You are on page 1of 4

IKALAWANG-YUGTO NG KOLONYALISMO

SURIIN

Hangad sa bahaging ito ang iyong kabatiran sa paksa. Umpisahan mo nang magbasa at
intindihin ang teksto.

Mga Sanhi sa Paglulunsad ng Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo

Ang mga kaganapan sa ikalawang Rebolusyong Industriyal ay nasabayan ng paghubog ng


makabagong imperyo pagdating ng ika-19 na dantaon at sa pagsisimula ng ika-20 na siglo.
Napakinabangan ng husto sa panahong ito ang paglago ng Rebolusyong Siyentipiko. Daglian
ang paglawak ng pagkakanluranin o westernization ng ibang lupain dahil sa mga imbensyon sa
teknolohiya at agham na nagpabilis sa mga paglalayag ng mga Europeo. Nag-udyok din sa
paggalugad ang matinding pangangailangan sa mga hilaw na materyales para sa pamilihan at
sa mga itinayong mga industriya sa Europa.

Paraan at Lawak ng Pananakop

1. Manifest Destiny - ay ang ideya o paniniwala na ang United States ay itinadhana at


pinagkalooban ng Diyos, na palawakin ang pamamahala nito at maikalat ang demokrasya at
kapitalismo sa buong kontinente ng Hilagang America.

2. White Man's Burden ay doktrina ng mga Europeo na tungkulin nila at ng kanilang inapo na
ang mga katutubo ng mga kolonyang hawak nila ay mapangibabawan ng kanilang progresibong
sibilisasyon.

3. Protectorate ay ang pagkakaloob ng proteksiyon laban sa paglusob ng ibang bansa.

4. Concession- ay ang pagkakaloob ng pribilehiyong makapagnegosyo ng mga kanluraning


bansa.

5. Sphere of Influence - ay isang rehiyon o maliit na bahagi ng bansa na kontrolado ng


maimpluwesiyang bansa sa pamamagitan ng pangagasiwa sa mga patakaran at ibang
pampulitikang aspeto nito.

Dagdag pa nito ay ang malaking pangangailangan ng hilaw na mga materyales,


pagsasakatuparan ng pamamaraang kapitalismo at paniniwalang karapatan at tungkulin ng
mga Kanluranin na palawakin ang nasasakupan at palaganapin ang kanilang sibilisasyon. Ito
ang dahilan kung bakit nangyari ang ikalawang yugto ng pananakop.
Ang Paggalugad sa Gitnang Africa

Pahirapan ang pagpasok sa loobang bahagi ng Africa kung kaya walang masyadong alam ang
mga Europeo tungkol dito. Lubhang peligroso ang paglalayag sa mga ilog dahil karamihan sa
daloy nito ay may pambihirang lakas. Kakila-kilabot ang gubat dito dahil bukod sa makulimlim
ay nagkalat ang iba't ibang uri ng hayop.

Pagdating ng 1854, narating ng isang misyonerong Ingles na si David Livingstone ang lugar na
ito. Natuklasan niya ang ang isang kamangha-manghang talon na pinangalanan niyang Victoria
Falls. Naabot niya ang bibig ng ilog Zambezi sa Karagatang Indian noong Mayo 1856, na
naging unang Europeano na tumawid sa lapad ng southern Africa. Pagbalik sa Britain, inilathala
niya ang 'Missionary Travels and Researches in South Africa' (1857) kung kaya nagkaroon ng
kaalaman ang mga Europeo.

Paligsahan sa Pagkamkam sa Africa ng mga Bansa sa Europe.

Ang kontinente ng Africa ay may tatlong rehiyon. Makikita ang Dagat Mediterranean sa hilagang
bahagi kung saan makararanas ng tropiko o mainit na klima ang mga lugar na kabilang dito,
Malamig na klima naman ang mararanasan katimugang bahagi ng Africa. Nagsimula na ang
tunggalian sa pag-aagawan ng mga bansang Europeo sa Africa sa loob ng tatlong dekada.
Pinasok at hawak na ng mga kanluraning bansa ang mga lugar na hindi pa nila kabisado. Ang
Congo Basin ay naangkin ng Belgium sa pamamahala ni Haring Leopoldo I. Samantala, ang
ibang mga lupain ay nakuha ng bansang France, Britain, Germany, Portugal at Italy.

Malaki ang naitulong ng Dagat Mediterranean sa pagpapabilis ng paraan ng transportasyon.


Ang magandang bunga nito ay ang paglago ng mga lungsod ng Tunis at Algiers na nagsisilbing
daungan ng mga barko na nagdadala ng mga kalakal.

Sa simula, pagbibili lamang ng mga alipin ang inatupag ng mga Europeo hanggang sa
napagtanto nila ang potensiyal ng mga likas na yaman na nakapaloob sa Africa. Inisip nila na
ang oportunidad na nakikita nila ay magdulot ng kaunlaran sa kanilang bansa. Kaya sinimulan
nila na maggalugad ng mga lugar upang makamkam ang mga likas na yaman gaya ng
brilyante, asukal, asin, ginto, iron, cobalt, uranium, tanso, bauxite, pilak, at petrolyo, bukod nito
mayroon ding mga kahoy at mga tropikal na prutas.

Mga Pamprosesong Tanong

Panuto: Saguting ang mga sumusunod na mga tanong. Isulat ang iyong mga sagot sa sagutang
papel.

1. Bakit nahuli ang paggalugad ng mga Europeo sa Africa?

2. Ano ang mga natuklasan ng mga Europeo matapos nilang galugarin ang loobang bahagi ng
Africa?

3. Bakit pinagtuunan ng pansin ng mga Europeo ang pagkamkam ng mga lupain sa Africa?
4. Paano nakatulong ang Dagat Mediterranean sa pag-unlad ng ilang lugar sa Africa?

5. Ano sa palagay mo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mga daungan ng mga barkong


nagdadala ng kalakal sa pag-unlad ng isang lugar?

Imperyalismo sa Timog Asya

Ang mga kaisipan, kaugalian, edukasyon, at teknolohiya ay dinala ng British East India
Company noong lubos itong naging maimpluwensiya sa gobyerno ng India. Sa patapos na
panahon ng 1800, hindi nagtagal ay hawak na ng Imperyo ng Great Britain ang pangangasiwa
sa kompanya. Binansagang "pinakamakinang na kayamanan ng imperyo ang India. Ang pitong
taong digmaan ng France at Britain ay nahinto sa pamamagitan ng Treaty of Paris.
Napagkasunduan na ang France ay wala ng mahahawakan na lupain sa India na nagpahina ng
kanilang impluwensiya sa nasabing bansa. Subalit may mga naiwan pa ring trading posts ang
bansang France sa India nagpanatili ng ugnayan sa aspeto ng negosyo at kalakalan.

Ang Pagsali ng United States sa mga Bansang Mananakop

Nagbunga ng pag-angkin sa Cuba, Pilipinas, Guam, at Puerto Rico ang pananaig ng United
States noong nakipagdigma ito sa Spain. Ginawang istasyong pandagat ang Guam papuntang
Silangan, samantala ang Puerto Rico naman ay istasyong pandagat sa Caribbean. Nakuha
naman nila ang Samoa at ginawang pangunahing istasyong pandagat. Ang Pearl Harbor na
matatagpuan sa Hawaii ay ang pinakanamumukod-tanging pundasyong himpilang-dagat sa
Pacific ng United States pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig. Ang pagkakaroon ng
mga base militar ng United States sa mga lugar na nabanggit ay palatandaan ng kanilang
kapangyarihan at impluwensiya na sa kalaunan ay nauwi sa pananakop.

Pamprosesong Tanong

Panuto: Saguting ang sumusunod na tanong. Isulat ang iyong mga sagot sa sagutang papel.

1. Ano ang implikasyon ng pagkakaroon ng himpilang-pandagat ng United States sa kanilang


mga nasasakupan?

Ang Protectorate at iba pang Uri ng Kolonya

Pinangasiwaan at naging tagapagtanggol ang United States sa mga bansang napabilang sa


West Indies, kasama na ang bansang Australia, New Zealand at mga bansang matatagpuan sa
Central America. Layunin nitong mamalagi ang malayang kalakalan sa mga rehiyon nito,
mapagkunan ng hilaw na materyales at maproteksyunan ang mga gawaing pang-ekonomiko ng
United States. Ang malalaking proporsiyong pangkabuhayan ay napasakamay ng malalaking
organisasyong pangkomersyo ng United States.
Protektado naman ng Great Britain ang mga bansang Australia at New Zealand. Dati rati ang
mga bansang ito pagkaraan ng himagsikan sa America ay naging tapunan ng mga bilanggo. Di
nagtagal, nag-umpisa ang pagtatayo ng mga kolonya sa mga lupaing ito nang madiskubre ang
ginto sa Australia. Malaking tulong ang lupaing ito sa migrasyon at bagong pananahanan lalo
na sa lumulubong bilang ng tao sa Great Britain.

Mga Pamprosesong Tanong

Panuto: Saguting ang mga sumusunod na mga tanong. Isulat ang iyong mga sagot sa sagutang
papel.

1. Ipaliwanag ang pagkakaiba ng layunin ng United States at Great Britain sa mga bansang
napailalim sa kanila.

2. Alina ng madaling umunlad, ang mahihinang bansa na aasa sa sariling kakayahan o ang
magpasakop sa maunald na bansa? Patunayan.

Epekto ng Ikalawang Yugto ng Imperyalismo at Kolonisasyon

Maraming pagbabago ang ibinunga ng kolonisasyon sa lupaing nasakop lalo na sa aspekto ng


buhay. Hinimok ng mga mananakop na sundin ng mga bansang nasakop nila ang mga gawaing
pampolitika, pang-ekonomiya, pang-espiritwal, panlipunan at pangkultura upang
maisakatuparan ang sarili nitong interes.

Nalasap ng mga mamamayang nasakop ang malupit at marahas na pamamalakad ng mga


banyaga sa paglawak ng imperyalismo sa Africa at Asya, Ang likas na yaman at lakas-paggawa
ay walang pakundangang inabuso ng mga Kanluranin. Sa ilang bahagi ng kolonya ay naging
dahilan ito sa pagkawala at pagyurak ng kulturang katutubo dahil sa pangingibabaw ng mga
Kanluranin. Ang mga bakas ng pananakop ay nag-iwan ng sigalot sa ilang bahagi ng Asya at
Africa dahil sa hindi malinaw na pagpapatupad ng mga hangganan na hanggang sa
kasalukuyan ay pinagtatalunan.

Mga Pamprosesong Tanong

Panuto: Saguting ang mga sumusunod na mga tanong. Isulat ang iyong mga sagot sa sagutang
papel.

1. Paano mo mailalarawan ang paraan ng pamamahala ng mga Kanluranin sa mga bansang


kanilang sinakop?

2. Naniniwala ka ba na may mabuting naidulot ang pananakop ng mga Kanluranin sa Pilipinas?


Patunayan.

You might also like