You are on page 1of 3

Kolonyalismo sa Timog Asya

Unang Yugto ng Kolonyalismong Kanluranin sa Timog Asya

Layunin ng mga Europeon bansa sa pagsakop sa Timog Asya:


Mapalawak ang kanilang interes na pangnkomersyo sa Timog Asya sa pamamagitan ng
pagtatayo ng malakas na baseng pangkomersyo sa mga estratehikong lokasyon sa mga baybayin
sa paligid ng India at sa mga pangunahing rutang pangkalakalan sa Asya

Mga Europeo na dumating sa Timog Asya:


1. Portuguese
A. Vasco da Gama- nakarating sa India noong 1498 at nakapag-uwi ng mga rekado gaya
ng cinnamon, at luya na naipagbili ng 27 na beses na mas mahal sa
halaga ng pagkabili nito sa India.
B. Alfonso de Albuquerque – nakapagtatag ng kauna-unahang “ trading port” sa pulo
ng Goa sa India noong 1510
2. French
 Nakapagtayo ng “ trading post” sa Pondicherry,Karikal, at Yanaan
 Naging pangunahing karibal ng Britain sa pagpapalawak sa India noong 1664,
matapos maitatag ang “ French East India Company”
 Nakapagtatag ng factory sa Surat at Calcutta at baseng pangkalakal sa
Pondecherry
 Sa pangunguna ni Joseph Dupleix nasakop nila ang Madras noong 1746, pero
dahil sa kawalan ng suporta mula sa inang-bayan ng mga tropang French sa
India, naging panandalian lamang ang nasabing kontrol ng France sa Madras at
Katimugang India

Treaty of Aix-la-chapelle – kasunduang nagbalik sa Madras sa kontrol ng British


 Matapos ang pagputok ng Seven Years War sa Europe noong 1756-
1763, muling sumiklab ang digmaan sa pagitan ng France at Britain.

Battle of Plassey ( 1757) – labanan kung saan natalo ng mga puwersang


British sa pamumuno ni Robert Clive ang malaking puwersa ng Hukbong
Bengali ng France

3. British
- Nakapagtayo ng “ trading post” sa Madras, Bombay, Calcutta, sa mga pulo ng
Ceylon, Andaman at Nicobar na mahalagang pahingaan ng mga bapor na nagmula sa
mga kolonya at teritoryong kontrol nito sa Timog-Silangang Asya.

2 yugto ng Imperyalismong British sa India at Timog Asya:


1. Ang unang ay ang panahon ng di direktang kolonisasyon ng British East India
Company na mula sa 1600s hanggang 1858
2. Ang Ikalawang yugto ay ang panahon ng direktang kolonisasyon ng Pamahalaang
British mula 1858 hanggang sa ganap na paglaya ng India at Timog Asya nong 1947.
*Tinawag din itong British Raj o “ British rule” .

British East India Company


-isang kompanyang “ joint-stock” na pinagkalooban ng Pamahalaang British ng
“charter” na nagbibigay kapangyarihan dito na magtatag, mangasiwa at magkontrol
ng mga teritoryo at kalakalan sa iba’t ibang bahagi ng daigdig sa ngalan ng
pamahalaan ng bansang kolonyalistang Britain. Kasama di dito ang kapangyarihang
gumawa ng perang metal, pumasok sa tratado o kasunduan, at bumuo ng sariling
hukbo.
Mga bumubuo sa “ joint-stock company”
Binubuo ng maraming pribadong tao na nagsasama-sama ng kanilang yaan para sa iisang
tunguhin gaya ng kolonisasyon ng malaking bahagi ng daigdig
Ayon sa batas, ang British East India Company ay napapasailalim sa regulasyon ng pamahalaan
ng Britain kapwa sa London at sa India . Subalit sa katotohanan, pinamamahalaan ng British East
India Company ang Inda na halos walang anumang panghihimasok ang pamahalaang British. Sa
katunayan ang companya ay may sariling hukbo na pinamumunuan ng mga opisyal na British, at
mga katutubong sunadalong Indian na tinatawag na sepoys
Pagsapit ng 1850s, ang malaking bahagi ng Timog asya ay direktang nakokontrol ng great Britin.
Simula 1773 sa ilalim ng British east India Company, ang mga teritoryong nasa kontrol ng Britain
ay pinamumunuan ng isang gobernador-heneral.

Mga ipinatupad ng British East India Company na nakapagpabago sa lipunang Indian:


1. Ipinakilala ang bagong sisteme ng edukasyon, wikang English at bagong sistema at
pamamaraan ng batas
2. Nagpatibay ng mga patakarang naglalayong mawakasan ang pang-aalipin, sistemang caste,
at pagpapataas sa katayuan ng kababaihan
3. Nagpatibay ng batas na nagbabawal sa sati
4. Nagsagawa ng kumbersyon ang mga misyonero sa mga Indian sa Kristiyanismo na kanilang
itinuturing na mga superior na relihiyon

India – pinakamahalagang kolonya at tinaguriang” jewel in the crown” ng Britain dahil sa


napakalaking potensyal na pamilihan para sa mga niyaring kalakal.

Mga patakarang ipinatupad ng Britain sa India para sa pagsasakatuparan ng kanyang mga


layunin:
1. Nagpataw ng mga restriksyon sa ekonomiya ng India upang makakilos itong mag-isa.
Sumisiguro na ang India ay makakalikha lamang ng mga hilaw na materyales para sa
mga pabrika at industriya at magiging tagapagbili ng mga niyaring produkto ng mga
British
2. Pinagbawalan ang anumang kompetisyon sa mga kalakal ng Britain sa India

Resulta ng mga nasabing patakaran:


1. Nagsimula ang paghubog sa ekonomiya ng India na paglikha ng mga kalakal para sa
pangangailangan ng ibang bansa gaya ng Britain kaysa sa kung ano ang kailangan ng mga
Indian
2. Natuon ang ekonomiya ng India sa pagtatanim ng mga halamang agricultural na
panluwas sa Britain gaya ng bulak, tsaa, indigo, kape at jute at opyo na iniluluwas ng
mga British sa China
3. Nagbunga ng paghadlang sa industriyalisasyon ng India na sa huli ay nagbigay-daan sa
pagkakatali ng ekonomiya ng India sa Britanya
4. Lumiit ang produksyon ng pagkain ng India. Dahil sa higit na mas malaki ang kita sa
pagsasaka ng mga halamang agricultural na panluwas sa ibang bansa na tinatawag na “
cash crops”, lumiit ang mga lupang sakahan para sa mga halaman na para sa pagkain.
Nawala ang “ self-suffiency” o kakayahang lumikha ng sariling pagkain at
pangangailangan ng maraming komunidad. Ang paglipat sa pagtatanim ng mga cash
crops ang itinuturing na sanhi sa nangyaring malawakang kagutuman at pagkakalbo ng
kagubatan o deforestation sa India noong 1800s

Sepoy Mutiny:
- Tawag sa pag-aaklas na isinagawa ng mga katutubong Hindu laban sa mga Ingles
noong Mayo 10, 1857

Mga di popular na patakarang ipinatupad ng mga Ingles noog 1850s na nagresulta ng pagkainis ng mga
Hindu sa mga Ingles:
1. Pagtatalaga sa mga sepoys o sundalong Indians sa kahit na saang lugar maging sa ibang bansa
2. Pagpapayag sa mga babaeng balo na muling mag-asawa
3. Pagsagawa sa kanila ng kombersyon sa Kristiyanismo

Pinag-ugatan ng Sepoy Mutiny:


Nag-ugat sa tsismis na kumalat sa mga sepoy na ang mga cartridge ng kanilang bagong-bagong
enfield rifles ay pnahiran ng taba o mantika ng karne ng baboy at baka.
Ugat ng kabiguan ng Sepoy Mutiny:
Kawalan ng pagkakaisa ng mga Indian at ang mahihinang pinuno.

Estratehiyang ginamit ng mga Kanluraning Kolonyalista:


Divide and Conquer o pagkuha ng kasunduan sa mga nag-aaway at magkakaribal na pninuo ng
mga kahariang Hindu. Kanilang sinamantal ang lokal na tunggalian at inggitan, gumamit ng suhol para
mahati at mapag-away ang magkakatunggaling pinuno at ang kawalan pa rin ng presensya ng Imperyong
Mughal

Uri ng pangangasiwang ipinatupad ng mga bansang Kanluranin:


Di direktang pagkontrol ang uri ng pangangasiwa ang ipinatupad ng mga bansang kanluraning
sa unang yugto ng kanilang imperyalismo sa Timog Asya. Wala silang ginawang panghihimasok sa
politika, kultura, at relihiyon ng mga katutubo at hindi nila pinalitan sa pamumuno sa kani-kanilang
kaharian ang mga lokal na pinuno.

Ginampanan ng India sa Unang Yugto ng Kolonyalismo sa Timog Asya


Ang India ang naging tagapagtustos sa Europa ng mga produktong pagkain gaya ng mga
pangrekadong cinnamon, paminta, at luya at mga hilaw na materyales gaya ng mga “cotton goods” na
nakilala sa daigdig bilang “ calico”

Naibigay ng Unang Yugto ng Kolonyalismo sa India:


1. Nagbigay-daan sa pagkakalikha ng tuloy-tuloy na pandaigdigang pamilihan para sa mga
produkto nito lalo na sa mga pangrekado at muslins

Muslins – isang uri ng matibay na tela na karaniwang ginagamit sa paggawa ng mga kumot,
punda at iba pa

2. Nangsibing sentrong pangkalakalan at transhipment point sa pagitan ng ibang mga rehiyon at


bansa sa Aysa gaya ng China at Europa.

You might also like