You are on page 1of 4

Buod;

Kasaysayan ng ugnayan ng Pilipinas, China.

Ang grupong Kaisa Para sa kaunlaran ang nagangasiwa sa Bahay Tsinoy, isang
museo sa Intramuros, Manila kung saan tampok ang higit na 1,000 taong ugnayan ng
Pilipinas at China.
Isa sa mga ito ay ang ugnayan ng bansa sa barter trade o pangangalakan ng walang
ginagamit na salapi, pagbisita sa sultan Sulu ng China noong 1417. Taong 1975 nang
pormal na maitatag ang relasyon ng Pilipinas at China sinundan din ito ng pagbisita ng
mga lider ng dalawang bansa sa Manila at Beijing, na naging daan sa paglago ng
kalakaran at torismo.
Inaasahan magandang pagkakaibigan ng Pilipinas at China subalit nanatiling tinik
ang agawan ng teritoryo sa South China Sea o West Philippines Sea.
Naunang nagpanukala si Chinese Leader Deng Xiaoping na isantabi muna ang
away at magtulungan tungo sa joint marine seimic undertaking bago nakuwestiyon ang
legalidad nito sa Korte Seprema. Matapos ang insidente sa dagat at harassment sa mga
mangingisdang pinoy sa West Philippine Sea, nagpasya ang administrasyon ni dating
Pangulo Benigno “Noynoy” Aquino III na idemanda ang China sa arbitration court
ngunit ito ay ibinasura dahil sa katwiran ng China. Muling namang bumuti ang relasyon
ng dalawang bansa sa ilalim ng Pangulong Rodrigo Duterte na nagpasyang igigiit ang
naipanalong kaso sa tamang panahon.
Sa gitna ng patuloy na pagtatayo ng pasilidad at militarisasyon ng China sa dagat,
nagbukas ng isang bilateral consultation mechanism para pag-usapan ang mga isyu.
Mas mahalaga pa raw ang pagtutulungan sa pagitan ng dalawang bansa kaysa sa
mga isyu na naghahati dito. Sa pagbisita ni Xing, pagkakataon daw na pagusapan ang
pagtutulungan sa pagsugpo ng ilang kriminalidad sa bansa. Ipinangako na rin ng Xi ang
kapayapaan at pakikipagtulungan sa Pilipinas habang inaayos ang nga gulo.
Mas mahalaga pa sa mga isyung naghahati sa Pilipinas at China ang mga
pangyayari sa kasaysayan na nagpakita ng pagtutulungan sa pagitan ng
dalawang bansa.

Ito ang pahayag ni Teresita Ang-See, founding president ng Filipino-


Chinese organization na Kaisa Para sa Kaunlaran, sa bisperas ng pagbisita
ni Chinese President Xi Jinping sa Pilipinas.

"Ang daming events talaga na nagtulungan iyong dalawang bansa. 'Yan,


mas mahalaga 'yan kaysa doon sa issues na nagdi-divide sa atin," sabi ni
Ang-See sa panayam ng ABS-CBN News.

Ayon pa kay Ang-See, pagkakataon ang pagbisita ni Xi para mapag-usapan


ang mga isyung maaaring pagtulungan ng dalawang bansa gaya ng
pagsugpo sa ilegal na droga, at problema sa mga ilegal na imigrant at sugal.

Isang araw bago ang pagbisita, nangako rin si Xi ng kapayapaan at


pakikipagtulungan sa Pilipinas habang inaayos ang mga gusot.
Ibinahagi ni: Lyra O.Pascual – Pilar, Bataan

Sa kasalukuyan, may dalawang bilyong tao ang aktibong gumagamit ng social


media sa buong mundo at ito ay nakaaapekto sa buhay at edukasyon. Ito ay ayon sa
Google.com, isang website sa internet.
Pinaliit ng social media ang mundo, inuulan tayo ng maraming impormasyon, mas
malawak na kaalaman at mas mabuting oportunidad upang magamit ang mga ito.
Napag-alaman sa pag-aaral na ang karamihan sa mga tao sa mundo ay may pattern na
sinusunod at ito ay ang paggamit ng iba’t-ibang uri ng social media.

Sa mga uri ng social media, ang sinasabing pinakakilala ay ang “Facebook” na kung
saan ang gumagamit ay maaring magpadala ng mensahe, mag upload ng mga larawan,
videos, makipagchat o makipag-usap at iba’t-iba pang gamit nito.

Marami pang iba’t-ibang uri ng social media ang ginagamit ng mga mag-aaral,
guro, mga magulang ganoon din ng iba’t- ibang uri ng tao sa daigdig. Ang iba pang mga
ginagamit ay ang Twitter at Instagram na may iisang layunin – ang makipag-ugnayan at
makipagtalastasan sa mga tao sa iba’t-ibang parte ng mundo.

Habang dumarami ang gumagamit ng social media ay mapapansin na may mabuti


at masamang idinudulot ang paggamit nito. Ayon sa obserbasyon at pananaliksik,
karamihan sa mga gumagamit ng social media ay nasa gulang na 14-29. Ilan sa mga
mabubuting epekto ay ang madaling pagkalat ng mga kaalaman o mga impormasyon,
mabilis na pakikipag ugnayan sa mga taong kasama sa trabaho o hindi man.

Nabibigyan din ng magandang pagkakataon ang mga mag-aaral upang lalo pang
malinang ang kanilang pagkamalikhain o pagkamakasining at patuloy na pagkakaroon
ng mga makabagong ideya. Ang mga kakayahan o talent ng bawat isa ay matutuklasan,
halimbawa kung ang isang tao ay magaling umawit, maaari syang matuklasan nang mas
madali sa pamamagitan ng videos. Maaari ding gamitin ang Google, isang website
upang makapanaliksik ng tungkol sa iba’t-ibang aralin. At ang mga saloobin ng bawat
isa ay madaling maipahayag.

You might also like