You are on page 1of 23

JUMBLE

KO, HANAP
MO!
I N D I A B I S R E

S N J O N R U N E U

G I G O M I S T D R

O S A L P T O E A O

M T Y M E I R I M P

I A I P A S Y A P E

T L D H O H N Y T O

K A N L U R A N I N
I N D I A B I S R E

S N J O N R U N E U

G A G O M I S T D R

O S A L P T O E A O

M T Y M E I R I M P

I A I P A S Y A P E

T L D H O H N Y T O

K A N L U R A N I N
ANG KOLONYALISMO
AT IMPERYALISMO SA
TIMOG ASYA
MGA DAHILAN AT PARAAN NG KOLONYALISMO AT IMPERYALISMO
NG MGA KANLURANIN SA TIMOG ASYA

Ang kolonyalismo ay tumutukoy sa pagtatamo ng mga lupain upang


matugunan ang layuning pang-komersiyal at panrelihiyon sa isang
bansa.ang kolonisasyon ng mga Kanluranin mula ika-14 siglo hanggang
ika-18 siglo ay nagsimula sa pagnanais ng mga bansang Europeo na
maipalaganap ang kanilang pananampalataya,matuklas ng iba pang
ruta patungo sa Silangan upang simulan ang pagatatag ng mga
kumpanyang pangkalakalan at kilalanin sila bilang isang
makapangyarihang bansa.
Samantala, ang imperyalismo ay tumutukoy sa pataakaran ng isang
makapangyarihang banasa na palawakin ang kanilang kapangyarihan sa
pamamagitan ng pagsakop o pagkontrol sa pangkabuhayan at pampolitikang
kaayusan ng isa o iba’t ibang bansa.
Noong mga panahong ito,ipinag-utos ng mgaa makapangyarihang bansang
Kanluranin ang panggalugad sa karagatan upang tumuklaas ng mga lupaing
magsisilbing daungan o sentrong pangkalakalan upang tuluyang maipalaganap
ang kanilang pananalig at paniniwala.Sa mga Kanluraning ito,ang mga Portuges
ang unang dumating sa India noong 1584.Sa panahong ito,kinailaangang
humanap ng mga Kristiyanong mangangalakal ng ibang ruta patungong
Silangan bunsod ng suliraning dulot ng mahigpit na pagbabantay ng Imperyong
Muslim Ottoman ng Turkey sa Kanlurang Asya na kanilang sakop.Kinailangang
lakbayin ng mga Kanuluranin ang kabuuang paligid ng Africa hanggang sa
kanilang marating ang India.
Sa kasamaang palad,ang kilusang ito ay nauwi sa labanang kolonyal.Sa
pagkakataong matuklasasn ng isang bansang kanluranin ang isang lupain,ito ay
ipinagpapalagay na miyang kaniyang pag-aari niya.Bunga ng natuklasan
malaking kapakinabangan sa mga lupaing Asyano,nagsimulang magpaligsahan
ang mga bansang Kanluranin sa pagkakaroon ng maraming kolonya.
TRANSPORMSAYON NG TIMOG ASYA SA ILALIM NG
MGA KANLURANIN
Imperyong British ang kinilalang pinakamalaking imperyong naitatag sa
kasaysayan ng daigdig.Tulad ng mga Olandes,ang British ay nagtalaga rin ng
kompanya na siyang namahala sa pagatatag ng mga himpilang pangkalakalan
sa Asya sa pamamagitan ng British East India Company.
Ang interes ng mga Kanluranin sa India ay nagsimula noong taong 1600,nang
magtatag ang British East India Company ng mga himpilang pangkalakalan sa
Madras, Bombay,at Calcutta.Noong mga panahong ito,ang mga Pranses ay
nakapagtayo na rin nga sarili nilang kompanya sa katimugan ng India.Naging
maayos ang pagsisimula ng relasyon sa pagitan ng mga ingles at emperador ng
Mughal.
 Nang magsimulang humina ang Imperyong Mughal,Unti-unting tumiwalag ang mga kahariang
Indian sa Imperyo,at ang bansa ay nahati-hati sa mga kahariang pinamumunuan ng mga
Maharajah.Ang mga maharajah ay dating mga gobernador ng mga local na pamahalaan ng
Imperyong Mughal.Ang pangyayaring ito ay nagsilbing oportinidad para sa mga
kanluranin.Sinikap nilang magkaroon ng mabuting relasyon sa mga maharajah upang makuha
ang kanilang pagtitiwala.
 Gayunpaman, kinailangan nilang magkaroon ng mga hukbong po-protekta sa kani-kanilang
interes.Dahil sa layo ng kanilang bansa sa India,naging mahirap para sa dalawang Kanluraning
bansa ang magdala ng mga atauhan sas rehiyon.Upang mapunan ang kakulangang ito,sinanay
ng mga Kanluranin ang mga hukbong Bengali(Sepoys) na parang tunay na hukbong
Kanluranin.Kumbinsido sa pinangunahang paraang ito ng mga Pranses,ibenenta ng mga local na
opisyal ang naglaalkihan nilang lupain sa mga ito kapalit ng pagsasanay ng kanilang mga
hukbong Sepoy.Ang mga SePOY ay mga sundalong Indian na sinanay ng mgs kanlursnin sa
pakikipaglaban.Ito ang nagbigay daan sa pamamayani ng mga Pranses sa Timog India.Upang
matumbasan anag kapangyarihan ng mga Pranses snagsaany din ng sarili nilang hukbong
Sepoy ang mga Ingles.
LABANAN SA
PLASSEY
 Noong Hunyo 23,1757,naganap ang mga di pagkakasunduan ng mga Pransesnat Ingles
sa Plassey.Ang kaganapang ito ay pinagwagian ng mga British sa ilalim ng pamumuno
ni Robert Clive,ang kilalang pinakamagaling na mananakop ng daigdig.Ang
pangyayaring ito ang nagpasimula ng paglipat ng pamamahala ng India sa kamay ng
mga Ingles.
PAMAMAHALA NG BRITISH EAST
INDIA COMPANY SA
INDIA
 Ang rehiyon ay pinamahalaan ng British sa ilalaim ng dalawang kategorya:ang
Provinces at ang Princely States.Ang Provinces ay tumutukoy sa mga teritoryong
ganap na sakop ng mga British samantala,ang Princely States (Nawabs) ay tumutukoy
sa mga estadong pinamamahalaan ng mga Maharajah saklaw din naman ng
kapangyarihan ng mga Imperyong British. Ang pagkakaloob ng proteksyon ng mga
british sa mga Princely States na ito ay may kapalit na malaking suhol na napupunta
lamang sa mga indibidwal na British na namamahala sa British East India Company.
ANG PAG-AALSANG SEPOY(SEPOY
MUTINY)
 Noong 1857, lumaganap ang isang balita sa kampo ng mga Sepoy na ang kartutso ng kanilang gamit na riple ay
sinelyuhan ng taba ng baka at baboy. Upang magamit ang mga ripleng ito, Kinailangang kagatin nga mga Sepoy
ang selyo. Ang bagay na ito ay kapwa ikinagalit nga mga Sepoy na Hindu, na itinuturing sa sagrado ang baka, at
nga mga Sepoy na muslim, na hindi naman kumakain ng baboy.
 Ang pangyayaring naganap ay nagbunsod ng pag-aalsa na nagsimula nang atakihin ni Mangal Pandey,isang
Sepoy,ang isang sundaong ingles. Bunga nito,inutusan ng isang heneral ang isa pang Sepoy na huluhin si Pandey,
ngunkt ito ay tumanggi. Bunsod nito, ang dalawang sundalo ay hinuli at pinapatay, at ang iba naming kasamahan
naman nila ay ipinakulong. Noong ika-0 ng Mayo 1857,ang iba pang hukbong Indian na Sepoy ay tumiwalag sa
hukbong sandatahan ng mga Ingles. Pinakawalan ngmga ito ang mga nakakulong na kasamahan at simulanang
isang rebelyon sa Delhi Fort sa pamumuno ni Bahadur Shah II,isang emperador sa Mughal.

 Ang rebelyon ng mga Sepoy ang itinuturig na kuna-unahang digmaang pangkasarinlan nga mga Indian. Sa
pagkakataong ito, maraming lider na Indian ang nakiisa sa kilusan. Bukod sa pakikipaglaban,tulong-tulong nilang
sinikap na gumawa ng mga paraan upang gisingin ang kamalayan ng mga Indian tungkol sa kanilang mga
karapatan at pagpapalaganap ng mga mensahe na makatutulong upang mawakasan ang kapangyarihan ng mga
Ingles sa bansa. Ang konseptong Hind Swarat na nangangahulugang”kasarinlan’’ ang naging paniniwala ng mga
kilusang Indian.
TUWIRANG PAMAMAHALA NG BRITANYA SA
INDIA
 Dahil sa naganap na pag-aalsa ng mga Sepoy,ang india ay tuwiran nang pinamahalaan ng
Britanya sa pamamagitan ng batas na Act for the Better Government of india noong
Agosto 1858.Sa batas na ito,nagwakas ang kapangyarihan ng British East India Company
sa India ang pamamahala nito ay inilipat sa British Raj,ang India ay hinati-hati sa 11
lalawigan at 250 na distrito na pinamumunuan ng ilang Ingles.Ang bansa ay pinamahalaan
ng isang viceroy na nagpapatupad ng mga alituntunin ng mga Britanya.

 “Divide and Rule” ang paraang ginamit ng mga Ingles sa pamamahala sa India.Ang mga
maharajah na naging matapat sa pamahalaan ng Britanya aybinigyan nila ng
pabuya,pinangakuan ng kalayaan,at pinanatili ang kasunduang pagkakaibigan na
namagitan sa kanila ata ng dating gobernador heneral ng Ingles.Pininsala naman nila ang
ibang hindi naging maayos ang pakikitungo sa dayuhang pamahalaan.Binigyan ng mga
British ng pantay na pagtrato ang mga Hindu at Muslim,ngunit hindi naman sila gumawa
ng kaparaanan upang mapigilan ang pagkamuhi ng bawat pangkat sa bawat isa’t isa.
EPEKTO NG
INGLES
PAMAHALAANG
SA KABUHAYAN NG MGA INDIAN
 Sa simula,ang India ay pinakaiingatan ng mga Ingles bunga ng likas na potensiyal nito.Nang
maganap ang Rebolusyong Industriyal sa Britanya, ang bansa ay nagmistulang pamilihang
pandaigdig at ang India ang nagsilbing ayagatustos ng hilaw na materyales na kailangan ng
bansang Kanluranin.Ang Rebolusyong Industriyal ay tumutukoy sa transpormasyon mula sa
agricultural patungong industriyal ng bansa.Nagsimula noong mga huling taon ng ika-18
siglo.Ang Rebolusyong Industriyal ay nagsimula sa Britanya at madaling lumaganap sa
buong daigdig.
 Sa pamamahala ng mga Igles napanatili nila ang pangkabuhayan sa bansa.Ang pagpigila sa
mga industriyang Indian at pagpalaganap ng mga pinagkakakitaang produkto(cash crops) na
kailangan ng mga Ingles ay nakapigil sa pagunlad ng India.Nawalan na ng panahon ang
mganIndian na makapag-tanim ng mga produktong tutustos sa kanilang
pangangailangan,naging sanhi ito ng malawakang kagutuman sa rehiyon.Gayundin ang India
na dati-rating nagluluwas ng hunabing tela sa maraming rehiyon sa Asya at Adrica ay naging
taga-luwas na alamang ng hilaw na materyales na at siya ring tag-angat ng mga
produktong gawa sa materyales na ito.
 Upang higit na masiguro ang malaking kita para sa Britanya at mga opisyal nito sa
rehiyon,sinimulan din ni Cornwalls,ang gobernador heneral ng Britanya sa India,ang pirmihang
pananahanan o permanent settlement at pagbubuwis sa mga lupaing sakahan sa Bengal at
Bihar noong 1793.Sa sistemang ito,nagmamay-ari ng lupain o Zamindar ay kinakailangang
magdeposito ng itinakdang buwis ng pamahalaan kapalit ng pagtatalaga sa kanila bilang
nagmamay-ari ng mga lupaing kanilang nasasakupan.Upang matugunan ang buwis na
binabayaran sa mga Kanluranin at magkaroon ng kita para sa kanilang sarili,kinailangan nilang
makagawa ng higit na maraming produkto.Pwersahang pinagtanim ng mga Zamindar ang
mga magsasaka na kinailangan naming mangutang ng kanilang puhunan sa money-lender
( pangkat ng mga mayayamang nagpapautang ng mataas ng may mataas na interes)upang
matustusan ang kanilang pagtatanim.Ang bagay na ito ay higit na nagpahirap sa mga
magsasakang Indian.
SA TEKNOLOHIYA
 Upang masarili ang pagsasamantala sa hilaw na materyales ng rehiyon.pinasimulan ng
mga Ingles ang paglilinang ng mga modernong teknolohiya tulad ng pagpapagawa ng
daang bakal,mga telegrapo,at iba pang impraestruktura.Nbuwag ng mga pagbabagong
ito ang tradisyonal at mabagal na pag-usad ng kultura at ekonomiya ng ng
India.Noong ika-19 siglo,matatagpuan sa India ang pinakamahabang daang bakal sa
Asya.Madaling napag-ugnay ng mga daanag bakal na ito anag pamilihan Sa loob ng
rehiyon patungo sa mga daungan,sanhi upang higit na bumilis ang paglaki ng kita ng
mga mamumuhunang British sa komersiyo.
SA LIPUNAN,KULTURA,AT
PANINIWALA

Sa pagdating ng mga Ingles,dala nila ang mga ideyang


kalayaan,pagkakapantay-pantay,kasarinlan at karapatang pantao.
Ang mga kaisipang ito ay ikinalugod ng ilang pangkat na humiling
ng pagbabago sa lipunan,Bunga nito,ang mga sumusunod na mga
kautusang legal ay pinasimulan ng mga Ingles:
1.Pagpapasimula ng sistemang edukasyon nakabatay sa sistemang edukasyon ng Britanya,kung
saan Ingles ang wikang panturo.
2.Pagbabawal ng pang-aalipin at gawi ng mga Indian na pagpatay sa mga
babaeng sanggol(female infanticide).
3.Pagpapaalis ng tradisyong suttee at thuggi na nagmula sa mga Mughal.
~Thuggi ay isang relihiyosong kulto kung saan kinakailangang mag-alay nag buhay
bilang isang sakirpisyo sa diyosang si Kali.
~Suttee ay tumutukoy sa gawaing pagsama ng biyuda sa kanyang patay na asawa habang ito
ay
sinusunog.
4.Ipinasa rin ng batas ng 1872 na nagpahintulot sa pag-aasawahan ng mga mamamayan na
kabilang sa magkakaibang caste at pamayanan.
5.Ipinasa rin ng Sharda act na nagpahimpil sa pag-aasawa ng mga kabataang may edad
14 pababa.
6.Ipinagtibay rin ang patakaran sa pagtanggap ng mga Indian sa matataas na posisyon
sa pamahalaan.
EPEKTO NG
KOLONYALISMONG BRITISH
SAINDIA
 Sa kabila ng pang-aapi ng mga Ingles,ang mga Indian ay nakinabang din sa kolonyalismo ng
mga nasabing dayuhan.Dahil sa daang bakal na ipinagawa ng mga British,ang India ay napag-
isa at nalinlang bilang isang modernong ekonomiya.Ang mga modernong lansangan atblinya ng
mga telepono at telegrapo ay nakatulong din upang mapadali ang komunikasyong mahalaga
sa isang umuunlad na ekonomiya,nalinlang din ang India bunga ng pinagbuting estraktura ng
mga dike,dam at tulay.Ang mga pagtatayo ng mga paaralan ay nakatulong upang mapataas
ang bahagdan ng mga marunong bumasa at sumulat.Napayapa din ng mga Ingles ang mga
bansa nang kanilang mapaalis ang mga bandidong umaaligid sa Gitnang India.Higit sa lahat
winasak ng mga Ingles ang mga labanang local sa pagitan ng mga Maharajah.
 Sa pagtatapos ng ika-18 siglo sa kabila ng mga pagbabagong isinagawa ng mga Ingles sa
India,sila ay nagpakita ng pagmamaliit sa lahi sa mga Indian.Ikinagalit ng mga Indian ang
pagturing sa kanila ng mga Ingles bilang mamamayang second class sa sarili nilang bansa,na
hindi maaaring mabigyan ng mataas na posisyon sa pamahalaan at pinasasahod ng higit
na mababa kaysa sa mga Europeo.Ang karaniwang karatulang “for Europeans only”ay
lubos na nakainsulto at hindi naging makatarungan sa mga Indian.Ang mga pangyayaring
ito ay unti- unting naglinang ng damdaming nasyonalismo sa mga Indian.

You might also like