Professional Documents
Culture Documents
Sabi ni JOHN F. KENNEDY/ “we must find time to stop /and thank the people /who make
a difference in our lives” Kailangan natin maghanap ng pagkakataon / para huminto / at
magpasalamat / sa mga taong naging bahagi ng pagbabago / ng ating buhay. Kaya sa araw
na ito ng aming pagtatapos,/ maguukol kami ng oras at pasasalamat/ sa mga taong naging
bahagi ng aming tagumpay.
Bilang isa sa apatnapu’t apat (44) na magsisipagtapos sa araw na ito nais naming ipaabot/ ang
aming taos pusong pasasalamat/. Unang una sa ating Panginoon/ na ating naging lakas/ tibay/
talino at tatag upang tayo ay magpatuloy sa bawat hakbangin ng buhay./ sa kanyang pag-iingat /
at paggabay simula noong pandemya hanggang sa araw na makamit natin ang ating mga
pangarap.
Sa mga kapwa ko magsisipagtapos, /mga kaklase at kaibigan, salamat sa hindi pagsuko, /sa
hindi pagbitaw sa mga pangarap, /at hindi pagtigil upang maging “gradweyt” na matatawag./
Salamat sa lahat ng tawanan/ kulitan/ kalokohan at damayan/. Salamat sa mga ala-alang /
malungkot man o masaya/ na babaunin natin / hanggang sa ating pagtanda./ Alam ko na
pagkatapos ng araw na ito/ mag uumpisa na nating tahakin /ang ating sari-sariling landas/
siguradong hindi Madali/ pero lagi nanting tandan/ ang sinabi ni Jeffrey Gitomer isang
manunulat at tagapagsalita – “Obstacles can't stop you. Problems can't stop you. Most of
all, other people can't stop you. Only you can stop you."
“Hindi ka mapipigilan ng mga balakid. Hindi ka mapipigilan ng mga problema. Higit sa lahat,
hindi ka mapipigilan ng ibang tao. Ikaw lang ang makakapigil sa sarili mo." Kaya sa kahit
anumang hamon ng buhay tuloy tuloy lang ang paglaban at pagdarasal upang lahat ng ating
adhikain sa buhay ay matupad.
Sa lahat ng mga naririto,/ mga kamag-aral na may karangalan/ panauhing pandangal Ginoong
Jhopeter P. Clemente/ Pansangay na kawaksing tagapa-mani-hala ng mga paaralan, DR.
RONNIE S. MALLARI/ Tagamasid Pampurok DR.RICKY C. JUNIO /Punong Guro Dr.
RHONEIL S. GABRIEL/ mahal naming mga GURO at MAGULANG, / panauhin na
naririto sa araw na ito ISANG MAPAGPALA AT MAPAGPALAYANG ARAW PO SA
ATING LAHAT.
Isa sa makabuluhang kaganapan / sa buhay ng isang mag-aaral /ay ang pagtatapos. Ang ating
pagtatapos/ ay simula ng paghahanda natin / sa susunod na baitang/ ito ang JUNIOR
HIGHSCHOOL. Sa susunod na panuruan tayo ay mga JUNIOR HIGHSCHOOL na,/ tayo ay
pupunta sa ika-pitong baiting.
Ang iba sa atin ay nagtatanong/ paano ba ang buhay ng isang mag-aaral sa ika-pitong baitang?/
ang iba ay marahil kinakabahan/ subalit hindi natin kailangan makaramdam ng kaba at takot/ sa
panibagong kabanata ng buhay bilang mag-aaral/ sapagkat tinuruan tayo ng ating mga guro/ ng
mga dapat nating matutunan/ na magiging sandata natin/ sa panibagong pakikibaka sa buhay.
Sa aming mga guro salamat/ sa inyong pagtuturo/ sa mga magagandang pangaral/ Sa ating mga
magulang salamat sa pagsusumikap /na maibigay lahat ng aming kinakailangan/ para
matustusan ang aming pag-aaral. Sa aking magulang ADONIS M. DUNGO at CAROLINA M.
DUNGO/ kayo ang inspirasyon ko upang magpatuloy sa aking mga pangarap sa buhay/ Patuloy
akong magsusumikap para mabigyan kayo ng mas magaang pamumuhay kasama ng aking mga
kapatid.
Isang karangalan po sa akin na kayo ay tanggapin ng buong puso sa ika LIMAMPU’T SIYAM
(59) na taunang pagtatapos sa Paaralang INTEGRATED ng SURGUI / sa mga kapwa ko
magsisipagtapos / Kinagagalak ko kayong Batiin /sa panibagong yugto ng ating buhay/
Patnubayan sana tayo ng Poong Maykapal sa ating mga pangarap at adhikain sa buhay.