You are on page 1of 10

1 NegOr_Q3_AP8_Modyul8_v2

Suriin
Ngayon basahin at unawain mo ang nakasulat sa ibaba.

Ang Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismong


Kanluranin

(Slideshare n.d.)

Ang Pananakop sa Makabagong Panahon


Ang mga Kanluraning bansa ay nagsimulang manakop sa ibang lupain nang
pumalaot ang mga barkong Europeo. Ang Portugal, Spain, Netherlands, France, at Britain ay
isa-isang nanakop ng mga lupain at nagtayo ng mga kolonya sa Asia at America. Ngunit
bago nagsimula ang ika-19 na siglo ang lahat ng mga imperyong ito ay bumagsak. Ang
Netherlands at France ay nawalan ng kolonya sa North America. Ang 13 kolonya ng Britain
sa America ay matagumpay na nakapag-alsa laban sa pamahalaan, ang Timog Canada at
ang pinakamagandang kolonya ng Spain at Portugal.

Noong ika-19 na siglo nabuo ang mga makabagong imperyo at sa unang bahagi ng
ika-20 na siglo, habang nagaganap ang ikalawang Rebolusyong Industriyal. Ang panahon
mula noong 1871 hanggang sa nagsimula ang Unang Digmaang Pandaigdig noong 1914 ay
panahon nang mabilis na paglawak ng pagkakanluranin o westernization ng ibang lupain.

2 NegOr_Q3_AP8_Modyul8_v2
Dahilan, Uri at Lawak ng Pananakop

(Slideshare n. d.)

Iba-iba ang dahilan ng pananakop. Ang ilan ay binibigyang katuwiran ang pananakop
Ang paggamit ng manifest destiny at white man’s burden ay ilan sa ginamit na dahilan ng
kanilang pananakop.
Isinasaad sa doktrinang manifest destiny na may karapatang ibigay ng Diyos ang
United States na magpalawak at angkinin ang buong kontinente ng Hilagang Amerika.
Samantalang paniniwala naman sa white man’s burden na tungkulin ng mga Europeo at ng
kanilang mga inapo na panaigin ang kanilang maunlad na kabihasnan sa mga katutubo ng
mga kolonyang kanilang sinakop.
Ang dahilan ng iba ay upang sanayin ang sarili sa pamamahala at marami pang
pagbabalat-kayo. Iba-iba rin ang uri ng kolonyang itinatag batay sa katayuan ng
mamamayan. May nagtayo ng kolonya, protectorate, concession o sphere of influence. Sa
mga mananakop, pinakamalawak ang imperyo ng Britain.
Ang pagbibigay ng espesyal na karapatang pangnenegosyo ay tinatawag na
concession. Samantalang ang sphere of influence ay isang lugar o maliit na bahagi ng bansa
kung saan kontrolado ang pamahalaan at politika ng makapangyarihang bansa.
Bunsod ng pangangailangan sa hilaw na mga sangkap, pagsunod sa sistemang
kapitalismo at paniniwalang karapatan at tungkulin ng mga Kanluranin na magpalawak ng
teritoryo at ipalaganap ang kanilang kabihasnang naganap ang ikalawang yugto ng
pananakop. Sa mga bansang sinakop maraming pagbabagong political, kultural, at
pangkabuhayang naganap. May mga mabuti at hindi mabuting dulot ito sa mga kolonya.

3 NegOr_Q3_AP8_Modyul8_v2
Mga Dahilan sa Paglulunsad ng Ikalawang Yugto

• Nagkaroon ng malaking pangangailagan para sa


pamilihan at mga hilaw na materyales para sa mga
industriyang nabuo sa Europa at lalong
nagpaigting sa panibagong paglalakbay ng mga
Europeo

(slideshare n.d. )

(Slideshare n.d. )

(Alamy n.d. )

4 NegOr_Q3_AP8_Modyul8_v2
• Nagkaroon ng malaking demand para sa mga hilaw na materyales na makukuha sa
Africa, at Asya gaya ng bulak, goma, seda, vegetable oil, at mineral

• Ang mga daungan nito ay estratehiko bilang baseng pandagat ng mga Europeo

Ang Paggalugad sa Gitnang Africa


Noong 1854, ginalugad ni Livingstone ang Ilog Zambesi. Siya ang unang dayuhan
na nakamasid sa magandang talon ng Victoria na ipinangalan sa reyna ng England. Nakita
rin niya ang lawa ng Nyasa at Tanganyika. Dito siya namatay sa sakit.

Ang Pag-aagawan sa Africa ng mga Bansa sa Europe


Noong panahon ng katanyagan ng pananakop, ang paglaganap ng relihiyon, ang
pambansang ambisyon, at mga pangangailangan ang nagbunsod upang pag-agawan ang
gitnang Africa. Naangkin lahat ng mga kanluraning bansa ang dating hindi kilalang mga pook
sa loob ng 30 taon. Noong 1885, nakuha ng Belgium ang pinakamalaking bahagi ng Congo
basin sa pamumuno ng pinakatusong mangangalakal ng Europe, si Haring Leopoldo I. Ang
ibang bahagi ay pinaghatian ng France, Britain, Germany, Portugal, at Italy. Nahahati sa
tatlong rehiyon ang kontinente ng Africa – una ang hilagang bahagi na nakaharap sa Dagat
Mediterranean, pangalawa ang pinakagitnang bahagi ng tropiko o mainit na bahagi, at ang
pangatlo ang malamig na bahagi sa may timog.
Sa simula, sa kalakalan ng alipin naging interesado lamang ang mga Europeo.
Ngunit kalaunan naging interesado na rin sila sa likas na yaman ng mga pook na ito tulad ng
mga taniman ng ubas, citrus, butyl, pastulan ng hayop, at mga pook na magandang
panirahan. Ang bundok ng Atlas sa Morocco ay pinaniniwalaang may mina ng bakal. Para sa
kanila kahina-hinayang na palagpasin ang ganitong mga pagkakataon dahil ito’y
makapagdadala ng kayamanan para sa mga Europeo.

Imperyalismong Ingles sa Timog Asya


Sa lahat ng mga mananakop, ang Imperyong Great Britain hindi natinag. Sa halip,
lalo pang lumawak ito. Bagaman lumaya ang 13 kolonya sa America sa Rebolusyong
Amerikano, nadagdagan naman ito sa ibang dako. Ang British East India Company sa India
naging lubhang makapangyarihan sa pamahalaan at dinala ang mga kaisipan, kaugalian,
edukasyon, at teknolohiya sa bansa. Hindi naglaon, noong huling bahagi ng 1800, inilipat
ang kontrol ng kompanya sa pamahalaan ng Imperyo ng Great Britain. Ang India ay tinawag
na “pinakamaningning na hiyas” ng imperyo. Sa Treaty of Paris noong 1763, nagwakas ang
pitong taong digmaan ng France at Britain, ang France nawalan ng teritoryo sa India.
.
5 NegOr_Q3_AP8_Modyul8_v2
Ang United States sa Paligsahan ng mga Bansang Mananakop
Ang United States ay hindi nagpahuli sa mga bansang industriyalisado. Bagaman
marami sa Africa ang hindi sang-ayon sa pananakop ng mga teritoryo, napasali ito nang
nakipagdigmaan ang United States laban sa Spain na nagdulot ng pagsakop sa Guam,
Puerto Rico, at Pilipinas. Sinabi ni Pangulong William Mckinley, pinag-isipan pa niya kung
ano ang nararapat gawin sa Pilipinas.
Ang Pilipinas at iba pang dating mga sakop ng Spain ay nakuha ng United States
tulad ng Guam na naging himpilang-dagat patungo sa Silangan at ang Puerto Rico bilang
himpilang dagat at ang Hawaii kung saan makikita ang Pearl Harbor na siyang pinakatampok
na basing pandagat ng United States sa Pacific.

Ang Protectrate at Iba pang uri ng Kolonya

Ang West Indies, Australia, New Zealand, at mga bansa sa Central America ay
pawing mahihina at walang pagkakaisa ang mga ito upang maipagtanggol ang kanilang
bansa. Nagsilbing tagapangalaga sa mga pook na ito ang hukbo ng Amerika upang
mapanatiling bukas ang pamilihan sa mga bayan na ito, makuha ng malalaking bahagi ng
lakas-pangkabuhayan tulad ng pag-aari ng mga minahan, mga balon ng langis, mga taniman,
mga daang-bakal, at samahan ng mga sasakyang dagat.
Ang iba pang pook na nakaligtas sa pagkakaroon ng hidwaan ng mga bansang
mananakop ay ang Australia at ang kalapit na New Zealand dahil matibay itong nahawakan
ng Great Britain. Dito ipinadala ng Britain ang mga bilanggo matapos ang himagsikan sa
America. Nang makatuklas ng ginto sa Australia, maraming Ingles ang lumipat dito at ito na
ang isang halimbawa kung paanong ang sakop na lupain ay magagamit na tirahan ng
dumaraming tao.

Halos lahat ng bansa sa Africa, Asya, at Timog Amerika ay nasakop ng mga Europeo
sa pagsapit ng ika-20 siglo.
Maraming mga komperensya ang naganap upang maiwasan ang digmaan dahil sa
pagaagawan ng kolonya tulad ng Komperensya sa Berlin noong 1885, kung saan pinaghati-
hatian ang Africa ng mga bansang Europeo.

Nanguna sa pagtatayo ng mga kolonya ang Great Britain, Germany, France,


Portugal, at Spain.
Nagkaroon ng iba’t ibang paraan o sistema ng pagkontrol at pananakop ang mga
bansang Europeo para lubos na mapakinabangan ang likas yaman ng kolonya.

Epekto ng Ikalawang Yugto ng Imperyalismo at Kolonyalismo

Epekto ng kolonisasyon sa mga Bansang Nanakop

Maraming aspekto ng buhay ang naapektuhan ng pananakop. Ang mga gawaing


pampolitika, pang-ekonomiya, panlipunan, espirituwal, at pangkultura ay ginamit ng mga
mananakop upang ganyakin ang mga bansang nasakop na sumunod sa kanilang
ipinagagawa tulad ng pagtatrabaho at pagsisilbi sa pataniman, sa pagawaan ng barko sa
hukbong sandatahan.

Epekto ng kolonisasyon sa mga Lupang Nasakop

Maraming pagbabago ang naging bunga ng kolonisasyon sa lupaing sakop. Ang


mga ito ay pagbabago sa pampolitika, pang-ekonomiya, panlipunan at pangkultura.

6 NegOr_Q3_AP8_Modyul8_v2
Epekto ng Imperyalismo

Ang imperyalismo sa Africa at Asya ay naging daan upang makaranas ng


pagsasamantala ang katutubong populasyon mula sa mga mapaniil na patakaran ng mga
dayuhan. Pinagsamantalahan ng mga Kanluranin ang kanilang likas na yaman at
lakaspaggawa. Naging sanhi rin ito ng pagkasira ng kulturang katutubo sa ilang bahagi ng
kolonya dahil sa pananaig ng impluwensiyang Kanluranin. Sa usapin ng hangganang
pambansa, ang pamana ng mga kanluranin ay ang hidwaan sa teritoryo na namayani pa rin
hanggang sa ngayon sa ilang bahagi ng Africa at Asya bunga nang hindi makatuwirang
pagtatakda ng mga hangganan.

Nasyonalismo sa Europe at sa Asya


Ang nasyonalismo ay tumutukoy sa ideya ng pagkabansa o pagmamahal sa bansa
na bunsod ng pagkakapareho sa lahi, wika, relihiyon, kultura, at pagpapahalaga.
Sa Europe, makikita ang diwa ng Rebolusyong French sa mga rebelyong naganap
na nakatuon sa pagtutol sa tradisyonal na monarkiya, pagkakaroon ng kinatawan sa
pamahalaan, at pagkakaroon ng konstitusyon. Ang kaayusang politikal na nilikha ng
Congress of Vienna ang nagsilbing mitsa sa pagsiklab ng mga rebelyong nabanggit.

Ang imperyalismong Kanluranin sa Asya ay lumaganap simula noong ika-16 na


siglo. Pagdating ng ika-19 na siglo, naging mas organisado ang mga rebelyon na ang tuon
ay ang pagtuligsa sa mga partikular na patakarang kolonyal o kaya ay pagpapatalsik sa
dayuhang kapangyarihan pagdating ng ika 19 na siglo.
Ang nasyonalismo sa Europe at Asya ay nakaugat sa paghahangad na manaig
ang kagustuhan ng mamamayan.

Sanggunian
A. Aklat
Blando, Rosemarie C., et.al., Modyul Para sa Mag-aaral, Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng
Pagkakaiba, Eduresources Publishing, Inc.
Celia D. Soriano, et.al., Binagong Edisyon: Kayamanan Kasaysayan ng Daigdig, Batayan at
Sanayang Aklat sa Araling Panlipunan, Rex Bookstore, Inc.
Teofista L. Vival, et.al, Kasaysayan ng Daigdig, SD Publications, Inc.

B. Teacher’s Guide
Most Essential Learning Competencies (MELC)

C. Websites alamy. n.d. alamy.com. Accessed January 13, 2022. https://tinyurl.com/y4aheqch.

7 NegOr_Q3_AP8_Modyul8_v2
n.d. All-Flags-World.com. Accessed January 12, 2022.
http://www.all-flags-world.com/countryflag/Spain/national-spanish-flag.php.

2014. HIPI.info Digital Goodies. June 14. Accessed January 12, 2022.
https://www.hipi.info/2014/06/portugal-flag-hd-wallpaper-background.html.

Keep Calm and Learn History. 2018. Facebook. January 31. Accessed January 13, 2022.
https://www.facebook.com/739396062922217/photos/a.739404942921329/739828016212
355/?type=3.

Pagtangkilik sa Sariling Atin. 2013. Facebook. March 23. Accessed January 13, 2022.
https://m.facebook.com/316346685154963/photos/a.316775245112107/31800308165599
0/?type=3&__tn__=-R.

slideshare. n.d. https://tinyurl.com/yx9svaac.

Slideshare. n.d. Slideshare.com. Accessed January 13, 2022. https://tinyurl.com/y5ynsmot.

—. n.d. Slideshare.com. Accessed January 13, 2022. https://tinyurl.com/y4f69qeq.

n.d. Wikipedia . Accessed January 12, 2022. https://en.wikipedia.org/wiki/Flag_of_France.

n.d. Wikipedia. Accessed January 12, 2022. https://en.wikipedia.org/wiki/Flag_of_Great_Britain.

8 NegOr_Q3_AP8_Modyul8_v2
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education
– Schools Division of Negros Oriental
Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address:negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

You might also like