You are on page 1of 2

KKK: Kapangyarihan, Kayamanan, Kasakiman

(Shawn Alfred Padilla)

Pagdurusa, paghihirap, at paglubog ng iba, ‘yan ang bunga ng kapangyarihan kapag ang
pinagkalooban nito ay nabulag sa kayamanan at nabalot ng kasakiman.

Binomba ng water canon ang mga sasakyang pandagat ng Pilipinas ng Chinese Coast
Guard sa noong ika - 5 ng Agosto 2023, sa West Philippine Sea. Ang pangyayaring ito ay isa
lamang sa mga panggigipit na ginawa ng China sa Pilipinas magtapos ang mainit na alitan sa
pagitan ng dalawang bansa noong Abril 2012. Ang dahilan sa nasabing sigalot ay ang pag-
aagawan ng dalawang panig sa karapatan para sa Dagat Kanlurang Pilipinas na pag-aari ng mga
Pilipino, subalit pilit na inaangkin ng mga Instik.

Ang Dagat Kanlurang Pilipinas na katatagpuan ng masaganang yamang tubig ay lubos na


makapagyayabong sa ekonomiya ng bansang nakakasakop dito. Kung kaya, bilang isang nasyon
na ninanais ang pag-unlad, hindi pinabayaan ng China na mapunta sa iba ang nasabing yaman,
na pinaniniwalaan nilang sa kanila. Ang teritoryo na noon ay tinawag na South China Sea, ay tila
isang baul ng kayamanan na labis na gustong kunin ng naghaharing bansa mula sa atin.

Bukod pa sa napakalaki nitong lakas sandatahan, ang China ay isa sa mga bansa na
nangunguna sa larangan ng agrikultura, teknolohiya at ekonomiya. Isa ito sa mga
pinakamayayaman at pinakamakapangyarihang bansa sa daidig. Kaya naman, hindi mahirap sa
kanilang bansa ang manggipit at kumalaban sa ibang mga "papaunlad pa lamang" na bansa gaya
ng Pilipinas, na nagbigay sa kanila ng kompiyansa para sakupin ang Dagat Kanlurang Pilipinas.

Kahit legal na teritoryo ng ating bansa ang nasabing karagatan ay hindi parin matinag
ang karatig na bansa sa pang-aagaw dito. Bilang resulta, maraming mga mangingisdang Pilipino
ang nawalan ng mapagkakakitaan, at napunta sa mahirap na sitwasyon. Bukod dito, labis na
naapektuhan din nito ang ekonomiya ng bansa, kasabay na rin ng implasyon ay nagkaroon ng
malaking pagtaas ng presyo ng isda na naging sanhi ng kagipitan ng mga hikaos sa buhay.
Dahil sa kapangyarihan, marami ang naghirap. Sapagkat hindi kayang pigilan ng mga
mahihina ang pwersang may taglay nito, kahit anong pang-aapi at kahit gaanong sakit pa man
ang kanilang tamuhin. Kapag ang nasa kapangyarihan ay nabulag sa kayamanan, marami ang
magiging kapos kapalaran. Sapagkat kaakibat nito ay kasakiman, na walang palalampasin na
kahit anuman.

You might also like