You are on page 1of 1

Sara Duterte hinihimok ang LGU na unahin ang pamumuhunan sa edukasyon.

Ang artikulong ito ay nagpapatungkol sa pahayag ni Bise Presidente at Education


Secretary Sara Duterte sa 28th Founding Anniversary ng Kalinga at 4th Bondong Festival
noong Pebrero 13, 2023. Ayon sakaniya, sa edukasyon, walang mahirap, walang
mayaman, lahat ay pantay-pantay. Kaya’t inaanyayahan niya ang LGU na mamuhunan
sa edukasyon ng mamamayang Pilipino.

Matagal nang problema ng Pilipinas ang kakulangan ng mga eskwelahang may maayos
na kagamitan at pasilidad na kinakailangan upang mapag-pabuti ang pag-aaral ng mga
estudyante. Tunay na nangangailangan ng mas madaming pribadong sektor ang
magbigay o mamuhunan sa edukasyon ng mamamayang Pilipino gaya ng sinabi ni Bise
Presidente Duterte. Madaming positibong epekto ito hindi lamang sa buhay ng
estudyante pero pati na rin sa kinabukasan ng ating bayan. Bilang isang estudyante,
alam ko ang pakiramdam na nalilimitahan ng mga kakulangan sa maayos na pasilidad
ang aking pagpapalawak ng kaalaman. Nahihirapan magkaroon ng hands on na mga
talakayin rin ang mga guro at propesor dahil dito. Mayroong P15.6 billion na budget ang
DepEd para ayusin ang mga eskwelahan sa Pilipinas tanging ngayong 2023 na inulat
noong Enero 30, 2023 sa Basic Education Report (BER). Inaasahan naming ang
magandang resulta ng kanyang proyekto sa pagsasaayos ng mga pasilidad ng mga
eskwelahan sa bansa.

Sinabi ni Bise Presidente at Education Secretary Sara Duterte na hindi bulag ang
DepEd sa reyalidad na hindi matatag, matino, at kaaya-aya ang karamihan ng mga
eskwelahan sa Pilipinas, lalo na ang mga pampublikong paaralan, kung kaya’t
inaasahan namin na aagapan niya itong problemang hinaharap ng edukasyon ng
Pilipinas. Hindi nawa mapunta ang malaking budget na inilaan ng gobyerno sa kanyang
bulsa, at makita ng mga nagbabayad ng buwis kung saan napupunta ang kanilang
pinaghirapang pera.

https://www.gmanetwork.com/news/topstories/nation/860656/sara-duterte-urges-lgus-to-prioritize-
education-investments/story/
https://www.gmanetwork.com/news/topstories/nation/859083/vp-sara-lack-of-school-facilities-still-
basic-education-s-main-problem/story/

You might also like