You are on page 1of 5

I.

) PAUNANG SALITA

Mahalaga ang pag-aaral sa bawat mag-aaral sapagkat ito ay kabilang sa mga


unang hakbang patungo sa tagumpay. Ngunit ang pag-aaral ng labis ay may mga
masamang dulot sa mga estudyante kung hindi nila nababalanse ng tama ang kanilang
oras at mga priyoridad. Hindi lamang sa pag-aaral nararapat umikot ang mundo ng mga
estudyante kundi dapat din maglaan sila ng oras sa kanilang sarili at sa kanilang
libangan. Alam naman natin na hindi lamang puros pag-aaral ang mahalaga sa pang
araw-araw na buhay ng isang mag-aaral kundi pati narin ang paglahok sa mga iba’t-
ibang aktibidad na nagaganap sa isang paaralan. Hindi rin nakakabuti para sa isang
mag-aaral na napapabayaan nila ang mga bagay na nagbibigay sa kanila ng
kasayahan. Maraming mga mag-aaral ang nalilibang at ginaganahan mag-aral, sa
paggawa ng mga gawaing akademik, o ang pagsali sa mga aktibidad kung nakakasama
nila ang kanilang mga kaibigan at kaklase.

Alam din natin na hindi lahat ng estudyante ay sa akademik natataglay ang


kagalingan. Mayroong ibang estudyante na magaling sa mga ibang gawain maliban sap
ag-aaral. Maraming mag-aaral ang nag-aasam ng mga iba’t-ibang aktibidad dito sa
Ananda Marga Special Academic Institution o mas kilala bilang AMSAI. Napansin ko
bilang isang estudyante na nag-aaral dito ay walang masyadong nagaganap na mga
aktibidado programa. Bilang isang mag-aaral, hindi lamang pakikinig sa turo ng guro at
pagsagot sa modyul ang ang dapat naming pinagtutuonan ng pansin kundi pati narin
ang mga aktibidad na maaaring maging tulay upang maipamalas ng mga estudyante
ang kanilang mga natatagong abilidad at talento.

II.) LAYUNIN

 Ang pagkakaroon ng ganitong klaseng aktibidad ay nagsisilbing “bonding” sa


pagitan ng magkaklase at guro.
 Nagkakaroon ng motibasyon ang isang estudyante kung mayroon silang
inaabangan na ganitong klaseng aktibidad.
 Naipapamalas ng mga estudyante ang mga kakayahan na hindi nila karaniwang
naipapakita sa loob ng klase.
 Makakaranas ng mga bagay na hindi nila madalas o kailanman ay hindi nila
nagawa.
 Magkakaroon sila ng mga masasayang memorya o alaala kasama ang kanilang
kapwa mag-aaral at sa kanilang mga guro.
III.) RESPONDENTE

Junior high school at Senior high school students


JHS Bilang ng mga SHS Bilang ng mga
mag-aaral mag-aaral

7 33 11 70

8 35 12 14

9 27

10 22

Total 117 84

Sa aking nakuhang mga datos, ang Junior high school ay may kabuuang 117 na
mga mag-aaral at ang sa Senior high school ay may kabuuang 84 na mga mag-aaral.
Nakatuon lamang sa mga High school students ang pananaliksik na ito na kung saan
karamihan sa mga estudyante na aking nakakasalamuha sa pang araw-araw ang
nagsasabing hindi ganoon karami ang mga aktibidad at programa sa Ananda Marga
Special Academic Institution. Karamihan sa mga estudyanteng ito ang nalungkot at
nadismaya nang malaman nilang ang mga aktibidad at programang ginanap noong
mga nagdaang taon ay hindi ipagpapatuloy sa taong ito.

IV.) AWTOR

Ang paglahok sa mga gawaing nakakalibang ay lumilikha ng mga ugnayang


panlipunan, pag-unlad ng positibong emosyon at nag aalok ng karagdagang mga
kasanayan at kaalaman (Brajsa-Zganec, Merkas & Sverko, 2011)

Ang pagsali sa isang nakakalibang na aktibidad ay nakikitaan ng maraming


positibong epekto. Ito ay isang magandang halimbawa na sa pamamagitan ng mga
aktibidad sa paaralan, hindi lamang natututo ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng
pagsagot sa modyul kundi pati narin sa mga nakakalibang na mga gawain. Ito ay isang
magandang pamamaraan sa pagturo sa mga mag-aaral ng ibang mga kaalaman.
V.) KONKLUSYON

Ang pagkakaroon ng isang aktibidad sa paaralan ay isang magandang paraan


upang tulungan at magkaroon ng iba pang gawain na makakatulong sa mga estudyante
maliban sa pag-aaral at pagsagot sa modyul. Maraming iba’t-ibang klaseng aktibidad
ang parehas na nakakatulong at nakakapagpasaya sa mga mag-aaral. Ang Sunriser’s
Camp o ang camping na ginagawa ng mga mag-aaral at mga guro sa Ananda Marga
Special Academic Institution ay taon-taon ginaganap at ito ang isa sa mga aktibidad o
programa sa AMSAI na taon-taon din inaabangan at pinaghahandaan ng mga
estudyante. Ngunit, sa kasamaang palad nang tinakot at nilagay sa peligro ng bagong
sakit na COVID-19 ang mundo at ang mga tao, ang pag-aaral ay pansamantalang
itinigil at ang mga aktibidad at programang dapat na gawin ay hindi natuloy.

Maraming mga estudyante ang nalungkot nang malaman nila na hindi matutuloy
ang mga inaabangan nilang aktibidad. Ang Sunriser’s Camp ay pinaghahandaan ng
mga guro para sa mga mag-aaral na gustong makilahok dito. Ito ay ginaganap ng
tatlong araw na binubuo ng mga gawain na karaniwang ginagawa sa isang camping,
kabilang na din ang mga gawain na maipamamalas ng mga mag-aaral ang kanilang
galing sa ibang mga bagay. Sa mga araw na ginaganap ang aktibidad na ito, tinuturuan
ang mga mag-aaral na maging independiyenteng sa kanilang sarili at hindi umasa sa
iba. Maraming mga gawain o aktibidad sa camping na ito kabilang na ang pagtuturo sa
mga mag-aaral ng mga kasanayan sa kaligtasan ng buhay na labis na mahalaga.

Sa mga huling araw ng aktibidad na ito, ang mga estudyante ay nagdiriwang sa


kanilang tagumpay na nagawa sa mga nagdaang araw na naganap. Ito ay isang
tagumpay na ipinagmamalaki nila. Hindi maikaka-ila na ang paglahok at paggawa ng
ganitong uri ng aktibidad ay masaya at nakakatulong ng ng husto sa kanilang sarili at sa
kanilang kapwa nadin. Makikita natin sa mga ganitong gawain na hindi maipagkakailang
ang mga estudyante ay may mas marami pang matututunan sa pamamamagitan ng
iba’t-iabng paraan.
ANANDA MARGA SPECIAL ACADEMIC INSTITUTION

MGA AKTIBIDAD SA ANANDA MARGA SPECIAL ACADEMIC INSTITUTION


PARA SA MGA MAG-AARAL

Pananliksik ni: Dexie Joyce Castro

Petsa na nasimulan: Disyembre 8, 2022

Pets ana natapos: Disyembre 12, 2022

You might also like