You are on page 1of 7

KABANATA I

Ang Suliranin at Kaligiran Nito


Introduksyon
Paaralan, dito inaasahang matututo ang mga estudyante. Ngunit, hindi lamang ‘yon ang
serbisyong naibibigay ng paaralan. Merong mga organisasyong pwedeng salihan na maaring
magturo sa kanila ng mga kaalaman o kakayahang hindi nila matututunan sa loob ng silid aralan o
sa tradisyunal na pagtuturo. Ang mga oras na nilalaan dito ay bukod sa oras ng pagaaral. Sa
kadahilanang ito, maaaring makaapekto sa pagaaral ng mga estudyante ang mga gawaing ito,
nakasasama man o benepisyal. Ang mga gawain na ito ay tinatawag nating mga gawaing ekstra
kurikular.
Sa Techonological Institute of the Philippines - Quezon City, mayroong iba't ibang uri ng ekstra
kurikular na aktibidad at mga organisasyon tulad ng mga sumusunod : TIP Voice, Talents guild,
PJMA, atbp. Ang pag sali sa mga nabanggit na mga organisasyon ay hiwalay sa kurikulum ng
paaralan at ito’y kusang loob na sinasalihan ng mga gustong maging kabilang sa mga
organisasyon o iba pang aktibidad. Dahil maaaring mag dulot ito ng iba’t ibang epekto sa mga
estudyante, nais ipakita ng mga mananaliksik ang mga epektong dulot ng pagkakaroon ng mga
gawaing ekstra kurikular sa mga estudyanteng nasa ikatlong taon sa ilalim ng College of Business
Education upang makatulong sa institusyon at sa mga kinauukulan..
Paglalahad ng Suliranin Isinagawa ang pag-aaral na ito upang malaman ang mga epekto ng mga
gawaing ekstra kurikular sa mga estudyante ng Technological Institute of the Philippines –
Quezon City.
Mga Suliranin 1. Anu-ano ang mabuting/masamang naidudulot ng pag sali sa mga organisasyon o
sa pagkakaroon ng mga gawaing ekstra kurikular? 2. Anu-ano ang mga bagay na matututunan sa
mga gawaing ekstra kurikular na hindi natututunan sa loob ng silid aralan? 3. Paano nakaka apekto
sa pag-aaral ang pag kakaroon ng gawaing ekstra kurikular?
3. Paano nakaka apekto sa pag-aaral ang pag kakaroon ng gawaing ekstra kurikular?

Kahalagahan ng Pag-aaral Ang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay ang pag tukoy sa mga maaaring
maging epekto ng mga ekstra kurikular na aktibidad sa mga estudyante ng Techonological
Institute of the Philippines – Quezon City. Makakatulong din ang pag-aaral na ito sa mga
sumusunod:
Mga guro- upang magkaroon ng pag uugnayan at pag intindihan sa pagitan ng mga estudyanteng
may gawaing ekstra kurikular at mga guro.
Awtoridad o mga opisyal ng organisasyon- upang matutukan ang mga estudyanteng nagpapakita
ng pag unlad sa mga aktibidad na isinasagawa sa labas ng silid aralan.
Mga mag aaral- para matukoy ang mga epekto ng mga gawaing ekstra kurikular sa kanilang
perpromans sa paaralan. at; Sa mga susunod pang mananaliksik- upang makatulong ang mga
impormasyong matutukoy sa pag-aaral na ito sa patuloy na pananaliksik at pag uunald nito.

Saklaw at Limitasyon Ang pananaliksik na ito ay isinasagawa lamang sa loob ng kampus ng


Technological Institute of the Philippines – Quezon City. Nangyari ito sa loob ng ikalawang
semestre ng akademikong taon 2014-2015. Ito ay nakatuon sa mga mag aaral na nasa ikatlong
taon sa ilalim ng College of Business Education, bilang sample, at makaka tulong sa buong
komunidad ng Technological Institute of the Philippines – Quezon City.
Depinisyon ng mga Terminolohiya
Ekstra kurikular na aktibidad/ Gawaing ekstra kurikular- gawaing hindi saklaw ng kurikulum ng
paaralan.
Organisasyon- pangkat ng mga tao na may iisang layunin; halimbawa ng gawaing ekstra kurikular.

KABANATA II
Kaugnay na Literatura at Pag-aaral
Ang mga sumusunod na mga kaugnay na literatura at pag-aaral ay magpapatibay a magpapatunay
na ang pamanahong papel na ito ay natalakay at napag-aralan na ng ibang mga mananaliksik at
patuloy pang pinag-aaralan.
Kaugnay na Literatura (Lokal)
"Ang ekstra kurikular na gawain ay ang mga umakma at bumuo ng isang mahalagang suporta para
sa mga pang-akademikong programa ng paaralan. Maaaring direktang pagmulan ang programa na
ito ng mga pangangailangan ng kurso ngunit partikular na idinisenyo upang higit pang
pagyamanin ang pang-akademikong mga programa " mula sa San Beda College Alabang Student
Handbook (2010). Ang mga aktibidad na ekstra kurikular ay ang mga sumusuporta sa pang
akademikong programa. Ito ay sinadya upang higit pang pagyamanin ang pang-akademikong
programa. Ayon sa student handbook ng San Beda College Alabang, ang mga aktibidad ay inaayos
ng San Beda College Alabang ay itinaguyod upang iugnay ito sa akademikong programa na
kanilang inihahandog. Ang mga aktibidad na ito rin ay isang pagkakataon upang mapakita ng
isang estudyante ang kanyang mga talento na hindi naipapakita sa loob ng silid- aralan.
Pinalalawak ng mga aktibidad na ito ang kaalaman at kakayahan ng isang estudyante.
Magkakaroon rin sila ng karanasan na hindi nila matututunan saloob ng silid- aralan. Kaya‟t
masasabi na may mabuting epekto ang mga aktibidad na extra- curricular sa akademiko ng
pagganap ng mga estudyante
Ang pag-aaral ay isang pangunahing aktibidad na panlipunan, kaya ang pagkuha ng bahagi sa mga
gawain sa paaralan ay mahalaga sa pag-aaral. Naniniwala ang mga eksperto na ang panlipunang
paglahok ay ang pangunahing channel kung saan nagaganap ang pag-aaral. Ayon sa psychologist
Lev Vygotsky, ang mga bata ay matututo sa pamamagitan ng channel, ang mga aktibidad, mga
gawi, bokabularyo, at ideya ng mga miyembro sa komunidad kung saan sila lumaki. Ang
pagtatatag ng isang mabungang pakikilahok at matulungin na kapaligiran ay kailangan sa pag-
aaral sa paaralan. Ang pagiging social sa kondisyon ay ang uri ng pakikipag-ugnayan na
hinihikayat mag-ambag sa pagkatuto. Ginagawa ito upang maging mas mahirap at upang
mapabuti ang kalidad ng kanilang mga sanaysay, likhang-sining atbp, kapag alam nila na ang mga
ito ay ibabahagi sa iba pang mga mag-aaral.- mula kay Tenedero, H. (2010,Enero 11). Ang pagsali
sa mga aktibidad sa eskwelahan ay mabuti para sa mga estudyante at nakakapagpataas din ito ng
karangalan sa mga bata. Kapag sila ay sumasali sa mga patimpalak, mas napapahusay nila ang
kanilang mga gawain lalo na alam nila na ito ay maipapakita at maihahambing sa ibang
estudyante.
Ayon naman sa isang artikulo ni Hernando Malipot ( 2011), "Kung iisipin, 22 araw lamang sa
kabuuang taon ng paaralan ay dapat gagamitin para sa pambansa at lokal na mga kaganapan at
pagdiriwang; sa pambansa, dibisyon, at sa rehiyon na naka kamit na mga pagsubok; tulad ng mga
paligsahan at mga aktibidad na pinahintulutan ng Regional sa Central Tanggapan, sa
pagsususpinde ng klase dahil sa likas na kalamidad. Ang kabuuang bilang ng araw ng mga
paaralan ay dapat binubuo ng 202 araw habang ang kabuuang bilang ng araw ng pagtuturo ay
dapat nasa 180 araw, Kung saan ay dapat ipakita ang aktwal ng mga araw ng pag-aaral. "Ngunit,
maliit na araw lamang ang ginugol sa aktwal na araw ng pagtuturo, batay sa mga resulta ng
taunang National Achievement Test (NAT)," mula sa obserbasyon ni Armin Luistro. Ipinaliwanag
na ang NAT ay natural na tagapag pahiwatig ng mga perpormans ng mga estudyante sa paaralan at
ang kanilang pagiging intresidao sa klase.”. Ayon sa Departamento ng Edukasyon, ang total na
araw ng pagpasok sapaaralan ng mga estudyante ay 202 na araw at 180 na araw dito ay nararapat
ilaan samga pag-aaral ng mga aralin. Sa makatuwid ay 22 araw lamang sa mga gawaing ekstra
kurikular, subalit nakita sa mga resultang National Achievement Tests na mas marami ang
nagagamit na oras sa mga gawaing ekstra kurikular dahil mababa ang resulta sa NAT ng mga
estudyante. Ang NAT ay batayan kung ano ang performance ng eskwelahan at natutunan ng
estudyante, dahil dito, nalaman na mas marami ang nagagamit na oras sa ibang aktibidad kaysa
oras ng pag-aaral. Sinabi ni Secretary Luistro na dapat paalalahanan ang mga paaralan na mas
gamitin mas maraming oras sa silid aralankaysa sa mga aktibidad ng eskwelahan
Kaugnay na Literatura (Banyaga)
"Kung ang isang bata ay ginugugol ang kanyang bakanteng oras sa ekstra kurikular kaysa sa mga
gawain niya sa pag-aaral, ito ay maaaring maka apekto sa kanyang mga grado kung siya ay hindi
naglalaan ng sapat na panahon sa pag-aaral. Maaari rin itong maging nakababahala sa oras ng
isang aktibidad kung dumadami ang iskedyul o pagtaas ng bilang ng akademikong gawain. Kapag
mas maraming gawaing pang-ekstra kurikular, ang isang bata ay maaaring ma-stressed at
nagtataka kung paano niya pagsasabayin ang dalawa ." Base sa pahayag ni Wood L. (2012), ang
bata na nag bibigay ng kanyang oras para sa mga "extra- curricular activities" ay maaaring
magbigay ng kakaunting oras nalang para sa pag-aaral. Ito ay makakaapektosa kanyang mga
marka kung hindi siya nagbibigay ng oras para sa pag-aaral. Maaaring maging "stressful" rin ito
kapag nag bibigay ng oras para sa isang aktibidad lalo nakapag ang iskedyul ay tumataas o
rumarami. Habang ang akademikong gawain ay tumataas, pati na rin ang mga "extra- curricular
activities", ang bata ay makakaramdam ng "stress" at nagtataka kung paano niya pagsasabayin ang
dalawa. Maraming mga pagkakataon na maaaring maranasan ng mga estudyante ang ganitong
bagay. Sa pagkakaalam ng iba ay ang mga "extra-curricular activities" na ito ay lubhang
makakatulong sa kanilang mga marka, pero ang hindi nila alam ay mahirap itong balansehin sa
pag-aaral. Kapag pumasok sila sa ganitong mga aktibidad ay tiyak namagkakaroon nalang sila ng
kakaunting oras para sa pag-aaral at makaka apekto pa ito sa kanilang mga marka. Kaya ang mga
sumasali sa mga ganito ay dapat marunong bumalanse ng oras sa pag-aaral at pati narin sa mga
aktibidad na ito.
Kaugnay na Pag-aaral (Banyaga)
Ayon sa pananaliksik ni Sandy Booth George (2012), ang pakikilahok sa mga gawaing ekstra
kurikular ay may mga positibong resulta. Ito ay tumutulong bumuo ng positibo at matibay na
relasyon sa pagitan ng eskwelahan at mga estudyante sa pamamagitan ng pakikilahok sa mga
gawaing ekstra kurikular. Ang mga gawaing ito ay tumutumulong din upang mabuo ang “non-
cognitive skills” tulad ng disiplina sa sarili at tamang gawi sa trabaho. Nagpapaunlad din ito ng
iba’t ibang kakayahan at nagbubukas ng mga pinto ng oportunidad.
Mula naman sa pag-aaral nina Wl Wilson at Nikki L. (2009), magiging benepisyal ang epekto ng
pag sali sa mga gawaing ekstra kurikular tulad ng pagakkaroon ng mataas na marka sa klase,
regular na pag pasok sa eskwelahan at pagakakaroon ng mataas na pag tingin sa sarili. Ang mga
kalahok sa nasabing gawain ay natututo din ng mga karagadagang abilidad tulad ng pagtutulungan
at pamumuno habang binabawasan ang mga posibilidad ng pagkalulong sa droga, sa mga
nakakalalasing na inumin, at sa iba pang mga kaugnay na masamang gawain.
Ayon naman kay Kamla-Raj (2012) nakikita ang partisipasyon ng bawat mag aaral base sa mga
kurikulang aktibidad ng kanilang akdemikong pag-ganap. Ang mga datos ay nakuha mula sa mga
nagtuturo sa parehong pang-publikong paaralan at pribado na halimbawa ng 40 na guro na
nakilahok sa pag-aaral. Sa pag-aaral na ito ay ginamitan ng mga ilang tanong at nag interbyew
upang makakuha ng mga datos. Sa pag-aaral na ito ang mga nagtuturo ay tinitignan kung ang
paglahok ba nila ay postibo. Tinitignan din nila dito kung may halaga ang academic performance
ng mga kalahok na sumali sa nga aktibidad. Natukalasan sa pag-aaral na ito na hindi pagsali sa
mga extra kurikulang aktibidad ay hindi lagi nagtatagumpay ang mga estudyante sa kanilng
academic performance. Sa pag-aaral na ito ay nagbibigay ng rekomendasyon sa mga mag aaral na
lumalahok sa mga kurikulang aktibidad.

Ayon kay Steven Dowshen, MD (2013), ang mga organisasyong ito ay hindi lang tungkol sa
palakasan kundi pati narin sa iba't ibang hilig ng mga mag-aaral. Halimbawa na dito ang choir,
dance club at drama club na naglalayon mailabas ng mga mag-aaral ang kanilang mga talento.
May mga organisasyon din na itinatag upang maihayag ng mga mag-aaral ang kanilang
nararamdaman gamit ang pagsulat gaya ng mga pahayagan sa paaralan. Ang iba namang
organisasyon ay binuo upang tipunin ang mga taong may magkakaparehong hilig. Sa dami ng mga
organisasyon, tiyak na maraming pagpipilian ang mga mag-aaral. Sa madaling salita, ang mga
gawaing ekstra – kurikular ay uri ng mga gawaing kadalasan isponsor ng mga paaralan o
unibersidad. Ito ay hindi kasama sa kurikulum na pang – akedemiko pero kadalasang ginaganap
ang mga aktibidades nito sa loob ng paaralan o unibersidad. Kadalasan nangangailangan ito ng
oras maliban sa regular na araw ng pasok. Gaya ng nasabi, ang mga ekstra – kurikular na gawain
ay pwedeng magsimula kahit sa simpleng isports gaya ng basketbol at balibol, at pati na rin sa
pagkanta, pagsayaw at pag – arte sa entablado.
Para sa nakararami, ang mga ekstra – kurikular na gawain ay makikita bilang isang oportunidad
para masanay ang kakayahan ng pakikisalamuha sa iba’t – ibang uri ng tao. Nagkakaroon din ang
isang indibidwal ng marami pang kakilala sa kanilang paaralan na kapareho niya ng hilig. Dahil
dito, natututunan niya ang pakikisama sa iba at dumadami ang kanyang kaibigan. At para sa mga
mag – aaral ng kolehiyo, ang pag-sapi sa mga ganitong uri ng gawain ay makapagbibigay ng daan
upang makapageksperimento sila ng mga bagay na maaaring makalinang sa kanilang magiging
career interest. Maaari din magbigay daan ito sa mga estudyanteng nahihirapan sa kanilang pag –
aaral upang maiangat ang kanilang tiwala sa sarili. Sa pamamagitan ng mga gawain na ito,
lalawak ang ating kakayahang organisasyonal, matututo tayo ng tamang pagbalanse sa oras at
magiging masaya ang ating pag – aaral. Ayon rin kay Dowshen sa kanyang sinulat na artikulo,
madalas na dahilan sa pagsali ng mga mag-aaral sa mga organisasyon ay upang may iba silang
pagkaabalahan. Sinabi rin niya na ang mga taong kabilang sa mga organisasyon ay mas may
mababang posibilidad na magkaroon ng masamang gawi gaya ng bisyo.
Kaugnay na Pag-aaral (Lokal)
Ang ekstra kurikular na gawain, ayon kay Theus Dy at mga kasamahan (2008), ay kahit anong
gawain na hindi saklaw ng kurikulum ng paaralan, ngunit ang mga gawaing ito ay kadalasang
ginagawa sa loob ng paaralan. Ang oras na inilalaan dito ay labas sa oras ng aktwal na ‘pag-aaral’
ng mga mag-aaral. Sa kadahilanang ito, maaaring magkaroon ng epekto ang mga ekstrakurikular
na gawain sa buhay akademiko ng mag-aaral, nakasasama man o benepisyal.
Ayon kay Dy, malaking paktor ang pag bibigay ng oras sa pag sali sa mga gawaing ekstra
kurikular na mag dudulot ng iba’t ibang epekto sa mag aaral lalo na sa kanyang pag-aaral.
Mula naman sa pag-aaral ni Raquepo Nica (2012), hindi mawawala sa buhay ng isang estudyante
ang pag sali sa iba’t- ibang organisasyon lalo na kung ang mga ito ay parte ng gawaing
pampaaralan. Mayroong iba’t- ibang organisasyong inihahandog ang bawat paaralan upang ang
mga estudyante ay makapili Mula naman sa pag-aaral ni Raquepo Nica (2012), hindi mawawala
sa buhay ng isang estudyante ang pag sali sa iba’t- ibang organisasyon lalo na kung ang mga ito ay
parte ng gawaing pampaaralan. Mayroong iba’t- ibang organisasyong inihahandog ang bawat
paaralan upang ang mga estudyante ay makapili ng nais nilang salihan.ng nais nilang salihan.
Mayroong mga samahan sa paaralan na tumutukoy sa mga akademikong paksa at mayroon din
naming ukol lamang sa mga sariling interes gaya ng pag awit at pag sayaw. Marapat na pag
isipang mabuti ang desisyong pagsali sa mga ito. Dapat na maging handa ang mag mag aaral sa
pagsali sa mga organisasyon. Kailangan may mailalaa sialng panahon upang maging parte sa mga
aktibidad ng organisasyon. Dahil dito, nadadagdagan din ang kanilang responsibilidad lalo an
kung sila ay naihalal ng ibang miyembro sa mga matataas na posisyon. Sa pagtaas ng posisyon ay
siya ring pag bigat ng kanilang tungkulin na maaring maka apekto sa kanilang pag-aaral lalo na
kung kadalasang may mag gawaing dapat ianda o tapusin. Kailangang mag laan ng sapat na
panahon upang maisagawa ang mag gawaing organisasyon.

KABANATA III
Disenyo at Paraan ng Pananaliksik
Sa kabanatang ito makikita kung ano ang paraan na ginamit sa pananaliksik, mga respondente,
instrumento ng pananaliksik at kung paano ininterpret ang mga datos.
Paraan ng Pananaliksik Ang mga mananaliksik ay gumamit ng mga paraang deskriptibo. Sa pag-
aaral nilang ito ay gustong maipakita ng mga mananaliksik ang bawat epekto sa mga mag aaral na
kabilang sa organisasyon o may gawaing ekstra kurikular sa Technological Institute of The
Philippines – Quezon City..
Respondente
Sa pananaliksik na ito ay pumili ng mga ikatlong taong mag-aaral sa ilalim ng College of Business
Education ng Techonological Institue of the Philippines – Quezon City. Ang mga respondente ay
nakuha sa pamamagitan ng purposive sampling mula sa kabuuang bilang na 545. Instrumento ng
Pananaliksik Sa pag-aaral na ito ay gumamit ng sarbey checklist dahil ang paraan ng pag-aaral
na ito ay deskriptibo. Ang mga mananaliksik ay naghanda ng ilang katanungan upang malaman
ang bawat epekto sa mga mag aaral.
Tritment ng mga Datos Ang pag-aaral na ito ay isinagawa para sa mga mag aaral ng Technological
Institute of the Philippines – Quezon City. Ang susunod na pormyula ay ginamit upang
mainterpret ang mga datos.
P=fnx 100%

Listahan ng mga Sanggunian


Libro
San Beda College Alabang Student Handbook, 2010
Tisis
Ang epekto ng dagdag na curricular na gawain sa akademikong grades. Wood, L. (nd). 2012,
Oktubre 20 http .// www.ehow.com/info_8034677_effect-extracurricular-activities academic-
grades.html
Impact of Extracurricular Activities on Students Graduate Degree/ Major: MS School Counseling.
WI Wilson, Nikki L. 2009, May
http://www2.uwstout.edu/content/lib/thesis/2009/2009wilsonn.pdf The Influence of Learners’
Participation in School Co-curricular Activities on Academic Performance: Assessment of
Educators’ Perceptions Israel Kariyana1. Kamla-Raj, 2012 http://www.krepublishers.com/02-
Journals/JSS/JSS-33-0-000-12-Web/JSS-33-2-000-12-Abst-PDF/JSS-33-2-137-12-1407-
Maphosa-C/JSS-33-2-137-12-1407-Maphosa-C-Tx[1].pdf A Study of the Relationships Between
Extracurricular Participation in Selected North Carolina High Schools and Student Achievement
As Determined By Cumulative Grade Point Average. George, Sandy Booth, 2013
http://libres.uncg.edu/ir/listing.aspx?styp=ti&id=9277 Epekto ng Pagkakaroon ng Mataas na
Posisyon sa Organisasyong Pampaaralan sa Akademik Performans ng 30 Mag – aaral sa
Pambansang Mataas na Paaralang Pang – Agham ng Cavite. Raquepo, Nica, 2012
http://www.academia.edu/6175342/Epekto_ng_Pagkakaroon_ng_Mataas_na_Posisyon_sa_Organi
sasyong_Pampaaralan_sa_Akademik_Performans_ng_30_Mag_aaral_sa_Pambansang_Mataas_na
_Paaralang_Pang_Agham_ng_Cavite Epekto ng Gawaing Ekstra. Dy, Theus, et. Al. 2007-2008
http://www.freeonlineresearchpapers.com/epekto-ng-gawaing-ekstra Dyaryo
Learning with a purpose. Manila Bulletin, vol.409#11. Tenedero, H. 2010,Enero 11
Elektroniko
Kapag mas, is more. Manila Bulletin, Hernando-Malipot, I. 2011, Mayo 19 http://
www.mb.com.ph/node/318930/when-le #.UIUMI8Wko8p
Benefits of Extracurricular Activities. Dowshen, Steven MD. 2013, Setyembre
http://kidshealth.org/PageManager.jsp?article_set=20445&lic=175&cat_id=2017# Apendiks A.
Sulat

B. Tugon

C. Talatanungan Pangalan ______________________________ Petsa:_________________


Seksyon at Kurso: _______________________ Organisasyon: ____________ Magandang araw
respondente! Ang mga mananaliksik ng BSAT12FA1 ay nakikiusap na maging totoo sa pagsagot
sa checklist at sumunod sa instruksyon. Instruksyon: Sagutan ang mga sumusunod sa
pamamagitan ng pag lalagay ng tsek sa mga kahon ayon sa napiling sagot. Hindi puwede ang
pagkakaroon ng dalawang tsek sa isang tanong at iwasan ang pag bubura. Mga tanong | Oo |
Hindi | Hindi Sigurado | 1. Lumiban ka na ba sa klase dahil sa mga gawaing ekstra
kurikular? | | | | 2. Nakakapekto ba sa araw-araw mong gawain ang mga gawaing ekstra
kurikular? | | | | 3. Nag bebenipisyo ka ba sa gawaing ekstra kurikular? | | | | 4. Nahahasa ba ng
kakayahan mong mamuno o makipag interak sa gawaing ekstra kurikular? | | | | 5. Nakakapag
pataas ba ng tingin o kumpiyansa sa sarili ang pagkakaroon ng gawaing ekstra kuikular. | | | | 6.
Nakakatulong ba ang pag sali sa mga organisasyon at bang ekstra kurikular na aktibidad sa
paglago ng iyong mga abilidad? | | | | 7. Mas marami ba ang oras na nilalaan mo sa mga gawaing
ekstra kurikular kaysa pagaaral? | | | | 8. Nakaka apekto ba ang gawaing ekstra kurikular sa iyong
mga marka? | | | | 9. Nagkaroon ka na ba ng mababang marka dahil sa gawaing ekstra kurikular?
| | | | 10. Maipapayo mo ba sa ibang mag aaral na sumali sa mga organisasyon at sa iba pang
ekstra kurikular na aktibidad? | | | |

You might also like