You are on page 1of 4

Aralin 3: Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo (Imperyalismo)

Gawain : Photo-Suri
Panuto: Pag-aralan ang ipinapakita ng larawan.
Sagutang ang mga sumusunod na
katanungan sa ibaba.

Mga Gabay na Tanong:

1. Ano ang iyong mahihinuha sa larawan?
2. Magbigay ng isang salita na maiuugnay mo sa
larawan at ipaliwanag kung ano ang ipinapahiwatig
nito.

Mga Sanhi sa Paglulunsad ng Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo

Ang mga kaganapan sa ikalawang Rebolusyong Industriyal ay nasabayan ng paghubog ng

makabagong imperyo pagdating ng ika-19 na dantaon at sa pagsisimula ng ika-20 na siglo.
Napakinabangan ng husto sa panahong ito ang paglago ng Rebolusyong Siyentipiko.
Daglian ang paglawak ng pagkakanluranin o westernization ng ibang lupain dahil sa mga
imbensyon sa teknolohiya at agham na nagpabilis sa mga paglalayag ng mga Europeo.
Nag-udyok din sa paggalugad ang matinding pangangailangan sa mga hilaw na materyales
para sa pamilihan at sa mga itinayong mga industriya sa Europa.

Paraan at Lawak ng Pananakop

1. Manifest Destiny - ay ang ideya o paniniwala na ang United States ay itinadhana at

pinagkalooban ng Diyos, na palawakin ang pamamahala nito at maikalat ang
demokrasya at kapitalismo sa buong kontinente ng Hilagang America.
2. White Man’s Burden – ay doktrina ng mga Europeo na tungkulin nila at ng kanilang
inapo na ang mga katutubo ng mga kolonyang hawak nila ay mapangibabawan ng kanilang
progresibong sibilisasyon.
3. Protectorate – ay ang pagkakaloob ng proteksiyon laban sa paglusob ng ibang bansa.
4. Concession – ay ang pagkakaloob ng pribilehiyong makapagnegosyo ng mga
kanluraning bansa.
5. Sphere of Influence – ay isang rehiyon o maliit na bahagi ng bansa na kontrolado ng
maimpluwesiyang bansa sa pamamagitan ng pangagasiwa sa mga patakaran at ibang
pampulitikang aspeto nito.

Dagdag pa nito ay ang malaking pangangailangan ng hilaw na mga materyales,

pagsasakatuparan ng pamamaraang kapitalismo at paniniwalang karapatan at tungkulin ng
mga Kanluranin na palawakin ang nasasakupan at palaganapin ang kanilang sibilisasyon.
Ito ang dahilan kung bakit nangyari ang ikalawang yugto ng pananakop.

Ang Paggalugad sa Gitnang Africa

Pahirapan ang pagpasok sa loobang bahagi ng Africa kung kaya walang masyadong
alam ang mga Europeo tungkol dito. Lubhang peligroso ang paglalayag sa mga ilog dahil
karamihan sa daloy nito ay may pambihirang lakas. Kakila-kilabot ang gubat dito dahil
bukod sa makulimlim ay nagkalat ang iba’t ibang uri ng hayop.
Pagdating ng 1854, narating ng isang misyonerong Ingles na si David Livingstone
ang lugar na ito. Natuklasan niya ang ang isang kamangha-manghang talon na
pinangalanan niyang Victoria Falls. Naabot niya ang bibig ng ilog Zambezi sa
Karagatang Indian noong Mayo 1856, na naging unang Europeano na tumawid sa lapad ng
southern Africa.
Pagbalik sa Britain, inilathala niya ang 'Missionary Travels and Researches in South
Africa' (1857) kung kaya nagkaroon ng kaalaman ang mga Europeo.

Paligsahan sa Pagkamkam sa Africa ng

mga Bansa sa Europe
Ang kontinente ng Africa ay may
tatlong rehiyon. Makikita ang Dagat
Mediterranean sa hilagang bahagi kung saan
makararanas ng tropiko o mainit na klima
ang mga lugar na kabilang dito. Malamig na
klima naman ang mararanasan katimugang
bahagi ng Africa.
Nagsimula na ang tunggalian sa pag-
aagawan ng mga bansang Europeo sa Africa
sa loob ng tatlong dekada. Pinasok at hawak
na ng mga kanluraning bansa ang mga lugar
na hindi pa nila kabisado. Ang Congo Basin
ay naangkin ng Belgium sa pamamahala ni
Haring Leopoldo I. Samantala, ang ibang
mga lupain ay nakuha ng bansang France,
Britain, Germany, Portugal at Italy.

Malaki ang naitulong ng Dagat

Mediterranean sa pagpapabilis ng paraan ng transportasyon. Ang magandang bunga nito
ay ang paglago ng mga lungsod ng Tunis at Algiers na nagsisilbing daungan ng mga barko
na nagdadala ng mga kalakal.
Sa simula, pagbibili lamang ng mga alipin ang inatupag ng mga Europeo hanggang sa
napagtanto nila ang potensiyal ng mga likas na yaman na nakapaloob sa Africa. Inisip nila
na ang oportunidad na nakikita nila ay magdulot ng kaunlaran sa kanilang bansa. Kaya
sinimulan nila na maggalugad ng mga lugar upang makamkam ang mga likas na yaman
gaya ng brilyante, asukal, asin, ginto, iron, cobalt, uranium, tanso, bauxite, pilak, at
petrolyo, bukod nito mayroon ding mga kahoy at mga tropikal na prutas.

You might also like