You are on page 1of 18

MANDAUE CHRISTIAN SCHOOL, INC.

P. Burgos St. Alang-Alang Mandaue City 6014


School ID 404573

Ikatlong Markahan
S.Y. 2023 – 2024

ARALING
PANLIPUNAN
GRADE 7

Inihanda ni:
Eliezer S. Gorme
MANDAUE CHRISTIAN SCHOOL, INC.
P. Burgos St. Alang-Alang Mandaue City 6014
School ID 404573

Pamantayang Pangnilalaman : Ang mga mag-aaral ay naipamamalas ng magaaral ang pag-unawa sa


pagbabago, pag-unlad at pagpapatuloy sa Timog at Kanlurang Asya sa Transisyonal at Makabagong
Panahon ( ika-16 hanggang ika-20 siglo)

Pamantayan sa Pagganap
Ang mag-aaral ay nakapagsasagawa ng kritikal na pagsusuri sa pagbabago, pagunlad at pagpapatuloy sa
Timog at Kanlurang Asya sa Transisyonal at Makabagong Panahon (ika-16 hanggang ika-20 siglo)

Biblical Integration: Praise the LORD!

Praise God in his sanctuary; Praise him in his mighty heaven! Praise him for his mighty

works; praise his unequaled greatness! Praise him with a blast of the ram’s horn; Praise

him with the lyre and harp! Praise him with the tambourine and dancing;

Praise him with strings and flutes! Praise him with a clash of cymbals; praise him with

loud clanging cymbals. Let everything that breathes sing praises to the LORD! Praise

the LORD! (Psalm 150:1-6)


MANDAUE CHRISTIAN SCHOOL, INC.
P. Burgos St. Alang-Alang Mandaue City 6014
School ID 404573

Papel ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Kasaysayan ng Timog at Kanlurang


Asya
Ang naganap na pananakop ng mga Kanluranin sa Timog at Kanlurang Asya ay tunay na
nakaapekto sa takbo ng kasaysayan ng dalawang rehiyon. Tunghayan ang mahahalagang
pangyayaring naganap sa Timog at Kanlurang Asya sa ilalim ng kolonyalismo at imperyalismong
Kanluranin.
Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog Asya
Ang pananakop ng mga b ansang E uropeo sa Timog A sya ay n agdulot n g m ga pagbabago sa l
ipunan at kasaysayan ng mga bansa sa rehiyon.
Pamamahala ng British East India Company sa India
Ang imperyong itinatag ng mga Ingles ang kinikilalang pinakamalaking imperyong naitatag sa
kasaysayan. Tulad ng iba pang bansang Kanluranin na nanakop ay nagtatag din ng kumpanya ang
mga Ingles upang pamahalaan ang kanilang mga himpilang pangkalakalan mula sa mga
nakukuhang teritoryo na ang malaking bahagi ay mula sa Asya. Ang kumpanyang ito ay nakilala
bilang British East India Company . Ang kumpanyang ito na nagtatag ng himpilang pangkalakalan
sa Madras, Bombay, at Calcutta ang namahala sa mga gawaing pulitikal at pang-ekonomiya ng
Britanya sa India.
Pagbuo ng mga Sundalong Sepoy
Kinailangan n g mga Ingles ng m ga s undalong magtatanggol sa k anilang interes, subalit dahil sa l
ayo ng Britanya sa India, naging mahirap para s a kanila na maglagay ng bantay s a kanilang
nasasakupan, k ung kaya sinanay ng mga Kanluranin ang m ga Hukbong Indiano mula sa Bengal na
n akilala kalaunan bilang m ga sundalong Sepoy upang maging p arang tunay na sundalong
Kanluranin.
Ang paglilingkod ng mga taga-India bilang mga sundalong Sepoy ay ang tuluyang nagpalala sa
panloob na sigalot at panghihina na naranasan ng rehiyon sa kamay ng mga dayuhan. Higit na
nagkaroon ng partisyon sa pagitan ng mga patuloy na lumalaban at mga pumapanig sa mga
dayuhan.
Pamamahala sa India
Nang tuluyang mapasakamay ng mga Ingles ang pamamahala sa buong India, mula sa mga
Pranses, ay agad itong nagsagawa n g mga pagbabago. Ang teritoryo ng India ay n ahati s a dalawa:
1. Provinces - mga lugar na direkta at ganap na sakop ng mga Ingles tulad ng Bengal at
Bombay
2. Princely states - mga lugar na pinamamahalaan ng maharajah tulad ng Hyderabad at
Jodhpur.
Ang maharajah ay tumutukoy sa mga dating gobernador ng mga lokal na pamahalaan sa ilalim
ng Imperyong Mughal . Higit ang naging p aghihirap ng m ga taga-India sa pamamalakad ng mga
Ingles. Hindi l amang ang kanilang kalayaan a ng nawala, kung h indi maging ang karapatan na d
apat t aglayin ng isang tao ay nawalan d in ng b isa at halaga sa ilalim ng unang yugto ng
pamamahala ng mga mananakop.
Pag-aalsang Sepoy
Noong taong 1857, n agkaroon ng bali-balita na taba ng baboy at ng baka a ng g inamit s a selyo
ng kartutso n g Enfield rifle . Upang m abuksan ang kartutso, kailangan i tong kagatin ng isang tao.
Ito ay lubos na ikinagalit ng mga Sepoy n a karamihan ay mga Muslim at Hindu . Ang
pangyayaring ito ang nagtulak kay Mangal Pandey, i sang sundalong Sepoy, upang maglunsad ng
pag-aalsa laban sa mga sundalong Ingles.
Noong Mayo 10, 1857, ang iba pang hukbong I ndiano na Sepoy ay nag-alsa m ula s a hukbong
sandatahan ng mga Ingles. Kanilang pinalaya ang mga nakakulong na k asamahan at pinasimulan
ang unang pag-aalsa ng mga taga-India para sa kanilang kalayaan.
Tuwirang Pamamahala ng mga Ingles sa India
Bunga ng naganap na pag-aalsang Sepoy ay higit na n aghigpit ang mga Ingles sa kanilang
pamamalakad sa India at sinimulan nilang ipatupad ang Act for the Better Government o f India
noong 1858. Sa ilalim ng batas na ito a y winakasan ang kapangyarihan at pamamahala ng British
East India Company s a I ndia at inilipat a ng pamamahala s a ilalim ng British Raj . S a ilalim n g
MANDAUE CHRISTIAN SCHOOL, INC.
P. Burgos St. Alang-Alang Mandaue City 6014
School ID 404573

pangangasiwa ng pamahalaang Raj, hinati a ng India sa 11 lalawigan at 2 50 d istrito upang mas


madali itong mapamunuan ng mga Ingles at u pang mapigilan ang patuloy noon na nabubuong
pagsasama-sama n g mga taga-India laban sa p amamahalang kolonyal. Ang kabuuan ng India ay
pinamahalaan ng isang viceroy (pinunong direktang namahala at nagbabalita mula at tungo sa
Britanya ng mga nagaganap mula sa India).
Upang higit na mapadali ang pagkontrol ng mga Ingles sa mga taga-India ay isinagawa nila ang
pamamaraang divide and rule . Ang mga maharajah na naging matapat sa mga Ingles ay binigyan
ng pabuya at pinangakuan ng kalayaan, at pinanatili ang kasunduang pagkakaibigan na namagitan
sa kanila at mga dating gobernador heneral na Ingles. Ang mga maharajah naman na lumaban sa
mga Ingles ay nakaranas ng matinding pamiminsala. Sa halip na panghinaan ng loob, ang
sitwasyong ito pa ang nagtulak sa mga dating lider na taga-India upang higit na pag-alabin ang
damdamin ng mga mamamayan upang iwasan ang pagtugon sa mga gawaing itinalaga ng mga Ingles.
Kolonyalismo at Imperyalismo sa Kanlurang Asya
Naranasan din ng Kanlurang Asya a ng pananakop ng mga b ansang K anluranin. A ng mga
pangyayari sa mga bansa rito sa ilalim ng pamamalakad ng mga Europeo ay nagdulot din ng
mahahalagang pagbabago sa pamumuhay ng mga tao.
McMahon-Hussein Correspondence
Ang lihim na kasulatang i to ay nabuo sa pagitan ng Sharif n g M ecca na si Hussein b in A li
Al-Hashimi, at S ir H enry McMahon na noon ay nakatalagang British High Commisioner sa
Ehipto. Ang British High Commisioner ay nagsisilbing diplomat na nag-uugnay sa pagitan ng
Britanya at ibang bansa. Ang kasulatang ito ay patungkol sa paghikayat n g Britanya s a mga
bansang Arabo sa K anlurang Asya na labanan a t w akasan ang pamamahala n g Imperyong
Ottoman . Ipinahayag sa k asulatang ito ang pagsuporta ng mga Ingles sa layuning kalayaan ng
mga Arabo. Layunin n g mga Arabo na mapabagsak ang I mperyong Ottoman na kalaban din nila
noong Unang Digmaang Pandaigdig.
Lingid sa kaalaman ng mga namumuno sa bansang Arab, sa pangunguna ni Sharif Hussein bin Ali,
ang pakikipagkasundo nilang ito ang pagsisimula ng pagpapatatag ng mga Kanluranin, partikular ng
mga Ingles, sa kanilang interes at impluwensiya sa Kanlurang Asya na nang lumaon ay naging
ganap na. Ang pagbagsak din ng Imperyong Ottoman ay hudyat ng muling pagbubukas ng rutang
pangkalakalan sa Constantinople na mahalagang daanang pangkalakalan para sa mga Kanluranin.
Kasunduang Sykes-Picot
Ito ay lihim na kasunduan na naganap sa pagitan n g pamahalaan ng Pransya at Britanya s a
pangunguna nina Francois Georges-Picot na i sang d iplomatikong Pranses at Sir Mark Sykes na isa
namang d iplomatikong I ngles. Sa ilalim ng kasunduang ito, matapos makalaya ng mga bansang
Arab mula sa k ontrol ng Imperyong O ttoman a y p inaghatian ng mga bansang banyaga ang
pamamahala at yaman mula sa Kanlurang Asya. Ang bawat bahagi ng rehiyon na napunta sa
pamamahala ng iba’t ibang bansang Kanluranin ay nakilala bilang spheres of influence . Ang
spheres of influence ay mas nauunawaan bilang pantay na parte ng mga bansang Kanluranin sa
lahat ng karapatan at pribilehiyong pangkalakalang maaaring ipagkaloob ng isang bansa. Dahil sa
kasunduang ito, naisantabi ang plano ng mga bansang Arabo na makapagtatag ng Malayang
Estadong Arabo o Confederation of Arab States matapos nilang makalaya sa Imperyong Ottoman.
Sa halip ay napasailalim lamang sila sa mas madaming dayuhan na sinamantala ang katangiang
heograpikal at likas na yaman partikular na ang langis na nakukuha mula sa maraming bansang
Arabo partikular na sa Iran at Iraq . Lubos na naiba ang takbo ng mga plano at hangarin ng mga
bansang Arabo para sa kanilang bansa at mga mamamayan nang tuluyan silang mapasailalim sa
mga Kanluranin dahil sa mga lihim na kasunduan. Sa ilalim ng kasunduang Sykes-Picot ay itinakda
ang sumusunod na alituntunin at pribilehiyo na sang-ayon sa panig ng mga dayuhang bansa at
naglimita sa karapatan at kakayahan ng mga bansang Asyano na mapaunlad ang kanilang sarili:
● Perpetual Maritime Truce - kung saan itinakda ng Britanya sa mga bansang Bahrain,
United Arab Emirates, Muscat, at O man na panatilihing bukas ang ruta ng Britanya
patungong India.
● Kasunduan ng 1892 – nakasaad sa kasunduang ito na tanging sa Britanya lamang
ipinagkaloob ang karapatang bilhin ang anumang teritoryo na nais ipamigay o ipagbili ng
mga bansang Bahrain, United Arab Emirates, Muscat, at Oman.
MANDAUE CHRISTIAN SCHOOL, INC.
P. Burgos St. Alang-Alang Mandaue City 6014
School ID 404573

● Kasunduang 1899 at 1916 – nakasaad dito ang pagkakaloob ng mga bansang Kuwait at
Qatar sa Britanya ng tanging karapatan na bilihin ang anumang teritoryo na nais ipamigay
o ipagbili ng mga nasabing bansa.
● Napasailalim sa kontrol ng Britanya ang teritoryo n g Aden at ginawa i tong b ase- militar.
Naging magkakaiba ang karanasan ng mga bansa sa Kanlurang Asya, sapagkat napasailalim din sila
sa magkakaibang mga bansang Kanluranin. Ang mga bansang Iraq, Palestine, at Jordan ay
napasailalim sa kontrol at pamamahala n g Britanya. Ang m ga bansang Lebanon at Syria naman ay
napasailalim ng Pransya. Ang n atitira pang bansa a y pinaghatian ng iba pang bansang Kanluranin.
Transpormasyon ng mga Pamayanan at Estado sa Timog at Kanlurang Asya
Mga Pagbabago sa Timog Asya
Ang kolonyalismo at imperyalismo ay hindi lamang naka tuon sa pananakop ng mga lupain at
pakinabang sa m ga likas na yaman. Higit p a s a mga layunin ng pananakop, h indi maiiwasan na
magkaroon ng pagbabago sa p aniniwala, kaisipan, at pamumuhay ng mga katutubo.
Pamamahala
Sa pagbagsak ng Imperyong Mughal sa Timog Asya, pinamahalaan ng mga maharajah o
gobernador ng mga lokal na pamahalaan ang iba’t ibang bahagi ng rehiyon. Ang mga maharajah
na ito ay nagkaroon ng pagtatalo hinggil sa kapangyarihan at lawak ng teritoryong sakop. Ang
sigalot na ito ang sinamantala ng mga Ingles upang maisulong ang kanilang pansariling interes para
sa rehiyon at sa mga mamamayan nito.
Nang tuluyan nang mapasailalim ng mga Ingles ang Timog Asya ay agad na nagkaroon ng
pagbabago sa pamamahala nito. Ang rehiyon ay unang pinamahalaan ng British East India
Company bilang kinatawan ng Britanya, subalit bilang epekto ng pag-aalsang Sepoy at mga isyu
hinggil sa pang-aabuso sa kapangyarihan at kapabayaan sa tungkulin ng kompanya ay inalis ito.
Sumailalim ang Timog Asya sa m as mahigpit a t direktang pamamahala n g m ga Ingles sa p
amamagitan ng pagpapatupad ng British Raj at mahigpit na p agbabantay n g viceroy .
Ang mga m aharajah ay naglingkod sa ilalim ng mga Ingles. Naging magkatuwang sila upang higit
na mapangasiwaan ang rehiyon at masupil a ng anumang pag-aalsa laban s a pamahalaan. A ng
ganitong pamamahala ay nagpatuloy sa mahabang panahon, lalo na nang maipatupad ang Act for
the Better Government of India . Sa huling bahagi na l amang n g pananakop nabigyan ng
pagkakataon a ng ilang taga-India upang m akapasok at makapaglingkod sa pamahalaang Ingles.
Kabuhayan
Noong unang bahagi ng pananakop ng mga Ingles ay pinangalagaan nila nang lubos ang India
dahil na rin sa likas na potensiyal na taglay ng bansang ito. Nang maganap ang Rebolusyong
Industriyal noong huling bahagi ng ika-17 siglo hanggang unang bahagi ng ika-18 siglo sa Britanya,
ito ay nagmistulang pamilihang pandaigdig, at ang India ang nagsilbing tagatustos ng raw materials
na kailangan ng mga bansang Kanluranin.
Sa tuwirang pamamahala ng mga Ingles sa rehiyon, napanatili rin nila ang kanilang kapangyarihang
pangkabuhayan sa b ansa. Sa ilalim ng Pamahalaang Ingles, n apigil ang mga industriya sa India at
mas p inagtuunan ng p ansin ang paglikha ng m ga p inagkakitaang produkto ( cash crops ) na mas
kinailangan ng mga Ingles. Dahil dito ay napigilan ang pag-unlad ng India. Bunga ng labis na
pagtuon ng pansin ng mga Ingles sa mga pinagkakitaang produkto ay nawalan na ng panahon ang
mga taga-India upang makapagtanim ng mga produktong tutustos sa kanilang pangangailangan at
nakagisnan bago pa man dumating ang mga dayuhan. Ang pangyayaring ito ay nagbunga ng
malawakang kagutuman sa rehiyon. Kasabay nito, ang India na dating kilala sa pagluluwas ng
hinabi ng tela sa maraming bansa sa Asya at Africa ay naging tagaluwas na lamang ng raw
materials at taga-angkat ng mga produktong gawa sa mga materyales na sila rin ang may gawa.
Hindi n agtagal, hindi na kinaya ng mga taga-Timog Asya n a makipagkompetensiya sa mga telang
gawa ng makina m ula sa Britanya. Dulot nito, napakaraming taga-India ang nawalan ng
hanapbuhay sa kabila ng kanilang pagsisikap at mahusay na kaalaman sa paggawa nito.
Upang masiguro ang mas malaki at tuloy-tuloy na kita para sa Britanya, sinimulan ni Charles
Cornwallis , ang gobernador-heneral noon ng Britanya sa India, ang pirmihang panahanan o
permanent settlement at pagbubuwis sa mga lupaing sakahan sa Bengal noong 1793. Sa sistemang
i to, ang mga n agmamay-ari ng lupain ay kinailangang magdeposito ng buwis k apalit ng
pagtatakda sa kanila bilang t unay na nagmamay-ari ng lupa na kanilang nasasakupan. Upang m
akakuha ng buwis na ipinambayad nila, at magkaroon pa rin ng kita para sa sarili, ang mga
nagmamay-ari ay kinailangang makagawa ng mas maraming produkto, kung kaya puwersahan
MANDAUE CHRISTIAN SCHOOL, INC.
P. Burgos St. Alang-Alang Mandaue City 6014
School ID 404573

nilang pinagtrabaho ang mga magsasaka at pinilit na magbayad r in ang m ga ito ng m as m alaking
upa sa lupa. Ang sistemang ito ang higit na nagdulot ng paghihirap sa maraming taga-India.
Teknolohiya
Upang higit na mapakinabangan ng mga Ingles ang mga raw materials m ula s a Timog A sya ay
pinasimulan nila ang paglinang ng mga modernong t eknolohiya sa rehiyon tulad n g pagpapagawa
ng mga r iles n g tren na nagdurugtong sa iba’t i bang m ahalagang rutang pangkalakalan at sa mga
probinsiya.
Dinala rin ng mga Ingles ang telegrapo, at iba pang modernong pamamaraan at disenyo sa
imprastraktura sa rehiyon u pang higit na maging k apaki-pakinabang at mahusay ang mga
mamamayan sa pagtugon sa layuning pang-komersiyal ng mga Ingles. Dahil sa mga pagbabagong
ito sa teknolohiya ay natigil at tuluyang nabuwag ang mabagal na pag-usad ng kultura at
ekonomiya sa India.
Noong ika-19 na s iglo ay naitayo na sa India a ng pinakamahaba at isa s a pinakamatatandang riles
ng tren sa Asya na n apadaling napag-ugnay ang pamilihan s a iba’t ibang bahagi ng rehiyon
patungo sa malalaking daungan. Ito ang naging d ahilan kung b akit higit na bumilis ang paglaki ng
kita ng mga namumuhang Ingles sa komersiyo sa rehiyon.
Lipunan, Kultura, Paniniwala, at Pagpapahalaga
Sa pagdating ng mga Ingles sa Timog Asya ay dala na nila ang makabagong ideya gaya ng
kasarinlan, pagkakapantay-pantay, at karapatang pantao. Ang kaisipang ito ay ikinatuwa ng ilang
pangkat na humihiling noon ng pagbabago mula sa mahigpit na pamamahala sa lipunan. Sang-
ayon dito, ang sumusunod ay pinasimulan ng mga Ingles para sa ikabubuti ng pamumuhay ng mga
taga-India:
● Pagpapasimula ng sistema ng edukasyon na nakabatay sa sistemang mula sa Britanya, kung
saan Ingles ang ginamit na wikang panturo.
● Pagbabawal n g pang-aalipin at pagpapatigil sa kaugalian na pagpatay s a babaeng sanggol
( female infanticide ).
● Tuluyang pagpapaalis sa tradisyong suttee o sati at thuggi na nagmula pa sa Imperyong
Mughal. Ang thuggi ay pinaniniwalaan ng ilang dalubhasa na isang relihiyosong kulto kung
saan kinakailangang mag-alay ng buhay bilang sakripisyo sa diyosa ng mga taga-India na si
Kali. Suttee naman ang kaugalian ng pagsama ng isang biyuda sa pamamagitan ng
pagsunog sa kaniya kasama ng kaniyang namatay na asawa.
● Naipasa rin ang Batas ng 1872 na nagpahintulot s a p ag-aasawa ng mga mamamayan na
kabilang sa magkakaibang antas sa sistemang caste.
● Ang Sharda Act ay naipasa rin. Ito ay ang pagpigil sa pag-aasawa ng kabataang may edad
14 pababa.
● Pinagtibay r in ang patakaran sa pagtanggap sa m ga t aga-India sa matataas n a posisyon sa
pamahalaan, lalo na kung sila ay may sapat na kakayahan at kaalaman.
Bilang bahagi ng positibong pagtugon sa pagpapahalaga sa edukasyon, ang i lang may sapat na
kakayahan ay nagtungo p a sa Britanya upang magtamasa ng higit na pagsasanay m ula sa mga
pormal na paaralan d oon. P ara sa malaking b ahagi naman ng populasyon ay nagpatayo ng mga
pampublikong paaralan a ng mga I ngles na humikayat sa mga mamamayan upang higit pang
palawakin at sanayin ang kanilang kaalaman.
Pamamahala
Bago pa ang pagdating ng mga Pranses, Italyano, Ingles a t i ba pang Kanluranin sa Kanlurang
Asya ay may panloob na sigalot din na isinasaayos ang karamihan ng bansa rito, partikular na sa
mga bansang A rabo. I to ay b unga ng matinding pagnanais ng mga bansa na makawala sa kontrol
ng noon ay humihina na ring Imperyong Ottoman na umabot ang kontrol hanggang sa b ahagi ng
Europa. Ang panloob na sigalot na ito ay s inamantala rin ng mga dayuhan upang maisulong ang
kanilang personal na interes sa mga b ansa sa Kanlurang Asya, kagaya ng kanilang isinagawa sa Timog
Asya.
Bilang bahagi ng plano, ninais ng mga bansa sa rehiyong ito na magtatag ng mas malaya at
matatag na nagsasariling bansa sa pamamagitan sana ng pagsasama-sama at pagbuo ng malayang
kumpederasyon ( Confederation of Arab States ), subalit bagaman nakalaya sila sa kontrol ng
Imperyong Ottoman, hindi naman naisakatuparan ang kanilang plano dahil sila ay agad na
napasailalim sa impluwensiya at kontrol ng Pransya at Britanya. Ang naging pamamahala sa mga
bansa sa rehiyon ay sang-ayon sa naging paghahati-hati ng mga Kanluranin o spheres of influence.
MANDAUE CHRISTIAN SCHOOL, INC.
P. Burgos St. Alang-Alang Mandaue City 6014
School ID 404573

Hinayaan pa rin ng m ga Pranses a t Ingles n a pamunuan ng mga Asyano ang kanilang mga
mamamayan at bansa s ubalit ang mahahalagang desisyong pang-ekonomiko at pulitikal ay
nararapat pa ring sang-ayunan ng mga dayuhang pamahalaan bago ito maisakatuparan.
Nagtuon nang higit na pansin sa pamamahala sa mga likas na yaman, partikular na sa langis
dahil mahalaga ang naging gampanin nito nang magsimula na ang industriyalisasyon. Hindi
binigyan ng solusyon ang panloob na sigalot sa mga bansa sa Kanlurang Asya, bagkus ay pinatindi
pa n ga n ito ang kaguluhan. Sa h alip n a pagpapabuti sa k alagayan ng mga mamamayan at mabilis
na pagpapaunlad sa bansa ang bigyang tuon ay higit lamang na isinaalang-alang ang komersiyal at
pulitikal na interes ng mga dayuhan.
Kabuhayan
Mula pa noong unang panahon ay kilala na ang m ga taga-Kanlurang Asya bilang mga
mangangalakal na naglalakbay sa iba’t ibang b ahagi ng mundo para sa k anilang produkto na
karaniwan ay gawa sa g into at m agagandang t ela a t burda. Subalit, s a p agpasok n g mga
Kanluranin, dala ang ideya at pagbabago ng R ebolusyong Industriyal at modernisasyon ay h igit na
pinagtuunan n g pansin ang pagkuha ng mahahalagang yaman ng bansa, a ng langis at ginto n a k
inailangan para sa kagamitan at s asakyang pangkalakalan na bahagi n g rebolusyon at
modernisasyon na pinasimulan sa Europa.
Naging tuon din ang pakikipagkalakalan kung saan higit na pinahalagahan a ng r utang
pangkalakalan sa Kanlurang Asya, sapagkat pinagdudugtong nito ang mga bansa sa Kanluran at
Silangang bahagi ng daigdig.
Teknolohiya
Katulad sa T imog Asya, dinala rin ng mga K anluranin ang kanilang t eknolohiya at makabagong
kaalaman sa Kanlurang A sya. Nagpatayo sila n g m ahahalaga at estratehikong daanan at
imprastraktura u pang higit na maitaguyod ang layuning pangkomersiyo n g mga dayuhan.
Sa mga rutang pangkalakalan, g amit ang malalaking kagamitan ay bumuo ng m as m alawak na
daanan ang m ga Ingles. Tinuruan din nila ang mga Asyano h inggil sa paggawa ng m as malalaki,
matitibay, at mabibilis na barkong pangkalakalan.
Lipunan, Kultura, Paniniwala, at Pagpapahalaga
Sa kabila ng kultura at paniniwalang dala ng mga Ingles sa Kanlurang Asya, napanatili pa rin ng
mga Asyano ang kanilang matatag na paniniwala sa relihiyong kanilang kinaaaniban. Nanatiling
matatag ang Islam bilang pangunahing relihiyon ng karamihang bansa rito. Ang konserbatibong
paniniwala at gawi na dulot din nito ay ipinagpatuloy ng mga Asyano, partikular na iyong mga nasa
bansang Arabo.
Sa kabila ng kaisipan h inggil sa kalayaan, karapatang pantao, at pagkakapantay-pantay ay
nanatiling mahigpit ang patakaran ng mga bansa sa relihiyon, lalo na sa kababaihan. Ang
karapatan sa pag-aaral bagaman higit pa itong pinagtibay ng mga dayuhan ay ipinagkait pa rin sa
kababaihan.
Ang paghahalal sa mga pinunong pulitikal ay nanatili pa ring limitado, at ang monarkiya ay
nagpatuloy hanggang sa kasalukuyan gaya ng Saudi Arabia .
Sa makabagong kaalaman sa agham at matematika ay madali lamang tinanggap ng mga bansa,
sapagkat bago pa man dumating ang mga Kanluranin ay kilala na ang Kanlurang Asya bilang isa sa
pinakamagagaling sa dalawang larangan na nabanggit.
Sining
Ang kanilang galing at sariling pagkakakilanlan sa sining ay hindi napalitan o nabawasan kahit pa
sa pagdating ng mga dayuhan, dala ang sarili nilang i mpluwensiya, b agkus ay nagawa pa nga ng
mga Asyano na pahangain ang mga dayuhan.
Mga Epekto ng Kolonyalismo sa Timog at
Kanlurang Asya
Natapos man ang pisikal na pananakop ng mga Kanluranin sa Timog at Kanlurang Asya, nagmarka
naman ang mga epektong dulot ng mga pangyayaring naganap sa ilalim ng kanilang pamamahala
at impluwensiya sa mga rehiyong ito. May mga positibo at mayroon din namang negatibo.
Tunghayan ang ilan sa mga pinakamahalaga at pinakatumatak na epektong idinulot ng mga
Kanluranin sa Timog at Kanlurang Asya na hanggang sa kasalukuyan ay mababakas pa rin at
nararapat suriin.
Mga Epekto ng Kolonyalismo sa Timog Asya
MANDAUE CHRISTIAN SCHOOL, INC.
P. Burgos St. Alang-Alang Mandaue City 6014
School ID 404573

● Nagkaroon ng matinding kahirapan at taggutom sa iba’t ibang rehiyon ng India dahil sa


polisiyang pang-ekonomiya na mas pinahalagahan ang ekonomiya ng Britanya kaysa sa
kapakanan ng mga Indiano
● Ginamit din ng Britanya ang mga likas na yaman ng India upang mapondohan ang mga
giyera nito tulad ng Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Marami ring sundalong
Indiano ang namatay dahil sa mga giyera ng Britanya laban sa ibang imperyalistang bansa.
● Ang kalikasan ng India ay matinding naapektuhan dahil sa pagkuha ng mga raw materials
na ginamit para sa industriyalisasyon ng Britanya. Dahil dito ang industriyalisasyon ng India
ay napabayaan.
● Ang mga riles ng tren na ipinagawa ng mga Ingles ay napag-ugnay ang magkakalayong
lalawigan at estado sa buong bansa upang mas mapadali ang transportasyon ng mga
produkto.
● Ang mga modernong lansangan at linya ng mga telepono at telegrapo ay nakatulong din
upang mapadali ang komunikasyon sa India.
● Nalinang ang India bunga ng mga pinagbuting makabagong estruktura k agaya n g mga
dike , dam , at mahahabang tulay.
● Ang pagdadala ng edukasyong Kanluranin at pagtatayo ng mga paaralan ay nakatulong
upang mapalawak ang kanluraning kaalaman ng mga taga-India tulad ng mga konseptong
kasarinlan, liberalismo, at karapatang pantao. Kahit na nagkaroon ng pampublikong
edukasyon sa ilalim ng Britanya, bumaba ang literacy rate s a India dahil sa diskriminasyon
at matinding kahirapan. Kaunti lamang ang m ga nakakapagtapos ng pag-aaral o di kaya’y
nakakapag-aral sa labas ng India.
● Ipinagbawal ang m ga hindi makatarungan at makataong p amamaraan n a d ulot ng
kaugaliang kagaya ng suttee , thuggi , at female infanticide .
● Nabawasan ang d iskriminasyon at p aglilimita sa kalayaan at karapatan n g mga taga-India
dulot ng s istemang caste subalit bunga pa r in ng matagal na pananakop ng mga Ingles ay
itinuring naman ang m ga taga-India b ilang second class citizen sa sarili nilang bansa.
Mga Epekto ng Kolonyalismo sa Kanlurang Asya
● Ang pagkakahati-hati ng k olonyal na teritoryo n g mga Muslim ay nabalot ng tensiyon at
suliranin. Ang ilang es tadong itinatag ay sadyang ibinahagi sa mga banyagang opisyal na
walang p agsasaalang-alang s a mga m amamayan at pinagkukunang- yaman ng rehiyon.
● Sa maraming pagkakataon, ang ibang kolonya ay itinatag lamang upang mapagbigyan ang
mga kakamping bansa ng mga Kanluranin o hindi kaya ay upang maging mga buffer
state , mga estadong itinatag upang mapigilan ang tensiyon bunga ng awayan sa pagitan
ng mga bansang pinapagitnaan nito, o hindi kaya upang mapigilan ang iba pang nagnanais
manakop sa rehiyon. Halimbawa nito ay ang Afghanistan na itinatag lamang upang
mapangalagaan ang India na kolonya ng Britanya laban sa Russia. Sa Afghanistan naganap
ang mga labanan sa pagitan ng mga Afghani na kakampi ng Britanya at mga Afghani na
kakampi ng Russia. Ang dalawang grupo ay pinondohan ng Britanya at ng Russia dahil
iniiwasan nilang direktang maglabanan sapagkat maaaring magdulot i to ng panibagong
digmaang pandaigdig.
● Bukod sa mga nabanggit ay higit na nangibabaw ang kapakinabangang pang-ekonomiya ng
mga Kanluranin sa rehiyon. Ang interes ng mga Ingles sa mayamang langis sa Persian Gulf
ay humantong sa pagkakatatag ng bansang Kuwait . Gayundin, ang kamuntikan nang
pagtatatag ng “ Arabistan ” na lalawigan ng Iran. Ang interes ding ito ang naging dahilan
upang mahikayat ng Britanya ang Brunei na sumanib sa kanila.
● Ang labanan sa pagitan ng mga Hudyo a t A rabo a y higit na tumindi d ahil s a isinagawang
Deklarasyong Balfour ng Britanya. Ang Deklarasyong ito ay isang liham noong ika-17 ng
Nobyembre, 1917 mula k ay Arthur James Balfour, Kalihim Panlabas ng Britanya patungo
kay Lord Rothschild na mula sa mayamang pamilya na nagsusulong ng karapatan ng mga
Hudyo na magkaroon ng sarili nilang teritoryo sa Palestina. Nakasaad sa liham na ito ang
suporta n g pamahalaang Ingles sa pagtatag ng estado para sa mga Hudyo sa P alestine .
Ang bagay n a ito ay ikinabahala ng mga P alestinong Arabo, sa kadahilanang ang mismong l
upain ay ipinangako rin sa kanila bilang kapalit ng kanilang p akikipaglaban sa panig ng
Allied Forces noong Unang Digmaang Pandaigdig. Ang insidenteng ito ay labis na
nagpagulo at nagpatindi sa sitwasyon sa dahilang matapos malaman ang tungkol s a
MANDAUE CHRISTIAN SCHOOL, INC.
P. Burgos St. Alang-Alang Mandaue City 6014
School ID 404573

nilalaman ng l iham ay agad na nagsilipat ang mga H udyo sa Palestine, pangyayari n a higit
na nakapagpagalit sa mga Arabo.
Ang Pag-usbong ng Nasyonalismo sa Timog at Kanlurang Asya
Kahulugan ng Nasyonalismo
Ang nasyonalismo ay:
● pagmamahal sa bayan o bansa. Ito ay damdaming nag-udyok sa isang tao o lahi na
mahalagang ipagtanggol ang kanyang bayan o bansa sa pang-aapi ng mga dayuhan
● nagkakaisang damdaming pulitikal ng mga mamamayan upang wakasan ang
pamamahala at impluwensya ng dayuhan sa loob ng bansang kinabibilangan
● kamalayan ng isang lahing sila ay may isang kasaysayan, kultura, mithiin, at
pagpapahalaga
Sa Asya, ang nasyonalismo ay nagsilbing matibay na reaksyon laban sa kolonyalismo at
imperyalismo. Ang matinding puwersang ito ang nagpasimula ng unti-unti hanggang tuluyang
pagbagsak ng mga imperyong Kanluranin sa Asya.
May dalawang uri ng nasyonalismo na ipinamalas ng mga taga-Timog at Kanlurang Asya:
● pasibong nasyonalismo - pagpapakita ng pagmamahal sa bayan o bansa sa
mapayapang paraan (halimbawa: pagsusulat)
● aktibong nasyonalismo - pagpapakita ng pagmamahal sa bayan sa pamamagitan ng
dahas (halimbawa: pag-aalsa)
Mga Salik at Pangyayaring Nagbigay Daan sa Pag-usbong ng Nasyonalismo
Nalaman na natin ang kahulugan ng nasyonalismo. Alamin natin ang mahahalagang pangyayaring
nagbigay daan sa pagsibol ng nasyonalismo sa Timog at Kanlurang Asya.
Timog Asya
Ang nasyonalismo ng mga taga-India ay nagsimulang umusbong noong ika-18 siglo pa lamang.
Ang mga maykayang taga-India, na nakapag-aral sa mga paaralan sa Britanya, ay nagkaroon ng
kamuwangan at kaalaman tungkol sa nasyonalismo at demokrasya . Ang mga pananaw at ideyang
ito ay sinimulan nilang gamitin o ilapat sa kanilang bansa.
Mula sa mga nag-aral sa mga Kanluraning bansa, nabuo ang dalawang pangkat na naglalayong
mapatalsik ang dayuhang pamamahala sa India:
● Indian National Congress, sa pangunguna at paggabay ni Alan Hume, isang Ingles,
noong 1885
● All Indian Muslim League , na itinatag ni Mohammed Ali Jinnah noong 1905
Hinangad ng Indian National Congress ang kasarinlan mula sa mga Ingles para sa lahat ng taga-
India, anumang uri o katayuan nito sa lipunan at uri ng relihiyong pinaniniwalaan.
Samantala, layunin ng All Indian Muslim League ang pagtatag ng hiwalay na bansang Muslim mula
sa itinatag ng British India . Ito ay bunsod ng kanilang takot na maaaring maging higit na
makapangyarihan ang mga Hindu. Sa kabila ng malalim na hindi pagkakaunawaan ng dalawang
pangkat na ito, magkasama silang namuhay at nagtiis sa ilalim ng mga Ingles at magkatulad ring
naunawaan ang mga ideya ng demokrasya. Bunga nito, sila ay nagsanib-pwersa upang matamo ang
minimithing kalayaan para sa kanilang bansa.
Sa panahon ng digmaan, pinagbigyan ng Pamahalaang Britanya ang mga taga-India na makilahok
sa lahat ng sangay ng pamahalaan. Sa palagay ng kolonya, ito ay isa nang hakbang tungo sa
pagkakaroon ng boses sa pamahalaan at inaasam na tuluyang pagsasarili.
Noong 1918, matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig, inaasahan ng mga taga-India na tutuparin
ng mga Ingles ang kanilang ipinangakong kasarinlan, ngunit, sila ay muling itinuring bilang second
class na mamamayan sa sarili nilang bansa. Bukod rito, ang buwis ay tumaas, pati na ang presyo ng
mga bilihin.
Nagkasakit din ang maraming taga-India bunsod ng lumaganap na epidemyang flu na ikinabalisa ng
maraming Hindu at Muslim sa bansa.
Rowlatt Act
● Noong 1919, upang mapigilan ang pagtutol ng mga taga-India, ipinatupad ng
Pamahalaang Britanya ang Rowlatt Act .
● Sa batas na ito, ang pamahalaan ng Britanya ay pinagkalooban ng karapatang supilin
at ikulong nang dalawang taon na walang paglilitis ang sinumang tututol sa
patakaran ng Pamahalaang Ingles.
MANDAUE CHRISTIAN SCHOOL, INC.
P. Burgos St. Alang-Alang Mandaue City 6014
School ID 404573

● Sa panig ng mga edukadong taga-India, ang batas na ito ay isang paglabag sa


karapatan ng indibidwal. Dahil dito, muling sumiklab ang isang marahas na labanan.
Amritsar Massacre
● Bilang pagtutol sa Rowlatt Act, ang mga Muslim at Hindu ay nagtipon sa Amritsar,
ang kabisera ng lungsod ng Punjab.
● Sa pagtitipon ito, layunin ng mga taga-India na mag-ayuno, manalangin, at makinig
lamang ng mga talumpati ng pulitikal ng kanilang mga nasyonalistang lider.
● Lingid sa karamihan ng dumalo, ipinagbabawal pala ng mga Ingles ang anumang
pampublikong pagtitipon; ngunit, dahil sa paniniwalang lantarang sinalungat ng mga
taga-India ang utos na ito, kaagad ipinag-utos ni Reginald Dyer, ang komandante ng
Ingles sa Amritsar, ang pagpapaputok ng mga riple nang walang anumang babala sa
loob ng 10 minuto.
● Matapos ang pangyayaring ito, 400 taga-India ang napatay at 1,200 naman ang
nasugatan. Ang pangyayaring ito ang pagpapasidhi ng nagpupuyos na pagkamuhi ng
mga taga-India sa mga Ingles. Sa loob lamang ng magdamag, milyong taga- India ay
nagmistulang mga rebolusyonaryong nasyonalista na mahigpit na humiling ng
kasarinlan para sa buong rehiyon.
Kanlurang Asya
Kung ihahambing sa Timog Asya, natagalan ang pagdating ng imperyalismo sa Kanlurang Asya.
Matatandaang ang rehiyon ay nasa ilalim ng malaki at matatag na Imperyong Ottoman, na
namayani simula 1453 hanggang 1918. Nang bumagsak ang imperyo, noon pa lamang naranasan sa
Kanlurang Asya ang imperyalismong Kanluranin.
Pan-Arabism
● Ang Pan-Arabism ay tumutukoy sa modernong salitang ginagamit para sa politikal na
pagkakaisa ng mga bansang Arabo sa Kanlurang Asya.
● Ninais ng mga Arabo ang pagkakabuklod mula pa noong panahon ng paglakas ng
Turkong Ottoman, upang makapagtatag ng malakas na samahan ng mga estadong
Arabo.
● Ang mga Arabo ay sumanib sa mga Ingles noong Unang Digmaang Pandaigdig. Nang
matapos ang digmaan, hiniling ng mga Arabo, bilang gantimpala, ang pangakong
binitiwan ng mga Ingles at Pranses na kasarinlan para sa lahat ng lalawigang Arabo
sa ilalim ng Imperyong Ottoman. Ngunit, ang pangakong ito ay hindi natupad, at sa
halip ay pinaghatian lamang ang Kanlurang Asya ng Britanya at Pransya.
● Bunga ng hindi pagtupad ng mga Ingles sa pangako nito, at tuluyang pagsakop sa
Kanlurang Asya, ang mga Arabo ay nagsimulang mag-alsa. Ang pagsalungat sa
layunin ng mga Zionist, na maitatag ang Palestina, ang higit na nagpaalab sa
nasyonalismong Arabo.
● Kung matatandaan, tinalakay sa nakaraang aralin na ang pagbibigay ng suporta ng
mga Ingles sa pamamagitan ng Deklarasyong Balfour sa mga Hudyo, upang
makapagtatag ito ng sariling bansa sa Palestina, ay muling nagpainit ng isyu sa
pagitan ng pangkat na ito at ng mga Palestinong Arabo na naninirahan noon sa
Palestina.
Sa pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, itinatag ng mga Arabo ang
sumusunod na samahan upang higit na maisulong ang kanilang kasarinlan,
karapatan, at interes laban sa mga dayuhan: Arab League, Arab Federation, Arab
Union, United Arab Emirates, at Arab Magrheb Union.

Nasyonalismo at Pagkabuo ng mga Bansa sa Timog at Kanlurang Asya


Bawat pangyayari ay may positibo at negatibong epekto. Sa pagbibigay ng higit na diin sa
magandang pangyayari ay matutuklasan at maunawaan natin na ang ilang bansa sa Asya ay
sumasalamin sa matinding pakikipaglaban at pagnanais ng mga Asyano upang higit nilang
maitaguyod ang kani-kanilang interes, kasarinlan, karapatan, at kagustuhang mamuhay sa isang
bansa, kung saan, halos magkakatulad at nagkakaisa sila batay sa kanilang kagustuhan.
MANDAUE CHRISTIAN SCHOOL, INC.
P. Burgos St. Alang-Alang Mandaue City 6014
School ID 404573

Iba’t ibang Manipestasyon o Pagpapakita ng Nasyonalismo sa


Timog at Kanlurang Asya
Sa kampanya para sa kalayaan, napakahalaga ng papel na ginampanan ni Mohandas Gandhi. Siya
ang naging inspirasyon ng mga taga-India at isang katangi-tanging paraan ng pagtutol ang kanyang
pinasimulan – ang mapayapang pagtutol. Samantala, unti-unting nagsikap ang mga taga-Kanlurang
Asya upang makamtan ang kalayaan mula sa Imperyong Ottoman noong una at sa mga Kanluranin nitong
huli.
Timog Asya
Ang pangyayari sa Amritsar ang nakahimok kay Mohandas Gandhi upang mamuno sa kilusang
pangkasarinlan ng India. Kilalanin natin si Mohandas Gandhi.
Mohandas Karamchand Gandhi
Si Mohandas Karamchand Gandhi ay isang Hindu na nakapag-aral sa Inglatera at nagtrabaho sa
Timog Africa. Siya ay kilalang lider sa larangan ng pulitika sa India. Nakilala rin siya bilang
masigasig na lider ng Kilusang Pangkasarinlan ng India. Ang pakikibaka ni Gandhi para sa kalayaan
ng India ay sa pamamagitan ng mapayapang paraan. Ito ay sa paraang ahimsa at satyagraha . Ibig
sabihin, ang pakikibaka ng mga taga-India laban sa mga Ingles ay sa pamamagitan ng pagdarasal,
meditasyon, pag-aayuno, at hindi pagtangkilik sa mga produktong Ingles.
Gayunpaman, nagkaroon pa rin ng mga demonstrasyong nagdudulot ng kaguluhan sa maraming
pampublikong lugar sa India. Dahil si Gandhi ang tumatayong pinuno ng mga taga-India, malimit
din siyang dakipin at naglabas-masok sa kulungan.
Subalit, hindi nagpatinag si Gandhi, patuloy pa rin siya sa kanyang mapayapang pakikipaglaban
para sa kalayaan. Sa ipinakitang kabayanihan ni Gandhi, tiningala siya ng kababayan at tinawag na
Mahatma o Dakilang Kaluluwa (Great Soul). Kaya, mas kilala siya sa kasaysayan bilang si Mahatma
Gandhi.
Ahimsa at Satyagraha
Sa konsepto ng pakikibaka ni Gandhi, ang ahimsa ay nangangahulugang hindi paggamit ng dahas
( non-violence ), samantala, ang satyagraha ay tumutukoy sa patakaran ng pasibong pulitikal na
pagtutol ( policy of passive political resistance ). Sa kabuuan, ito ay nangangahulugang walang
karahasang pagtutol sa anumang batas at alituntunin ng Pamahalaang Ingles upang ito ay mahikayat
na lumikha ng pagbabago para sa India.
Ayon kay Gandhi, ang walang karahasang paghihimagsik ng isang tunay na tumututol ay sapat na
upang mapagtagumpayan ang labanan ng tama at mali. Inilunsad ni Gandhi ang kaniyang
kampanyang civil disobedience upang mapahina ang kapangyarihang pampulitika at pangkabuhayan
ng mga Ingles sa bansa.
Narito ang ilan sa mapayapang protesta ng mga taga-India laban sa mga Ingles. Mahigpit na
ipinagbabawal ang sumusunod:
● pagbili ng anumang produkto ng mga Ingles
● pagpasok sa mga paaralan
● pagbabayad ng buwis
● pakikiisa sa halalan
● pagganti sa anumang pananakit ng mga Ingles
Sa buong taon ng 1920, maraming taga-India ang dinakip, bunga ng pakikiisa sa mga naganap na
demonstrasyon at pag-aalsa. Sa kabila ng panawagan ni Gandhi hinggil sa civil disobedience, hindi
rin maiwasang mangyari ang mga protesta at kaguluhan. Sa kabila nito, ang panawagan ni Gandhi
ay nagkaroon ng malaking epekto sa Pamahalaang Ingles.
Salt March
Noong 1930, naglunsad si Gandhi ng isang malawakang demonstrasyon upang ipakita at ipadama
sa mga Ingles ang matinding pagtutol ng mga taga-India sa kinamumuhian na Salt Act. Ayon sa
batas na ito, sa Pamahalaang Ingles lamang maaaring bumili ng asin ang mga taga-India sa kabila
ng katotohanang ang asin ay mula at gawa rin sa India, at kinakailangan din nilang magbayad ng
kaukulang buwis sa pagbili nito.
Upang ipakita ang kanilang pagtutol, si Gandhi at ang kanyang mga tagasunod ay naglakad ng
distansyang 240 milya patungong baybay-dagat. Pagdating sa baybay-dagat ay agad silang sumalok
ng tubig-alat at sinimulang gumawa ng asin. Ang mapayapang protestang ito ang nakilala bilang
Salt March.
MANDAUE CHRISTIAN SCHOOL, INC.
P. Burgos St. Alang-Alang Mandaue City 6014
School ID 404573

Hindi lamang sa baybay-dagat natapos ang paglabang ito. Matapos ang demonstrasyon ay tumuloy
sina Gandhi at ang kaniyang pangkat sa pagawaan ng asin ng mga Ingles upang tuluyan itong
ipasara, ngunit sila ay pinigilan ng mga armadong sundalong Ingles.
Bunga ng demonstrasyon na sinimulan ni Gandhi, higit pang nag-alab ang damdaming makabayan
ng mga taga-India at sinundan pa ang maraming demonstrasyon. Bunga nito, ang may 60, 000 na
taga-India, kabilang na si Gandhi, ay dinakip at ikinulong nang dalawang taon.
Kanlurang Asya
Noong ika-20 hanggang ika-21 siglo, ang Kanlurang Asya ay naging pusod ng pagbabago at
salungatan. Mula nang bumagsak ang Imperyong Ottoman, iba’t ibang ideolohiya ang sumibol at
nakaimpluwensiya sa pulitika at kultura ng mga bansa sa rehiyon. Ang Zionism, Pan-Arabism,
Islamic Fundamentalism, at iba pang ideolohiyang relihiyoso at hindi relihiyoso ay nagpasimula ng
mga kilusang pulitikal sa rehiyon.
Bunsod ng magkakaibang pananalig at pananaw ng mga pangkat ng Asyano sa Kanlurang Asya, tatlong
mahahalagang kilusang nasyonalista, na may iba’t ibang layunin at pananalig ang nalinang sa rehiyon. Ito
ay ang sumusunod:
● ang nasyonalismo ng mga Turko sa Imperyong Ottoman, na nagtatag ng Republika ng Turkiya
● ang nasyonalismo ng mga Arabo, na humiling ng kalayaan mula sa mga Kanluranin
● ang kilusang Zionism, na nagnanais na magtatag ng sariling bansa ang mga Hudyo sa Palestina
Ang mga Turko
Nang matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig, ang Turkiya na lamang ang naiwan sa
Imperyong Ottoman. Ito ay binubuo ng Anatolia at isang makitid na lupain sa paligid ng
Constantinople (kasalukuyang Istanbul). Noong 1919, nilusob at madaling nasakop ng mga hukbong
Griyego ang Turkiya.
Ang nasyonalismong Turko ay unang ipinahayag ng Samahang Turkanian ( Turkanian Society ) na
itinatag noong 1839 ng mga Tartar na naglayong mapagbuklod ang mga mamamayang Turko ng
Imperyong Rusya. Sa ilalim ng pamumuno ni Mustafa Kemal, ipinagpatuloy ng mga Turko ang
pakikipaglaban para sa kanilang kalayaan.
Sa pamamagitan ng Kasunduan sa Lausanne, natapos ang Unang Digmaang Pandaigdig. Nilagdaan
ito ng mga kinatawan ng Turkiya (kahalili ng Imperyong Ottoman) at ng kabilang panig, na
kinabibilangan ng Britanya, Pransya, Italya, Hapon, Gresya, Romanya, at iba pang kaharian. Ang
kasunduan ay nilagdaan sa Lausanne, Switzerland noong July 24, 1923.
Kinilala ng kasunduang ito ang hangganan ng kasalukuyang Turkiya.
Pagkabuo ng mga Bansa sa Timog at Kanlurang Asya
Ang isa sa pinakamatamis na bunga ng nasyonalismo ay ang pagkamit ng kalayaan, na
nangangahulugang pagkakaroon ng sariling bansa o esta do.
Timog Asya
Taong 1935 nang isinabatas ng Parlamento ng Ingles ang Government of India Act . Ang batas na
ito ay nagbigay nang higit na kalayaan sa mga lalawigang sakop ng Britanya sa India, na
pinamunuan na ng mga taga-India. Tuluyang tinapos ng batas na ito ang sistemang diarchy, kung
saan, ang pamunuan ng bansa ay nagmumula sa mga lokal na opisyal na pinamumunuan naman
ng nakatataas na mga opisyal na Ingles. Sinimulan din ng batas na ito ang tuwirang halalang
nilahukan ng 35 milyong taga-India at isinaayos ang mga lalawigan. Sa bisa rin ng batas na ito, ang
Burma ay tuluyan nang inihiwalay sa India.
Sa pamamagitan nito, inaasahan ng mga taga-India ang unti-unting pagtatamo ng kasarinlan mula
sa mga Ingles. Ngunit, ang ilang nakasaad dito ay hindi napagkasunduan ng magkabilang panig; ng
mga Hindu at Muslim. Sa halip na magdulot ng kapayapaan, ito ay nagpasiklab ng panibagong
tensyon sa pagitan ng dalawang pangkat bunga ng magkasalungat na ideolohiya.
Ang Liga ng Muslim ( Muslim League ) ay humiling ng hiwalay na bansa para sa kanila, ang
Pakistan . Nag-alala ang mga Muslim na ang magiging “malayang India” ay pamumunuan ng mga
Hindu, bagaman nasa plano na, na ang kapangyarihan ay hahatiin sa pagitan ng Hindu at Muslim,
ayon sa panukala ng Cabinet Mission . Gayunpaman, tinutulan ito ni Mohammad Ali Jinnah, ang
lider ng Liga ng Muslim.
Nalagay sa alanganin ang relasyong Hindu-Muslim, noong 1947, hinati ni Lord Mountbatten ang
Punjab at Bengal sa kabila ng digmaang sibil. Hindi ito sinang-ayunan ni Gandhi. Sa halip,
iminungkahi niya na si Jinnah ang mamuno sa nagkakaisang India, subalit, tutol dito ang maraming
nasyonalistang lider.
MANDAUE CHRISTIAN SCHOOL, INC.
P. Burgos St. Alang-Alang Mandaue City 6014
School ID 404573

Sa gitna ng sigalot na ito sa pagitan ng mga Hindu at Muslim, ang Parlamento ay nagpasa ng
Indian Independence Act, na naging daan sa paglikha ng India at Pakistan. Lumaya ang dalawang
bansa noong 1947 mula sa Britanya.
Samantala, ang Pakistan ay nahati sa dalawa: Silangan Pakistan at Kanlurang Pakistan, na pinaghihiwalay
ng 1,600 kilometro sa loob ng teritoryo ng India. Humiwalay ang Silangang Pakistan noong 1971, para
maging Bangladesh.
Kanlurang Asya
Noong 1923, itinatag ni Mustafa Kemal ang Republika ng Turkiya, ang unang republika sa
Kanlurang Asya. Bilang pangulo ng bansa, mabilis siyang nagpatupad ng kanyang mga reporma
upang matamo ang layuning mabago ang Turkiya patungo sa isang modernong bansa.
Ang Kemalism o Anim na Palaso ( Six Arrows ) ang bumuo ng anim na katangian ng Republika ng
Turkiya. Ang sumusunod ay ang katangiang nakapaloob sa Kemalism :
1. Itinatag ni Kemal ang isang republikang sekular, isang uri ng pamahalaang hindi nakaugnay
sa relihiyon. Pinaghiwalay niya ang batas ng Islam at batas ng bansa.
2. Inalis niya ang mga hukumang panrelihiyon at nagtatag ng panibagong sistemang legal, na
nakabatay sa batas ng Kanluranin.
3. Pinagkalooban niya ng karapatang makiisa sa halalan at humawak ng puwestong
pampubliko ang kababaihan.
4. Ipinatupad niya ang edukasyong Kanluranin sa bansa.
5. Inilunsad niya ang ilang programang industriyal upang mapaunlad ang Turkiya bilang
industriyalisadong bansa.
6. Itinalaga niya ang pagbabago sa pananamit ng mga Turko. Ipinag-utos niya ang pagsusuot ng
damit Kanluranin na Amerikana at ipinagbawal ang fez, ang pelus na pulang sombrerong
tradisyonal na bahagi ng damit ng mga Turko.
Noong 1932, ang Saudi Arabia at Iraq ay naging monarkiya. Nagtagumpay ang Lebanon na
humiwalay sa Pransya at tuluyang lumaya noong 1946, gayundin ang karamihan ng bansa sa
rehiyong ito. Ang pagkamulat na may kakayahan ang watak-watak na mga lahing Arabo na
magkaisa, bumuo ng sariling pamahalaan, at hindi umasa lamang sa mga banyaga ay nagbigay
daan sa paglaya ng mga dating kolonya ng mga Europeo sa Kanlurang Asya.

Epekto ng mga Digmaang Pandaigdig sa Pag-angat ng mga Malawakang Kilusang


Nasyonalista sa Timog at Kanlurang Asya
Hindi naging madali para sa mga Asyano na talikuran ang mga digmaan at pangyayaring
nagaganap sa iba’t ibang bahagi ng mundo, lalo pa at sila ay pinamamahalaan ng mga Kanluranin.
Sa pananakop ng mga Europeo sa mga mamamayan ng Timog at Kanlurang Asya, napilitang
sumama ang mga bansa sa alitan ng mga Kanluranin bilang mga dagdag na kampo. Ang mga
kaganapang ito ay naging dahilan upang ipagpatuloy at palakasin ng mga Asyano ang kanilang
kilusan laban sa mga imperyalistang Europeo.
Ang Unang Digmaang Pandaigdig ay naganap sa pagitan ng 1914 at 1918. Ang itinuturing na
dahilan ng digmaan ay ang naganap na asasinasyon kay Archduke Franz Ferdinand (isang
Austrian) ng isang pinaniniwalaang Serbian national, noong Hunyo 28, 1914. Subalit bago pa
maganap ang pagpaslang, ang mga bansang Kanluranin ay bumuo na ng alyansa upang
makipagkumpetensiya at mapangalagaan ang kani-kanilang interes sa mga teritoryong sakop nila.
Mula sa mga alyansang nabuo, matapos ang pagsiklab ng digmaan noong Agosto 1914, apat na
bansa ang naging bahagi ng Central Powers, kabilang na ang Alemanya, Austria-Hungary,
Imperyong Ottoman, at Bulgaria, laban sa 28 nasyon na sumama sa Allied Powers na

kinabibilangan ng Britanya, Pransya, Italya, at Estados Unidos. Karamihan ng mga bansa sa Asya
ay hindi sangkot o walang kaugnayan sa Unang Digmaang Pandaigdig, maliban na lamang sa mga
naging kolonyang Kanluranin na napilitang makibahagi sa digmaan.

Ang bansang Turkey ay nagkaroon ng direktang partisipasyon sa digmaan, partikular na ang mga
Batang Turko ( Young Turks ) na humikayat kay Sultan Mehmed V na sumama sa Alemanya
upang labanan ang pagkontrol ng Britanya sa ekonomiya ng mga lider na Ottoman na kanilang
tinulungan laban sa Rusya noong Digmaang Crimean.
MANDAUE CHRISTIAN SCHOOL, INC.
P. Burgos St. Alang-Alang Mandaue City 6014
School ID 404573

Katulad ng nabanggit sa nakaraang yunit, ang India ay sumuporta din sa Britanya sa panahon ng
digmaan sa pag-asang sila ay pagkakalooban ng kalayaan kapag natapos na ito.
Nagpadala sila ng suplay ng mga materyales na kinailangan ng mga Ingles upang maipagpatuloy
ang pakikipaglaban. Ang malalakas na lalaking taga-India ay sumama rin sa digmaan upang maging
sundalo sa panig ng mga Ingles. Si Mahatma Gandhi ay lubos na salungat sa digmaan bilang
instrumento sa pagtatamasa sa kalayaan ng mga taga-India.
Ang Hampas ng Unang Digmaang Pandaigdig sa Kanlurang Asya
Ang Central Powers ay dinaig ng Allied Powers, at ang naging bunga nito ay ang paglagda sa
Kasunduan ng Versailles noong Hunyo 1919. Ang kasunduan ay nagkaroon ng maraming
implikasyon sa bansang Asyano.
Naidepensa ni Mustafa Kemal Ataturk at ng mga Batang Turko ang Anatolia (kinalaunan ay
Turkey ) laban sa mga Ingles na nangako sa mga Griyego na ibibigay ang bayan ng Izmir na nasa
Kanlurang Anatolia matapos ang giyera. Inalis din niya ang sultanato at noong 1923, ay kinilalang
na “Ama ng Republika ng Turkey ”.
Sa tuluyang pagbagsak ng Imperyong Ottoman na nangangahulugang paglaya ng mga bansa mula
sa Kanlurang Asya ay napasailalim naman ang mga bansa sa pamamahala ng mga estado ng
Britanya, Rusya, at Pransya, sapagkat ang katuwiran ng mga bansang Kanluranin ay hindi pa
handa ang mga bansang Asyano na pamahalaan ang kanilang mga sarili. Sumailalim ang mga
Asyanong bansa sa sistemang mandato kung saan nahati ang mga bansa sa rehiyon, at naging
kabahagi ng sphere of influence o pamamahala ng iba’t ibang bansang Kanluranin. Sa ilalim ng
sistemang mandato, ang mga bansa sa Kanlurang Asya ay isinailalim sa desisyon ng mga
Kanluranin. Ang bawat desisyon na kanilang isasagawa ay nararapat na batay sa kagustuhan at
gabay ng mga Europeo. Naging labis na mapang-abuso ang mga dayuhan sa pagkuha ng langis
mula sa Kanlurang Asya, gayundin sa pamamahala sa mga teritoryo at daang pangkalakalan nito—
bagay na labis na ikinagalit ng mga Arabo na nagpaalab sa kanilang kagustuhan na tuluyang
mapaalis ang mga dayuhan sa kanilang rehiyon. Dahil dito, ninais ng mga taga-Kanlurang Asya na
makapagtatag ng nagkakaisang samahan ng mga bansang Arabo na malaya mula sa impluwensiya
at kontrol ng sinumang dayuhan.
Ang Hampas ng Unang Digmaang Pandaigdig sa Timog Asya
Noong 1918, nang matapos ang digmaan, inasahan ng mga taga-India na tutuparin ng mga Ingles
ang kanilang ipinangakong kasarinlan, subalit kagaya ng iba pang pangako ng Britanya, ito ay hindi
isinakatuparan. Ang bagay na ito ang nagbunsod sa mga taga-India upang higit na patatagin ang
kanilang kaisipan at damdamin upang tuluyang pabagsakin ang pamamahalang dayuhan.

Ang matinding pagnanais ng mga taga-India para sa sariling pamamahala ay lalong tumindi nang
maging magka-alyado ang Pambansang Kongreso ng India o Indian National Congress at ang
Muslim League upang pamunuan ng India ang sarili matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig.
Gayundin, isa pang kilusan na tinawag na Union for Home Rule, na itinatag nina Bal Tilak at
Annie Besant noong 1916, ang nagsagawa ng sunod-sunod na protesta upang ipahatid ang
pagkadismaya at kawalan ng tiwala nila sa mga opisyal na Ingles na nagpasa sa Rowlatt Act
noong 1916.
Ang simpatya ng publiko kay Mahatma Gandhi, pagsasama-sama ng iba’t ibang kilusang
nasyonalista na nauna nang talakayin sa nakaraang aralin, at higit na pag-aalab ng damdamin ng
mga taga-India ang gumipit sa mga opisyal ng pamahalaang Britanya upang ipagkaloob na ang
kalayaan sa India at ibigay ang Pakistan sa mga Muslim.
Epekto ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Noong sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, muling sinuportahan ng India ang Allied
Powers sa pamamagitan ng pagkakaloob ng mga sundalo, suplay ng armas, at base militar sa
panig ng mga Ingles na muling kabahagi sa digmaan. Sapagkat sariwa pa sa alaala ng mga taga-
India ang hindi pagtupad sa pangako ng mga Ingles na pagkakaloob ng kasarinlan matapos ang
Unang Digmaang Pandaigdig, idineklara ng Indian National Congress, ang pangunahing kilusang
pulitikal sa India, na ihihinto ang suporta sa digmaan kung hindi igagawad ng mga Ingles ang
kasarinlan sa mga mamamayan ng Timog Asya.

Ang kondisyong ito ay hindi pinahintulutan ng mga Ingles, at sa halip ay ipinakulong pa nila ang
mga pinuno ng kilusang nasyonalista tulad nina Mahatma Gandhi at Jawaharlal Nehru .
MANDAUE CHRISTIAN SCHOOL, INC.
P. Burgos St. Alang-Alang Mandaue City 6014
School ID 404573

Ang gawaing ito ay gumalit sa libo libong mga taga-India na tagasunod nina Gandhi at Nehru.
Ang kasapi ng mga samahang All Indian Muslim League at Indian National Congress ay higit na
nagsagawa ng mga aksiyong laban sa pamahalaang
Epekto ng Iba't Ibang Ideolohiya sa mga Kilusang Nasyonalista
Ang pagkamulat ng mga Asyano sa iba’t ibang kaisipan kasabay ng patuloy na pag-aalab ng
kanilang damdamin para sa kasarinlan at pagtatatag ng sariling pagkakakilanlan ay nagbigay-buhay
sa mas maraming kilusang nasyonalista na tuluyang nagwakas sa pamamahala ng mga dayuhan. Sa
araling ito, ating isa-isahin ang mga naging epekto ng mga ideolohiya sa mga kilusang nasyonalista.
Matatandaan mula sa nakaraang aralin na sa pagitan ng ika-20 hanggang ika-21 siglo, ang
Kanlurang Asya ay naging pusod ng pagbabago at salungatan . Mula nang bumagsak ang
Imperyong Ottoman, iba’t ibang kaisipan o ideolohiya na ang sumibol at nakaimpluwensiya sa
pulitika at kultura ng mga bansa sa rehiyon. Ang ideolohiya ay tumutukoy sa organisadong sistema
o kalipunan ng mga ideya o kaisipan. Ito ay may iba’t ibang kategorya.
Ideolohiyang Pangkabuhayan
Ito ay nakatuon sa mga patakarang pang-ekonomiya ng bansa at paraan ng paghahati-hati sa
kayamanan nito para sa mga mamamayan. Nakapaloob dito ang mga karapatan ng tao na
makapagtayo ng negosyo, magtrabaho, magtayo at makisama sa union, at makisali sa pagwewelga
kung hindi magkakasundo ang mga kapitalista (negosyante) at manggagawa.
Kapitalismo
Ito ay tumutukoy sa sistemang pangkabuhayan kung saan ang produksyon, distribusyon, at
kalakalan o palitan ay kontrolado lamang ng mga pribadong mangangalakal na may sapat na
kayamanan at kakayahan upang mapamahalaan ang likas na yaman at pangunahing kagamitan sa
produksyon sa bansa. Ang pamahalaan ay may maliit na gampanin sa pagpapatupad ng mga
patakarang pangkabuhayan sa bansa.
Ang pang-aabuso at paghihirap na dinanas ng mga taga-India mula sa kamay ng mga kapitalistang
Kanluranin sa loob ng ilang daang taon ang unti-unting nag-udyok sa kanila upang maging mas
mulat sa layuning mapakawalan ang kanilang mga sarili mula sa kontrol ng dayuhan, at sa halip
ay maitaguyod pa ang kaunlaran at kasarinlan na nararapat lamang nilang matamasa.
Ilan sa mga pagkilos na kanilang isinagawa sa mga huling yugto ng imperyalismong Kanluranin
upang labanan ang sistema ng kapitalismo ay ang hindi pagtangkilik sa anumang produkto na
mula sa Britanya, hindi pagbili ng asin, hindi pagbabayad sa buwis lalo na para sa mga
produktong sila rin ang gumawa, at ang hindi pagtangkilik sa industriya ng tela at kasuotan na
nagbabagsak ng malaking bahagdan ng suplay sa India. Sa halip ay bumalik ang mga taga-India sa
industriya kung saan din sila nakilala, sa paghahabi at pagluluwas ng tela. Lumikha sila ng sarili
nilang kasuotan at tinalikuran ang mga gawa mula sa Britanya.

Ideolohiyang Pampulitika
Ito naman ay nakatuon sa paraan ng pamumuno at pakikilahok ng mga mamamayan sa
pamamahala sa bansa. Ito ay kinapapalooban ng mga pangunahing prinsipyong pulitikal at batayan
ng kapangyarihang pulitikal. Kabilang din dito ang karapatan ng mga mamamayan na bumuo at
magpahayag ng kani-kanilang saloobin at opinyon.
Demokrasya
Sa demokrasya, ang kapangyarihan sa pamamahala ay nasa kamay ng mga tao. Sa isang
estadong demokratiko ay maaaring makibahagi ang mga mamamayan nang tuwiran o di- tuwiran.
Tinatawag na direkta o tuwiran ang demokrasya kung ihahalal ng mamamayan ang gusto nilang
kumatawan sa pamahalaan. Maaari rin namang maging di-tuwiran ang demokrasya kung ang
ihahalal ng mamamayan ay ang mga kinatawan nila sa pamahalaan na siyang pipili o magtatalaga
ng mga pinuno sa pamahalaan. Sa ilalim ng demokrasya, nagiging pokus ang kalagayan at interes
ng mga mamamayan na isinasakatuparan ng mga pinuno sa pamamagitan ng pagbuo ng batas na
nangangalaga sa interes ng mas nakararami. Hindi rin pinipilit ang mga mamamayan na gumawa
ng mga bagay na sang-ayon lamang sa interes ng mga namumuno sa kanila. Lubos na
pinangangalagaan ang kalayaan at kabutihan ng nakararami sa ilalim ng ideolohiyang ito. Higit na
maraming tumatangkilik sa kabutihan ng demokrasya dahil sa kaunlaran at kagalingang panlipunan
na itinataguyod nito.
MANDAUE CHRISTIAN SCHOOL, INC.
P. Burgos St. Alang-Alang Mandaue City 6014
School ID 404573

Ang bansang India, sa pangunguna ni Mahatma Gandhi at iba pa na nakapag-aral sa mga


paaralan sa Britanya, ay naging mulat at interesado sa pag-angkop sa ideya ng demokrasya. Higit
na pinatatag ng pagnanais sa pagpapatupad ng demokrasya sa rehiyon ang mga kilusan na nabuo
kabilang na ang Indian National Congress at All Indian Muslim League . Ninais ng mga pinuno at
kasapi ng samahang ito na tuluyang mapatalsik ang mga dayuhang Kanluranin mula sa rehiyon, at
bigyang-pansin ang panghihikayat sa mga mamamayan na pamahalaan ang aspetong pulitikal,
ekonomiya, at kultural ng bansa, itaguyod ang interes at mga batas na makabubuti sa mas
nakararami, at tuluyang alisin ang anumang uri ng pang-aabuso na nagpapahirap sa mga taga-India.
Katulad ng naging paglaban at pagtakwil ng mga taga-India sa sistema ng kapitalismo, ang mga
bansang Arabo sa Kanlurang Asya ay mariin ding tumutol sa ideolohiyang ito. Labis na ikinagalit
ng mga bansang Arabo ang ginawang pagkuha ng malaking deposito ng langis, iba pang yaman, at
pagkontrol ng mga bansang Kanluranin sa mahahalagang daang pangkalakalan sa rehiyon. Bunga
nito, nagtatag sila ng samahan na kinabibilangan ng mga bansang Arabo upang tuluyang tuldukan
ang kapitalismong Kanluranin. Sumiklab ang kaguluhan, at namuno ang mga pinunong nagnais na
ibalik ang mga Estado sa dati nitong kalagayan kung saan ang mga kaisipan at gawi ay ayon sa
mahigpit na turo ng Islam. Ninais din ng mga bansa na sila mismo ang makinabang sa mga
yamang nagmumula sa kanilang rehiyon at hayaan ang kanilang mga mamamayan na aktibong
makibahagi sa pulitikal at ekonomikal na usapin at gawain sa rehiyon.
Ideolohiyang Panlipunan
Ang ideolohiyang ito ay nakatuon naman sa pagkakapantay-pantay ng mga mamamayan sa mata
ng batas at sa iba pang pangunahing aspekto ng pamumuhay ng mga mamamayan.
Suriin natin ang iba’t ibang pangunahing ideolohiyang lumaganap sa daigdig at nakaimpluwensiya
sa higit na pag-aalab ng layunin ng mga kilusang nasyonalista sa Timog at Kanlurang Asya.
Sosyalismo
Ito ay isang doktrina na nakabatay sa patakarang pang-ekonomiya kung saan ang pamamalakad
ng pamahalaan ay nasa kamay ng isang grupo ng tao . Ang grupong ito ang siyang pumipigil sa
pagmamay-ari ng iilang pangkat ng tao lamang sa pangangasiwa ng lupa, kapital, at mekanismo
ng produksyon. Ang mga industriya at lahat ng mga kailangan sa pagpapabuti ng kalagayan ng
mga mamamayan ay nasa kamay din ng pamahalaan. Hangad nito ang pagkakamit ng perpektong
lipunan sa pamamagitan ng pantay na distribusyon ng produksyon ng bansa . Hinihikayat nito ang
pagtutulungan habang ang mahahalagang industriya ay pag-aari ng pamahalaan.
Komunismo
Ang kaisipang ito ay unang nilinang ni Karl Marx, isang Alemang Pilosopo. Ayon kay Marx, ang
pinakamataas at huling hantungan mula kapitalismo patungong sosyalismo ay ang komunismo. Ang
kaisipang ito ay naglalayon na bumuo ng isang lipunang walang anumang antas o pag uuri-uri
kung saan ang likas na yaman at iba pang mahahalagang salik ng produksyon ay pag-aari ng lipunan
at lahat ng kabahagi nito.
Iba pang Ideolohiya
Kabilang din sa mga ideolohiyang ito na higit na nagpatibay sa manipestasyon at tindi ng
nasyonalismo ng mga bansa sa kanluran ay ang Zionism, Pan-Arabism, Islamic Fundamentalism, at
iba pang ideolohiyang relihiyoso at hindi relihiyoso na nagpasiklab ng mga kilusang pulitikal sa
rehiyon.
Pan-arabism
Ang Pan-arabism ay ang modernong salitang ginamit upang ilarawan ang kaisipan hinggil sa
pulitikal na pagkakaisa ng mga bansang Arabo sa Kanlurang Asya. Hinangad ng pamahalaan at
mamamayan ng mga bansang Arabo ang pagbubuklod-buklod, mula pa noong panahon ng
paglakas ng pananakop ng Imperyong Ottoman, upang makapagtatag ng mas malakas at
nagkakaisang samahan ang mga estadong Arabo.
Ang mga Arab ay umanib sa mga Ingles noong Unang Digmaang Pandaigdig. Nang matapos ang
digmaan, hiniling nila bilang gantimpala ang pangakong binitiwan ng mga Ingles at Pranses na
kasarinlan para sa lahat ng lalawigang Arab sa ilalim ng Imperyong Ottoman; subalit, ang
pangakong ito ay hindi naisakatuparan, at sa halip ay pinaghatian ng Britanya at Pransya ang
rehiyon. Bunga nito, ang mga Arab ay nagsimulang mag-alsa. Ang pagsalungat sa layunin ng mga
Zionist na maitatag ang Palestine ang higit na nagpaalab sa nasyonalismo ng mga Arab.
MANDAUE CHRISTIAN SCHOOL, INC.
P. Burgos St. Alang-Alang Mandaue City 6014
School ID 404573

Ang Partidong Ba’ath ang pinakaaktibong samahan sa kabuuang estado ng mga Arabo. Ito ay
pinamunuan ni Gamal Abdel Nasser (1918-1970). Sa pagtatagumpay ng Israel sa Digmaang Arab-
Israeli noong Hunyo 1967, ang kilusang ito ay unti-unting pinahina nang naglahong pagkakaisa ng
mga bansang Arabo na naging abala sa paglilinang ng kani-kanilang interes.
Islamic Fundamentalism
Ang Islamic Fundamentalism ay tumutukoy sa prinsipyo at kaisipan na nakabatay sa istriktong
aral ng Islam. Ang kaisipan at pagkilos na ito ay mariing tumututol sa anumang bakas ng
westernization o pagbabagong ayon sa pamamahala at paraan ng pamumuhay ng mga Kanluranin,
at sekularisasyon o paghihiwalay ng Estado sa relihiyon. Sa halip ay isinusulong nito ang
pagpapatalsik sa mga dayuhan—sa kanilang impluwensiya at maging sa mga nagsusulong ng
pagbabagong ayon sa mga Kanluranin. Ang kaisipang ito ay higit na nagpaigting sa pagkilos ng
iba’t ibang samahan sa Kanlurang Asya upang maging masigasig sa paglaban sa mga dayuhang
mananakop.
Ang kaisipang ito na pinatatag sa mga bansang Arabo tulad ng Iran at Saudi Arabia ay naglayong
ibalik sa tradisyonal na paraan ng pamumuhay ang mga mamamayan kung saan ang mga gawain
at kaisipan ay ayon sa mga nakasaad sa banal na aklat ng Islam na Qur’an, at sa banal na turo
ng kanilang propeta na si Mohammed. Layunin nitong pagbuklurin ang mga naninirahan sa
rehiyon bilang bahagi ng mas matatag na pamayanang Asyano at Muslim.
Zionism
Ang Zionism na nagsimula bilang isang kaisipan hanggang maging kilusan ay nabuo upang
maisakatuparan ang layuning magkaroon ng sariling Estado ang mga Hudyo. Sang-ayon dito, batay
sa kasaysayan ay may karapatan ang mga Hudyo na manirahan sa Palestine at itatag ang bansang
tatawagin nilang Israel.
Bunga ng pagkakatatag nito ay bumuo ng kilusang tinawag ding Zionism ang mga Hudyo sa
pamumuno ni Theodore Herzl . Patuloy na dumami ang umanib at sumuporta sa layuning
itinataguyod nito. Hindi nagtagal ay nakamit ng mga Hudyo ang layunin nilang makapanirahan sa
Palestine at magtatag ng sariling Estado, subalit ito ay sinubok ng ilang pagkontra at digmaan
mula sa panig ng mga Arabo. Dahil sa matinding pagnanais na tuluyang maisakatuparan ang
kanilang layunin, bumuo ang mga Hudyo ng mas matatag at malakas na samahan na naglayong
labanan ang anumang banta ng pagkontra mula sa iba pang bansa sa Kanlurang Asya. Mula sa
layuning makapagtatag ng sariling estado na nakamit noong taong 1948, ang pagpoprotekta at
pagharap ng mga Hudyo sa anumang kahaharapin ng Israel ang naging tuon ng Zionism at mga
tagasunod nito.
Ang Pagwawakas ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya
Lahat ng nagsisimula ay dumarating din sa sarili nitong katapusan. Maging ang daang taong
pananakop ng mga Kanluranin sa Timog at Kanlurang Asya ay dumating din sa sarili nitong
hangganan matapos ang masigasig at nag-aalab na pakikibaka ng mga Asyano sa pamamagitan ng
pagtataguyod sa mga layunin nila para sa kasarinlan, pagtatatag ng sariling pagkakakilanlan, at
pamamahala sa yaman at kulturang taglay ng kani-kanilang bansa. Ang lahat ng layuning ito ay
binigyang-katuparan sa tulong ng mga kilusang nasyonalista na sa kabila ng mga karahasan, mas
matinding pang-aabuso, at ilang kabiguan na kanilang tinamo mula sa pagtugon ng mga dayuhan ay
patuloy na lumaban.

Ang simula ng kilusang nasyonalismo sa Timog Asya ay matatandaang naganap noong Rebelyong
Sepoy kung saan ang mga sundalong Sepoy ay nag-alsa laban sa mga sundalong Ingles na
nagsagawa ng diskriminasyon laban sa kanila. Sa pagkakataong ito ay nagkaisa ang mga Indianong

Muslim at Hindu upang ipahayag ang kanilang saloobin sa ginawa ng mga sundalong Ingles,
gayundin sa hindi makatarungang pamamahala ng pamahalaang Britanya sa India at sa pagturing
sa mga mamamayan nito bilang mga second-class citizens sa sarili nilang teritoryo.
Bagama’t hindi tuluyang napabagsak ng naganap na rebelyon ang pamahalaan, nagbunsod naman
ito ng pagbabago sa paraan ng pamamahala, kabilang na ang pag-aalis sa mapang-abusong British
East India Company . Gayundin, ang pangyayari ay nakapagpamulat sa kaisipan ng mga
mamamayan hinggil sa hindi makatarungang paghihirap na karanasan nila sa kamay ng mga dayuhan.
MANDAUE CHRISTIAN SCHOOL, INC.
P. Burgos St. Alang-Alang Mandaue City 6014
School ID 404573

Nagsagawa si Mahatma Gandhi at ng kaniyang mga tagasunod ng satyagraha o mapayapang


pagprotesta laban sa pamahalaan. Ang mga halimbawa nito ay ang Salt March at mga hunger
strike . Ang tahasang pagtutol sa mga hindi makatarungang batas at pamamahala ng mga Ingles
ay nagbunga rin ng higit pang pag-aalab sa damdaming nasyonalismo ng libo- libong mga taga-
India. Ang mga demonstrasyon ding ito ang unti-unting nagpahina sa pulitikal na pamamalakad ng
pamahalaan ng mga Ingles sa India, at tuluyang nagpahina sa industriya ng asin, tela, at iba pang
mahahalagang kalakal ng Britanya na nakatuon sa India.
Kabilang din sa tuluyang nagwakas sa imperyalismong Kanluranin sa Timog Asya ay ang patuloy na
pangangalampag ng mga mamamayan sa mga Ingles upang tuparin na ang pangakong kasarinlan
na binitawan nito noong Una hanggang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, kung saan kapalit ng
pagpapadala ng mga suplay ng materyales at sundalo mula sa India ang kasarinlan ng rehiyon at
mga mamamayan nito. Bagama’t hindi kaagad natupad ng Britanya ang ipinangako nito, bunga ng
patuloy na umiinit na kampanya para sa pagpapatibay sa nasyonalismo ng mga taga-India, hindi
nagtagal ay ibinigay din ang kasarinlang inaasam, at tuluyan nang nilisan ng puwersa ng Britanya ang
Timog Asya.
Sa kabila ng tagal, panganib, at paghihirap na kaakibat ng bawat nag-aalab na demonstrasyon ng
mga taga-India ay naging matagumpay naman ang bawat isa sapagkat sa huli ay nakamit din nila
ang kasarinlan at mga karapatan na nararapat nilang matamasa.
Gayundin, ang mga bansa mula sa rehiyon na nais makapagtatag ng sarili nilang estado ay
nakamit din ang kanilang layunin, sa kabila ng mga sigalot-etniko na kinailangan nilang suungin.
Kanlurang Asya
Sa Kanlurang Asya, isa sa mga nanguna sa kilusang nasyonalista na ipinamalas sa rehiyon ay si
Mustafa Kemal Ataturk. Sa kabila ng mga pagtutol na kaniyang kinaharap ay matagumpay pa rin
niyang isinulong ang kaniyang layunin na makapagtatag ng malayang Estado para sa mga Turko
mula sa bumagsak na Imperyong Ottoman. Kinailangan niyang makibahagi sa Unang Digmaang
Pandaigdig upang higit na maisulong ang kaniyang layunin sa pamamagitan ng pagpapabagsak sa
Imperyong Ottoman at pagbawi mula sa mga teritoryong sinakop nito. Mula sa pagtatamo at
pagtatatag ng malayang estado ay pinagsumikapan ni Ataturk na balangkasin ang mga
pagbabagong ilalatag niya sa bagong estado alinsunod sa layunin na ninais niya at ng kaniyang
mga tagasunod, ang makasabay ang Turkey at mga mamamayan nito sa modernisasyon at
pagbabagong kinakailangan sa mundo sa anumang panahon.
Kabilang din sa mga nagwakas sa imperyalismong Kanluranin sa Kanlurang Asya ay ang pagsasanib
ng mga bansang Arabo upang bumuo ng matibay na samahan na tuluyang pipigil sa pagdodomina
ng mga Ingles sa pangkabuhayan at pulitikal na katayuan ng mga bansa sa rehiyon. Ang
paghihigpit nila sa patakaran at pagsasaalang-alang sa interes ng kanilang mga bansa at
mamamayan ang tuluyang nagpahina sa kontrol ng mga dayuhan sa Kanlurang Asya.

You might also like