You are on page 1of 9

Department of Education

Region V
Division of Camarines Sur
Del Gallego District
SABANG ELEMENTARY SCHOOL
Del Gallego, Camarines Sur

Talaan ng Ispesipikasyon

IKATLONG PANAHUNANG PAGSUSULIT SA FILIPINO V


2022-2023

ITEM PLACEMENT
EASY AVERAGE DIFFICULT
COMPETENCY CODE Evaluate / No. of Items
Remember / Understand/ Apply/ Analyze / Create /
Synthesiz
Knowledge Comprehension Application Analysis Evaluation
e
1. Nagagamit ang pang-abay sa F5WG- 1,2,3 3
paglalarawan ng kilos IIIa-c-6

2. Nagagamit ang pang-abay at pang-uri sa F5WG- 4,5,6 3


paglalarawan. IIId-e-9
3. Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari F5PN- 7,8,9 3
sa tekstong napakinggan (kronolohikal na IIIb-8.4
pagsusunod-sunod )
4. Nakabubuo ng mga tanong matapos F5PS-IIIb- 10,11,1 3
mapakinggan ang isang salaysay e-3.1 2
5. Nakapag-uulat tungkol sa napanood F5PD- 13,14,1 3
IIIb-g-15 5
6. Nasusuri ang mga tauhan/tagpuan sa F5PD-IIIc- 16,18 17 3
napanood na maikling pelikula i-16
7. Naibabahagi ang isang pangyayaring F5PS-IIIb- 19,20,21 3
nasaksihan e-3.1
8. Nakagagawa ng isang timeline batay sa F5PB-Ie- 22-26 5
nabasang kasaysayan 18
9. Naisasalaysay muli ang napakinggang F5PS-IIIf- 27,28, 3
teksto h-6.6 29
10. Nasusuri kung ang pahayag ay opinyon o F5PB-IIIf- 30,31,3 3
katotohanan h-19 2
11. Nagagamit nang wasto ang pang-angkop F5WG- 33,34,35 3
sa pakikipagtalastasan IIIf-g-10
12. Nagbibigay ang mga salitang F5PT-IIIc- 36,37,38 3
magkakasalungat at h-10
magkakasingkahulugan
13. Nakapagbibigay ng angkop na pamagat sa F5PN-Ii-j- 39,40,4 3
tekstong napakinggan 17 1
14. Nasasabi ang simuno at panag-uri sa F5WG- 42,43 2
pangungusap IIIi-j-8
15. Nakasusulat ng isang sulating pormal, di F5PU-IId- 44 1
pormal (email) at liham na nagbibigay ng 2.10
mungkahi F5PU-IIh-
2.9 F5PU-
IIj-2.3
16. Nagagamit ang pangkalahatang F5EP-IIIb- 45,46,47 3
sanggunian sa pagsasaliksik tungkol sa 6
isang isyu
17. Naibibigay ang datos na hinihingi ng isang F5EP-IIIj- 48,49,50 3
form 16
TOTAL NUMBER OF ITEMS 9 16 6 12 4 3 50
Prepared by: Checked and reviewed by:

NOLBERT A. UY MARIANNE S. RUFO


Teacher I School Subject Coordinator

Approved:

VILMA E. FLORES
School Principal I
Department of Education
Region V
Division of Camarines Sur
Del Gallego District
SABANG ELEMENTARY SCHOOL
Del Gallego, Camarines Sur
S/Y 2022-2023
IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 5

PANGALAN: ______________________________________ PETSA: __________________


BAITANG AT SEKSYON: _____________________________ MARKA: ________________
Basahing mabuti ang mga pangungusap at sagutin ang mga katanungan sa iyong sagutang papel.
Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Nagdarasal nang tahimik si Icah para sa mga biktima ng bagyo. Ano ang pangabay na makikita sa
pangungusap?
A. bagyo B. biktima C. nagdarasal D. nang tahimik
2. Dahan-dahang inilapag ni Jessica ang bata sa kanyang kama. Ano ang pangabay na pamaraan na
ginamit sa pangungusap?
A. bata B. dahan-dahang C. inilapag D. Jessica
3. Namili sila ng damit sa Divisoria. Ano ang ginamit na pang-abay na panlunan sa pangungusap?
A. damit B. namili C. Pasko D. sa Divisoria
4. Ang bata ay ______ kumain ng gulay kaya siya ay sakitin.
A. ayaw B. gusto C. talaga D. oo
5.__________hinahanap na ng mga pulis ang suspek.
A. Walang dudang B. Ayaw C. Hindi D. Tunay
6.________ tularan ang mga taong lumalabag sa batas.
A. Huwag B. Ayaw C. Oo D. Gusto

PANUTO: Basahin / Makinig nang mabuti sa maikling kuwento na babasahin ng guro.


Sagutin ang mga tanong. Pillin ang titik ng tamang sagot.

Ika-10 kaarawan ni Sonia. Abalang-abala ang kanyang mga magulang para sa paghahanda
sa kanyang kaaarawan. Maaga pa lamang ay nagtungo na sila sa palengke upang mamili ng mga
ihahanda. Natagalan sila sa pamimili. Pagdating sa bahay ay nagmamadali na silang magluto. Ika- 3 na
ng hapon ng dumating ang kanyang mga bisita. Nagpalaro, nagkantahan at nagsayawan sila. Marami
ang nagbigay ng regalo sa kanya. Nairaos nang maayos ang kanyang kaarawan. Nagpasalamat siya sa
kanyang mga magulang at sa lahat ng dumalo sa kanyang kaarawan.

7. Dumating ang mga bisita ni Sonia ng ika-3 ng hapon. Ano ang sumunod na pangyayari?
A. namili, nagluto, at kumain B. nagpalaro, nagkantahan at nagsayawan
C. naghanda, naglaro, at nagkantahan D. nagregalo, nagkantahan at nagkainan
8. Dahil kaarawan ni Sonia, abalang-abala ang kanyang mga magulang sa paghahanda. Ano ang
sumunod na pangyayari?
A. Nagpunta ang kanyang mga magulang sa palengke.
B. Naglinis ang kanyang mga magulang ng bahay.
C. Nagluto ang kanyang mga magulang nang maaga.
D. Nagpasalamat ang kanyang mga magulang sa mga bisita.
9. Pagdating sa bahay ng kanyang mga magulang, ano ang sumunod na nangyari?
A. Naligo agad sila. B. Naghiwa ng mga lulutuin.
C. Nagmamadali na silang magluto. D. Nagbihis pagkatapos mamili.

3|P a g e
Panuto: Piliin ang angkop na tanong sa mga pangungusap na nasa loob ng kahon.

Emilio Aguinaldo
Si Emilio Aguinaldo ay ipinanganak noong Marso 22, 1869 sa Cavite el Viejo (kilala ngayon sa
tawag na Kawit, Cavite). Ang mga magulang niya na sina Carlos Jamir Aguinaldo at Trinidad Famy
Aguinaldo ay mag-asawang mestizo Tagalog-Tsino at may kaya sa buhay. Ang kanyang ama ay ang
inatasang gobernadorcillo ng komunidad (munisipal na gobernador) sa administrasyon ng Espanyol
kolonyal. Nag-aral si Aguinaldo sa Colegio de San Juan de Letran ngunit ay hindi niya nagawang tapusin
ito dahil sa pagsiklab ng kolera noong 1882. Si Emilio ay naging "Cabeza de Barangay" ng Binakayan,
isang punong baryo ng Cavite el Viejo noong siya ay 17 taong gulang lamang upang maiwasan ang
pagiging sapilitang kawal.

10. Ipinanganak si Emilio Aguinaldo noong Marso 22,1869.


A. Sino ang magulang ni Emilio Aguinaldo?
B. Bakit ipinanganak si Emilio Aguinaldo?
C. Saan ipinanganak si Emilio Aguinaldo?
D. Kailan ipinanganak si Emilio Aguinaldo?
11. Si Emilio Aguinaldo ay ipinanganak sa Cavite el Viejo (kilala ngayon sa tawag na Kawit, Cavite)
A. Kailan siya ipinanganak? B. Sino ang kanyang ina?
C. Saan siya ipinanganak? D. Ano ang Cavite el Viejo?
12. Ang mga magulang ni Emilio Aguinaldo ay sina Carlos Jamir Aguinaldo at Trinidad Famy Aguinaldo
ay mag-asawang mestizo Tagalog-Tsino at may kaya sa buhay.
A.Sino ang kanyang asawa? B.Sino si Carlos Jamir Aguinaldo?
C.Sino si Trinidad Famy Aguinaldo? D. Sino ang kanyang mga magulang?

Panuto: Buuin ang pag-uulat tungkol sa nakita o napanood na larawang nasa ibaba sa pamamagitan ng
pagsulat ng angkop na salita sa patlang. Piliin ang tamang sagot sa loob ng panaklong.

Isang 13.__________(A. Araw B. Tanghalin C. Gabi D. hapon) nagtulong-tulong sa pamimitas


ng mga gulay ang mag-anak na Santos. Ang pamilya ay masayang 14.___________(A. namitas
B.nagtanim C.nagbungkal D. nagdilig) ng mga gulay. Sari-saring gulay ang napipitas nila sa
kanilang 15.__________ (A.hardin B.paaralan C. Sala D.palikuran). Si tatay ang naghahakot
ng mga kalabasa. Ginagawa nila nang maayos, magulo ang kanilang trabaho.

Pakinggang mabuti ang kuwento.Sagutin ang mga tanong at bilugan ang titik ng tamang
sagot.

Isang matandang lalaki ang bumaba mula sa magarang kotse sa isang nagdarahop na lugar.
Iginala niya ang kanyang paningin sa mga batang nanlilimahid at marurungis na naglalaro sa daanan.
Tiningnan din niya ang mga kabataang may tulak-tulak na kariton na naglalaman ng bote, bakal at
dyaryo. Dumukot sa bulsa ang matanda. May perang iniabot sa mga batang naglalaro sa lansangan.
Pinagkaguluhan ang matanda ng mga taong nakasaksi ng kanyang pamimigay ng pera sa mga bata.

4|P a g e
16. Sino ang bumaba mula sa magarang kotse?
A. magandang dalaga B. matikas na binata
C. matandang lalaki D. Batang babae
17. Ilarawan ang mga batang naglalaro sa lansangan.
A. mababait at magagalang B. nanlilimahid at marurungis
C. matatapang at mayayabang ___ D. Walang pakialam
18. Saan pumunta ang matandang lalaki?
A. sa malinis na parke B. sa makitid na eskinita
C. sa nagdarahop na lugar D. Sa maputik na daan

Ang Pabasa

Noong Mahal na Araw, sa lalawigan ng mga lolo ako nagpunta. Napanood ako roon ng pabasa.
Ayon sa Lolo Roger, isa raw itong matandang kaugalian na ipinamana sa atin ng mga Espanyol.Ang
Pabasa ay paawit na pabasa ng buhay ni Jesus mula nang ipinaglihi Siya hanggang siya’y namatay sa
Krus. Binabasa ito nang paawit mula sa aklat na tinatawag na pasyon. Sinisimulan ang pagbasa mula sa
pagpasok ng Mahal na Araw hanggang Biyernes Santo.Nag-aanyaya ng mga babasa ang may pabasa
hanggang matapos ang buong pasyon. Iba-iba rin ang estilo o punto ng pagbasa. Sa pagsasalaysay ng
karanasan gumamit ng mga salitang naglalarawan upang maging kawili-wiling pakinggan ang kwento.

19. Ano ang pamagat ng kuwento?


A. Ang Pabasa B. Ang Kalabasa C. Ang Pamana D. Ang Pagbaba
20. Sino-sino ang pinag-usapan sa kuwento?
A. Lolo Roger, Jesus, Espanyol B. Lolo Roger, Manny, Hapones
C. Espanyol, Lolo Romer, Jesus D. Jesus, Lolo Roger,Amerikano
21. Ano ang nilalaman ng kuwentong binasa?
A. Tungkol sa tradisyon na pabasa B. Kaugalian at pamana ng mga Espanyol
C. Tungkol sa kamatayan ni Jesus D. Tungkol sa isang bakasyon

Panuto: Gumawa ng timeline batay sa mga datos na nakatala. Isulat ang inyong sagot sa loob ng
kahon. Titik lamang ang isulat.

Pakikidigma sa mga Muslim

Narito ang ilang mga Muslim ng Mindanao na namuno sa pagtatanggol ng kanilang kalayaan at
relihiyong Islam laban sa mga mananakop ng Espanyol.
A. Sultan Kudarat ng Maguindanao- ang tinaguriang pinakamagiting na mandirigma ng
Mindanao,ipinagtanggol ang Lamitan laban sa Espanyol noong 1619 hanggang 1671.
B. Sultan Muwallil Wasit – ipinagtanggol ang Jolo laban sa Espanyol noong 1631.
C. Datu Dimasankay – ipinagtanggol ang Maguindanao laban sa mananakop na Espanyol
noong 1579.
D. Datu Malinug – namuno sa pagtatanggol ng Maguindanao laban sa pag-atake ng mga
Espanyol noong 1734.
E. Rajah Sirongan, Rajah of Buayan – namuno sa pagtatanggol ng Buayan , Cotabato noong
1596.

22. 23. 24. 25. 26.

5|P a g e
PANUTO : Basahin at unawain ang teksto. Ayusin ang mga pangungusap sa pagkakasunud-sunod ayon
sa nangyari. Isulat ang letra ng tamang sagot.

Paghuhugas ng Pinggan
Nakatakdang maghugas si Lina ng pinggan tuwing tanghalian.Lagi niyang tinatandaan ang bilin at turo
ng kanyang ate Lora sa paghuhugas ng pinggan. Kailangan niyang tanggalin ang mga tira-tirang
pagkain. Laging bilin sa kanya na ibabad muna sa tubig ang mga matigas na kanin na naiwan sa plato
para lumambot at mas madaling matanggal. Dapat unahin sa pagsabon ang mga baso, kasunod ang
mga kutsara at tinidor, mga tasa at pinggan.Banlawang mabuti at patuyuin sa pamamagitan ng malinis
na basahan.

A. Tanggalin ang mga tira-tirang pagkain.


B. Ibabad muna sa tubig ang mga matigas na kanin na naiwan sa plato para lumambot at
mas madaling matanggal.
C.Unahing sabunan ang mga baso, kasunod ang mga kutsara at tinidoor, mga tasa at
pinggan.
27._________
28._________
29._________

PANUTO: Isulat sa patlang ang letrang K kung pahayag ay nagsasaad ng katotohanan at O


naman kung opinyon.

30.. Batay sa tala ng Department of Education, unti-unting nababawasan ang mga out-of-school youth.
A. katotohanan B. Opinion C. Di-alam B. Wala sa nabanggit
31. Ang nagkakasakit lamang ng Covid ay ang mahihirap.
A. katotohanan B. Opinion C. Di-alam B. Wala sa nabanggit
32. Kung ako ang tatanungin, mas masipag si Lourdes kaysa kay Maria.
A. katotohanan B. Opinion C. Di-alam B. Wala sa nabanggit

Panuto: Buuin ang pag-uusap ng mga tauhan. Piliin sa loob ng panaklong ang pariralang
may wastong gamit ng pang-angkop.Isulat ang sagot sa patlang.

Mara: Napanood nyo ba ang konsiyerto ni Sarah Geronimo?33.__________ ang dumalo. ( A. maraming
tao B. marami na tao C. Marami tao )
Nena: Oo, nanood ako. Magaling kumanta si Sarah.34______ ang maririnig mo bago siya kakanta at
pagkatapos niyang kumanta. Maraming tagahanga ang bumilib sa boses niya.( A. malakas na
palakpakan B.malakas ang palakpakan C.malakas ng palakpakan )
Lita: Isa ako sa tagahanga niya. Liban kasi sa talento niya isa siyang 35.______. ( A. masunurin na
bata, B. masunuring bata C. Masunurin ang bata )

PANUTO: Piliin ang kasingkahulugan ng salitang nakasulat nang pahilis.

36. Nagmula siya sa maykayang angkan.


A. mayaman B. matalino C. dukha D. mahirap
37. Masyadong kimi ang kanyang bunsong kapatid.
A. listo B. mahiyain C. tahimik D. Makabago

6|P a g e
Kasalungat
38. Mag-aral kayong mabuti sapagkat mahirap ang maging mangmang.
A. masipag B. mariwasa C. mabait D. Matalino

Piliin ang titik ng pinakaangkop na pamagat ng bawat talataan.

39. Iba’t ibang damdamin ang nararamdaman ng mga Pilipinong wala sa sariling bayan. Minsan, siya’y
nalulungkot at nagungulila. Minsan naman, siya ay masaya. Sa kabila ng lahat, hangad niyang
makapiling na muli ang mga mahal niya sa buhay na nasa sariling bansa.
A. Pamamasyal B. Pagpapakasakit C. Paghahanapbuhay D. Pangingibang Bayan
40. Isang kapaki-pakinabang na bagay ang pagbabasa. Napagyayaman nito ang ating talasalitaan.
Natutulungan tayo ng pagbabasa na maging mapanuri. Nalalaman natin ang mga pangyayari sa ating
paligid sa pamaamgitan ng pagbabasa.
A. Ang Aklat B. Isang Libangan
C. Ang Mabuting Libangan D. Ang Kahalagahan ng Pagbabasa
41. Sa sandaling tumaas ang presyo ng langis, tataas ang pamasahe. Tataas din ang halaga ng iba’t
ibang produkto. Sadyang malaki ang epekto ng halaga ng langis sa ating kabuhayan.
A. Ang Pagtaas ng mga Bilihin B. Ang Pagtaas ng Presyo ng Langis
C. Ang Epekto ng Pagtaas ng Langis D. Pagtaas ng Halaga ng mga Produkto
42. Si Raven ay mabait na bata. Ano ang simuno?
A. Si Raven B. Si C. Bata D. mabait
43. Ang mga bata sa paaralan ay masipag mag-aral. Saan ang buo na simuno?
A. ang mga bata B. Masipag C. Ang mga bata sa paaralan
44. Paano isusulat ang isang bating panimula ng isang liham na nagbibigay ng mungkahi?
A. Mrs. Adorable, B. Mrs. Adorable
C. Mrs. Adorable: D. (Mrs.adorable)
45. Isang uri ng sanggunian na kung saan pinagsama-sama ang mga mapa sa iisang aklat.
A. Atlas B. Almanac C. Ensayklopedya D. Mapa
46. Nagbibigay ng pangkalahatang impormasyon tungkol sa iba’t ibang paksa at lahat ay nakaayos ng
paalpabeto.
A. Pahayagan B. Atlas C. Diksyunaryo D. Ensayklopedya
47. Nagbibigay ng kahulugan ng mga salita, tamang pagpapantig ng salita, pagbigkas, pagbabaybay at
pagbabantas.
A. Ensayklopedya B. Almanac C. Diksyunaryo D. Atlas

PANUTO: Ibigay ang datos na hinihingi ng isang form at isulat ang titik ng tamang sagot.

48. Saang bahagi ng Personal na Impormasyon isusulat ang iyong pangalan, baitang at seksiyon?
A. sa Titik A at B B. sa Titik C at G C. sa Titik B at F D. sa Titik D at H
49. Ikaw ay kasalukuyang nakatira sa No. 7218 Mangga St. Barangay Kalawaan, Pasig City. Saang
bahagi ng form mo ito isusulat?
A. sa Titik B B. sa Titik F C. sa Titik D D. sa Titik C
50. Kung isusulat mo sa form ang pangalan ng iyong magulang, saang bahagi ito ng Personal na
Impormasyon?

7|P a g e
A. sa Titik C B. sa Titik G C. sa Titik I D. sa Titik F

ANSWER KEY FOR FILIPINO 5

No. Answer No. Answer

1 D 26 D

2 B 27 A

3 D 28 B

4 A 29 C

5 A 30 A

6 A 31 B

7 B 32 B

8 A 33 A

9 C 34 A

10 D 35 B

11 C 36 A

12 D 37 B

13 A 38 D

14 A 39 D

15 A 40 D

16 C 41 C

17 B 42 A
18 C 43 C
19 A 44 C
20 A 45 A
21 B 46 D
22 C 47 C
23 E 48 A

8|P a g e
24 A 49 D

25 B 50 C

9|P a g e

You might also like