You are on page 1of 12

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OF ILOCOS NORTE
DAMPIG ELEMENTARY SCHOOL
Adams-Pagudpud District

ARALING PANLIPUNAN 4
IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT
SY 2022-2023

TALAHANAYAN NG ISPESIPIKASYON
Bilan DOMAINS
Pamantayan sa Bilang ng
g ng %
Pagkatuto Aytem R U A A E C
Araw
1. Napagsusunod-
sunod ang hakbang
2 5 2 1,2
ng isang gawain
F4PS-IIIa-8.6
2. Nakasusulat ng
simpleng resipi at
2 5 2 3,4
patalastas
F4PU-IIIa-2.4
3. Nagagamit ang
pang-abay sa 5,6,
3 7.5 3
paglalarawan ng kilos 7
F4WG-IIIa-c-6
4. Nailalarawan ang
tauhan batay sa
ikinilos, ginawi, sinabi
2 5 2 8,9
at naging
damdamin
F4PS-IIIb-2.1
5. Nasasagot ang
mga tanong sa
nabasa o
napakinggang
10,
editoryal, argumento, 2 5 2
11
debate, pahayagan,
at ipinapahayag sa
isang editorial cartoon
F4PB-IIIad-3.1
6. Natutukoy ang 2 5 2 12,
mahahalagang 13
detalye sa
napakinggang
editoryal
F4PN-IIId-18
7. Nasusuri kung
opinyon o
15,
katotohanan ang 3 7.5 3 14
16
isang pahayag
F4PB-IIIf-19
10. Nakasusulat ng
paliwanag; usapan;
puna tungkol sa isang
isyu; opinion tungkol 17,
2 5 2
sa isang isyu; ng mga 18
isyu/argumento para
sa isang debate
F4PU-IIIe-2.1
12. Natutukoy ang
kaibahan ng pang- 19,
3 7.5 3 21
abay at pang-uri 20
F4WG-IIId-e-9.1
13. Nagagamit ang
pariralang pang-abay
at pandiwa, pariralang 22,
2 5 2
pang-abay at pang-uri 23
sa paglalarawan
F4WG-IIId-e-9
14. Nagagamit nang
wasto ang pang-
angkop (–ng, -g at na)
2 5 2 24,25
sa pangunguap at
pakikipagtalastasan
F4WG-IIIf-g-10
15. Nakapagbibigay
ng angkop na
26,
pamagat sa 2 5 2
27
napakinggang teksto
F4PN-IIIg-17
17. Nabibigyan ng
angkop na pamagat 28,
2 5 2
ang talatang binasa 29
F4PB-IIIg-8
19. Nagagamit nang
wasto at angkop ang 30,31
3 7.5 3
mga pangatnig 32
F4WG-IIIh-11
21. Nagagamit nang
wasto at angkop ang
33,
simuno at panaguri sa 2 5 2 35
34
pangungusap
F4WG-IIIi-j-8
22. Nakasusulat ng 2 5 2 36, 38
talata na may sanhi at
bunga 37
F4PU-IIIi-2.1
23. Napagsusunod-
sunod ang mga
pangyayari sa
tekstong napakinggan
sa pamamagitan ng 1 2.5 1 39
paggamit ng una,
pangalawa, sumunod
at panghuli
F4PN-IIIj-8.4
24. Nakasusulat ng
balita na may
huwaran/ padron/
balangkas nang may
1 2.5 1 40
wastong
pagkakasunod-sunod
ng mga pangyayari**
F4PU-Id-h-2.1
**Observed through
actual class performance
100
TOTAL 40 40 12 12 6 6 2 2
%

Prepared by:

JONAHLYN V. PANCHO
Teacher I

Checked and reviewed by:

ARSENIA A. SUNIGA TARCILA O. AGRADE


School Guidance Coordinator Master Teacher I

NOTED:

HAZEL V. ABAD
Head Teacher I
Republic of the Philippines
Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OF ILOCOS NORTE
DAMPIG ELEMENTARY SCHOOL
Adams-Pagudpud District

FILIPINO 4
IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT
SY 2022-2023

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Itiman ang titik ng tamang sagot.

1. Ayusin ang tamang hakbang sa paglalaba. Piliin ang tamang pagkakaayos ng mga
bilang.

1. Sumunod, banlawan ito ng 3-4 na beses hanggang matanggal ang bula.


2. Una, ihiwalay ang mga puti sa de-kolor na damit at ibabad nang mahigit sa
30 minuto sa batyang may tubig at sabon.
3. Panghuli, pigaan nang husto, ipagpag bago isampay.
4. Pangalawa, isa-isang kusutin ang mga damit.

A. 1-2-3-4 B. 4-1-3-2 C. 2-4-1-3 D. 3-2-1-4

2. Piliin ang mga tamang salitang kukumpleto sa panuto sa pagluluto ng Banana Cue.
Ayusin din ang mga hakbang nito.

, talupan ang saging na saba. Pakuluin ang mantika sa kawali.


, ahunin ito sa kawali kung ito ay luto na at tuhugin sa patpat na panuhog.
, ihulog ang ilang saging, lagyan din ng asukal o panutsa ang kumukulong mantika.
_,haluin ito. Makikita mong natutunaw na asukal o panutsa ay kakapit sa
pinipritong saging.

A. Una, talupan ang saging na saba. Pakuluin ang mantika sa kawali.


Pangalawa, ihulog ang ilang saging, lagyan din ng asukal o panutsa ang kumukulong
mantika.
Sumunod, haluin ito. Makikita mong natutunaw na asukal o panutsa ay kakapit sa
pinipritong saging.
Panghuli, ahunin ito sa kawali kung ito ay luto na at tuhugin sa patpat na panuhog.

B. Una, haluin ito. Makikita mong natutunaw na asukal o panutsa ay kakapit sa pinipritong
saging.
Pangalawa, ahunin ito sa kawali kung ito ay luto na at tuhugin sa patpat na panuhog.
Sumunod, ihulog ang ilang saging, lagyan din ng asukal o panutsa ang kumukulong
mantika.
Panghuli, talupan ang saging na saba. Pakuluin ang mantika sa kawali.
C. Una, ihulog ang ilang saging, lagyan din ng asukal o panutsa ang kumukulong mantika.
Pangalawa, talupan ang saging na saba. Pakuluin ang mantika sa kawali.
Sumunod, haluin ito. Makikita mong natutunaw na asukal o panutsa ay kakapit sa
pinipritong saging.
Panghuli, ahunin ito sa kawali kung ito ay luto na at tuhugin sa patpat na panuhog.

D. Una, ahunin ito sa kawali kung ito ay luto na at tuhugin sa patpat na panuhog.
Pangalawa, haluin ito. Makikita mong natutunaw na asukal o panutsa ay kakapit sa
pinipritong saging.
Sumunod, talupan ang saging na saba. Pakuluin ang mantika sa kawali.
Panghuli, ihulog ang ilang saging, lagyan din ng asukal o panutsa ang kumukulong
mantika.

3. Alin sa mga sumusunod ang unang hakbang sa paggawa ng orihinal na resipi?


A. Paghanap sa google.
B. Pagbasa sa libro.
C. Pagkopya sa mga resipi ng iba at bagong mga sangkap.
D. Pagtuklas sa mga sagkap at paghahalo-halo dito upang makagawa ng masarap
na lasa.

4. Ang mga sumusunod ay tuntunin sa paggawa ng patalastas, alin sa mga sumusunod


ang
hindi?
A. Ang patalastas ay kompleto sa detalye
B. Ang patalastas ay maikli lamang at walang kulay.
C. Ang paggawa ng patalastas ay dapat makatotohanan.
D. Ang patalastas ay dapat nakaka-engganyo sa mga nanonood.

Panuto: Buoin ang bawat pangungusap ayon sa inilalarawan nitong konteksto at


sitwasyon sa pamamagitan ng pagpili sa angkop na pariralang pang-abay. Itiman ang titik
ng sagot.

5. _____________ ang dalagang si Jacell kaya lagi siyang nahuhuli.


A. Maagang magbihis B. Matagal magbihis
C. Nakangiting magbihis D. Masayang magbihis

6. Dumating __________ ang kanyang ina mula sa ibang bansa.


A. kaninang umaga B. bukas
C. sa susunod na araw D. mamaya

7. _______________ ang batang nahuli sa klase.


A. Masayang nagpaliwanag
B. Matapang na nagpaliwanag
C. Malakas na nagpaliwanag
D. Matiyagang nagpaliwanag

8. Sobra ang sukli na ibinigay ng tindera, Isinauli ni Nene ang sobrang sukli. Si Nene ay?
A. matulungin B. matapat C. masigla D. masungit
9. “Aba, oo naman anak sasama talaga ako sa inyo ng nanay mo at pagkatapos nating
magsimba ay pupunta tayo sa Lolo’t Lola mo para bisitahin sila dahil nag-aalala ako sa
kalagayan nila”. Si Mang Berting ay_____________?
A. mapagbigay B. maaalahanin C. malupit D. matulungin

10. Pag-aralan ang editorial cartoon. Ano ang paksang ipinahihiwatig nito?

A. halalan
B. rally
C. gutom
D. kapangyarihan

11. Sa iyong palagay, ano ang ipinahihiwatig ng editorial cartoon na ito?


A. Pigilan ang dinastiyang politikal.
B. May sapat na pundo ang COMELEC.
C. Bigyang ng kapangyarihan ang pulitiko.
D. Hayaan ng COMELEC ang lahat na bumoto.

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang editorial. Sagutin ang mga katanunganat itiman
ang letra ng tamang sagot.

Nakakatakot na Virus, Laganap sa Sanlibutan


Rodrigo G. Embestro

Nagulo ang normal na pamumuhay ng mga tao sa sanlibutan nang umusbong ang isang
nakatatakot na sakit na maaaring kumitil sa buhay ninuman. Maaari itong bata, matanda, babae,
lalaki, mayaman o mahirap. Kaya’t naalarma nang husto ang mga tao at gumawa ng paraan ang
gobyerno upang maiwasan ang pagdami nang maaapektuhan ng virus na ito na tinatawag na
COVID-19.
Ang COVID-19 ay nabubuhay lamang sa isang tirahan o host. Sa mga pag-aaral, ito ay
dating naninirahan sa mga hayop na paniki at pangolin. Ngunit ang tao’y lubhang naging
mapanuklas at lubos na nakialam sa naturalisa ng kalikasan. Hinuhuli at pinapatay ang mga paniki
at pangolin upang kanilang gawing alaga o kaya’y gawing pagkain. Kung kaya’t ang virus na ito ay
nawalan ng tirahan at ang naging epekto nito sa kanila ay ang humanap ng bagong matitirhan.
Hindi nito nais na kumitil o maghasik ng lagim sa sangkatauhan. Ito’y epekto lamang ng ating
kagagawan. Kung mayroon mang dapat sisihin dito ay walang iba kundi tao. Binibigyan tayo ng
masakit na halimbawa ng COVID 19 at paalala na tayo’y may limitasyon sa bawat gawain at
maunawaan nating ang mundo ay hindi lamang para atin.
Ngayon tayo’y nahaharap sa matinding pagsubok. Isiping mabuti ang kaligtasan ng
bawat isa kaysa sa pansariling kapakanan. Ang mga pagsubok na ito ay maging gabay at aral sa
ating pamumuhay. Sana, masilayan muli ang liwanag na inaasam-asam ng sanlibutan.

12. Sino ang tinutukoy sa editorial na dapat may limitasyon sa bawat gawain?
A. pamahalaan B. paniki C. kalikasan D. tao

13. Paano ka makatutulong sa pagsugpo ng COVID-19?


A. Manghuli ng paniki at gawing pagkain.
B. Mag-post sa Facebook ng mga nararanasan.
C. Sisihin ang pamahalaan sa mga nangyayari.
D. Manatili sa loob ng bahay at umiwas sa mga pagtitipon.

14. Ang ay nagpapahayag ng mga bagay o pangyayaring may sapat na


batayan o patunay. Ito ay pangyayaring tunay na naganap.
A. reaksyon B. katotohan C. opinyon D. suhestiyon

15. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng OPINYON?


A. Si Andres Bonifacio ang itinuturing na Ama ng Katipunan.
B. Sina Ciriaco at Procopio ay mga kapatid ni Andres Bonifacio.
C. Para sa akin, si Andres Bonifacio ang pinakamatapang na bayani ng ating bansa.
D. Mababasa sa Aklat ng Kasaysayan na ipinagdiriwang ang Araw ni Bonificio
tuwing
ika-30 ng Nobyembre.

16. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng KATOTOHANAN?


A. Pakiwari ko, mayroon na ding bakunang maibibigay sa atin
B. Para sa akin, mainam na magpabakuna upang ligtas tayo sa sakit na COVID 19.
C. Batay sa tala ng Kagawaran ng Edukasyon, unti-unti nang nababawasan ang
mga
out of school youth.
D. Sa aking palagay, marami sa ating kababayan ang naghihirap ngayon dahil sa
taas
ng presyo ng mga bilihin.

17. Alin sa mga sumusunod ang kabilang sa dahilan nang hindi sang-ayon?
A. Dumaan sa pag-aaral
B. Emosyonal at sosyal na dahilan
C. Bigyang daan ang nararapat na paraan
D. Saksi dito ang lahat nang mga nagtapos at dumaan sa ganitong pamamaraan

18. Alin sa mga pahayag ang sang-ayon sa “No Assignment Policy”?


A. Hindi sasapat ang walong oras bawat araw sa pagtuturo.
B. Hindi ito malinaw sa Child Protection Policy bilang bawal.
C. Ito’y dumaan sa masusing pag-aaral at may layuning bigyan daan ang mas
nararapat sa mga mag-aaral.
D. Karapatan ng isang bata ang matuto at tumuklas ng sariling kaparaanan o
kaisipang kritikal habang gumagawa ng takdang aralin.

19. Mabilis maglakad ang bata. Ang salitang nasalungguhitan ay isang .


A. pang-uri B. pang-abay C. pandiwa D. pangngalan

20. Mapagmahal na kapatid si Maria. Ang salitang nasalungguhitan ay isang .


A. pang-uri B. pang-abay C. pandiwa D. pangngalan

21. Alin sa mga nasalungguhitang salita ang ginamit bilang pang-abay?


A. Masarap ang mga pagkain sa kanilang restawran.
B. Masayang mamasyal sa malawak na hardin ni Ana.
C. Mahigpit na niyakap ng Ina ang kanyang mga anak.
D. Ang mga hayop ay mapayapang naninirahan sa kagubatan.

Panuto: Piliin ang tamang pariralang pang-abay na bubuo sa pangungusap.

22. si Roberto para sa mahabang pagsusulit.


A. Nag-aral nang husto B. Husto ang aral
C. Husto ang pag-aaral D. Hustong nag-aaral

23. tumulong sa mga mahal sa buhay.


A. Talagang mahirap B. Lubhang di kaya ang
C. Totoong masarap D. Talagang nakakalungkot

24. Madalin araw na umuwi si Karding. Alin ang tamang pang-angkop ang bubo sa
pangungusap?
A. ng B. g C. na D. ang

25. Ang mag-aaral masipag ay makakamit ang pangarap.


A. ng B. g C. na D. ang

26. Ang pamilyang Pilipino ay isang napakahalagang institusyon. Sa gitna ng maraming


suliranin, dapat umiral ang pagmamahalan, pagkakaisa at pagtutulungan upang lalong
tumibay ang pagsasamahan ng isa’t isa. Anumang problema ang dumating, kailangang
mapanatiling buo at matatag ang pamilya. Bukod dito biyaya ng Diyos ang ating
pamilya
kaya’t patuloy mong ingatan.
A. Ang Pamilyang Pilipino B. Ang Problema sa Pamilya
C. Ang Pamilya D. Biyaya ng Diyos ang Pamilya

27. Isa sa mga tradisyon nating mga Pilipino ay ang kapistahan. Ang bawat lugar sa ating
bansa ay may kapistahang ipinagdiriwang bilang pasasalamat sa kanilang patron. Isa
pang kilalang tradisyon natin ay ang bayanihan. Ang bayanihan ay ang pagtutulungan
ng mga tao para sa isang gawain. May mga kababayan pa rin tayong sumusunod sa
ganitong tradisyon lalo na sa mga lalawigan.
A. Tradisyon ng mga Pilipino B. Ang Bayanihan
C. Kapistahan ng mga Pilipino D. Mga Kapistahan sa lalawigan

28. Kilalang “aswang” raw si Mang Albert na taga Baryo Buanga. Marami na sa mga
kapitbahay niya ang lumipat sa ibang baryo hanggang sa isang araw, may iplinano ang
mga tao laban sa kanya. Alin ang pinakaangkop na pamagat?
A. Ang “Aswang” Sa Baryo Buanga B. Ang “Aswang”
C. Si Mang Albert Sa Baryo Buanga D. Tao laban sa “Aswang”

29. Pinakbet ang paborito kong ulam. Lalo itong nagiging masarap para sa akin kapag ang
nanay ang nagluluto. Marami akong nakakain tuwing pinakbet ang aming ulam.
A. Ang Pinakbet B. Ang Masarap na Pinakbet
C. Ang Paborito kong Ulam D. Pinakbet na Luto ni Nanay

Panuto: Piliin ang wastong pangatnig na bubuo sa pangungusap.


30. Hindi biro ang ginagastos ng mga magulang sa pagpapaaral _____ mahal ang
matrikula
at pambaon araw-araw.
A. dahil B. ngunit C. upang D. subalit

31. Hindi pa ____ siya makakauwi bukas dahil may pupuntahan pa siya.
A. daw B. raw C. sa wakas D. siya rin

32. Sabihin mo lang sa akin _________ ang kailangan mo at bibigyan kita.


A. kung sino B. kung ano C. raw D. daw

33. Ano ang tawag sa nasalungguhitang salita sa pangungusap?


Ang mga guro ay abala sa paggawa ng mga modyul.

A. simuno B. panaguri C. pandiwa D. panghalip

34. Alin ang buong simuno sa pangungusap?


Ang mabuting paghuhugas ng mga kamay ay mabisang paraan para maiwasan ang
iba’t ibang sakit.

A. ay mabisang paraan
B. para maiwasan ang iba’t ibang sakit
C. ang mabuting paghuhugas ng mga kamay
D. ay mabisang paraan para maiwasan ang iba’t ibang sakit

35. Alin ang buong panaguri sa pangungusap?


Ibibili ko ng bagong bag si Jackie.

A. si Jackie B. Ibibili ko ng bagong bag


C. ng bagong bag D. Ibibili

36. Walang pambili ng aklat si Pule, kaya nakikibasa nalang siya.


Alin ang SANHI sa pangungusap?

A. kaya nakikibasa B. walang pambili ng aklat


C. si Pule D. nalang siya

37. Palaging mataas ang kanyang marka, kaya hinahangaan siya ng kanyang mga guro at
kamag-aral. Alin ang BUNGA sa pangungusap?

A. palaging mataas ang kanyang marka


B. kaya hinahangaan siya
C. mga guro at kamag-aral
D. mataas na marka

38. Bumili ng mga bagong kagamitan para sa eskuwela sina Jun at Erica kasi malapit na
ang pasukan. Alin ang BUNGA sa pangungusap?

A. malapit na ang pasukan


B. mga bagong kagamitan
C. para sa eskuwela sina Jun at Erica
D. bumili ng mga bagong kagamitan

Panuto: Makinig nang mabuti sa kuwentong babasahin ng guro, pagkatapos ay


pagsunod-sunurin ang mga nangyari sa loob ng kuwento.
Maraming nakukuhang pakinabang sa mga gawaing-kamay. Karamihan sa mga gawaing ito
ay nagisimula lamang sa isang libangan at nauuwi sa isang hanapbuhay bagamat ginagawa
lamang sa tahanan. Ang ating mga kalakal na ginawa ng kamay ay hinahangaan din maging sa
ibang bansa. Ang mga ito’y nagpapasok ng dolyar kaya’t nakakatulong ito sa pagpapaunlad ng
ating ekonomiya.
Isang araw nagkaroon ng pagtatanghal ng iba’t ibang gawaing-kamay sa bulwagan ng
Mataas na Paaralan ng Bughaw. Maraming mga bisita at tagahatol ang dumalo. Sinuri at tiningnan
nilang mabuti ang mga nakadisplay tungkol sa iba’t ibang disenyo ng mga gawaing-kamay. Bawat
isa sa kanila ay may kaniya-kaniyang puna at papuring maririnig.
Nagkaroon ng ganitong usapan ang ilang batang mag-aaral.
“Wow! Kay galing naman ng taong gumawa nito. Makukulay at magaganda ang mga
palamuting ito dahil sa maayos na pagkakapinta,” puna ni Joed.
“Oo nga, ito ang iba’t ibang produkto ng kabibe: pantalya, chandelier, chimes, butones at
suklay,” wika ni Jerome. Sa katuwaan, hinawakan niya ang isang suklay ngunit ito ay nabitiwan
niya, tuloy napingasan ito. Ganoon na lamang ang takot ni Jerome.
Agad naming dinampot ito ni Joed at ipinaalam niya sa tagapamahala ng bulwagan.

39. Piliin ang tamang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa kwento.


1. Sumang-ayon si Jerome sa papuri ni Joed sa mga gawaing-kamay.
2. Nagpapasok ng dolyar sa ating bansa ang mga gawaing-kamay
3. Ang mga gawaing ito ay nagsisimula sa isang libangan at nauwi sa isang
hanapbuhay.
4. Nagkaroon ng pagtatanghal ng iba’t ibang gawaing-kamay sa bulwagan ng
paaralan.
5. Puring-puri ng isang mag-aaral ang mg magagandang palamuting itinanghal.

A. 3-5-1-2-4 C. 3-4-2-1-5
B. 3-2-4-5-1 D. 3-1-2-4-5

40. Alumni ng ZAHS Namigay ng Tulong sa mga Mag-aaral


ni: Girlie Marie L. Penales

(A) Ayon kay G. Cloyd Lagyap, Koordineytor ng labis ang kanilang pasasalamat sa mainit na
tugon ng alumni sa kanilang mga proyekto kaugnay ng pagbabalik eskuwela sa darating na
ika-24 ng Agosto. Ang ZAHS ay nakatanggap na ng mga bisikleta, face masks, face shields,
mga alkohol at bitamina C na lahat ay ipamamahagi sa mga mag-aaral para makatulong sa
kanila.

(B) Naging aktibo sa pagbibigay ng tulong ang mga dating mag-aaral ng Zeferino Arroyo High
School sa Lungsod Iriga. Ito ay bilang suporta sa Brigada Eskuwela ng nasabing paaralan sa
pagsimula ng klase para sa taong 2020-2021.

(C) Inaasahang dadami pa ang donasyong matatanggap ng ZAHS sa mga susunod na araw.
Ayon naman sa punongguro na si Dr. Kudy D. Bolante, ang alumni ng kanilang paaralan ay
itinuturing nilang mga bayani dahil sa pagiging mapagmalasakit ng mga ito.

(D) Ang pagbubukas ngayon ng klase ay naantala dahil sa pandemyang naranasan ng buong
mundo sanhi ng COVID-19.
Alin ang tamang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa balita?

A. B-A-C-D C. C-D-A-B
B. A-C-B-D D. D-B-C-A

ANSWER KEY: FILIPINO 4 Q3

1. C
2. A
3. D
4. B
5. C
6. A
7. B
8. B
9. B
10. B
11. A
12. D
13. D
14. B
15. C
16. C
17. C
18. C
19. B
20. A
21. A
22. A
23. B
24. B
25. C
26. A
27. A
28. A
29. C
30. A
31. B
32. B
33. A
34. C
35. B
36. B
37. B
38. D
39. B
40. A

You might also like