You are on page 1of 1

Pagtatag ng Matatag Curiculum.

Ni Russel James G. Amatorio

Sa kasalukuyan, nahuhuli na ang Pilipinas sa sistema ng edukasyon kung ikukumpara sa


ating mga karatig bansa. Ang pagkakaibang ito ay higit sa lahat dahil sa katotohanang
maraming Pilipino ang nahihirapang umunawa, magbasa, at makabilang. Ayon kay Dr. Ernesto
Servilion Jr., Iloilo School Division Superintendent, nabanggit niya na 52 na paaralan ang
naitalang "zero non-readers", kung saan ang ibig sabihin na ang ilahad ng estudyante sa
paaralan ay may kakayahan na makabasa at makapagsulat. Sa pagkita ko ng datos na ito, higit
isang libo ang mga paaralan na may mga mag aaral na hindi marunong magbasa at magsulat
kabilang na dito ang pribado at pampublikong mga paaralan.

Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng epektibong emplimentasyon sa edukasyon, ang


MATATAG Curiculum na magsisilbing gabay sa mga mag-aaral mula Kindergarten hanggang
Baitang sampu. Sa programang inilunsad na ito magkakaroon ang kabataang katulad ko na
mapabuti ang kakayahan sa iba't ibang larangan sa pamamagitan ng mga paksang nag-uugnay
sa karunungang pagbasa at pagbilang, wika, sipnayan, makabansa at Good manners and Right
Conduct (GMRC).

Gayunpaman, naniniwala ako na ang pagpapatupad ng MATATAG Curiculum sa bansa ay


magbubunga ng tagumpay at mapapatunayang epektibo. Kabilang dito hindi lamang ang
pagbabago ng mga asignatura sa kurikulum kundi ang paghubog sa mga kabataang Pilipino na
maging handa para sa senior high school at kolehiyo. Bukod dito, ang pagkakaroon ng malinaw
at kumpletong kurikulum ay maaaring makatulong sa pagtukoy ng mga lugar na kinakailangan
ng pagbabago sa sistema ng ng edukasyon at pagpaplano ng mga estratehiya upang maabot
ang mga ito. Sa ganitong paraan, ang pagpapatupad ng MATATAG kurikulum ay magiging
pundasyon ng mas maunlad at responsableng lipunan sa hinaharap. Ang pagpapatupad ng
ganitong uri ng kurikulum sa Pilipinas ay hindi lamang naglalayon na mapabuti ang kalidad ng
edukasyon kundi pati na rin ang paghahanda sa mga mag-aaral upang maging produktibong
miyembro ng lipunan sa hinaharap.

Sa halip na makipagtalo laban sa kurikulum, isaalang-alang ang epekto sa mga kabataan


na hindi nakakakuha ng mga pangunahing kasanayan sa pagbasa at pagbilang. Mahalagang
kilalanin na ang proyektong ito ay hindi lamang makakaapekto sa mga mag-aaral kundi pati na
rin sa reputasyon ng ating bansa. Mag-ambag tayo sa inisyatiba sa pamamagitan ng
pagtataguyod ng pagsulong ng ating bansa. Bilang bansang makabata nawa ay maging parte
tayo ng kilos na ito sa pamamagitan ng pagsuporta tungo sa pag-unlad ng ating bansa at
magkaroon ng mga batang makabansa.

You might also like