You are on page 1of 1

100 days ng President Bongbong Marcos sa Malacañang

Sa ika-100 na araw ng ating pangulong Marcos na nakaupo sa pwesto ay marami ng nangyari. Marami na
syang nagawa para sa ikauunlad ng ating bansa. Nakipag ugnayan sya sa iba't ibang bansa upang buksan
ang pinto ng pagtutulungan sa puhunan, negosyo, edukasyon, trabaho, at agrikultura sa kapwa
kaunlaran. Nagbunga ng matamis na tagumpay ang kanyang pusposang ugnayan at negosasyon sa iba't
ibang lider ng bansa. Nagpatupad sya ng mga programa na syang tutulong sa atin para umunlad. Isa na
dito ang programang BIDA na ang ibig sabihin ay "Buhay Ingatan Droga Ayawan". Kung ang programa ni
dating presidenteng Duterte ay Oplan Tokhang kanya naman ay BIDA. Ito ay para tuluyan ng iwan ang
kaadikan sa droga. Marami syang ipinatupad na pagbabago campaign, ito ay naglalayong itaas ang
kamalayan sa kahalagahan ng edukasyon at responsableng pamumuno. Nakapaloob din sa pagbabago
campaign na ilagay sa isang pedestal ang ating mga OFW at lalo pang pangalagaan at pagandahin ang
kanilang buhay at hanapbuhay. Sa katunayan ay mahigit 110, 000 na ang nabigyan ng trabaho abroad.
Isa sa problemang kinakaharap natin araw araw ay ang pahirapan sa pagbyahe. Ayon kay President
Bongbong Marcos, dapat pamilya nyo ang kapiling hindi ang mahabang pila. Ang pagbyahe sa probinsya
ay dapat maginhawa, mabilis, at maayos. Ang ating DOTr ay nag extend ng libreng sakay sa EDSA bus
lane na kung saan ay mahigit 30.2m commuters ang makikinabang. Meron ding libreng sakay sa LRT,
mahigit 700, 000 students ang makikinabang. Nakapaloob din sa pagbabago campaign ang mas murang
gamot para sa anomang sakit. Dapat walang problema ang pamilya pag may nagkasakit. Tataasan din
ang sweldo ng ating mga nurses, at nariyan din ang Philhealth na ating makakapagkatiwalaan sa buong
Pilipinas. Ilan lamang yan sa mga nagawa ng ating pangulong Marcos. Kung susubukan nating bigyan ng
pansin ang mga ginagawa nya masasabi mong isa syang karapat dapat sa kanyang pwesto. Hindi lamang
sya may malasakit sa bansa kundi sa atin ding kapwa Pilipino.

Bilang ng salita - 325

Source: https://fb.watch/g3Q5-i1YTA/

You might also like