You are on page 1of 1

Khyle: At ngayon dumako naman tayo sa panghuling modyul ng Unang Yugto ng Imperyalismong

Kaunlarin.
Khyle:MGA EPEKTO NG EKPLORASYON. Nangmagsimula ang panahon ng paggalugad noong ika-labing
limang siglo marami itong naging epekto hindi lamang sa mga bansang Europeo higit lalo sa mga
bansang naging kolonya nito. Una, naging sentro ng kalakalang pandaigdig ang Europa. Dahil sa
pagdami ng salapi, lumawak ang kalakalan at namuhunan angmga negosyante sa malalaking
negosyo.Ikalawa, Umunlad at naitama rin ang maraming kaalaman tungkol Heograpiya. Halimbawa
nito ay nangmapatunayan ng circumnavigation ni Magellan na lahat ng karagatan sa daigdig
aymagkakaugnay at ang ating planeta ay bilog at hindi patag. Ikatlo,Ang pagtaas ng populasyon ng
Europe ay isa rin sa pangmatagalang epekto ng eksplorasyon.

Dahil sa unti-unting pagtaas ng produksiyon ng pagkain sa pagpasok ng yaman sa Europe ay


nabawasan ang bilang ngmga namamatay dahil sa sapat na nutrisyon. Ikaapat,Ang paglaganap ng
sakit. Angmga barkong Europeo ay nagdala ngmga sakit gaya ng yellowfever atmalariamula sa Africa
tungo sa New World.Malaking bahagdan ng populasyon ng Amerika ang namatay dahil sa mga sakit at
digmaan laban samga Europeo. Ikalima, ang pandarayuhan dahil sa ekplorasyon ay naging sanhi
upangmabuo angmga bagong nasyon namay iba’t-ibang uri ng lahi at kultura.
Clarise: Sa kabilang dako, ang eksplorasyon ay maaaring magdulot ng maraming epekto, mula sa
positibo hanggang sa negatibo, depende sa uri ng eksplorasyon at kung saan ito ginagawa.
Sa pangkalahatan, maaring sabihin na ang eksplorasyon ay mayroong magagandang epekto sa
pagpapalawak ng kaalaman at pag-unlad ng ekonomiya, ngunit ito ay maaring magdulot rin ng mga
hindi kanais-nais na epekto tulad ng pagkasira sa kalikasan at panganib sa kaligtasan ng mga taong
nasa eksplorasyon.
Sayat:ANG KALALAKALAN NG ALIPIN (SLAVE TRADE). Ang pinakamalubhang epekto na marahil ng
Eksplorasyon ay ang Kalakalan ng Alipin. Naging malaking pangangailangan ng mga bansang Europeo
ang mga manggagawa sa kanilang mga plantasyon. Dahil sa kakulangan ng mga magtatanim sa
plantasyon ay naging kalakalan ang pakikipagpalitan ng mga produkto para sa mga aliping itim na
magtratrabaho sa mga taniman. Ginawang hanapbuhay ng mga Europeo ang maghanap ng mga alipin
sa Aprika maging gumamit man ng puwersa at pangaabuso sa mga ito.
Clarise: Sa pangkalahatan, ang kalakalan ng alipin ay nagdulot ng malawakang pag-abuso sa
karapatang pantao at kawalan ng kalayaan sa mga tao na itinuring bilang alipin. Pinaghirapan sila at
binenta at ginamit bilang ari-arian ng kanilang mga may-ari.
Sansan: TIGHT PACKING. Ang kalakalan ng alipin ay nagdulot ng malawakang pag-abuso sa karapatang
pantao at kawalan ng kalayaan sa mga tao na itinuring bilang alipin. Pinaghirapan sila at binenta at
ginamit bilang ari-arian ng kanilang mga may-ari.
Clarise: Ang tight packing naman ay isa sa mga pamamaraan na ginagamit sa pag-transport ng mga
alipin mula sa kanilang lugar patungo sa mga destinasyon kung saan sila ay magiging mga alipin.
Sobrang dami nila pero nasa isang maliit na espasyo upang makatipid sa gastos sa paglalakbay.
Sa paggamit ng tight packing, ang mga alipin ay napapaloob sa mababang mga kahon, at kadalasan ay
hindi sila makakatayo o umupo sa buong paglalakbay. Kaya mariming namamatay sakanila dahil sa
sobrang sikip nito. At ang kalakalan ng alipin ay naging dahilan upang mabsawasan ang Africa.
Clarise: At dito napo nagtatapos ang aming pagtatalakay tungkol sa UNANG YUGTO NG
KOLONYALISMO. May mga katanungan pa po ba or anything na clarification? At kung wala salamat po
sainyong pakikinig.

You might also like