You are on page 1of 3

A3.

6 : Palawakin Pa Natin
Talumpati Scaffold #1
Jennie Lou D. Cabutaje
Magandang Araw po sa inyong lahat! Maraming salamat po sa inyong pagdalo upang masaksihan
at mapakinggan ang bawat salitang aking bibitawan na alam kong marami kayong matututunan bilang
isang Pilipino na tahanan ang nag-iisang bansang Pilipinas. Ngunit bago ko pasimulan ang aking
talumpati ay nais ko muna kayong tanungin kung naniniwala ba kayo sa kasabihang "Kung ano ang akin
ay akin"? At kung ano ang nasa teritoryo mo ay iyo? Kung naniniwala ka rito, ako’y naniniwala rin! Kung
hindi ka naman naniniwala rito, may katanungan ako para sayo. Paano kung may biglang darating sa
buhay mo na isang tao na gustong angkinin ang isang bagay na matagal mo ng pagmamay-ari? Hindi ka
ba magagalit o manggagalaiti?

Bakit ko nga ba sinasabi ang mga ito? Sinasabi ko ang mga ito dahil masasabi kong lubos nitong
nailalarawan ang isang malaking usapin ngayon tungkol sa isyu ng pag-aagawan sa teritoryo ng Pilipinas
at ng Tsina tulad ng mga isla sa West Philippine Sea lalo na nang lumabas ang desisyon ng pandaigdigang
Permanent Court of Arbitration sa The Hague Netherlands na pumapabor sa Pilipinas at nagsasabing
bahagi ng ating teritoryo ang karagatan at mga isla rito na inaangkin ng Tsina. Gayunpaman, hindi
sinang- ayunan ng Tsina ang desisyong ito ng PCA. Kahit nga iginiit na ni President Duterte sa United
Nations na panalo ang ating bansa laban sa Tsina at binigyang diin ito noong Setyembre, hindi pa rin
talaga matinag- tinag ang Tsina dahil hanggang ngayon, Oo hanggang ngayon, patuloy pa rin nilang
ginagambala hindi lang ang West Philippine Sea pati na rin ang mga mangingisda na nagingisda roon.
Kung minsan pa nga, pinagbabawalan ng Tsina na mangisda ang mga Pilipinong mangingisda roon na
parang sila ang may- ari nito at may karapatan sila rito kahit ilang beses nang iginiit na atin to.

Naiintindihan ko naman ang Tsina kung bakit hindi sila matinag- tinag. Dahil ba naman sa
maganda ang lokasyon ng West Philippine Sea para sa pagpapalawig ng kanilang puwersang pantubig at
puwersang panlupa, isang opurtunidad ito para sa kanila. Idagdag mo din na maraming deposito ng
langis rito at sagana rin sa mga produktong dagat. Ang daming dahilan para ipaglaban ito diba?

At alam niyo ba? Ayon sa nabasa kong datos, para mapanindigan ng Tsina na pagmamay-ari nila
ang West Philippine Sea, ang ginagamit nilang basehan ay ang tinatawag na 9 Dash line. Ito ay isang U-
shaped form kung saan ang lahat nang nasa loob nito ay pag-aari ng Tsina sa pandagat man o
panhimpapawid at nakapaloob rito sa U- shaped form ang West Philippine Sea na kabaligtaran naman ng
basehan ng bansa natin na naka-ayon sa batas na tinatawag na Exclusive Economic Zone o EEZ na
binabasihan sa UNCLOS o angUnited Nation Convention on the Law of the Sea. Ang nasisimula ang
baseline hanggang 200 nautical miles galing sa bansa. Sa 200 na nautical miles na iyan ay may karapatan
tayong mangigisda sa West Philippine Sea at ito rin ang sinunod ng PCA dahil ito ang mas updated.

Kaya China, bakit kailangan pa ipaglaban ang isang bagay na sa una pa lang ay hindi naman iyo?

Dahil sa mga nabasa at nakalap ko na datos, sa tingin ko, oras na para tumigil ang Tsina sa
pagdidiin na sa kanila ito at patuloy na pagbaliwala ng desisyon ng PCA. Sobra na sila. Ilang tao na nilang
ginagambala at inaabuso ang kayamanan ng West Philippine Sea na nagmumukha nang sila ang
nagmamay- ari nito at tayo ay nagmumukha nang tuta nila.

Ngunit sa palagay ko din, kaya patuloy pa rin silang nasa West Philippine Sea dahil hindi
gumagawa ng aksyon ang gobyerno natin ukol rito. Ang dami ko nang nabasa at narinig na balita na
gagawa sila ng aksyon ukol rito ngunit wala akong nakitang aksyon na sinasabi nila kaya hanggang
ngayon na 2021 na, masasabi kong, sinalubong natin ang bagong taong ito na may Tsina na nang-iistorbo
sa teritoryo natin. Kaya hindi ko rin masisisi ang mga taong nagsasabi na binenta na tayo ng gobyerno
natin sa Tsina dahil yun ang nakikita ko at pinapakita ng ating gobyerno.
Bilang Pilipino at estudyante, ang opinion ko sa isyu na ito ay dapat maging alerto tayo sa mga
usaping ganito at palaging updated rito para aware tayo at ready sa mga mangyayari dahil baka bukas sa
paggising natin, tuluyan na palang nawala ang bagay na pagmamay-ari natin. Dapat hindi tayo matakot at
ang ating gobyerno sa pananakot ng anumang bansa dahil sinusunod naman natin ang tamang batas at
may paninindigan tayo. Wag tayong magpapaapekto sa mga malalaking barko, mga sandata, at
teknolohiya ng bansang Tsina. Kung dahas ang usapan, masasabi na lamang talaga sila ngunit lagi nating
tandaan na tayo ay may batas at basehan. Patuloy din tayong maniwala sa ating Diyos nawa at patuloy na
umasa sa mga magagandang pangyayari dahil nasa gitna din tayo ng pandemya.

Kayo ba mga mahal kong mga tagapakinig? Ngayong nalaman niyo ang mga ito , ano ngayon ang
pumapasok sa inyong isipan? Sana aking namulat ang inyong mga mata at sana nabigyan ko din kayo ng
mga butil ng kaalaman na magsisilbing gabay ninyo sa inyong buhay at karapatan. Itigil na natin ang
pagbubulag-bulagan . Atin ang West Philippine Sea.

Maraming Salamat po sa pakikinig.

Ipinasa kay:
Gng. Evelyn Y. Austria

Sources:
http://westphilippine.blogspot.com/p/blog-page.html
https://www.philstar.com/pilipino-star-
ngayon/bansa/2020/09/24/2044704/duterte-iginiit-sa-un-ang-
panalo-ng-pinas-vs-china-sa-west-philippine-sea
https://news.abs-cbn.com/news/07/15/16/9-na-
mahahalagang-punto-mula-sa-west-ph-sea-ruling
https://pinoyweekly.org/2016/07/depensa-sa-west-ph-sea/

You might also like