You are on page 1of 1

 1548 - Dahil sa mahigpit na pagbabantay ng Imperyong Muslim Ottoman ng Turkey, Ang mga

Kristiyanong mangangalakal ay kinailangang maghanap ng ibang ruta patungong Silangan.

 1548 - Iniutos ng mga bansang Kanluranin ang pananaliksik sa karagatan para makahanap ng
lupain para sa kanilang sentrong kalakalan.

 1600 - Gumawa ng mga himpilang pangkalakalan ang British East India Company sa Bombay
Madras, at Calcutta.

 1600 - Ang mga Pranses ay nakapagtayo rin ng sarili nilang kompanya sa katimugan ng India.
Nang magsimulang humina ang Imperyong Mughal, unti unting tumiwalag ang mga kahariang
Indian asa Imperyo, at ang bansa ay nahati-hati sa mga kahariang pinamumunuan ng mga
Maharajah.

 Hunyo 23, 1757 – naganap ang hindi pagkakasunduan ng mga Pranses at Ingles sa Plassey. Ang
kaganapang ito ay pinagwagian ng mga British sa ilalim ng pamumuno ni Baron Robert Clive, ang
kilalang pinakamagaling na mananakop ng daigdig. Ang pangyayaring ito ang nagpasimula ng
paglipat ng pamamahala ng India sa kamay ng mga Ingles.

 1857 – Ang Pag-aalsang Sepoy (Sepoy Mutiny), lumaganap ang isang balita sa kampo ng mga
Sepoy na ng kartutso ng kanilang gamit na ripple ay sinelyuhan ng taba ng baka at baboy.

 Ika-10 ng Mayo, 1857 – Sinimulan angisang rebelyon sa Delhi Fort sa pamumuno ni Bahadur
Shah II, isang emperador na Mughal.

 Agosto, 1858 – Ang India ay tuwiran nang pinamahalaan ng Britain sa pamamagitan ng


pagpapatupad ng batas na Act for the Better Government of India. Ang pamamahala nito ay
inilipat sa British Raj. Sa ilalim ng pamahalaang Raj, Ang India ay hinati-hati sa 11 lalawigan at
250 distrito na pinamumunuan ng ilang Ingles. Ang bansa ay pinamahalaan ng isang Viceroy na
nagpapatupad ng mga alituntunin mula sa Britanya.

 1872 – Ipinasa ang batas na nagpapahintulot sa pag-aasawahan ng mga mamamayan na


kabilang sa magkakaibang caste at pamayanan.

You might also like