You are on page 1of 2

ARALING PANLIPUNAN 8

 Kahalagahan ng mga paglalayag at pagtuklas ng mga lupain?


 Binigyan siya ng titulong Admiral of the Ocean Sea, Viceroy at Gobernador ng mga islang natagpuan niya sa
Indies.
 Inilunsad sa Gitnang Panahon ng mga Espanyol at Portuges ang reconquista upang mabawi ang mga lupain
sa Iberian Peninsula na nasa kamay ng mga Muslim. Ang eksplorasyon ay maaaring tingnan bilang?
 Kaganapan na naging sanhi ng pagkontrol ng mga Europeo sa mga ruta ng kalakalan sa silangan, ang Silk
Road, at pagtuklas ng iba pang rutang pangkalakalan gamit ang katubigan .
 Pinakamahalagang kontribusyon ni Sir Isaac Newton sa larangan ng agham?
 Mga dahilan kung bakit sa Italya nagsimula Renaissance .
 Ano ang pinakamahalagang papel na ginampanan ng mga unibersidad sa Europa sa panahon ng
Renaissance?
 Bakit kinailangang maghanap ng panibagong ruta upang makarating sa silangan ang mga Europeo?
 Ano ang naging epekto noong ang Europe ay nahati sa mga nation-state na Portugal, Spain, Netherlands,
England at France?
 Patron ng mga manlalakbay at ikinabit sa kanyang pangalan ang katawagang The Navigator.
 Tawag sa hindi nakikitang linya sa gitna ng Atlantiko mula sa North Pole hanggang sa South Pole na ginawa
ng simbahan bilang pamamagitan at lunas sa kanilang iringan?
 Mananakop ng mga Inca kung saan kahit na sila ay nag-alsa; ang sibat, pana at tirador ay hindi
makakatalo sa armas, espada at aserong baluti ng mga mananakop nila.
 Bakit malaki ang paghanga ng mga taga-Europa sa Italya?
 Bakit naganap ang Renaissance?
 Anong larangan ang naging dahilan at nagpasigla sa mga manlalakbay na galugarin ang mundo at magtatag
ng mga bagong imperyo ?
 Anong kilusan ang nagpadama na hindi lamang ang paghahanda ng sarili sa susunod na buhay ang
pangunahing tungkulin sa mundo, kundi, dapat din hangarin ng tao ang lubos na kasiyahang
pangkasalukuyan?
 Anong pangkat ang nanguna na muling maibalik ang karunungang klasikal sa pamamagitan ng pag-aaral ng
wikang Latin at Greek, Retorika, Kasaysayan, Pilosopiya, Musika, Matematika, at Agham?
 Sa anong larangan nakasalalay ang yaman ng mga lungsod-estado sa panahon ng Renaissance?
 Anong bansa ang pinagmulan ng mga Dutch?
 Ano ang pangunahing dahilan ng pananakop ng mga kanluranin sa Panahon ng Rebolusyong Industriyal?
 Sino ang nagpakilala ng telegrapo na nakatulong sa pagpapaunlad ng sistema ng komunikasyon?
 Ano ang isinusulong ng Teoryang Heliocentrism na ipinahayag ni Nicolaus Copernicus?
 Ano ang tawag sa yugto ng kasaysayan kung kailan umunlad ang mga kilusang intelektuwal na naglayong
iahon ang mga Europeo sa kawalan ng katwiran at maling paniniwala noong Middle Ages?
 Bakit nagdalawang isip ang mga astronomer na ilathala ang kani-kanilang mga bagong kaisipan?
 Ano ang naimbento ni Thomas Alva Edison na nakatulong sa pagpapaandar ng mga makabagong makinarya
at pagbibigay liwanag sa mga komunidad?
 Sa anong sistema napasailalim ang paggawa at paglikha ng mga produkto at serbisyo gamit ang kamay na
ginagawa sa loob ng bahay?
 Nagkaroon ng mga salon na naging lugar ng talakayan ng mga pilosopo, manunulat, artists at iba pang
katulad nito. Ano ang naging halaga nito sa mga tao?
 Paano naipakita ang paglaganap ng Rebolusyong Kaisipan sa Panahon ng Kaliwanagan?
 Kaganapan kung saan natuto ang mga Amerikano na makialam sa usapin na may kinalaman sa mga isyu na
kinakaharap ng kanilang lipunan at nagsimula silang tuligsain ang mga polisiya o patakaran na ipinatupad
ng pamahalaan.
 Ginawa ng mga Amerikano bilang pagtutol nila sa mga patakaran ng Great Britain?
 Ano ang dulot ng kaganapan sa France na ang ikatlong estate lamang ang nagbabayad ng buwis?
 Ang Digmaan para sa Kalayaan ng bansang ito ang nagbago sa mukha ng kasaysayan ng mundo na naging
dahilan ng pagbuo ng isang bagong bansang umunlad at naging makapangyarihang bansa sa ngayon.
 Alin sa sumusunod na rebolusyon ang tumutukoy sa mabilisang pagbabago ng isang institusyon o lipunan?
 Sinong pilosopo ang tahasang tumuligsa sa absolutong monarkiyang naranasan sa France noong 1700?
 Anong instrumento ang ginamit sa pagpapatupad ng parusang kamatayan sa panahon ng kaguluhan sa
France?
 Ano ang pangunahing tungkulin ng pamahalaan sa usaping pang-ekonomiko?
 Ano ang isa sa pangunahing dahilan sa paglunsad ng ikalawang yugto ng pananakop?
 Paano nakatulong ang mga imbensyon sa teknolohiya at agham sa paglalayag?
 Anong doktrina ang nagsasaad na ang United States of America ay may kapangyarihang magpalawak at
angkinin ang buong kontinente ng Hilagang Amerika?
 Bakit mahalaga sa mga negosyante ang pagbibigay ng espesyal na karapatan sa kalakalan?
 Ano ang pinakamahalagang layunin ng mga kanluranin sa mga bansang sinakop nila?
 Masamang epekto ng imperyalismo?
 Ano ang masamang epekto ng hindi makatuwirang pagtatakda ng mga hangganan sa ilang bahagi ng Asya at
Africa na naging pamana ng mga Kanluranin sa mga nasasakupang bansa?
 Sino ang nagsagawa ng kilusan upang ipaabot ang hangarin ng nasyonalismo sa Germany?
 Mga paraan ng pagpapakita ng damdaming nasyonalismo.
 Sa anong bansa napasailalim ang mga estado ng Germany?
 Sa panahon bago umusbong ang nasyonalismo sa Russia, sino ang itinuturing na pinakamakapangyarihan
sa bansa?
 Sa anong bansa sa Europa nag-alsa ang ilan sa mga kolonya sa Latin America?
 Anong damdamin ang ipinakita ng pagiging matapat at mapagmahal sa bansa?

You might also like