You are on page 1of 22

MAGANDANG HAPON!

Konsepto ng Imperyalismo
❖ Imperyalismo- Ito ay pamamahala sa
malaking teritoryo ng isang malakas na bansa
sa isang mahinang bansa.
❖ Kolonyalismo- Ito ay uri ng imperyalismo
na namamahala sa aspeto ng batas, edukasyon,
politika at ekonomiya.
❖ Konsesyon- Ito ay uri ng imperyalismo na nagbibigay ang
isang mahinang bansa ng espesyal na karapatan sa
pagnenegosyo tulad ng pagbubukas ng daungan at paggamit ng
likas na yaman.
❖ Protektorado- Ito ay uri ng imperyalismo na layuning
protektahan ng imperyalistang bansa ang sakop nito.
❖ Sphere of Influence- Ito ay uri ng imperyalismo na kung
saan ay nasa kontrol ng malakas na bansa ang pamahalaan ng
isang mahinang bansa.
Manifest Destiny / White Man’s Burden
Nagsulat ng tula ang isang British na manunulat na si
Rudyard Kipling na pinamagatang “White Man’s Burden” na
base sa paniniwalang manifest destiny ng mga Amerikano. Ito
ay ginamit ng isang hindi kinilalang may-akda na
nagsasabing may banal na kapahintulutan ang pagpapalawak
ng teritoryo ng Estados Unidos mula silangan patungong
kanluran. Isinasaad sa tula ni Kipling na responsibilidad
umano ng mga Amerikano na tulungang gawing sibilisado
ang mga katutubo sa mga lugar na kanilang nasasakupan.
Pagtuklas at Pag-aagawan sa Aprika
Hindi agad ginalugad ng mga Europeo ang kontinente ng
Aprika dahil sa masusukal na kagubatan at malawak na
disyerto. Ito ay naging dahilan upang tawagin itong “ang
madilim na kontinente”.
❖ 1806 – Naagaw ng Britanya sa mga Olandes ang Cape
Colony na nagdulot ng hidwaan sa orihinal na naninirahan
dito na kung tawagin ay Boer.
❖ 1830- Nasakop ng Pransya ang Algeria.
❖ 1849 – Si David Livingstone, isang misyonerong Scottish,
ang naglakas loob na galugarin ang looban ng Aprika upang
matukoy kung ano ang mayroon dito. Nakarating siya sa Ilog
Zambezi at natuklasan ang Mosi-oa-Tunya o kilala bilang
Victoria Falls.
❖ 1850-Lumikas ang mga Boer (katutubong Aprikano) at
nagtatag ng dalawang republika, ang Orange Free State at
Transvaal.
❖ 1857- Bumalik si Livingstone sa Inglatera at inilathala ang
kanyang documento na “Missionary Travels and Researches
in South Africa.” Hayagan ang kanyang pagsalungat sa pang-
aalipin ng mga katutubong Aprikano.
❖ 1866 – Bumalik si Livingstone sa Aprika at nawalan ng
komunikasyon sa labas ng daigdig na ikinabahala ng mga
kakilala.
❖ 1870 hanggang 1898 – Nagsidatingan ang mga Europeo at
pinaghati-hatian ang Aprika bilang kapalit ng mga nawala
nilang kolonya sa Amerika.
❖ 1871 – Nakarating si Henry Stanley, isang reporter na
inatasan na hanapin si Livingstone, malapit sa Lawa ng
Tanganyika.
❖ 1873- Namatay si Livingstone sa edad na 60 dahil sa
disenterya at malaria.
❖ 1876- Nagpatawag ng kumperensiya si Haring Leopold II ng
Belgium at nabuo ang pribadong organisasyon na
pinangalanang African International Association, isang
samahan ng mga eksplorador, heograpo at pilantropo.
❖ 1881- Napasakamay ng Pransya ang Tunisia,
Morocco at iba pang bansa sa kanlurang Aprika.
❖ 1885-Ang Congo ay idineklarang malayang estado
ng pamahalaan ng nabanggit na asosasyon sa ilalim ni
Leopold II.
❖ 1902- Sumuko ang mga Boer (katutubong Aprikano).
❖ 1910- Itinatag ang Union of South Africa.
Imperyalismo sa Asya
1. INDIA
❖ Tinawag na “Crown Jewel of Asia” sapagkat
pinakinabangan nang husto ng Britanya ang kayamanan
ng India
❖ 1756 hanggang 1763 – Tuluyan ng nasakop ng
Britanya ang India at nagpatayo ng British East India
Company.
❖ 1857- Nag-alsa ang mga sepoy, isang pangkat ng mga
sundalong Indian.
2. TSINA
❖ 1700- Sarado ang Tsina sa mga Kanluraning bansa
❖ 1839 hanggang 1842 – Nagsimula ang unang digmaang
opyo sa pagitan ng Britanya at Tsina. Natalo ang Tsina at
napilitang lagdaan ang Kasunduang Nanking na nagsasaad ng
pagbubukas ng limang daungan at pagbibigay ng Hongkong sa
Britanya.
❖ 1870 hanggang 1914 – Nagsimula ang Sphere of Influence
sa mga bansang Pransya, Alemanya at Russia.
❖ 1899- Nagbigay ng mungkahi si John Hay ng United States
upang magkaroon ng Open Door Policy (pagbubukas ng Tsina
sa mga dayuhang bansa) sa Tsina.
❖ 1899 hanggang 1901- Naganap ang Rebelyong Boxer na
nais ipasara muli ang Tsina.
❖ 1911 – Natapos ang napakahabang dinastiya sa Tsina nang
mapabagsak ng grupo ni Sun Yat Sen ang huli emperador na si
Puyi. Inihalal si Sun Yat Sen bilang unang pinuno ng Unang
Republika ng Tsina.
3. HAPON
❖ 1633 hanggang 1853 – Pagsasara ng bansang Japan sa mga
ibang bansa.
❖ 1853 at 1854 – Dumating si Commodore Matthew Perry
mula Amerika at ipinakilala sa bansang Hapon ang Gunboat
Diplomacy. Winakasan nila ang Shogunato sa pamamagitan ng
Kasunduang Kanagawa.
❖ 1868- Nagkaroon ng pagbabago sa pamunuang Hapon at
naibalik sa emperador ang direktang pamamahala ng bansa.
Kinilala si Emperador Meiji sa pagdadala ng modernisasyon sa
Hapon.
❖ 1868- Nagkaroon ng pagbabago sa pamunuang Hapon at
naibalik sa emperador ang direktang pamamahala ng bansa.
Kinilala si Emperador Meiji sa pagdadala ng modernisasyon sa
Hapon.
❖ 1894- Naganap ang Digmaang Sino-Japanese nang pag -
awayan nila ang Korea. Nanalo ang mga Hapon. Nagtapos ito
sa Kasunduang Shimonoseki.
❖ 1904 - Naganap ang Digmaang Ruso-Japanese nang pag-
awayan nila ang Taiwan at Korea. Nanalo ang mga Hapon.
Nagtapos ito sa Kasunduang Portsmouth.
United States sa Paligsahan ng mga Bansang Mananakop
❖ 1898- Digmaan sa pagitan ng United States at Espanya.
❖ Ang tagumpay ng America laban sa Espanya ay nagdulot ng
pagsakop sa Guam, Puerto Rico at Pilipinas.
❖ Naging himpilan ng United States ang Guam sa Silangan at
Puerto Rico sa Kanluran.
❖ Matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig, nakuha rin nila
ang dalawang teritoryo ang Samoa at Hawaii (Pearl Harbor).
Ang Protektorate at Iba pang Uri ng Kolonya
❖ Itinuturing na mahihinang mga bansa ang West Indies, Australia,
New Zealand at mga bansa sa Central America.
❖ Ang hukbo ng America ay nagsilbing tagapangalaga sa mga pook na
ito upang mapanatiling bukas ang pamilihan sa mga bayan.
❖ Ang iba pang pook na nakaligtas sa pagkakaroon ng hidwaan ng mga
bansang mananakop ay ang Australia at kalapit na New Zealand dahil
matibay itong nahawakan ng Great Britain.
❖ Maraming Ingles ang lumipat sa Australia ng makatuklas ng ginto at
nagsimula ang pagpapatayo ng kolonya.
Epekto ng Ikalawang Yugto ng Imperyalismo
❖ Nakatulong sa mga Europeo ang kanilang pananakop
para mapunan ang kanilang pangangailangan sa hilaw na
materyales.
❖ Labis na nabago ang pamumuhay, kultura at gawi ng
mga katutubong Asyano at Aprikano.
❖ Napatigil ang tradisyong suttee o sati (tatalon sa apoy
at magpapakamatay ang babaeng balo habang sinusunog
ang bangkay ng asawa) ng mga Hindu sa India.
❖ Nakatulong ang mga Kanluranin para mabago ang
pamumuhay ng mga katutubo sa aspeto ng sanitasyon,
medisina, edukasyon, komunikasyon at transportasyon sa
pamamagitan ng pagpapatupad ng modernisasyon.
❖ Nilimas ng mga mananakop ang mga likas na yaman
ng mga kolonya.
❖ Natanggalan ng karapatan at kalayaan ang mga
katutubo.
Panuto: Tukuyin ang salitang inilalarawan sa mga sumusunod na
pangungusap.
1. Ito ay ang pamamahala sa malaking teritoryo ng isang malakas na bansa sa
isang mahinang bansa.
2. Ito ay uri ng pananakop na pinamamahalaan ang batas, aspeto ng
edukasyon, politika at ekonomiya.
3. Ito ay uri ng pananakop na kung saan ang isang mahinang bansa ay
nagbibigay ng espesyal na karapatan sa pagnenegosyo ang ibang bansa.
4. Ito ay uri ng pananakop na poprotektahan ng imperyalistang bansa ang
sakop nito.
5. Ito ay banal na kapahintulutan ang pagpapalawak ng teritoryo ng Estados
Unidos mula silangan patungong kanluran.
B. Ayusin ang mga halong titik sa loob ng mga kahon upang
makuha ang wastong sagot.
_______________1. KIPARA - Kilala sa katawagan na madilim na
kontinente
_______________2. IDANI - Tinawag na “Crown Jewel of Asia”
sapagkat pinakinabangan nang husto ang yaman nito
_______________3. KUASOK - Tawag sa pagsasara ng bansang
Hapon sa mga dayuhan
_______________4. FRUBEF TESAT - Bansang nagsisilbing
tagapamagitan sa dalawang bansang nag-aaway
_______________5. SOYEP - Katutubong sundalong Indiano noong
panahon ng Ikalawang Yugto ng Imperyalismo
Panuto: Punan ang tsart ng mga mabuti at masamang
epekto ng imperyalismo.
Mabuting Epekto Masamang Epekto
1.

2.

3.
Thank you and God Bless!

You might also like