You are on page 1of 7

Pilipinas, Tsina: Alitan sa Scarborough Shoal, Pinaguusapan sa Internet

Isinalin ang post na ito noong 8 Hunyo 2012 0:39 GMT

Ang Scarborough Shoal na matatagpuan sa Dagat Timog Tsina o Dagat


Kanlurang Pilipinas ay pinag-aagawan ng tatlong bansa: Tsina, Pilipinas at
Taiwan. Sa mga nakalipas na buwan, umigting ang tensyon sa pagitan ng
Pilipinas at Tsina nang buweltahan ng magkabilang pamahalaan ang mga
akusasyon tungkol sa pagsakop sa likas yaman sa paligid ng shoal.
Umusbong ang damdaming makabayan ng mga mamamayan ng dalawang
bansa at lalong uminit sa internet ang batuhan ng mga matatalas na salita.

Pilipinas, aarestuhin pa rin ang mga


mangingisdang Taiwanese na papasok
sa teritoryo ng bansa MECO
MANILA, Philippines Ipinahayag ng Manila Economic and Cultural Office (MECO)
na dadakpin pa rin ang mga Taiwanese na iligal na mangingisda sa teritoryo ng
Pilipinas.
Itoy sa kabila ng kasunduan ng Pilipinas at Taiwan na parehong iiwasan ang paggamit
ng pwersa o karahasan sa pagpapatupad ng batas sa pangingisda sa pinagtatalunang
karagatan.
Sinabi ni MECO Chairman Amadeo Perez na hindi mangingiming gumamit ng puwersa
ang Pilipinas sakaling lumaban ang sinomang dayuhang mangingisdang pumasok sa
teritoryo ng bansa.
Nililinaw naman ni Perez na ang kasunduan ay preliminary pa lamang sapagkat marami
pang mga sensitibong isyu ang dapat pag-usapan.
Aniya, kinakailangan pa ng pormal na pagsasaayos sa dalawang bansa.

Guilty, pero walang kulong sa 9 Tsinong mangingisda sa Palawan


MANILA, Philippines Guilty ang ibinabang desisyon ng lokal na korte sa Palawan laban sa siyam ng
Tsino na nahuling ilegal na nangingisda sa teritoryo ng bansa noong nakalipas na Mayo.
Pinagbabayad ni Palawan Regional Trial Court Judge Ambrosio de Luna ang mga Tsino ng $103,000
dahil sa pagnanakaw ng mga ito ng endangered sea turtles mula sa karagatan ng Palawan.
Wala namang binanggit sa desisyon ni De Luna na nagsasabing dapat ikulong ang mga mangingisdang
Tsino, na pinatawan dahil sa kasong poaching at pangingisda ng endangered species.
Inaresto ng ang Tsino noong Mayo sa Half Moon Shoal dahil sa ilegal na pangingisda. Sa inspeksyon,
nadiskubre sa barko ng mga Tsino ang may 555 na endangered sea turtles.
Ayon kay Hazel Alaska, clerk of court, sakaling hindi makapagbayad ang mga Tsinong mangingisda ng
ipinataw na halaga ni Judge De Luna ay dapat silang makulong ng hanggang anim na buwan sa bawat
kaso o isang taon para sa dalawang kaso.
Nauna nang hiniling ng China sa pamahalaan ng Pilipinas na pakawalan ang siyam na Tsino dahil nasa
loob naman ng kanilang teritoryo ang mga mangingisda.

Tsina at Pilipinas: hidwaan sa dagat, hindi dapat makaapekto sa kanilang


pagkakaibigan at pagtutulungan

Ayon sa Joint Press Statement na ipinalabas kahapon sa Beijing ng Tsina at Pilipinas, nagpalitan ng palagay ang
mga ministrong panlabas ng dalawang bansa hinggil sa hidwaan ng dalawang panig sa dagat, ipinalalagay nilang
ang hidwaang ito ay hindi dapat makaapekto sa pangkalahatang kalagayan ng pagkakaibigan at pagtutulungan ng
dalawang bansa at inulit nila ang paggalang at pagtalima sa Declaration on the Conduct of Parties in the South China
Sea na nilagdaan noong 2002 ng Tsina at mga bansang ASEAN.

Nang araw ring iyon, nakipagtagpo sa Beijing si Pangalawang Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Albert Del Rosario,
dumadalaw na Kalihim ng Suliraning Panlabas ng Pilipinas. Inilahad ni Xi ang mga patakarang diplomatiko ng Tsina
at nagbigay-diin siya sa paggigiit ng kanyang bansa sa mapayapang pag-unlad. Aniya pa, nakahanda ang Tsina,
kasama ng Pilipinas, na pasulungin ang walang humpay na pagtatamo ng bagong progreso ng relasyong SinoPilipino.

Nakipag-usap din kay Del Rosario si Ministrong Panlabas Yang Jiechi. Binigyang-diin nilang batay sa diwa ng
nabanggit na deklarasyon, magkasamang magsisikap ang dalawang bansa para sa kapayapaan at katatagan sa
South China Sea.

Sinabi naman ni Del Rosario na ang pagpapaunlad ng relasyon sa Tsina ay isa sa mga pinakamahalagang gawaing
diplomatiko ng pamahalaang Pilipino. Nakahanda aniya ang Pilipinas, kasama ng Tsina, na pasulungin ang kanilang
bilateral na relasyong may mutuwal na kapakinabangan at pagtitiwalaan sa pamamagitan ng pagdadalawan sa
mataas na antas at pagpapalitan at pagtutulungan sa iba't ibang larangan.

Tsina, hindi umaasang mahahadlangan ng hidwaan ng South China Sea


ang pag-unlad ng relasyong Sino-Pilipino
Sa Manila, kabisera ng Pilipinas. Idinaos dito kahapon ng organisasyon ng overseas at ethnic
Chinese sa Pilipinas ang maringal na aktibidad bilang pagdiriwang sa ika-36 na anibersaryo ng
pagkakatatag ng relasyong SIno-Pilipino. Sa aktibidad, binigyang-diin ni Liu Jianchao, embahador
ng Tsina sa Pilipinas, na hindi umaasa ang pamahalaan at mga mamamayang Tsino na
mahahadlangan ng hidwaan ng South China Sea ang mainam na pag-unlad ng bilateral na relasyon
ng dalawang bansa at makakapinsala sa pagkakaibigan ng kanilang mga mamamayan. Puspusang
nagsisikap ang Tsina para mapayapang malutas ang hidwaan at mapanatili ang kapayapaan at
katatagan ng rehiyong ito.

Sinabi ni Liu na noong isang taon, walang humpay na umunlad ang relasyong pulitikal,
pangkabuhayan at pangkalakalan at militar ng Tsina at Pilipinas, at ibayo pang lumawak ang
kanilang pagpapalitang pangkultura. Pagkaraang danasin ang pagsubok ng isang serye ng
mahalagang pangyayari, ang relasyon ng dalawang bansa ay nagiging mas matibay.

Ipinahayag naman sa aktibidad ni Pangulong Benigno Aquino III ng Pilipinas na noong isang taon,
umakit ang Pilipinas ng halos 133 milyong dolyares na direktang pamumuhunan mula sa Tsina na
naging mahigit 2 beses kumpara sa taong 2009. Noong unang kuwarter ng taong ito, umabot sa 1.4
bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng pagluluwas ng Pilipinas sa Tsina na katumbas ng 11.5%
ng kabuuang halaga ng pagluluwas nito sa gayun ding panahon. Ito aniya ay nakakapagpabuti sa

situwasyon ng hanap-buhay at lebel ng pamumuhay ng mga mamamayang Pilipino at


nakakapagpasulong sa kabuhayan ng bansang ito.

You might also like