You are on page 1of 1

Pangulong Marcos kay Duterte: ‘Secret Deal’ sa China

https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2024/04/14/2347512/pangulong-marcos-kay-
duterte-secret-deal-sa-china-ipaliwanag
Iniulat nina:
Panganiban Lorraine, Mabansag Carlie, Vergara Sophia____
Mula sa: 9-Isaiah

MANILA, Philippines — Hinikayat ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si


dating pangulong Rodrigo Duterte na ipaliwanag sa mga Filipino ang “secret deal” na
pinasok ng kanyang administrasyon sa China kung saan dapat silang papanagutin dahil sa
kanilang desisyon. Ginawa ni Pangulong Marcos ang pahayag matapos kumpirmahin ng
China embassy dito sa Maynila na pumayag si Duterte na i-regulate ang aktibidad ng
Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS). Giit pa ng Presidente, hindi niya maintindihan kung
bakit walang nakasulat sa papel o video at hindi sinasabi sa kanila na mayroong usapang
gayung abogado naman si Duterte. Naniniwala ang Pangulo na sekreto ang naturang
agreement sa pagitan ng administrasyong Duterte at China dahil hindi ito naisulat at sinikreto
sa mga Filipino. “I disagree with that idea that you enter into a secret agreement. You have
any agreement with another sovereign state should really be known by the people so that way
you’re accountable. If it’s a bad decision, you’re accountable,” saad pa ng Pangulo.
Naniniwala rin ang Pangulo na dapat malaman ng mga Filipino kung ano ang sekretong
patagong usapan sa China ng Duterte administration at kung ano ang kanilang kinompromiso
at pinamigay na teritoryo. “With the confirmation of the Chinese Embassy, we now know that
there is a secret agreement,” sabi ni Marcos Jr. “Mayroon talaga silang secret na patagong
usapan. Malinaw sa akin na may usapan sila na tinago sa taong bayan,” wika ng Pangulo.
“We need to know what did you agree to? What did you compromise? Ano ‘yung pinamigay
ninyo?” Nauna nang inamin ni Duterte na nagkaroon sila ng kasunduan ni Chinese Presidente
Xi Jingping na magkaroon ng status quo sa West Philippine Sea o ang hindi pagdadala ng
construction materials para sa repair ng BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Ito ay kaugnay sa ekonomiya at ang pagbibigay ng regulasyon sa China sa mga aktibidad ng


Pilipinas sa West Philippine Sea ay may malawakang implikasyon sa ekonomiya ng bansa.
Ang West Philippine Sea ay mayaman sa likas na yaman tulad ng langis, gas, at iba pang
marine resources na mahalaga sa ekonomiya ng Pilipinas. Kapag pinayagan ang China na
maregulate sa mga aktibidad sa lugar na ito, maaring mabawasan ang access ng Pilipinas sa
mga yaman ng West Philippine Sea, na maaring makakaapekta sa pag-unlad at paglago ng
ekonomiya ng bansa. Bukod dito ang pagiging transparent sa mga kasunduang ito ay
mahalaga para sa investor confidence at international relations, na parehong may epekto sa
ekonomiya ng Pilipinas.

Ang Reaksyon ko sa balitang ito ay may lungkot at kaba para sa kinabukasan ng mga
Pilipino.
Nauunawaan ko na ang mga naturang paghahayag ay maaring magdulot ng matinding
reaksyon mula sa mga taong maaring nababahala tungkol sa transparency sa mga
pakikitungo ng pamahalaan, lalo na tungkol sa mga sensitibong isyu tulad ng integridad ng
teritoryo. Mahalaga para sa mga mamamayan na manatiling may kaalaman, makisali sa mga
talakayan, at itaguyod ang pananagutan at transparency sa pamamahala.

Rekomendasyon ko ay ang pagsubaybay sa mga kagalang-galang na mapagkukunan ng balita


para sa mga update. Bukod pa rito, ang pagtalakay at pagbabahagi ng mga pananaw sa iba ay
makakatulong sa pag-unawa sa iba't ibang pananaw sa masalimuot na isyung ito.

You might also like