You are on page 1of 1

Mga non-reader sa paaralan ating tulungan

Eborda ninanais itong sulusyonan

Ginawan ng “Trolley to Learn” ni Glenn B. Eborda ang mga batang hindi marunong magbasa,
inaasahan ni Eborda na sa pamamagitan ng proyektong ito mapapaunlad ng mga estuyante ang
kanilang pag-intindi sa kanilang binasa.
Katulong ni Eborda ang kanilang programang Sustain Child Centered Embrasive Structured
(SCCES) sa pag-eensayo nila sa mga bata upang sila ay matutong magbasa at maiwasan nila ang mga
kutya ng ibang mga tao o mag-aaral.
Saad pa ni Eborda na ang kabataan ang pag-asa ng bayan ngunit sa mga panahon ngayon ang mas
tinutuunan ng pansin ng mga Pilipino ang kanilang mga gadyet at hindi ang libro, ang iba naman ay
kinukulang sa pansin sa magulang at isa ito sa mga humahadlang sa mga kabataan ngayon upang
matuto mag basa at umintindi.
“ Ang pandemya ang isa sa mga balakid na aming hinaharap dahil limitado ang oras at ang mga
materyales lalong lalo na sa math pati ang mga magulang ay nahihirapan din” pahayag ni Eborda.
Salaysay pa ni Eborda na ito ay isang problemang hinaharap ng mga bata at mga magulang din,
ang trolley ay isang malaking tulong para sa mga magulang at mga bata.
“Nabuo ang proyektong ito dahil sa tulong ng mga magulang at mga bata at lalong lalo na sa mga
guro” dagdag ni Eborda.

ss

You might also like