You are on page 1of 65

KOLONYALISMO AT

IMPERYALISMO SA TIMOG
AT KANLURANG ASYA
PANIMULA

• Noong 1500 hanggang 1800 isang malaking


pagbabagong panlipunan, ekonomiko at
pangkaisipan ang magaganap sa Europa.
• Ang muling pagbangon ng Europa ay
nangangahulugan ng pagtaas ng populasyon
at ng demand sa mas maraming produkto at
mga pampalasa mula sa Asya
• Ang mga salik na ito ay magreresulta sa
kagustuhan ng mga Europeo na
maglakbay palabas ng Europa upang
makipagkalakalan at umani ng
karangalan para sa kanyang sarili.
• Ito ang pagsisimula ng panahon ng
panggagalugad.
PANAHON NG PANGGAGALUGAD

• Taliwas sa mga tradisyunal na kaalaman, ang mga Europeo


ay mayroon nang matagal na ugnayan sa Kontinente ng
Asya bago pa man masimula ang panahon ng
panggagalugad.
• Noong Roman period, ang mga Romano ay mayroon nang
ugnayang pangkalakalan sa India.
• Ang interes ng mga Europeo sa kontinente ng Asya
particular na sa Silangan ay lalong napalalim dahil sa isang
Venecian na mangangalakal, si Marco Polo.
• Si Marco Polo, kasama ang kanyang ama at
tiyuhin ay naglakbay papuntang China at ilang
bahagi ng Timog-Silangang Asya.
• Sa kanyang pagbabalik sa Europa, nailathala
ang kanyang aklat na sinulat ng kanyang
kaibigang kapwa bilanggo na si Rusticiano
noong sila ay bihag pa ng mga pirata.
• Ang kanyang aklat ay nabasa ng mga tao at naging
inspirasyon ito sa panggagalugad.
• Ang motibo sa pagsisimula ng panahon ng
panggagalugad ay mailalarawan sa tatlong salita
lamang. Ang God (relihiyon), Gold (Kayamanan) at
Glory (Karangalan).
Gold
• Ang mga pampalasa ay lubos na mahalaga sa mga
Europeo Bukod sa nagbibigay ito ng kakaibang lasa sa
pagkain mahalaga ang mga pampalasa (spices) sa
preserbasyon ng pagkain.
Gold
• Gayunpaman marami sa mg pampalasa ang
kinukonsumo ng mga ng mga Europeo ay hindi
tumutubo sa kanilang bansa.
• Ito ay dahil ang klima at heograpiya ng Europe ay
hindi angkop upang tumubo ang mga halaman kung
saan kinukuha ang mga pampalasa.
• Dahil sa limitasyon na ito, ang mga Europeo ay handang
magbayad ng mga ginto kapalit ng mga pampalasa.
• Dahil sa pangako na malaking kita mula sa mga
pampalasa, ninais ng mga bansa sa Europa na
makontrol ang “spice trade”.
• Upang makontrol ang kalakalan ng mga pampalasa,
kinakailangan ng mga Europeo na makahanap ng
bagong ruta papuntang Silangan.
• Bakit hindi dumaan ang mga Europeo sa mga lumang rutang
pangkalakalan na ginamit ng mga Romano papuntang
Silangan?
• Ito ay dahil noong 1453 bumagsak ang Constantinople sa
kamay ng mga Ottoman Turks.
• Sa pagbagsak na ito ng Constantinople nakontrol ng mga
Ottoman Turks ang mga lumang ruta. Ang mga Turko ay
kalaban ng mga Eoropeo kung kaya’t naging magastos at
lubhang mapanganip ang mga lumang ruta para sa kalakalan.
• Ito ang pangunahing dahilan kung
bakit naghanap si Basco Da Gama ng
ruta sa dulo ng Aprika papuntang
India at Magellan ng rutang
pakanluran papuntang Silangan.
Glory
• Ang ikalawang motibo ng Europeo sa panggagalugad
ay “Glory” kung saan ang mga bansa sa Europa ay
nag-uunahan sa panggagalugad.
• Ang pangunahing kaisipan sa panahong ito ay
pagpaparamihan ng mga nagagalugad at nasasakop
na teritoryo.
• Ang mga Europeo ay hindi lamang mga
manggagalugad, kundi mananakop din.
• Kadalasan ang mga lupain na kanilang natutuklasan ay
kanilang inaangkin bilang bahagi ng kanilang emperyo.
• Para sa European politics ng 15th hanggang 18th century
ang Europeong bansa ay itinuturing na mas
makapangyarihan kung mas marami itong lupain na
nasakop.
• Ang katanyagan na ito ng mga bansang marami ang
nasakop ay nangangahulugan na maaari itong makialam sa
politika ng ibang bansang Europeo.
God (Relihiyon)
• Ang ikatlong motibo ay “God” o ang pagpapalaganap
ng relihiyon. Para sa mga Europeo ang mga taong
naninirahan sa mga lupaing kanilang sinasakop ay
namumuhay sa kadiliman.
• Kung kaya’t bilang mga Kristyano, mayroon silang
obligasyon na ipakilala ang mga ito sa Kristyanismo.
• Ang pagpapalaganap ng relihiyon ay
isinagawa ng mga Europeo sa
pamamagitan ng pagpapadala ng mga
misyonero, pang-iimpluwensya,
edukasyon o kung kinakailangan ay
dahas.
• Ang “God, Gold and Glory” ay maging malakas na
tagapagtulak sa mga Europeo upang palawakin
ang kanilang teritoryo.
• Sa mga susunod na siglo magawang sakupin ng
Europeo ang malaking bahagi ng daigdig na
magreresulta sa ganap na pagbabago sa daloy ng
kasaysayan.
UNANG YUGTO NG IMPERYALISMO
• Gawin Natin
• Suriin ang mga larawan at sagutin ang mga sumusunod na
tanong.
• 1. Anong kaganapan ang ipinapahiwatig sa mga larawan?
Kailan ito nangyayari?
• 2.Batay sa larawan magbigay ng inyo sarili kahulugan ng
salitang Imperyalismo. Kolonyalismo.
• Ano ang Imperyalismo?
•- paraan ng pamamahala kung saan ang malalaki o
makapangyarihang mga bansa ang naghahangad upang
palawakin ang kanilang kapangyarihan sa pamamagitan ng
pagsakop o paglulunsad ng mga pagtaban o kontrol na
pangkabuhayan at pampolitika sa ibabaw ng ibang mga
bansa.
• Ilang malalaki o malalakas na mga bansang kumukontrol sa
ibang mga rehiyon upang makalikha ng isang mas malaking
imperyo.
• Mga anyo ng imperyalismo
• Kolonya - Isang bansa o rehiyong nasakop ng isang
mangongolonya.
• Kolonyalismo- isang tuwirang pananakop sa isang
bansa upang
mapagsamantalahan ang yaman nito ng isang
mangongolonya.
• Ekonomiko - Isang nagsasarili o malaya ngunit hindi pa
gaanong maunlad na bansang pinamamahalaan ng mga
pribadong kumpanya na may kanaisang pangnegosyo, sa halip
na ibang mga pamahalaan.
• Sphere of Influence - Isang panlabas na kapangyarihan ang
umaangkin ng mga pribilehiyong pampamuhunan at
pangangalakal.
• Protektorado - Isang rehiyon na may sariling pamahalaan
subalit nasa ilalim ng kontrol ng isang panlabas na
kapangyarihan.
• Paano nasakop ng Europeo ang iba’t-ibang territory?
• Ang pag-unlad ng teknolohiya at paglalayag ang itinuturing
na pinakamalaking salik. Isa sa pinakamaganda at kapaki-
pakinabang na katangian ng mga Europeo ay ang kanilang
kakayahan at kagustuhan na mangopya at magpabuti ng
mga mula sa ibang kultura.
• Nakuha nila ang astrolabe sa mga Arabo at ang compass sa
mga Tsino.
• Ang astrolabe ay isang instrument
upang matukoy ang latitude ng barko
gamit ang araw at mga bituin.
• Ang compass ay tumutukoy sa
direksyon kung saan patungo ang
barko.
• Kanila ding ginamit ang mga mapang sinulat at
iginuhit ng mga Arabo.
• Makalipas kunin ang mga teknolohiya, ito ay
kanilang nilinang para sa kanilang paglalakbay.
• Napaunlad ng mga Europeo ang kanilang
sasakyang pandagat.
• Ang Caravel ay isang barko na may
tatsulok na layag.
• Ito ay di-hamak na mas mabilis at may
kakayahan na magdala ng mas
maraming kargamento.
• Dahil sa inobasyon na ito ng kanilang sasakyan, kinaya
ng mga Europeo na magdala ng mas maraming
kargamento, kagay ng mga kalakal, at ang kanilang
mga kanyon.
• Ang bansang nanguna sa panahon ng panggagalugad
ay ang Portugal.
• Noong 1420 ang mga paglalayag ng mga Portuguese
ay pinundohan ni Prince Henry “the navigator.
• Ang mga Portuguese ay naglakbay sa Kanlurang
Aprika kung saan kanilang nadiskubre ang deposito
ng mga ginto.
• Dahil sa sobrang ginto namatatagpuan kanilang
tinawag ang Kanlurang baybayin ng Aprika bilang
“The Gold Coast”.
• Noong 1488, narating ni Bartolomeu
Dias ang dulo ng Aprika na tinawag na”
Cape of Good Hope”
• Makalipas ang isang dekada nalagpasan ito
ni Basco De Gama at narrating niya ang
Silangang Aprika.
• Ginamit niya ang Silangang Aprika bilang
base sa kanyang paglalayag papuntang
India.
• Ang kanyang ruta ang nagging susi sa pagkontrol ng
mga Portugueseng kalakalan ng pampalasa sa
Europa. Ayon sa tala, si Basco da Gama ay kumita
ng ilang libong beses sa kanyang unang paglalayag.
• Noong 1510, nagtatag ang mga Portuguese ng
trading post sa Goa, India.
• Si Pedro Cabral ang Portuguese na
sumakop sa Brazil noong 1500 at nagtatag
ng malawak na sugar plantation.
• Ang mga malalawak na plantation ang
nagbunsod sa maramihang pagpadala ng
mga Aprikanong alipin sa Amerika.
• Nakamit ng mga Portuguese ng rurok ng
kanilang pagpapalawak noong 1509.
• Sila ay nagpadala ng mga barkong pandigma
sa Malacca, Malay Peninsula.
• Kanilang sinira ang control ng mga Arabo sa spice
trade. makalipas masakop ang Malacca, sila ay
nagtatag ng trading post sa Moluccas- ang isla na
inaasam-asam ng lahat ng mga bansa sa Europa.
• Dahil dito ang mga teritoryong nakuha ng mga
Portuguese ay agaran ding mapasakamay ng
ibang Europeong bansa.
• Ngunit ang Portugal ay may mga suliranin. Ang
Portugal ay kapos sa mga sundalo at hindi nila
nagawang tuluyang sakupin ang mga lupaing ito.
• Naging kontento lamang sila sa pagtatag ng mga
trading posts.
• Ang Espanya ang sumunod sa
paligsahan noong panahon ng
panggagalugad.
• Sa pamumuno ni haring Ferdinand ng
Espanya, kanilang pinundohan ang
mapangahas na paglalayag ni
Christopher Columbus.
• Nais niyang marating ang India at iba
pang lugar na narrating din ng mga
Portuguese sa pamamagitan ng rutang
pasilangan.
• Noong 1492 naglayag si Columbus
pakanluran at narating ang Caribbean
Islands.
• Dahil sa kakulangan sa kaalaman sa heograpiya
inaakala ni Columbus na narating na niya ang India,
lingid sa kanyang kaalaman, mas mahalagang bagay
ang kanyang natuklasan.
• Kanyang natuklasan ang isang panibagong lupain-
ang Amerika.
• Noong 1519, isang paglalayag muli ang
pinundohan ng Espanya. Ang paglalakbay ni
Ferdinand Magellan.
• Noong March 16, 1521 kanyang narating ang
isang grupo ng mga isla na kinalaunan ay
nakilala sa bilang Pilipinas.
• Ngunit hindi nagtagumpay ang kanyang
expedisyon dahil siya ay nasawi sa labanan
sa Mactan noong Abril 24, 1521 sa kamay ng
katutubong pinuno na si Khalipu Lapu-lapu.
• Ipinagpatuloy ng ng kanyang kasama na si
Sebastian El Cano ang paglalakbay pabalik sa
Espanya.
• Si Hernan Cortez ang nagpabagsak ng dakilang
kaharian ng Aztec noong 1521 at kanyang nasakop
ang Mexico.
• Nagawang sakupin ang ilang daang Espanyol ang
limang milyong Aztec hindi sa pamamagitan ng
armas kundi dahil sa kanilang hindi nakikitang
sandata- ang mga sakit.
• Sa pagdating mga Espanyol sa MesoAmerika dala sa
kanilang katawan ang mga mikrobyong nagdadala
ng sakit na hindi pa nakikita sa Amerika.
• Tulad ng small fox, tigdas at influenza (flu).dahil dito
milyong mga Aztec ang nasawi dahil sa kawalan ng
immunity.
• Katulad sa nangyaari sa mga Aztec, mga sakit din ang
dahil kung paano nasakop ni Francisco Pizzaro ang
mga Incas noong 1531.
• Ang pagbagsak ng Inca ang nagresulta ng pagsakop
ng Espanya sa Peru.
• Noong mga huling taon ng 16th century, isang
panibagong bansa sa Europa ang nakilahok sa
paligsahan ng panggagalugad.
• Itinatag ng Netherlands ang Dutch East India
Company upang pangunahan ang layunin nitong
makontrol ang kalakalan ng pampalasa.
• Ang Dutch East India Company ay isang
pribadong kompanya na pinahintulutan ng
pamahalaan ng Netherlands na manakop ng
teritoryo.
• Nakilala ang Dutch East India Company bilang
unang kompanya na nagtinda ng kanilang stocks
at ang pinaka-unang transnational corporation sa
daigdig.
• Kanilang inagaw ang Moluccas sa mga Portuguese at
nagtatag ng kanilang trading post. Ang sentro ng
kapangyarihan ng Netherlands sa Asya ay ang Batavia o
Jakarta.
• Bilang sagot sa lumalawak na impluwensya ng mga Espanyol
sa Amerika, itinatag ng mga Dutch ang Dutch West India
Company.
• Nagawang sakupin ng mga Dutch ang mga lupain sa delta ng
Hudson river kabilang ang Albany at New York.
• Kung ihahanbing sa ibang mga Europeo ang mga
Dutch ay interesado lamang sa pakikipagkalakalan
kung kaya’t hindi sila nagtatag ng kolonyal na
pamahalaan sa kanilang sinakop na mga lugar.
• Hindi rin sila nagpakalat ng kanilang relihiyon o
pananampalataya kung kaya sila lamang ang
Europeong bansa na pinahintulutan ng mga
Hapones na mananatili sa Japan noong panahon
ng Tokugawa Shogunate.
• Noong 1600 tinatag ng England ang British
East India Company upang lumahok sa
pandaigdigang kalakalan.
• Ang England ay nagbigay tuon sa India kung
saan kanilang nakaribal ang France.
• Ang kanilang trading post ay ang Madras,
Bombay, at Calcutta.
• Bukod sa India, ang mga Briton ay nagpalawak ng
kanilang teritoryo sa Hilagang Amerika.
• Ilan sa kanilang mga kolonya ay ang Plymouth,
Massachusettes, Rhode Islands New Hampshire,
Connecticut, Maine, Pennsylvania, Delaware, at
Maryland.
• Katulad ng England at Netherlands, ang France ay
nagtatag din ng kanyang kompanya na tinawag na East
India Company.
• Gamit ang kompanyang ito, ang France ay nagpalawak ng
impluwensya sa India sanhi upang mapalaban ito sa
England.
• Bukod sa India, bahagi ng French Dominion ang East
Canada, Caribbean, at Senegal sa Aprika.
• Fir ang pangunahing kalakal na nagmula sa Canada.
• Samantala ang Caribbean ang naman ang nag produce
ng asukal gamit ang mga alipin mula sa Senegal.
• Dahil sa pangyayaring ito, muling dadaan ang daigdig
sa malaking pagbabago
Imperyalismong Kanluranin sa Timog Asya Ang mga
British sa India (British Imperialism)
• Ang mga huling taon ng 16th century at ang buong dekada
ng 17th century ay ang panahon ng pagpapalawak ng
impluwensyang British sa sub-continent ng India.
• Noong 16th nilagdaan ni Queen Elizabeth I ang isang royal
decree na nagpapahintulot ng isang pribadong kompanya
na magpalaganap ng impluwensya at komersyong British.
Ang kompanyang ito ay ang British East India Company.
• Sa simula ang interes ng East British India
Company ay ang Timog-Silangang Asya, ngunit
nakita nila na mahigpit ang kompetitisyon sa
rehiyon na ito.
• Ito ay dahil naunahan na sila ng mga Dutch,
Portuguese, Spanish at French, kung kaya’t
inilipat ng British East India Company ang
atensyon sa India.
• Sa kanilang pagdating kanilang nadatnan ang nanghihinang
Indian empire.
• Ang Moghul empire ng India ay nasa bingit na ng
pagbagsak sa kanilang pagdating, ito ay sa maraming
kadahilanan tulad ng: pagsalakay ng Persia at digmaang
sibil.
• Ginamit ng British East India Company ang pagkakataon
upang humingi ng pahintulot mula sa Moghul empire na
magtatag ng hinmpilan sa India.
• Noong 1613 pinahintulutan ni Jahangir ang
British East India Company na magtatag ng
himpilan sa Surat.
• Nagpatuloy ang paglaganap ng
imluwensyang British ng mga sumunod pang
mga taon.
• Noong 1641 naitatag ng British East India
Company ang kanilang himpilan sa Madras, at sa
taong 1647 ang British East India Company ay
mayroon nang dalampu’t tatlong (23) himpilan sa
India.
• Ano ang nagyari sa mga bansang karibal ng British sa
India?
• Noong 1661 ang Bombay ay binigay ng Portugal sa Great
Britain bilang “dowry” sa pag-iisang dibdib ni Princess
Catherine ng Portugal kay Prince Charles II ng England.
• Malaking bahagi ng Portuguese sa India ang naglaho
nang ito ay masakop ng Maratha empire noong 1740.
• Ang tanging teritoryo na naiwang sa Portugal ay ang Goa
na nanatiling kolonya ng Portugal hanggang 1961.
• Ang Dutch India naman ay naglaho
makalipas ibigay ng mga Dutch ang
kanilang teritoryo sa mga British sa
bisa ng “Kew Letters” ni William V.
• Noong 1792 nagkaroon ng isang digmaan sa
pagitan ng Netherlands at France, ang
digmaang ito ay tinawag na “Plunders
Campaign” upang maiwasan ng mga French
na makuha ang teritoryo ng mga Dutch
nirarapat ni William V ng Netherlands na ibigay
na lamang kanilang teritoryo sa mga British.
• Ang mga French ang pinakamahigpit na
katunggali ng mga British sa India.
• Sa rurok ng kanilang katanyagan kanilang
nakontrol ang Pondicherry, Chandernagore,
Yanaon, Pradesh, Mahé at Karikal.
• Gayunpaman, noong 1756
hanggang 1763 ang France at ang
Great Britain ay muling nagharap sa
isang digmaan ang “Seven Years
War”.
• Nagapi ng British East India Company ang
pinagsamang puwersa ng French East India Company
at Nawab ng Bengal sa labanan sa Plassey (Battle of
Plassey) noong 1761.
• Ang pagwawagi ng mga British ay nagresulta sa
kanilang pagkontrol sa buong India sa susunod na
isang daang taon.
PAGTATAYA

• 1. Gumawa ng Timeline ng paglaganap ng


imperyalismo magmula sa unang yugto ng
panggagalugad hanggang sa pananakop ng British sa
India.
• Gumamit ng Table sa pagpapakita ng mga
kaganapan.
• Gawin ang Time line sa powerpoint.
• 2. Isalaysay kung paano nasakop ng Europeo ang iba’t-ibang
territoryo
• 3. Ipaliwanag ang mga motibo ng panggagalugad ng mga
kanluranin.
• 4. Ano ang nagyari sa mga bansang karibal ng British sa
India?
• 5. Ano ang “Kew Letters” ni William V. Ipaliwanag ng
kaugnayan nito ng tuluyang pananakop ng Britain sa buong
India. Ireaserach ang tungkol dito.
• Maghanda ng inyo paglalahad sa klase

You might also like