You are on page 1of 2

Sara Duterte as Kahilim ng DepEd

(UPDATE) Inihayag ni vice presidential frontrunner Sara Duterte-Carpio na tututok siya sa skilled learners at
paglinang sa pagiging makabayan bilang kalihim ng Department of Education (DepEd).

Ito'y kasunod ng anunsiyo noong gabi ng Miyerkoles ni leading presidential candidate Ferdinand "Bongbong"
Marcos na tinanggap ng kaniyang running mate na si Duterte-Carpio ang alok na maging susunod na education
secretary.

"It was decided that I would work on producing skilled learners with the mindset to realize their full potential as
individuals. Our country needs a future generation of patriotic Filipinos that advocate peace and discipline in their
respective communities," ani Duterte-Carpio sa isang pahayag.

...

Unang sinabi ng kampo ni Duterte-Carpio na gusto sana niyang pamunuan ang Department of National Defense. 

Pero dahil umano sa mga kasalukuyang nangyayari, inaasahan ni Duterte na gagawa ng intriga ang mga taong nais
mapabagsak ang papasok na administrasyon.

Kaya nang muling mag-usap, napagpasyahan ang kaniyang pag-upo sa DepEd.

Nagpasalamat si Duterte-Carpio kay Marcos gayundin kay Education Secretary Leonor Briones, at kinilala ang mga
ipinatupad nitong reporma sa ilalim ng administrasyon ng kaniyang amang si Pangulong Rodrigo Duterte. 

Sa isang pahayag, sinabi naman ni Briones na handa ang ahenisya para sa maayos na transition at turnover ng Basic
Education Plan 2030, isang medium-term plan.

Kumpiyansa rin umano si Briones na mapupunta sa mabuting kamay ang DepEd.

Kung ang Teachers' Dignity Coalition ang tatanungin, mas gusto nilang galing sa public school system ang susunod
na kalihim ng DepEd.

Pero ayon kay TDC Chairperson Benjo Basas, sakaling si Duterte-Carpio ang maupong kalihim, handa silang
makipag-usap sa kaniya.

Kabilang dito ang pagpapalakas sa pag-aaral ng kasaysayan, kultura at panitikang Pilipino gayundin ang mga
leksiyon tungkol sa kapayapaan, human rights, at indigenous peoples, sakop ang usapin tungkol sa martial law.

"Tinatanggap po namin na maaaring dito po sa usaping ito, magkakaroon talaga ng kaunting conflict pero kami po
ay nakahanda naman. Naniniwala kami na ang history natin ay recorded na, ang history natin ay established na, may
facts na po ito, 'di na ito puwedeng baguhin," ani Basas.

...

Karanasan din ang hanap ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) mula sa susunod na DepEd secretary, lalo't ayon
sa grupo, wala naman inilatag na plataporma sa edukasyon si Duterte-Carpio.
"Hearing that a non-education person is going to head the agency for the next 6 years, medyo kinakabahan kami
dito," ani ACT Secretary General Raymond Basilio.

"Ito ata ang problema kapag hindi narinig 'yong kandidato na nagsabi ng kaniyang platform of government while
they're campaigning... maliban doon sa kaniyang sinasabi ngayon na reinstatement ng mandatory ROTC," dagdag ni
Basilio.

Nang tanungin kung "qualified" ba si Duterte-Carpio na pamunuan ang DepEd, sagot ng tagapagsalita ni Marcos na
si Vic Rodriguez: "Definitely, she's a lawyer."

Pinakamalaking qualification umano ni Duterte-Carpio ang milyon-milyong Pilipino na bumoto sa kaniya sa


pagkabise presidente.

"Let's give her a chance to prove that she can run ably the DepEd," ani Rodriguez.

Hamon din ng TDC sa napipintong pag-upo ni Duterte-Carpio sa DepEd na tugunan ang mga problema ng guro.

Kasama rito ang taas-sahod, pagtanggal ng clerical tasks, pag-aayos ng sistema ng DepEd at Government Service
Insurance System, at suporta sa blended learning.

Dapat din umanong ayusin ang curriculum at mga pasilidad hindi lang para sa mga guro kundi pati sa mga
estudyante.

Kabilang sa mga pinatupad ng kasalukuyang DepEd administration ang K-12 curriculum review at blended learning
sa harap ng COVID-19 pandemic.

Sa blended learning at pandemya, nariyan din ang isyu sa errors sa modules, access sa gadgets at internet
connection, at unti-unting pagbabalik ng face-to-face classes.

...

You might also like