You are on page 1of 14

1.

Konsepto ng Kolonyalismo at Imperyalismo

1.1. Panahon ng Kolonyalismo

DAHILAN NG KOLONYALISMO

   Ang kolonyalismo ng mga Kanluranin mula 14  hanggang 18 siglo ay nagsimula sa


pagnanais ng mga bansang Europeo na maipalaganap ang pananampalataya, makatuklas ng
iba pang ruta patungo sa Silangan upang simulan ang pagtatag ng mga kompanyang
pangkalakalan, at kilalanin sila bilang makapangyarihang bansa.

MGA BANSANG KANLURANIN

 Ipinag-utos ng mga makapangyarihang bansang Kanluranin ang paggagalugad sa


karagatan upang makatuklas ng mga lupaing magsilbing daungan o sentrong
pangkalakalan upang tuluyang maipalaganap ang kanilang pananalig at paniniwala.

 Ang mga Portuges ang unang dumating sa India noong 1548. Sa panahong ito, ang
mga Kristiyanong mangangalakal ay kinakailangang humanap ng ibang ruta
patungong Silangan bunsod ng suliraning dulot ng mahigpit na pagbabantay ng
Imperyong Muslim Ottoman ng Turkey sa Kanlurang Asya na kanilang sakop.

IMPERYONG BRITISH

 Ang Imperyong British ay kinikilalang pinakamalaking imperyong naitatag sa


kasaysayan ng daigdig.

 Nagtalaga rin sila ng mga kompanyang namahala sa pagtatatag ng mga himpilang


pangkalakalan sa Asya sa pamamagitan ng British East India Company tulad sa
Madras, Bombay, at Calcutta.

 Ang mga Pranses naman ay nakapagtayo rin ng sarili nilang kompanya sa katimugan
ng India.

 Naging maayos ang pagsisimula ng relasyon sa pagitan ng mga Ingles at emperador


ng Mughal.

 Nang magsimulang humina ang Imperyong Mughal, unti-unting tumiwalag ang mga
kahariang Indian sa imperyo at ang bansa ay nahati-hati sa mga kahariang
pinamumunuan ng Maharajah. (Dating mga gobernador ng mga lokal na pamahalaan
ng imperyong Mughal)

 Ang pangyayaring ito ay nagsilbing oportunidad para sa mga Kanluranin. Sinikap


nilang magkaroon ng mabuting relasyon sa mga Maharajah upang makuha ang
kanilang pagtitiwala.
 Bumuo ang mga Kanluranin ng mga hukbo. Sinanay nila ang mga Bengali upang
maging Hukbong militar (SEPOY) na magpoprotekta sa kanilang interes.

 Ibinenta ng mga lokal na opisyal ang naglalakihang lupain kapalit ng pagsasanay ng


kanilang hukbong Sepoy.

LABANAN SA PLASSEY

 Noong Hunyo 23, 1757, naganap ang di pagkakasunduan ng mga Pranses at Ingles sa
Plassey.

 Ang kaganapang ito ang pinagwagian ng mga British sa ilalim ng pamumuno ni


Robert Clive.

 Plano na pabagsakin ang mga Pranses sa Plassey.

 Ang pangyayaring ito ang nagpasimula ng 


paglipat pamamahala ng India sa kamay ng mga
Ingles.

Ang Pamamahala ng mga British East India Company sa India

   Ang pagsisimula ng pamamahala ng Pamahalaang Brtish o Ingles sa India na


nagbigay-daan sa iba't ibang pagbabago sa kultura, kabuhayan, at sistemang
panlipunan ng India na bahagi ng impluwensya ng mga Ingles sa Timog Asya.

ANG PAMAHALAANG BRITISH

 Ang rehiyon ay pinamahalaan ng mga British sa ilalim ng dalawang kategorya.

 1. PROVINCES - tumutukoy sa mga teritoryong ganap na sakop ng mga British.

 2. PRINCELY STATES - ay tumutukoy sa mga estadong pinamamahalaan ng mga


Maharajah saklaw din naman ng kapangyarihan ng mga imperyong British.
 Ang pagkakaloob ng proteksyon ng mga British sa mga Princely States na ito ay may
kapalit na malaking suhol na napupunta lamang sa mga indibidwal na British na
namamahala sa British East India Company.

ANG PAG-AALSANG SEPOY (Sepoy Mutiny)

 Noong 1857, lumaganap ang isang balita sa kampo ng mga Sepoy na ang kartuso ng
kanilang gamit na riple ay sinelyuhan ng taba ng baka at baboy.

 Upang magamit ng mga Sepoy ang mga ripleng ito ay kinakailangan kagatin ng mga
Sepoy ang selyo. 

 Ang bagay na ito ay ikinagalit ng mga Hindu, na itinuturing na sagrado ang mga baka,
at ang mga Sepoy na Muslim, na hindi naman kumakain ng baboy.

 Ang pangyayaring naganap ay nagbunsod ng pag-aalsa na nagsimula nang atakihin ni


Mangal Pandey, isang Sepoy, ang isang sundalong Ingles.

 Inutusan ng isang heneral ang isa pang Sepoy na hulihin si Pandey, ngunit ito ay
tumanggi. Bunsod nito ang dalawang sundalo ay hinuli at pinatay, at ang iba namang
kasamahan nila ay ipinakulong.

 Noong ika-10 ng Mayo 1857, ang iba namang hukbong Indian na Sepoy ay tumiwalag
sa hukbong sandatahan ng mga Ingles. Pinakawalan ng mga ito ang mga nakakulong
sa kasamahan at sinimulan ang isang rebelyon sa Delhi Fort sa pamumuno ni Bahadur
Shah II, isang emperador na Mughal.

 Ang rebelyon ng mga Sepoy ay itinuturing na kauna-unahang digmaang


pangkasarinlan ng mga Indian. 

 Sa pagkakataong ito, maraming mga Indian ang nakiisa sa kilusan, nakipaglaban at


tumulong upang gisingin ang kamalayan ng mga Indian tungkol sa kanilang
karapatan.

 Hind Swaraj - nangangahulugang “KASARINLAN”

TUWIRANG PAMAMAHALA NG BRITANYA SA INDIA

 ACT OF BETTER GOVERNMENT OF INDIA - noong Agosto 1858, sa ilalim ng


batas na ito, ang India ay tuluyan nang napasailalim ng kapangyarihan ng Britanya.

 Sa ilalim ng pamamahala ng Raj, ang India ay hinati-hati sa 11 lalawigan at 250


distrito na pinamumunuan ng ilang Ingles.

 DIVIDE and RULE - ang paraang ginamit ng mga Ingles sa pamamahala sa India. 

 Ang mga Maharajah na naging matapat sa pamahalaan ng Britanya ay binigyan nila


ng pabuya, pinangakuan ng kalayaan, at pinanatili ang kasunduang pagkakaibigan na
namagitan sa kanila at ng dating gobernador Heneral na Ingles.
 Pininsala naman nila ang ibang hindi naging maayos ang pakikitungo sa dayuhang
pamahalaan.

Epekto ng Kolonyalismo ng Ingles sa Lipunan, Kultura at Paniniwala

Sa Lipunan, Kultura, at Paniniwala

  ng sistemang edukasyong nakabatay sa sistemang edukasyon ng Britanya kung saan


Ingles ang wikang panturo.

 Pagbabawal ng pang-aalipin at gawing mga Indian na pagpatay sa mga Babaeng


sanggol.

 Pagpapaalis ng tradisyong suttee at thuggi na nagmula sa mga Mughal. 

 THUGGI - ay pinaniniwalaan ng ilang eksperto na isang relihiyosong kulto kung


saan kinakailangang mag-alay ng buhay bilang sakripisyo sa diyosang si Kali.

 SUTTEE - ay tumutukoy naman sa gawing pagsama ng isang biyuda sa kanyang


patay na asawa habang ito ay sinusunog.
 Ipinasa rin ang Batas ng 1872 na nagpapahintulot sa pag-aasawahan ng mga
mamamayan na kabilang sa magkakaibang caste at pamayanan.

 Ipinasa rin ang Sharda Act na nagpahimpil sa pag-aasawa ng mga kabataang may


edad 14 pababa.

 Ipinagtibay rin ang patakaran sa pagtanggap ng mga Indian sa mataas na posisyon sa


pamahalaan.

Epekto sa Kabuhayan ng mga Indians

1.3. Epekto ng Kolonyalismo ng British sa India

Mga Epekto ng Kolonyalismo ng British sa India

 Sa kabila ng pang-aapi ng mga Ingles, ang mga Indian ay nakinabang din sa


kolonyalismo ng nasabing dayuhan.
 Dahil sa mga daang bakal na ipinagawa ng mga Ingles , ang India ay napag-isa at
nalinang bilang modernong lansangan at linya ng mga telepono at telegrapo na
nakatulong upang mapadali ang komunikasyon.
 Nalinang din ang India bunga ng mga pinagbuting estruktura tulad ng mga dam, dike,
at tulay.
 Ang pagtatayo ng mga paaralan ay nakatulong upang mapataas ang bahagdan ng
marunong bumasa at sumulat.
 Ikinagalit ng mga Indian ang pagturing sa kanila ng mga Ingles bilang mamamayang
second class sa sarili nilang bansa, na hindi maaaring bigyan ng mataas na posisyon
sa pamahalaan at pinasasahod ng higit na mas mababa kaysa sa Europeo.
Ang karaniwang karatulang “for Europeans only” ay lubos na nakainsulto at hindi
naging makatarungan para sa mga Indian. 
 Ang mga damdaming ito ay unti-unting naglinang ng damdaming nasyonalismo sa
mga Indians.

Ang Imperyong Ottoman sa Kasaysayan

Ang Imperyong Ottoman

 Isang bagong puwersa ang namayani sa Kanlurang Asya sa pagsapit ng ikatlong siglo
- ang Islam.

 Ang dating teritoryo ng Byzantine tulad ng Syria, North Africa, at Sicily ay nasakop
ng mga Muslim.

 Narating nila ang Al-Anadalus (Hispania)bago nahinto sa timog France ng mga


Frank.
Sinaklaw ng Imperyong Arab ang malaking bahagi ng Kanlurang Asya at rehiyon ng
Mediterranean.

 Noong Gitnang panahon ng Europe, ang mga caliph ang nagbigkis sa kabuuan ng
Kanlurang Asya bilang isang natatanging rehiyon.

 Nananatili ang pagkakakilanlang ito hanggang sa kasalukuyang panahon.

 Mula sa panahon ng RASHINDUN o apat na caliph matapos si Muhammed, namuno


ang mga caliphate ng Umayyad at Abbasid.

 Ang dinastiyang Ottoman ang siyang namuno sa caliphate at Imperyong Ottoman


mula 1299 hanggang 1922.

Ang Great Game

Ang Great Game

 Sinuportahan ng pamahalaan ng Great Britain ang mga Muslim sa Asya bilang


pagtutol sa panghihimasok at pagsalakay ng mga bansang Europeo sa rehiyon.

 Naging pangunahing katunggali ng Great Britain ang Imperyong Russian.

 Naging layunin ng iba’t ibang henerasyon ng mga opisyal ng British ang magapi ang
mga Russian sa kanilang mga balakin sa Asya.

 Upang maprotektahan ang India mula sa banta ng pagsalakay ng Russia,


kinakailangang bantayan ng mga British ang Afganistan na isang mahalaga at
estratehikong lagusan papasok ng India.
 Napanatili ang distansya sa pagitan ng Russia at ng India, kasama na ang ruta
patungong Egypt.

 Sa Kanlurang Asya, napakaestratehiko ng posisyon ng Constaniple kung kaya’t ang


lugar na ito ang naging pangunahing interes ng mga Europeo.

 Kontrolado ng lungsod ang pakanluran at pasilangang ruta sa pagitan ng Europe at


Asya gayundin ang pahilaga at patimog na ruta sa pagitan ng Mediterranean at Black
Sea.

 Dapat na manatiling walang nagmamay-ari sa Constantinople upang malaya silang


makapanatili sa rehiyon at mabantayan ang Russia.

 1791 - nangamba si Punong Ministro William Pitt ng Great Britain na ang Imperyong
Russian ang siyang makapagwakas sa kapangyarihan ng mga bansang Europeo.

 Nabuhay muli ang agam-agam na ito sa panahon ni Napoleon Bonaparte ng France


kung saan malaki ang ginampanan ng Russia sa huling pagkatalo ng tanyag na ninuno
noong 1814 hanggang 1815.

 1830- ayon kay Lord Palsmerston, naging ministro ng Great Britain, kung magagapi
ng Russia ang Imperyong Ottoman ay mauuwi ito sa pag-aagawan ng mga naiwang
teritoryo, dahilan upang sumiklab ang digmaan sa pagitan ng mga bansang Europeo.

1.3. Ang Tunggalian ng mga Dayuhang Bansa sa Kanlurang Asya

Ang Tunggalian ng mga Dayuhang Bansa sa Kanlurang Asya

 Ika-31 ng Agosto 1907, pumasok sa isang kasunduan ang Great Britain at Russia.

 Binitawan ng Russia ang kanyang interes sa Afghanistan at ipinaubaya sa Great


Britain ang pagkontrol sa mga patakarang Afghan.

 Ang Persia naman ay hinati sa tatlong sona: sonang neutral, sonang russian, at sonang
British.

 Nasakop ng mga Kanluranin ang Crimea at Constantinople.

1.4. Ang Crimea at Constantinople sa Pananakop ng mga Kanluranin

Ang Crimea at Constantinople sa Pananakop ng mga Kanluranin

 RUSSIA 
- Ika-17 siglo, naganap ang digmaang Russo-Turkish (1768-1774) na naging dahilan
upang mabawasan ang teritoryo ng Imperyong Ottoman. Ang Crimea, na nagtataglay
ng malaking populasyong Muslim, ay napunta sa Imperyong Russian. Ang paghina ng
caliphate ay bunsod ng paglakas ng kapangyarihan at impluwensyang Europeo.
 Germany
- Sa pag-alis ng mga British, pinalitan sila ng mga German na noon ay nasa ilalim ni
Otto Von Bismarck, ang unang chancellor ng Imperyong German (1871-1890) Ang
pagpasok ng Germany ay nagpasimula sa bagong panahon ng pandaigdigang politika.
Ang Imperyong German, na nabuo lamang noong 1871, ay pumalit sa Russia bilang
pangunahing banta sa Great Britain sa loob lamang ng isang dekada.

 Great Britain

 Sa panahon ng administrasyon ni Punong Ministro William Ewart   

 Gladstone ng Great Britain (1880-1885), winakasan ng mga British ang proteksyon at


impluwensya sa Constantinople. Dahil ito sa katiwalian ng mga Imperyong Ottoman
sa mga minoryang Kristiyano.

2.1. Ang McMahon-Husayn Correspondence O Husayn-McMahon Correspondence

McMahon - Husayn Correspondence or Husayn -


McMahon Correspondence
 Ang McMahon-Husayn Correspondence ay serye ng paglilihaman sa pagitan nina
Sharif ng Mecca, Husayn bin Ali, at Sir Henry McMahon, ang British High
Commissioner sa Ehipto noong Hulyo 14, 1915 hanggang Enero 30, 1916.
 Ito ay may kinalaman sa politikal na katayuan ng mga lupain sa ilalim ng Imperyong
Ottoman noong panahon ng Unang Digmaang Pandaigdig.
 Sa seryeng ito , hinimok ng mga Ingles ang mga Arab na maghimagsik laban sa
Imperyong Ottoman na kaanib ng Alemanya sa digmaan noong Nobyembre 1914.
 Sa dokumentong ito idineklara ng mga Arab ang kanilang pag-anib sa Britain sa pag-
aalsa laban sa Imperyong Ottoman kapalit ng kasarinlan para sa mga bansang Arab.
 Sa pagbagsak ng Imperyong Ottoman na nagsimula noong kalagitnaan ng ika-19 na
siglo hanggang noong Unang Digmaang Pandaigdig, ang kalakhang bahagi ng
Kanlurang Asya (Middle East) ay napasailalim sa magkakaibang-uri ng kolonyalismo.
 Ipinamahagi ng bagong tatag na League of Nations ang imperyo ng Ottoman batay sa
Sykes - Picot Agreement bilang mandato.

2.2. Sykes - Picot Agreement

Sykes - Picot Agreement

Ang mandatong ito ay tumutukoy sa mga teritoryong isinuko ng Alemanya at Imperyong


Ottoman na inilagay sa proteksyon ng mga makapangyarihang bansang Europa hanggang sa
ang mga ito ay may kakayahan nang pangasiwaan ang sarili nilang pamahalaan.
 Ang Sykes - Picot Agreement ay lihim na kasunduan sa pagitan ng pamahalaan ng
Britanya at Pransya sa pahintulot ng Imperyong Rusya.
 Ito ay pinagkasuduan nina Francois Georges - Picot, isang diplomatikong Pranses
at Sir Mark Sykes, isang diplomatikong Ingles. 
 Ang kasunduang ito ay kinilala at tinanggap ng Rusya ngunit hindi naman nito
nilagdaan.
 Sa kasunduang ito, ang Kanlurang Asya ay binaha-bahagi bilang Spheres of
Influence.
 Spheres of Influence ay tumutukoy sa pantay na parte ng mga bansang banyaga sa
lahat ng karapatan at pribilehiyong pangkalakalang maaring ipagkaloob ng isang
bansa.
 Isinantabi ang kasunduang ito ang pagtatatag ng Malalayang Estadong Arab o
Confederation of Arab States na lihim na nakapaloob di sa ugnayang McMahon-
Husayn Correspondence (1915-1916).

2.3. Mga Kasunduang Itinakda ng Sykes - Picot Agreement

Mga Kasunduang Itinakda ng Sykes - Picot Agreement

 Perpetual Maritime Truce ng Britain sa mga bansang Bahrain, United Arab


Emirates, Muscat, at Oman noong 1853. Ito ay itinakda ng Britanya upang
mapanatiling bukas ang kanyang ruta patungong India.

 Kasunduan ng 1892 - Pagkakaloob ng mga bansang Bahrain, United Arab Emirates,


Muscat, at Oman sa Britanya ng tanging karapatang bilhin ang anumang teritoryong
nais ipamigay o ipagbili ng mga nabanggit na bansa.

 Kasunduang 1899 at 1916 - Pagkakaloob ng mga bansang Kuwait at Qatar sa


Britanya ng tanging karapatang bilhin ang anumang teritoryong nais ipamigay o
ipagbili ng mga bansang nabanggit.

 Sinakop ng Britanya ang Aden noong 1839 at itinakda ito bilang base militar. Sa
pagkakataong ito, itinakda ng Britanya ang isang ekslusibong pakikipagkasundo sa
mga ninuno ng tribo sa teritoryo at ang Aden ay naging kolonya ng Britanya.

 Levant - tumutukoy sa silangang bahagi ng Mediterranean. Ito ay binubuo sa


kasalukuyan ng mga bansang Lebanon, Syria,, mga teritoryong Palestina, Jordan,
Israel, at bahagi ng katimugang Turkey.

 Ang Iraq, Palestine, at Transjordan ay pinamamahalaan ng Britanya samantalang ang


Lebanon at Syria naman ay pinamamahalaan ng Pransya. Samantala, ang Iran,
Afghanistan, at Kuwait ay nanatiling malaya.

 Ang Gitnang Arabia at Hilagang Yemen ay pawang mga bansang malaya din.
 Ang Central Arabia ay pinalawak ni Ibn Sa’ud, ang namuno sa Central Arabia,
hanggang sa masakop nito ang Arabian Peninsula at itinatag ang Kaharian ng Saudi
Arabia noong 1932.

 Kasabay na itinatag ng mga Pranses at Ingles ang mga monarkiya at republikang


konstitusyunal sa Iraq, Transjordan, Lebanon, at Syria.

Mga Epekto ng Kolonyalismo sa Kanlurang Asya

Mga Epekto ng Kolonyalismo sa Kanlurang Asya

 Ang pagkakahati-hati ng kolonya na teritoryo ng mga Muslim ay nabalot ng tensiyon


at suliranin.

 Ang ilang estadong itinatatag ay sadyang ibinabahagi sa opisyal na kolonyal na


walang pagsasaalang-alang sa mga mamamayan at pinagkukunang yaman sa rehiyon.

 Ang ilang dibisyon naman ay isinagawa upang tapusin lamang ang tensiyon sa
pagitan ng mga Kanluranin.

 Ang ibang kolonya naman ay itinatag lamang upang mapagbigyan ang mga
kaalyadong kakampi ng mga kanluranin.

Buffer State - ay tumutukoy sa isang bansang nagsisilbing hadlang sa pagkakaroon ng


tensiyon sa pagitan ng dalawang bansa.

 Ang mga balak bago pa mapabagsak ang Imperyong Ottoman ay isinagawa upang
mapayapa ang Pranses, Italya, at Greece.

 Ang Afghanistan naman ay itinatatag upang protektahan ang India na kolonya ng


Britanya laban sa Rusya.

 Sinakop ng Britanya ang Ehipto upang masiguro naman ang pagkontrol ng mga Ingles
sa Palestine.

 Nangibabaw pa rin ang kapakinabangang pang-ekonomiya ng mga Kanluranin sa


rehiyon, tulad ng interes sa mayamang langis sa Persian Gulf na humantong sa
pagtatatag ng Kuwait.

1.1. Ang BALFOUR DECLARATION

Ang BALFOUR DECLARATION

 Ito ay isang liham na nagmula kay Arthur James Balfour, Kalihim Panlabas ng
Britanya kay Lord Rothschild noong Nobyembre 17, 1917.
 Isinasaad sa liham na ito ang suporta ng pamahalaang British sa pagtatatag ng estado
para sa mga Jew sa Palestine.

 Ang mga Rothschild ay kilalang pinakamaimpluwensyang pamilyang Jew noong ika-


19 na siglo.

 Ang bagay na ito ang ikinabahala ng mga Palestinian Arab, sa dahilang ang mismong
lupain ay ipinangako sa kanila bilang kapalit ng kanilang pakikipaglaban sa panig ng
mga Allies noong Unang digmaang Pandaigdig.

 Ang insidenteng ito ang nagpagulo sa sitwasyon sa dahilang matapos malaman ang
bagay na ito, kaagad nagsilipat ang mga Jews sa Palestine.

 Noong Mayo 14, 1948, huling araw ng paglisan nga Haifa, ang Jewish People’s
Council ay nagtipon upang  deklara ang pagtatalaga ng Estado ng mga Jew sa
pangalang State of Israel.

 Ang pagkakatatag na ito ay tinutulan ng  Arab League na binubuo ng Ehipto,


Transjordan, Syria, Lebanon, at Iraq.

Ang Nasyonalismo at Paglaya ng mga Bansa sa Timog at Kanlurang Asya

    Bago matapos ang ika-19 na siglo, nagbago ang hugis ng kolonyalismo. Ang sinasabing
layunin ng pagbibigay ng halaga sa mga mamamayang naninirahan sa mga bansang kolonya
ay hindi naisakatuparan. Sa halip, hindi na iniwan ng mga kolonyalistang bansa ang mga
bansang kanilang nasakop. Bunga ng mga pangyayaring ito, nagkaroon ng manaka-nakang
lokal na pag-aalsa sa loob ng mga bansang hindi naglaon ay nagnais na kumawala sa bigkis
ng kolonyalismo.

2.1. Mga Salik na Nagbigay-Daan sa Pag-usbong ng Nasyonalismo

Mga Salik na Nagbigay-Daan sa Pag-usbong ng Nasyonalismo

Sa Timog Asya

 Ang nasyonalismong Indian ay nagsimula nang umusbong mula pa noong ika-18 na


siglo.

 Ang mga mayayamang Indian na nakapag-aral sa mga paaralang Ingles ay nagkaroon


ng kaalaman tungkol sa nasyonalismo at demokrasya.
 Ang mga pananaw at ideyang ito ay sinimulan nilang gamitin sa kanilang bansa.

 Mula sa mga nag-aral sa mga Kanluraning paaralan, nabuo ang dalawang pangkat na
naglalayong mapatalsik ang dayuhang pamamahala sa India.

INDIAN NATIONAL CONGRESS - itinatag noong 1885 na naghahangad ng kasarinlan


mula sa mga Ingles para sa lahat ng mga Indian anumang uri o katayuan nito sa lipunan at sa
uri ng relihiyong pinaniniwalaan.

ALL INDIAN MUSLIM LEAGUE - na itinatag ni Ali Jinnah noong 1906 na naglalayong
mahiwalay ang bansang Muslim mula itatag ang British India noong 1947

2.2. ROWLATT ACT

ROWLATT ACT

 Ipinatupad ng Pamahalaang Britanya ang Rowlatt Act noong 1919 upang mapigilan
ang pagtutol ng mga Indian.

 Sa batas na ito, ang Pamahalaang Britanya ay pinagkalooban ng karapatang supilin at


ikulong nang dalawang taong walang paglilitis ang sinumang tututol sa patakaran ng
Britanya.

 Sa panig ng mga edukadong Indian, ang batas na ito ay isang paglabag sa karapatan
ng indibidwal.

 Dahil dito, muling sumiklab ang isang marahas na pagtutol sa Punjab, kung saan
nagmula ang higit na maraming beteranong Indian ng Unang Digmaang Pandaigdig.

Ang AMRITSAR MASSACRE

 Ang mga Muslim at Hindu ay nagtipon sa Amritsar, kabisera ng Lungsod ng Punjab


bilang pagtutol sa Rowlatt Act.

 Sa pagtitipon na ito, layon ng mga Indian na mag-ayuno, manalangin, at makinig sa


mga talumpating pulitikal ng kanilang mga nasyonalistang lider.

 Ipinagbawal ng mga Ingles ang pagtitipong pampubliko.


 Dahil sa lantarang pagsalungat ng mga Indian, ipinag-utos ni Heneral Reginald
Dyer, ang Komandanteng Ingles ang pagpapaputok ng riple ng walang babala na
tumagal ng sampung minuto.

 Ang pangyayaring ito ay nagdulot ng 400 Indian na napatay at 1,200 naman ang
nasugatan.

 Ang pangyayaring ito ang nagpasidhi ng nagpupuyos na damdamin at pagkamuhi ng


mga Indian sa mga Ingles.

 Sa loob lamang ng isang magdamag, ang milyong mga Indian ay nagmistulang mga
rebolusyonaryong nasyonalista na mahigpit na humiling ng kasarinlan.

3.2. Ang SALT MARCH ni Gandhi

Ang SALT MARCH ni Gandhi

 Noong 1930, si Gandhi ay naglunsad ng isang demonstrasyon upang ipadama ang


pagsuway sa kinamumuhiang Salt Act.

 Sa batas na ito, sa pamahalaan lamang maaaring bumili ng asin ang mga Indian at
kinakailangan din nilang magbayad ng buwis sa pagbili nito.

 Upang ipakita ang pagtutol dito, si Gandhi at ang kanyang mga kasama ay naglakad
ng 240 milya patungong baybay dagat upang sumalok ng tubig-dagat at sinimulang
gumawa ng asin.

 Matapos ito, ang mga demonstrador ay tumuloy sa pagawaan ng asin ng mga British
upang tuluyan na itong isara, ngunit sila ay pinigilan ng mga armadong Ingles.

 Ito ay sinundan pa ng maraming demonstrasyon at protesta.

 Bunga nito, ang may 60,000 Indian, kabilang si Gandhi ay dinakip at ikinulong ng
dalawang taon.
3.3. Ang Government India Act

Ang Government India Act

 Noong 1935, isinabatas ng parliamentong Ingles ang Government India Act.

 Ang batas na ito ay nagbibigay ng higit na kalayaan sa mga lalawigang sakop ng


Ingles sa India na pinamunuan ng mga Indian.

 Winakasan din ng batas na ito ang  sistemang dyarchy kung saan ang pamunuan sa
mga lokal na opisyal na pinamumunuan naman ng nakatataas na mga opisyal na
Ingles.

 Pinasimulan din ng batas na ito ang tuwirang halalan na nilahukan ng 35 milyong


Indian at isinaayos ang mga lalawigan. 

 Sa bisa rin ng batas na ito, ang Burma ay tuluyan nang nahiwalay sa India.

 Inaasahan ng mga Indian ang unti-unting pagtatamo ng kasarinlan mula sa mga


Ingles.

 Ngunit ang ilang mga batas na nakasaad dito ay hindi napagkasunduan ng mga
Muslim at Hindu.

 Sa halip na magdulot ito ng kapayapaan, ay muling nagsiklab ang tensyon sa pagitan


ng dalawang pangkat na nagbunga ng magkasalungat na pananaw.

You might also like