You are on page 1of 1

MAIN NEWS

BEyanihan 2023
Bayanihan, namayani sa brigada eskwela 2023
Ni: Melquisedec M. Guevarra

ITINAMPOK ng Placer National High School (PNHS) ang diwa ng bayanihan at


pagkakaisa sa opisyal na pagsisimula ng 2023 Brigada Eskwela (BE) sa temang “Bayanihan sa
Matatag na Paaralan, lunes ng umaga.

Hangad ng brigada eskwela sa taong ito na mas paigtingin pa ang pagkakaisa ng mga guro,
stakeholders, at mga magulang upang siguruhin ang ligtas na pagbabalik eskwela ng libo-libong mag-
aaral ng PNHS sa Agosto 29.

Ang pagsasagawa ng brigada eskwela sa taong ito ay alisunod sa DepEd Order No. 021, s., 2023
na naglalayong pagtibayin ang relasyon ng paaralan at mga stakeholders sa pagpapanatili ng seguridad at
kahandaan ng paaraalan sa pamamagitan ng boluntaryong pagtulong ng mga magulang, NGOs, alumni,
civic groups at lokal na pamahalaan.

“Ang Brigada Eskwela Schools Maintenance Week ay isang apela sa bayanihan spirit ng bawat
Filipino na tumulong sa paghahanda ng ating mga paaralan para sa pagbubukas ng mga klase,” ani ni Vice
President at Secretary of Education Sara Z. Duterte.

Binigyang-diin ni SSP Dante M. Orozco ang kahalagahan ng bayanihan upang maisakatupan ang
layunin ng paaralan sa pagbibigay ng kalidad na edukasyon na kakailanganin ng mga mag-aaral.

“The spirit of bayanihan among the teachers, administrators and stakeholders is an essential ang
pivotal pillar in ensuring that our learner will be honed holistically. We need your cooperation because we
are all part of the learning process of our learners” ani ni Orozco.

Nilahukan ng mga magulang, guro, mag-aaral at iba’t ibang ogranisasyon tulad ng Gay Intellect
Society of Placer, Northeastern Mindanao Colleges – Criminology Department, Alpha Kappa Rho –
Placernon Sketron, 1503rd Masaligan Community Defense Center Reserved Command – Philippine Army,
PNP, BFP at BLGU na nagpakita ng suporta sa pamamagitan ng pagtulong na maihanda ang paaralan
lalong-lalo na ang mga silid-aralan.

Samantala, nakatanggap rin ang PNHS ng donasyon mula sa mga stakeholders na siyang
gagamitin sa pagkukumpuni ng mga kagamitan at sa paghahanda ng bawat silid-aralan para sa
pagbubukas muli ng pasukan.

Taos-puso naman ang pasasalamat ng mga kaguruan sa walang sawang suporta ng mga magulang
at stakeholders sa PNHS.

You might also like