You are on page 1of 1

Rodrigo "Rody" Roa Duterte (28 Marso 1945), kilala rin

sa kanyang bansag na Digong, ay isang Pilipinong abogado at


politiko na naninilbihan bílang ika-16 na Pangulo ng Pilipinas. Siya
ang unang naging pangulo na mula sa Mindanao. Si Duterte ay isa sa
mga pinakamatagal na nanilbihang alkalde sa Pilipinas at naging
alkalde ng Lungsod ng Dabaw, isang urbanisadong lungsod sa
kapuluan ng Mindanao nang pitóng termino o mahigit 22 taon.
Nagsilbi rin siyang bise-alkalde at kongresista ng lungsod.
Maituturing na mabibigat at maganda ang resulta ng mga nagawa ni
dating presidente Rodrigo Duterte. Halimbawa ang mga nalagdaang
mga bagong batas tulad ng universal healthcare law, free tertiary
education, pagtatayo ng Malasakit center, build build build program
at marami pang iba. Samantala, kahinaan naman ni PRRD ay sa
panahon ng pandemya. Aniya kung hindi lang dumaan sa pandemya
ang Pilipinas sa panahon ni Duterte ay naging maganda na rin sana
ang galaw ng ating ekonomiya dahil isa ang bansa sa best
performing economies sa buong Asia pero dahil sa pandemya ay
natigil ang mga proyekto o magandang nasimulan ni
Duterte.Malaking savings umano ng pamahalaan ay napunta sa
pagkakaloob ng subsidy o ayuda sa mga apektadong mamamayan.

You might also like