You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

Department of Education
Caraga Region
Division of Agusan del Norte
Nasipit Northwest District
TABON ELEMENTARY SCHOOL
__________________________________________________________________________
FILIPINO 4
IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT
S.Y 2023-2024

TALAHANAYAN NG ISPESIPIKASYON

Bilang Bilang DOMAINS


Pamantayan sa Pagkatuto ng % ng
R U A A E C
Araw Aytem
1. Nakapagbibigay ng hakbang ng
isang gawain 2 5% 2 1,2
F4PS-IIIa-8.6
2. Nakasusulat ng simpleng resipi
at patalastas 2 5% 2 3,4
F4PU-IIIa-2.4
3. Nagagamit ang pang-abay sa
5,6,
paglalarawan ng kilos 4 7% 3
7
F4WG-IIIa-c-6
4. Nailalarawan ang tauhan batay
sa ikinilos, ginawi, sinabi at
2 5% 2 8,9
nagging damdamin
F4PS-IIIb-2.1
5. Nasasagot ang mga tanong sa
nabasa o napakinggang editoryal,
10,1
argumento, debate, pahayagan, 2 5% 2
1
at ipinapahayag sa isang editorial
cartoon F4PB-IIIad-3.1
6. Naisasalaysay ang
mahahalagang detalye sa 12,1
2 5% 2
napakinggang editoryal 3
F4PN-IIId-18
7. Nasusuri kung opinyon o
15,
katotohanan ang isang pahayag 4 7% 3 14
16
F4PB-IIIf-19
8. Nagagamit sa pagpapahayag
ang magagalang na salita sa hindi
pagsangayon pakikipag- - - - - - - - - -
argumento o pakikipagdebate**
F4PS-IIId12.13
9. Nakasusulat ng argumento at
editorial** F4PU-IIIf-2.3 - - - - - - - - -
F4PU-IIId-2.5
10. Nakasusulat ng paliwanag;
usapan ; puna tungkol sa isang
isyu; opinion tungkol sa isang 17,1
2 5% 2
isyu; ng mga isyu/argumento para 8
sa isang debate
F4PU-IIIe-2.1
11. Nakapagbibigay ng reaksiyon - - - - - - - - -
sa napakinggang paliwanag; sa
isyu mula sa napakinggang ulat**
F4PS-IIIe-8.8 F4PS-IIIi-92
12. Natutukoy ang kaibahan ng
19,
pang-abay at pang-uri 4 8% 3 21
20
F4WG-IIId-e-9.1
13. Nagagamit ang pariralang
pang-abay at pandiwa, pariralang 22,
2 5% 2
pang-abay at pang-uri sa 23
paglalarawan F4WG-IIId-e-9
14. Nagagamit nang wasto ang
pang-angkop (–ng, -g at na) sa
24,2
pangunguap at 2 5% 2
5
pakikipagtalastasan
F4WG-IIIf-g-10
15. Nakapagbibigay ng angkop na
26,
pamagat sa napakinggang teksto 2 5% 2
27
F4PN-IIIg-17
16. Naiuugnay ang sariling
karanasan sa napakinggang
- - - - - - - - -
teksto**
F4PS-IIIg-4
17. Nabibigyan ng angkop na
28,
pamagat ang talatang binasa 2 5% 2
29
F4PB-IIIg-8
18. Naisasalaysay muli ang
napakinggang teksto gamit ang
- - - - - - - - -
sariling salita**
F4PS-III-h-6.6
19. Nagagamit nang wasto at
angkop ang pangatnig
- o, ni, maging, man
- kung, kapag, pag, atbp.
- ngunit, subalit, atbp. 30,3
- dahil sa, sapagkat, atbp. 4 8% 3 1
- sa wakas, atbp. 32
- kung gayon, atbp.
- daw, raw, atbp.
-kung sino, kung ano, siya rin
atbp. F4WG-IIIh-11
20. Naipakikita ang pag-unawa sa
pinanood sa pamamagitan ng
pagbibigay ng ibang pagwawakas - - - - - - - - -
ayon sa sariling saloobin o
paniniwala** F4PD-IIIh-7.2
21. Nagagamit nang wasto at
33,
angkop ang simuno at panaguri 4 8% 3 35
34
sa pangungusap F4WG-IIIi-j-8
22. Nakasusulat ng talata na may 36,
4 8% 3 38
sanhi at bunga** F4PU-IIIi-2.1 37
23. Napagsusunod-sunod ang 1 2% 1 39
mga pangyayari sa tekstong
napakinggan sa pamamagitan ng
paggamit ng una, pangalawa,
sumunod at panghuli
F4PN-IIIj-8.4
24. Nakasusulat ng balita na may
huwaran/ padron/ balangkas nang
may wastong pagkakasunod- 1 2% 1 40
sunod ng mga pangyayari**
F4PU-Id-h-2.1
TOTAL 45 100% 40 24 12 4

Prepared by:

SHIELA MAE P. YONSON


Teacher

Noted by:
GRACE M. CENIZA
School Principal II
Republic of the Philippines
Department of Education
Caraga Region
Division of Agusan del Norte
Nasipit Northwest District
STA. ANA ELEMENTARY SCHOOL

FILIPINO 4
IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Ayusin ang tamang hakbang sa paglalaba. Piliin ang tamang pagkakaayos ng mga bilang.
1. Sumunod, banlawan ito ng 3-4 na beses hanggang matanggal ang bula.
2. Una, ihiwalay ang mga puti sa de-kolor na damit at ibabad nang mahigit sa
30 minuto sa batyang may tubig at sabon.
3. Panghuli, pigaan nang husto, ipagpag bago isampay.
4. Pangalawa, isa-isang kusutin ang mga damit.
A. 1-2-3-4 B. 4-1-3-2 C. 2-4-1-3 D. 3-2-1-4

2. Piliin ang mga tamang salitang kukumpleto sa panuto sa pagluluto ng Banana Cue. Ayusin din ang mga
hakbang nito.

, talupan ang saging na saba. Pakuluin ang mantika sa kawali.


, ahunin ito sa kawali kung ito ay luto na at tuhugin sa patpat na panuhog.
, ihulog ang ilang saging, lagyan din ng asukal o panutsa ang kumukulong mantika.
, haluin ito. Makikita mong natutunaw na asukal o panutsa ay kakapit sa pinipritong saging.

A. Una, talupan ang saging na saba. Pakuluin ang mantika sa kawali.


Pangalawa, ihulog ang ilang saging, lagyan din ng asukal o panutsa ang kumukulong mantika.
Sumunod, haluin ito. Makikita mong natutunaw na asukal o panutsa ay kakapit sa pinipritong
saging.
Panghuli, ahunin ito sa kawali kung ito ay luto na at tuhugin sa patpat na panuhog.

B. Una, haluin ito. Makikita mong natutunaw na asukal o panutsa ay kakapit sa pinipritong saging.
Pangalawa, ahunin ito sa kawali kung ito ay luto na at tuhugin sa patpat na panuhog.
Sumunod, ihulog ang ilang saging, lagyan din ng asukal o panutsa ang kumukulong mantika.
Panghuli, talupan ang saging na saba. Pakuluin ang mantika sa kawali.

C. Una, ihulog ang ilang saging, lagyan din ng asukal o panutsa ang kumukulong mantika.
Pangalawa, talupan ang saging na saba. Pakuluin ang mantika sa kawali.
Sumunod, haluin ito. Makikita mong natutunaw na asukal o panutsa ay kakapit sa pinipritong
saging.
Panghuli, ahunin ito sa kawali kung ito ay luto na at tuhugin sa patpat na panuhog.

D. Una, ahunin ito sa kawali kung ito ay luto na at tuhugin sa patpat na panuhog.
Pangalawa, haluin ito. Makikita mong natutunaw na asukal o panutsa ay kakapit sa pinipritong
saging.
Sumunod, talupan ang saging na saba. Pakuluin ang mantika sa kawali.
Panghuli, ihulog ang ilang saging, lagyan din ng asukal o panutsa ang kumukulong mantika.

3. Alin sa mga sumusunod ang unang hakbang sa paggawa ng orihinal na resipi?


A. Paghanap sa google.
B. Pagbasa sa libro.
C. Pagtuklas sa mga sagkap at paghahalo-halo dito upang makagawa ng masarap na lasa.
D. Pagkopya sa mga resipi ng iba at bagong mga sangkap.

4. Ang mga sumusunod ay tuntunin sa paggawa ng patalastas, alin sa mga sumusunod ang hindi?
A. Ang paggawa ng patalastas ay dapat makatotohanan.
B. Ang patalastas ay dapat nakaka-engganyo sa mga nanonood.
C. Ang patalastas ay kompleto sa detalye.
D. Ang patalastas ay maikli lamang at walang kulay.
Panuto: Buoin ang bawat pangungusap ayon sa inilalarawan nitong konteksto at sitwasyon sa pamamagitan
ng pagpili sa angkop na pariralang pang-abay. Piliin ang titik ng tamang sagot.

5. _____________ ang dalagang si Jacell kaya lagi siyang nahuhuli.


A. Maagang magbihis C. Matagal magbihis
B. Nakangiting magbihis D. Masayang magbihis

6. Dumating __________ ang kanyang ina mula sa ibang bansa.


A. kaninang umaga C. bukas
B. sa susunod na araw D. mamaya

7. _______________ ang batang nahuli sa klase.


A. Masayang nagpaliwanag
B. Matapang na nagpaliwanag
C. Malakas na nagpaliwanag
D. Matiyagang nagpaliwanag

8. Sobra ang sukli na ibinigay ng tindera, Isinauli ni Nene ang sobrang sukli. Si Nene ay?
A. matulungin B. matapat C. masigla D. masungit

9. “Aba, oo naman anak sasama talaga ako sa inyo ng nanay mo at pagkatapos nating magsimba ay pupunta
tayo sa Lolo’t Lola mo para bisitahin sila dahil nag-aalala ako sa kalagayan nila”. Si Mang Berting
ay_____________?
A. mapagbigay B. maaalahanin C. malupit D. matulungin

10. Pag-aralan ang editorial cartoon. Ano ang paksang ipinahihiwatig nito?

A. halalan
B. rally
C. gutom
D. kapangyarihan

11. Sa iyong palagay, ano ang ipinahihiwatig ng editorial cartoon na ito?


A. Hayaan ng COMELEC ang lahat na bumoto.
B. Pigilan ang dinastiyang politikal.
C. May sapat na pundo ang COMELEC.
D. Bigyang ng kapangyarihan ang pulitiko.

Panuto: Makinig nang mabuti sa guro sa babasahin niyang editoryal tungkol sa COVID 19 at sagutin ang mga
tanong. Bilugan ang letra ng tamang sagot.
Nakakatakot na Virus, Laganap sa Sanlibutan
Rodrigo G. Embestro

Nagulo ang normal na pamumuhay ng mga tao sa sanlibutan nang umusbong ang isang
nakatatakot na sakit na maaaring kumitil sa buhay ninuman. Maaari itong bata, matanda, babae,
lalaki, mayaman o mahirap. Wala itong pinipiling estado sa buhay. Kaya’t naalarma nang husto ang mga
tao at gumawa ng paraan ang gobyerno upang maiwasan ang pagdami nang maaapektuhan ng virus na ito
na tinatawag na COVID-19.
Ang COVID-19 ay nabubuhay lamang sa isang tirahan o host. Sa mga pag-aaral, ito ay dating
naninirahan sa mga hayop na paniki at pangolin. Ngunit ang tao’y lubhang naging mapanuklas at lubos na
nakialam sa naturalisa ng kalikasan. Hinuhuli at pinapatay ang mga paniki at pangolin upang kanilang
gawing alaga o kaya’y gawing pagkain. Kung kaya’t ang virus na ito ay
nawalan ng tirahan at ang naging epekto nito sa kanila ay ang humanap ng bagong matitirhan. Hindi nito
nais na kumitil o maghasik ng lagim sa sangkatauhan. Ito’y epekto lamang ng ating
kagagawan. Kung mayroon mang dapat sisihin dito ay walang iba kundi tao. Binibigyan tayo ng masakit na
halimbawa ng COVID 19 at paalala na tayo’y may limitasyon sa bawat gawain at
maunawaan nating ang mundo ay hindi lamang para atin.
Ngayon tayo’y nahaharap sa matinding pagsubok. Isiping mabuti ang kaligtasan ng bawat isa
kaysa sa pansariling kapakanan. Ang mga pagsubok na ito ay maging gabay at aral sa ating pamumuhay.
Sana, masilayan muli ang liwanag na inaasam-asam ng sanlibutan.

12. Sino ang tinutukoy sa editorial na dapat may limitasyon sa bawat gawain?
A. pamahalaan B. paniki C. kalikasan D. tao
13. Paano ka makatutulong sa pagsugpo ng COVID-19?
A. Manatili sa loob ng bahay at umiwas sa mga pagtitipon.
B. Sisihin ang pamahalaan sa mga nangyayari.
C. Mag-post sa Facebook ng mga nararanasan.
D. Manghuli ng paniki at gawing pagkain.

14. Ang ay nagpapahayag ng mga bagay o pangyayaring may sapat na batayan o


patunay. Ito ay pangyayaring tunay na naganap.
A. reaksyon B. katotohan C. opinyon D. suhestiyon

15. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng OPINYON?


A. Para sa akin, si Andres Bonifacio ang pinakamatapang na bayani ng ating bansa.
B. Si Andres Bonifacio ang itinuturing na Ama ng Katipunan.
C. Sina Ciriaco at Procopio ay mga kapatid ni Andres Bonifacio.
D. Mababasa sa Aklat ng Kasaysayan na ipinagdiriwang ang Araw ni Bonificio tuwing ika-30 ng
Nobyembre.

16. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng KATOTOHANAN?


A. Sa aking palagay, marami sa ating kababayan ang naghihirap ngayon dahil sa pandemya.
B. Pakiwari ko, mayroon na ding bakunang maibibigay sa atin.
C. Batay sa tala ng Kagawaran ng Edukasyon, unti-unti nang nababawasan ang mga out of school
youth.
D. Para sa akin, mainam na magpabakuna upang ligtas tayo sa sakit na COVID 19.

17. Alin sa mga sumusunod ang kabilang sa dahilan nang hindi sang-ayon?
A. Emosyonal at sosyal na dahilan
B. Dumaan sa pag-aaral
C. Bigyang daan ang nararapat na paraan
D. Saksi dito ang lahat nang mga nagtapos at dumaan sa ganitong pamamaraan
18. Alin sa mga pahayag ang sang-ayon sa “No Assignment Policy”?
A. Ito’y dumaan sa masusing pag-aaral at may layuning bigyan daan ang mas nararapat sa mga mag-
aaral.
B. Hindi sasapat ang walong oras bawat araw sa pagtuturo.
C. Karapatan ng isang bata ang matuto at tumuklas ng sariling kaparaanan o kaisipang kritikal habang
gumagawa ng takdang aralin.
D. Hindi ito malinaw sa Child Protection Policy bilang bawal.

19. Mabilis maglakad ang bata. Ang salitang nasalungguhitan ay isang .


A. pang-uri B. pang-abay C. pandiwa D. pangngalan

20. Mapagmahal na kapatid si Maria. Ang salitang nasalungguhitan ay isang .


A. pang-uri B. pang-abay C. pandiwa D. pangngalan

21. Alin sa mga nasalungguhitang salita ang ginamit bilang pang-uri?


A. Masarap ang mga pagkain sa kanilang restawran.
B. Masayang mamasyal doon.
C. Mahigpit na niyakap ng Ina ang kanyang mga anak.
D. Ang mga hayop ay mapayapang naninirahan sa kagubatan.

Panuto: Piliin ang tamang pariralang pang-abay na bubuo sa pangungusap.

22. si Roberto para sa mahabang pagsusulit.


A. Nag-aral nang husto C. Husto ang aral
B. Husto ang pag-aaral D. Hustong nag-aaral

23. tumulong sa mga mahal sa buhay.


A. Talagang mahirap C. Lubhang di kaya ang
B. Totoong masarap D. Talagang nakakalungkot

24. Madalin araw na umuwi si Karding. Alin ang tamang pang-angkop ang bubo sa pangungusap?
A. ng B. g C. na D. ang

25. Aling pang-angkop ang tamang gagamitin sa pangungusap na nasa ibaba.


Ang mag-aaral masipag ay makakamit ang pangarap.
A. ng B. g C. na D. ang

Panuto: Makinig nang mabuti sa tekstong babasahin ng guro. Piliin ang angkop na pamagat ng bawat teksto.
26. Ang pamilyang Pilipino ay isang napakahalagang institusyon. Sa gitna ng maraming suliranin, dapat umiral
ang pagmamahalan, pagkakaisa at pagtutulungan upang lalong tumibay ang pagsasamahan ng isa’t isa.
Anumang problema ang dumating, kailangang mapanatiling buo at matatag ang pamilya. Bukod dito biyaya ng
Diyos ang ating pamilya kaya’t patuloy mong ingatan.
A. Ang Pamilyang Pilipino C. Ang Problema sa Pamilya
B. Ang Pamilya D. Biyaya ng Diyos ang Pamilya

27. Isa sa mga tradisyon nating mga Pilipino ay ang kapistahan. Ang bawat lugar sa ating bansa ay may
kapistahang ipinagdiriwang bilang pasasalamat sa kanilang patron. Isa pang kilalang tradisyon natin ay ang
bayanihan. Ang bayanihan ay ang pagtutulungan ng mga tao para sa isang gawain. May mga kababayan pa
rin tayong sumusunod sa ganitong tradisyon lalo na sa mga lalawigan.
A. Tradisyon ng mga Pilipino C. Ang Bayanihan
B. Kapistahan ng mga Pilipino D. Mga Kapistahan sa lalawigan

28. Kilalang “aswang” raw si Mang Albert na taga Baryo Buanga. Marami na sa mga kapitbahay niya ang
lumipat sa ibang baryo hanggang sa isang araw, may iplinano ang mga tao laban sa kanya. Alin ang
pinakaangkop na pamagat?
A. Ang “Aswang” Sa Baryo Buanga C. Ang “Aswang”
B. Si Mang Albert Sa Baryo Buanga D. Tao laban sa “Aswang”

29. Pinakbet ang paborito kong ulam. Lalo itong nagiging masarap para sa akin kapag ang nanay ang
nagluluto. Marami akong nakakain tuwing pinakbet ang aming ulam.
A. Ang Pinakbet C. Ang Masarap na Pinakbet
B. Ang Paborito kong Ulam D. Pinakbet na Luto ni Nanay

Panuto: Piliin ang wastong pangatnig na bubuo sa pangungusap.

30. Aling sa mga sumusunod na pangatnig ang angkop na gagamitin sa pangungusap na nasa ibaba.
Hindi biro ang ginagastos ng mga magulang sa pagpapaaral _____ mahal ang matrikula at pambaon araw-
araw.
A. dahil B. ngunit C. upang D. subalit

31. Hindi pa ____ siya makakauwi bukas dahil may pupuntahan pa siya. Alin ang angkop na pangatnig na
bubuo sa pangungusap?
A. daw B. raw C. sa wakas D. siya rin

32. Sabihin mo lang sa akin _________ ang kailangan mo at bibigyan kita.


A. kung sino B. kung ano C. raw D. daw

33.Suriing mabuti ang pangungusap na nasa ibaba. Ano ang katawagan sa nasalungguhitang salita sa
pangungusap?
Ang mga guro ay abala sa paggawa ng mga modyul.

A. simuno B. panaguri C. pandiwa D. panghalip

34. Alin ang buong simuno sa pangungusap?


Ang mabuting paghuhugas ng mga kamay ay mabisang paraan para maiwasan ang iba’t ibang sakit.

A. ay mabisang paraan
B. para maiwasan ang iba’t ibang sakit
C. ang mabuting paghuhugas ng mga kamay
D. ay mabisang paraan para maiwasan ang iba’t ibang sakit

35. Alin ang buong panaguri sa pangungusap?


Ibibili ko ng bagong bag si Jackie.

A. si Jackie C. Ibibili ko ng bagong bag


B. ng bagong bag D. Ibibili

36. Walang pambili ng aklat si Pule, kaya nakikibasa nalang siya.


Alin ang SANHI sa pangungusap?

A. kaya nakikibasa B. si Pule C. walang pambili ng aklat D. nalang siya

37. Palaging mataas ang kanyang marka, kaya hinahangaan siya ng kanyang mga guro at kamag-aral.
Alin ang BUNGA sa pangungusap?
A. palaging mataas ang kanyang marka
B. kaya hinahangaan siya
C. mga guro at kamag-aral
D. mataas na marka
38. Bumili ng mga bagong kagamitan para sa eskuwela sina Jun at Erica kasi malapit na ang pasukan.
Alin ang BUNGA sa pangungusap?

A. malapit na ang pasukan


B. mga bagong kagamitan
C. para sa eskuwela sina Jun at Erica
D. bumili ng mga bagong kagamitan

Panuto: Makinig nang mabuti sa kuwentong babasahin ng guro, pagkatapos ay pagsunod-sunurin ang mga
nangyari sa loob ng kuwento.
Maraming nakukuhang pakinabang sa mga gawaing-kamay. Karamihan sa mga gawaing ito ay
nagisimula lamang sa isang libangan at nauuwi sa isang hanapbuhay bagamat ginagawa lamang sa
tahanan. Ang ating mga kalakal na ginawa ng kamay ay hinahangaan din maging sa ibang bansa. Ang
mga ito’y nagpapasok ng dolyar kaya’t nakakatulong ito sa pagpapaunlad ng ating ekonomiya.
Isang araw nagkaroon ng pagtatanghal ng iba’t ibang gawaing-kamay sa bulwagan ng Mataas na
Paaralan ng Bughaw. Maraming mga bisita at tagahatol ang dumalo. Sinuri at tiningnan nilang mabuti ang
mga nakadisplay tungkol sa iba’t ibang disenyo ng mga gawaing-kamay. Bawat isa sa kanila ay may kaniya-
kaniyang puna at papuring maririnig.
Nagkaroon ng ganitong usapan ang ilang batang mag-aaral.
“Wow! Kay galing naman ng taong gumawa nito. Makukulay at magaganda ang mga palamuting ito
dahil sa maayos na pagkakapinta,” puna ni Joed.
“Oo nga, ito ang iba’t ibang produkto ng kabibe: pantalya, chandelier, chimes, butones at suklay,”
wika ni Jerome. Sa katuwaan, hinawakan niya ang isang suklay ngunit ito ay nabitiwan niya, tuloy
napingasan ito. Ganoon na lamang ang takot ni Jerome.
Agad naming dinampot ito ni Joed at ipinaalam niya sa tagapamahala ng bulwagan.

39. Piliin ang tamang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa kwento.


1. Sumang-ayon si Jerome sa papuri ni Joed sa mga gawaing-kamay.
2. Nagpapasok ng dolyar sa ating bansa ang mga gawaing-kamay
3. Ang mga gawaing ito ay nagsisimula sa isang libangan at nauwi sa isang hanapbuhay.
4. Nagkaroon ng pagtatanghal ng iba’t ibang gawaing-kamay sa bulwagan ng paaralan.
5. Puring-puri ng isang mag-aaral ang mg magagandang palamuting itinanghal.

A. 3-5-1-2-4 C. 3-4-2-1-5
B. 3-2-4-5-1 D. 3-1-2-4-5

Panuto: Basahin at unawain ang balita. Ayusin sa tamang pagkasunod-sunod ng mga pangyayari upang
makabuo ng balita.

40. Alumni ng ZAHS Namigay ng Tulong sa mga Mag-aaral


ni: Girlie Marie L. Penales

(A) Ayon kay G. Cloyd Lagyap, Koordineytor ng labis ang kanilang pasasalamat sa mainit na tugon ng
alumni sa kanilang mga proyekto kaugnay ng pagbabalik eskuwela sa darating na ika-24 ng Agosto.
Ang ZAHS ay nakatanggap na ng mga bisikleta, face masks, face shields, mga alkohol at bitamina C
na lahat ay ipamamahagi sa mga mag-aaral para makatulong sa kanila.

(B) Naging aktibo sa pagbibigay ng tulong ang mga dating mag-aaral ng Zeferino Arroyo High School
sa Lungsod Iriga. Ito ay bilang suporta sa Brigada Eskuwela ng nasabing paaralan sa pagsimula ng
klase para sa taong 2020-2021.

(C) Inaasahang dadami pa ang donasyong matatanggap ng ZAHS sa mga susunod na araw. Ayon
naman sa punongguro na si Dr. Kudy D. Bolante, ang alumni ng kanilang paaralan ay itinuturing nilang
mga bayani dahil sa pagiging mapagmalasakit ng mga ito.

(D) Ang pagbubukas ngayon ng klase ay naantala dahil sa pandemyang naranasan ng buong mundo
sanhi ng COVID-19.

Alin ang tamang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa balita?

A. B-A-C-D C. C-D-A-B
B. A-C-B-D D. D-B-C-A
ANSWER KEY: FILIPINO 4 Q3

1. C
2. A
3. C
4. D
5. C
6. A
7. B
8. B
9. B
10. B
11. B
12. D
13. A
14. B
15. A
16. C
17. C
18. A
19. B
20. A
21. A
22. A
23. B
24. B
25. C
26. A
27. A
28. A
29. B
30. A
31. B
32. B
33. A
34. C
35. C
36. C
37. B
38. D
39. B
40. A

You might also like