You are on page 1of 1

HANDOG NA PAGBABAGO; Laman ay Puso at Pag-asa

Ang Osukan Elementary School ay punong puno ng kaligayahan sa natanggap nitong handog na
“PagbaBAGo “mula sa opisina ng bise- president Sarah Duterte noong ika 17 ng Nobyembre 2023.

Ang “PagbaBAGo” ay programa ng pamahalaan sa ilalim ng pamumuno ni bise-presidente Sarah Duterte


na naglalayong agapan ang kahirapan sa pamamagitan ng pagbibigay ng school supplies kagaya ng bag sa
mga mag-aaral sa buong sulok ng Pilipinas.

Isa sa maswerting inabot ng programang ito ang paaralan ng Osukan Elementary School. Mga kabataan
na nabibilang sa low income ang siyang binibigyang prayoridad nito.Ang mga mag-aaral na nakatanggap
ng handog ay punong-puno ng kaligayahan ang kanilang naramdaman.Dahil dito maraming mga
magulang ang pinuri ang Kagawaran ng Edukasyon sa ginawa nitong hakbang upang mapabilang ang
paaralang Osukan bilang beneficiary ng “PagbaBAGo”.

Sa kabilang banda marami naman ang nagsitaasan ang kilay. Pabibe lang daw at luma na ang istilong
ito.”Bigay ngayon,dahil bukas ay eleksyon”, ito ang kanilang mapanuksong na opinyon.Sana’y tuloy-tuloy
ang programang ito dasal naman ng mga magulang na nakatanggap ng handog.

Sa kabuuan, ang programang ito ay patuloy na namamahagi hindi lamang sa materyal na bagay kundi
pati na rin sa pagbibigay inspirasyon lalo na sa mga kabataang muntik ng mapag-iwanan dahil sa
kahirapan.Hindi man umani ng magandang impresyon sa iba pero mas nananaig parin ang puso ng mga
dukhang naghahanap ng tulong mula sa pamahalaan.Sinisuguro ng programang ito na ang mga
proyektong ipinamamahagi ng bise -presidente ay mapupunta sa tamang tao at hind isa mga swapang na
gobyerno.

You might also like