You are on page 1of 21

ARALIN 4:

ANG SEPOY MUTINY AT ANG BRITISH


IMPERIALISM SA INDIA:
IMPERYALISMONG KANLURANIN
SA TIMOG ASYA
Panimula

• Sa nakalipas na aralin, ating natalakay kung


paano nakuha ng Britanya ang control sa India at
ang naging kapalaran ng kanilang mga karibal.
• Sa araling ito ating tatalakayin ang kapalaran ng
India makalipas na makontrol ito ng mga British.
Pagtatalakay
• Makalipas na magapi ang mga French
ng mga British noong 1761,
napasakamay ng British East India
Company ang halos buong India.
• Upang makontrol ang India,
kinakailangan ng British East India
Company ang umupa ng mga Hindu na
makakatulong sa kanila sa pagkontrol
sa bansa.
• Ang mga sundalong ito ay tinawag na
Sepoy.
• Noong 1857, isang malawakang
rebelyon ang magaganap laban sa
mga Birtish.
• Ang rebelyong ito ay
pangunguinahan ng mga Sepoy kung
kaya’t makikilala ang pangyayaring
ito sa tawag na
• Sepoy Rebellion.
• Ang Sepoy rebellion ay isang
kumplikadong labanan. Sinasabi na ang
sanhi nito ay ang paglaganap ng maling
balita o maling kuwento.
• Ayon sa kuwento, ang artidge ng Lee
Enfield Rifle ay nababalutan ng taba ng
baboy at baka. Upang magamit ang
cartridge, kinakailangan itong kagatin
upang buksan bago maibuhos sa barrel ng
Rifle.
• Dito pumapasok ang problema. Ang
India ay may dalawang
prominenteng grupo ng tao; ang
mga Muslim at Hindu.
• Para sa mga Hindu ang baka ay
isang banal na hayop, samantala
ang mga baboy naman ay
ipinagbabawal sa mga Muslim.
• Kung kanilang kakagatin ang cartridge malaki ang
tsansa na malunok nila ang taba ng baka at baboy.
• Ang gawaing ito ay lumalabag sa kultura ng parehong
Muslim at Hindu ng India.
• Dahil dito ilang grupo ng Sepoy ang tumangging
gamitin ang kanilang Rifle na nagresulta sa kanilang
pagka aresto.
• Ang kanilang pagkaaaresto ay nagresulta sa isang riot
na naging mitsa sa pagsisimula ng Sepoy Rebellion.
• Ang mabilis na paglaganap ng rebelyon ay dahil sa iba
pang less obvious reasons sa pagsisimula nito.
• Ang mga British ay nagpakilala ng mga social at political
reforms na taliwas sa mga kaugalian ng maraming
Hindu.
• Ilan sa mga halimbawa nito; ay ang
pagpapahintulot sa mga biyudang
babae na muling magpapakasal
kapag namatay ang kanilang
asawang lalaki.


• Ipinagbawal din ng mga British ang
Sati (Suttee), kung saan ang
biyudang babae ay sinusunog
kasama ng bangkay ng kanyang
yumaong asawa.


• Ang hindi pagkilala ng mga British sa tradisyunal na
kaulagian ng mga Hindu ang sanhi kung bakit
mabilis na lumaganap ang Sepoy Rebellion.
• Bagamat naging mabilis ang paglaganap ng
rebelyon, mabilis din itong nawalan ng momentum.
• Makalipas lamang ng higit isang taon,
sa tulong ng mga loyalistang Sepoy,
dinurog ng mga British ang rebelyon.
• Humigit-kumulang 6,000 Europeo
kabilang ang mga bata, babae, at
matatanda ang nasawi sa kamay ng
mga Sepoy.
• Dahil dito gumanti ang mga British na nag resulta sa
pagkamatay ng mga humigit-kumulang 800,000 na mga
Hindu.
• Dahil sa rebelyon, nalaman ng British Government na
hindi epektibo ang British East India Company.
• Binuwag ng British Crown ang British East India
Company upang pamunuan ang India at ang mga
kolonya nito ng direkta.
• Noong 1876 ang India ay tinawag
na British Raj at itinanghal si
Queen Victoria bilang
• First Empress ng British Raj.
• Ang India ay itinuturing na
Crown Jewel ng British Empire
dahil isa ito sa pangunahing
pinagmumulan ng mga rekado,
tela, tsaa at iba pang
mamahaling kalakal na
nagpayaman sa Britsh Empire.
• Ang India din ang tumustos sa
mga pangangailangan ng British
Empire sa mga raw materials.
• Tulad ng; kahoy, bakal at
mamahaling metal.
• Ang mga raw material mula sa India ang nagpaunlad sa
industriya ng British Empire na siya namang nagtulak sa
pagsisimula ng Industrial Revolution.
• Bukod sa likas na yaman, ang malaking populasyon ng
India ay napakinabangan din ng mga British.
• Malaking bilang ng mga Hindu ang magiging bahagi ng
hukbong sandatahan ng British Empire.
• Kasabay nito, ang mga sobrang produkto na ginagawa
ng mga British ay kanilang ibenenta sa mga
mamamayan ng India.
• Dahil sa mga benepisyong hatid ng India, ito ay
mananatiling bahagi ng British Empire hanggang sa
pagwawakas ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Pagtataya

• Gawain 1
• Sagutin ang mga sumusunod.
• 1. Ano-ano ang mga dahilan ng pagsiklab ng galit ng
mga Sepoy laban sa mga British? Ipaliwananag.
• 2. Ano ang dahilan ng pagsisimula ng Sepoy Rebellion?
Ipaliwanag.
• 3. Kung ikaw ang nasa kalagayan ng mga Sepoy,
papayag ka ba na palitan at igiit ng British Empire ang
pagbabago ng iyong kultura? Bakit? Ipaliwanag.
• 4. Sa iyong sariling pamamaraan, paano mo
maipapamalas ang iyong pagmamahal sa bansa sa gitna
ng kinakaharap na mga suliranin nito? Ipaliwanang.

You might also like