa

______27. Kailangang palakasin ang ating resistensya_________ COVID-19.


A. ukol sa C. ayon sa
B. laban sa D. tungkol sa

______28. Pinaigting ang curfew mga kabataang may gulang na 21 anyos pababa at mga
matatandang may gulang na 65 anyos pataas.
A. para sa C. ukol sa
B. tungkol sa D. laban sa

B.

Basahin at tukuyin kung alin ang sanhi o bunga sa pangyayari. Isulat ang titik ng tamang sagot
sa patlang.
______29. Alin sa pangyayari ang sanhi?
A. Hindi siya sumunod sa mga babala sa DOH.
B. Nagkasakit ng COVID-19 si Rose.
C. sa mga babala sa DOH
D. COVID-19 si Rose.

______30. Alin naman sa pangyayari ang bunga?


A. Hindi siya sumunod sa mga babala sa DOH.
B. Nagkasakit ng COVID-19 si Rose.
C. sa mga babala sa DOH
D. COVID-19 si Rose.

Inihanda ni:

ANGELA A. CORTES
TEACHER III

Iwinasto ni:

JENNIFER T. DE JESUS
MASTER TEACHER II

Sinang- Ayunan ni:

LISA G. AUSTRIA
PRINCIPAL IV

Republic of the Philippines


Department of Education
Region III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF BALANGA CITY
CATANING INTEGRATED SCHOOL
QUIRINO ST., SAN JOSE, BALANGA CITY

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 3

Susi sa Pagwawasto

1. B
2. A
3. B
4. B
5. A
6. A
7. B
8. D
9. D
10.B
11.A
12.B
13.B
14.C
15.B
16.C
17.D
18.C
19.D
20.A
21.D
22.B
23.C
24.A
25.A
26.A
27.B
28.A
29.A
30.B

You might also like