You are on page 1of 4

Araling Panlipunan Ikatlong Markahan – Modyul 7: Ikalawang Yugto ng

Kolonyalismo at Imperyalismo

LAYUNIN:
Nasusuri ang dahilan, pangyayari at epekto ng Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo
(Imperyalismo).
CODE: AP8PMD-IIIh-8

PAKSA:
Mga Dahilan, Pangyayari at Epekto ng Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo at
Imperyalismo

Ang pagkakaroon ng Rebolusyong Industriyal ay nakatulong para sa mabilisang proseso


nang produksyon ng mga produkto at pag-unlad ng mga industriya sa bahagi ng
Europa. Ang rebolusyong ito ay may malaking papel sa pagsisimula ng panibagong
yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo. Alamin pa natin ang iba pang mga dahilan.

Nais kong tandaan mo ang salitang PIE (Politika, Imperyalismo at Ekonomiko) para
sa mga dahilan. Isa-isahin natin.

1. Politika. Ang pagpasok ng mga kaisipan sa pagpapatakbo at pagpapatuloy ng


kapangyarihan tulad ng SWHIM - (Social Darwinism, White Man’s Burden at Manifest
Destiny):
• Social Darwinism–nag-ugat ito sa teorya ni Charles Darwin, may akda ng “On the
Origin of Species by Means of Natural Selection”, na inangkop ng mga Europeo para sa
sarili nilang adhikain na ikatataas ng kanilang lahi. Ito ay ang paniniwalang ang mga
Kanluranin o taong may lahing puti ay may mas mataas na karunungan sa
pamamahala at sibilisayon kung ihahalintulad sa mga lahing kayumanggi, itim at dilaw.
May reponsibilidad itong palawakin ang imperyo dahil ang malalakas na bansa ay
kailangan ng mahihinang bansa.
• White Man’s Burden- paniniwalang ang lahing kayumanggi, itim at dilaw ay
obligasyong tulungan ng lahing puti upang umunlad.
• Manifest Destiny- paniniwala ng United States na nakatadhana at may basbas ng
langit na palawakin at angkinin ang mga bansa.

2. Ekonomiko. Sa patuloy na pag-unlad ng industriya at pagdami ng mga napoprodyus


na produkto, nagkaroon ng mga surplus o labis na produkto dahilan upang humanap ng
mga pamilihan o lugar na paglalagakan ng mga produkto.

3. Imperyalismo. May tatlong uri ng imperyalismo KSP (Kolonyalismo, Sphere of


Influence at Protectorate):
• Koloniyalismo- tuwirang sinakop at pinamahalaan ng dayuhang mananakop ang
isang bansa.
• Sphere of Influence – may karapatan ang mga dayuhan sa kalakalan ng isang bansa.
• Protectorate – isang bansa na nasa ilalim ng dayuhang pamamahala.

Nalaman na natin ang mga dahilan, ngayon naman ay higit nating lawakan at laliman
ang ating pang-unawa sa mga pangyayari sa panahon ng Ikalawang Yugto ng
Kolonyalismo at Imperyalismo, ito ay nakatuon sa kontinente ng Africa at Asya.
Kolonyalismo at Imperyalismo sa Africa

Kinilala ang Africa bilang “Dark Continent”, dahil hindi pa ito lubusang
natutuklasan at nagagalugad subalit, paano nalaman ang tungkol sa Africa?
Ating kilalanin si David Livingstone, isang misyonero at manlalakbay na nagmula
sa Scotland na nakarating sa Africa. Ipinangalan niya kay Queen Victoria ng England
ang Victoria Falls (o dating Zambesi Falls) ng Africa. Sa kanyang mga tuklas at
impormasyon tungkol sa Africa ay naging dahilan upang magkaroon ng interes ang mga
Europeo na galugarin ito. Sa paglipas ng panahon ay nawalan ng komunikasyon si
Livingstone sa Europa.
Dahil hindi na muling nakabalik si Livingstone, ang pahayagang The New York
Herald ng Amerika ay ipinadala si Henry M. Stanley sa Africa. Natagpuan ni Stanley si
Livingstone at ang kampo nito sa Lake Tanganyika noong 1841. Ang matagumpay na
eksplorasyon at tuklas nina Livingstone at Stanley, ay ang simula rin ng pagdaong at
paggalugad ng mga Europeo sa Africa. Idagdag pa rito ang pagkatuklas ng mga ginto at
diyamante kaya lalong ninais ng mga bansa sa Europa ang panggagalugad at
pananakop sa Africa.
Ang matagumpay na eksplorasyon at tuklas nina Livingstone at Stanley, ay ang
simula rin ng pagdaong at paggalugad ng mga Europeo sa Africa, isa na dito ay ang
ekplorasyon sa ngalan ni Haring Leopold II ng Belgium. Mabilis na naangkin ng
Belgium ang Hilagang Congo na malapit sa ilog at tinawag itong “Congo Free State” o
Zaire sa kasalukuyan.
Upang maiwasan ang digmaan sa pagitan ng mga bansa sa Europa, sa pananakop
ng Africa isang kasunduan ang naganap sa Berlin Conference noong 1884. Dumalo ang
14 na bansa, ngunit walang Aprikanong nakarating upang maging kinatawan.

Kolonyalismo at Imperyalismo sa Asya


Pagdating nang ika-19 na siglo ay ang panahon ng paghahati-hati ng mga Europeo sa
teritoryo ng Asya. Halika! Suriin natin.

Bansang Bansang
Resulta ng Pagkatalo ng China
Nasakop Nanakop
Opium War: Kasunduan sa Nanking (1842)
Sa pagkatalo ng China sa Great Britain sa First Opium War
nagkaroon ng Kasunduan sa Nanking.

 Batay sa kasunduan ang daungan ng Canton, Amoy,


Great Foochow, Ningpo at Shanghai ay bubuksan upang
Britain makikipagkalakalan sa mga British. Ang isla ng Hongkong ay
magiging pagmamay-ari ng Great Britain.
CHINA:
 Gayundin, ang China ay magbabayad ng $21,000,000 sa
Bilang
Great Britain dahil sa pinsalang dulot ng digmaan.
Sphere of
Influece
Kasunduan sa Tientsin (1860)
Natalo ang China sa Second Opium War sa pinagsamang hukbo ng
Great Britain at France, dahilan upang lumagda sa kasunduang ito.

France  Nakasaad sa kasunduan ang pagiging legal na kalakalan ng


opyo, proteksyon sa mga misyonero ng Katolisismo,
pagbubuwis at pagbubukas nang sampung mga daungan
para sa dayuhang kalakalan.
Japan
Sa paglaya ng Amerika mula sa rebolusyon, hindi ito nagpahuli sa
pakikipagsabayan sa pananakop, kaya naman ang isa sa mga bansang napasailalim dito
ay ang Japan. Sa pangunguna ni Matthew C. Perry, dala ang mensahe mula kay US
President Millard Fillmore, na humihingi ng istasyon ng langis, iba pang mga
pangangailangan at pagkakaibigan, naipaabot ito sa Japan.
Ang usapang ito ay humantong sa lagdaan ng Kasunduan sa Kanagawa (1854).
Ang pagpasok ng Amerika at iba pang mga bansa sa Japan ay isang mahalagang
pundasyon sa pag-unlad nito. Sa patuloy na pag-unlad ng Japan, ito ay naging
makapangyarihan at isa na rin sa mga naging mananakop.

Timog Asya: India


Ang pinakamalaking kolonya ng Great Britain ang India. Kinilala ang India bilang,
“pinakamaningning na hiyas”. Dito itinatag ang English East India Company noong
1874, bilang tagapamahala sa India. Sa loob ng pitong taong pakikidigma o Seven Years
War ng France sa Great Britain dahil sa pag-aagaawan nawalan ng teritoryo ang France
sa India. Ang pagsasagawa sa Kasunduan sa Paris o Treaty of Paris (1763), ang
nagwakas sa digmaan. Sa puntong ito, buong kalakhan ng India ay nasa ilalim ng
pamumuno ng British.
Sa mga bansa sa Asya, may dalawang bansang hindi nasakop. Ang Siam o Thailand
ngayon ay sinuko o ibinigay ang ilang teritoryo para sa pagsasarili mula sa pagitan ng
Great Britain at France. Ang pagiging “Hermit Kingdom” ng Korea ay naging proteksyon
nito, dahil hindi pinayagan ang mga dayuhang makipagkalakaan.

Pakikilahok ng United States

Bakit nga ba nakilahok ang United States? Ayon nga sa kanilang paniniwala na
‘Manifest Destiny’, nakatalaga at may basbas ng langit na palawakin at angkinin ang
mga bansa. Idagdag pa dito ang pagpapalawak ng teritoryo at kalakalan.

Bansang
Bunga ng Pananakop
Nasakop
Guam naging himpilang-dagat sa Silangan ng Amerika
Pilipinas naging base militar ng Amerika
Puerto Rico himpilang-dagat sa Carribean ng Amerika

Nalagpasan ng United States ang Unang Digmaang Pandaigdig at nakuha ang


teritoryo ng Samoa at Hawaii. Sa Samoa inilagak ang mahalagang himpilan. Sa Hawaii
naman matatagpuan ang Pearl Harbor, kung saan nakabase ang himpilang-dagat ng
United States sa Pasipiko. Bago matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig, noong 1917,
nakuha ng United States ang Virgin Islands mula sa kamay ng Denmark.

Ang pagiging makapangyarihan ng United States sa Pasipiko ay nagdulot


sa pagkakaroon nito ng mga protectorate at sphere of influence. Ilan dito ay ang
West Indies, Australia, New Zealand at mga bansa sa Central America.

Bakit naging a. Walang tagapagtanggol ang kanilang bansa at


protectorate walang pagkakaisa
at sphere of b. Nakukuhanan ng hilaw na materyales ng United
influence ang States
mga bansang c. Pang-ekonomikong interes; pag-aari ng mga
ito?
minahan, mga balon ng langis, mga taniman, mga
daang-bakal at samahan ng mga sasakyang
pandagat

Sa ilalim ng pamumuno ng Great Britain sa Australia at New Zealand ay nakaligtas sa


mga hidwaan ng mga bansang mananakop. Ang mga bansang ito ang nagsilbing
bilangguan matapos ang labanan sa United States. Sa huli, hindi nakaligtas ang mga
bansa ito sa pagtatayo ng kolonya ng mga bansa dahil sa pagkatuklas dito ng mga ginto.

Epekto ng Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo


Ang Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo ay nagdulot ng
mabuti at hindi mabuting epekto sa mga mananakop at sa lupang nasakop
(Africa at Asya). Ano - ano nga ba ang mga ito?

Mabuting Epekto
• Pagkakaroon ng Sistema ng edukasyon
• Pagtatayo ng mga imprastraktura
• Panibagong Sistema ng pagtatanim
• Modernisasyon

Hindi Mabuting Epekto


• Pang-aabuso at Pang-aalipin
• Pagkamkam ng mga likas na yaman
• Pagkakahati ng mga teritoryo
• Pagbabago ng Kultura

You might also like