You are on page 1of 90

KONSEPTO AT KATANGIANG

PISIKAL AT POPULASYON NG
ASYA
■ Mahalagang bahagi ng pag-aaral ng heograpiya
ang pag-unawa tungkol sa mga kontinente.
■ Ang daigdig ay binubuo ng mga kalupaan at
katubigan.
■ Ang pinakamalaking masa ng lupa na
matatagpuan sa daigdig ay tinatawag na
kontinente.
■ Ayon sa Continental Drift Theory, nagmula ang
lahat ng mga kontinente sa isang
supercontinent, ang Pangea.
■ Unti-unting nagkahiwa-hiwalay ang Pangea may
200 milyong taon na ang nakalilipas.
■ Pagkaraan ng ilan pang milyong taon, tuluyan
nang nahati ang mga bahagi ng Pangea
hanggang sa mabuo ang mga kasalukuyang
kontinente. Ang unti-unting paghihiwalay ng
supercontinent na ito ay ipinaliliwanag naman
ng Plate Tectonics Theory.
■ Sa tradisyonal na modelo ay may pitong kontinente
ang daigdig. Ito ay ang Africa, Antarctica, Australia,
Europe, North America, South America, at Asya.
■ Hindi tiyak ang tunay na pinagmulan ng salitang
“Asya”. Maaring nagmula ito sa salitang Aegean na
asis na nangangahulugang “maputik” o sa salitang
Semitic na asu na nangangahulugang “pagsikat” o
“liwanag”, patungkol sa araw.
■ Para sa mga sinaunang Greek, ang Asya Minor at
Asia major ay tumutukoy sa rehiyon ng Anatolia
(kasalukuyang Turkey) o sa Imperyong Persian na
matatagpuan sa silangang bahagi ng Greece.
■ Ginamit ang salitang ito sa panahon ni Herodotus
(dakong 484 B.C.E. – 425 B.C.E.), dakilang
historyador na Greek at tinaguriang “Ama ng
Kasaysayan.”
■ .” Ito ay upang maihiwalay ang nasabing mga
lugar mula sa Greece at sa Egypt noong
panahong iyon.
■ Nang lumaon, ginamit ng mga Greek ang salitang
Asya sa pagtukoy hindi lamang sa Anatolia kundi
maging sa mga karatig na lupain sa silangan nito.
■ Tinawag din ang Asya na Orient o Silangan dahil
ito ay nasa gawing silangan ng Europe. Unang
ginamit ang salitang orient noong ika-14 na siglo.
Ang Europe naman ang tinukoy na occident o
kanluran.
■ Ang Ashiya ay ang literal na pagsasalin sawikang
Tsino at ang Ajiya ay pagsasalin sa wikang
Nippongo ng mga hapon.
■ Isa pang halimbawa ng Eurocentrism ay ang
paghahati sa Asya sa tatlong rehiyon ng ilan sa
mga unang modernong heograpo at historyador
na Europeo. Ang mga rehiyong ito ay ang Near
East, Middle East, at Far East.
■ Ang Asya ang pinakamalaking kontinente sa
buong daigdig, Dahil sa lawak ng sakop ng Asya,
magkakaiba ang uri ng topograpiya, klima at
behetasyon ng mga lupaing napapaloob dito.
Bunga nito, nagkakaiba rin ang uri ng
pamumuhay at kultura ng mga taong naninirahan
dito.
■ Ang salitang “Heograpiya ay hango sa mga
salitang Griyego na “geo” na nangangahulugang
daigdig at “graphien” na nangangahulugang
pagsulat o paglalarawan ng pisikal na kaayusan
ng balat ng lupa.
■ Ang heograpiya ay tumutukoy sa pag-aaral sa pag-
aaral ng mga katangiang pisikal, ang
pinagkukunang yaman, klima, behetasyon at
aspektong pisikal ng populasyon nito.
KATANGIANG PISIKAL AT
POPULASYON NG ASYA
■ Karaniwang dinarayo ng mga turista mula sa iba’t ibang
panig ng mundo ang maraming lugar sa Asya gaya ng
Boracay sa Pilipinas, Bali sa Indonesia, at Penang sa
Malaysia.
■ Bilang isang Asyano, napuntahan mo na ba ang
magaganda at mayamang likas na yaman ng Asya?
Naitanong mo ba sa sarili mo kung gaano kalawak ang
kontinenteng ito at kung gaano karami ang mga taong
naninira-han dito?
■ “Paanong ang interaksyon ng tao at kapaligiran ay
nagbigay-daan sa pagbuo at paghubog ng kabihasnang
Asyano? Simulan natin ang ating pagtuklas sa
pamamagitan ng isang laro.
■ Ang gawaing ito ay susubok sa iyong kakayahang
humanap ng mga salitang bubuo sa iyong kaisipan
ukol sa paksa, at kung paano mo ito bibigyang
kahulugan. Sa pamamagitan nito ay makakabuo ka
ng mga pangungusap o paglalahad na may
kaugnayan sa Asya at sa pisikal na katangian nito.
■ Mula sa kahon ay hanapin mo, sa anumang
direksyon, ang salita na tinutukoy sa bawat aytem.
Bilugan ito at isulat sa guhit bago ang bilang.
■ GAWAIN 1: LOOP – A – WORD
___________1. Bigkis o tulungan para sa kapwa kapakinabangan
___________2. Ang pangunahing tagalinang ng kapaligiran para sa kabuhayan
___________3. Kalikasan, ang ekolohikal na komposisyon ng daigdig
___________4. Maunlad na yugto ng kulturang panlipunan, moral at kultural
___________5. Pag-aaral sa katangiang pisikal ng mundo
___________6. Katutubo o tagapagsimula
___________ 7. Pag-unawa at paghanga sa sining, kaugalian, paniniwala,
gawaing panlipunan, edukasyon, relihiyon at siyentipiko
____________8. Ang malaking masa ng lupain sa mundo
____________ 9. Ang pinakamalaking kontinente sa sukat at sa populasyon
_____________10. Katangiang nakikita at nahahawakan
■ GAWAIN 2:
■ Ngayon ay bubuo ka ng sarili mong pagtataya.
■ Ating ilalarawan ang pagtatayang ito sa pamamagitan ng
paglalagay sa iyong sarili bilang isang manlalakbay. Mula
sa ibaba ay magiging layon mong marating ang tuktok ng
bundok na iyong tutuklasin.
■ Gumawa ka ng iyong pahayag ukol sa pauna mong
kaalaman sa kontinente ng Asya at sa pisikal na
katangian nito sa pamamagitan ng pagpunan ng cloud
callout sa unang hakbang ng iyong pag-akyat sa ganap
na pagkatuto.
■ Gawain 3: PASYALAN NATIN!
■ Pagkatapos ng unang gawain, atin namang
lalakbayin ang mga katangi-tanging lugar sa Asya at
alamin mo ang antas ng iyong paunang kaalaman
ukol dito.
■ Nasa larawan ang mga lugar na ating lalakbayin at sa
kahon sa ibaba nito ay isusulat mo ang iyong sagot
sa nakatalang katanungan hinggil sa larawan.
Tukuyin mo rin ang bansang kinaroroonan nito sa
pamamagitan ng paglalagay ng linyang mag-uugnay
sa larawan at sa bansang kinabibilangan nito.
1.

Caspian Sea

Saan matatagpuan ?__________


Paglalarawan _______________
2.

Saan matatagpuan ?______________________


Paglalarawan ____________________________
3.
Huang Ho River

Saan matatagpuan ?______________________


Paglalarawan ____________________________
4.
Fertile Crescent

Saan matatagpuan ?______________________


Paglalarawan ____________________________
5.

Banaue Rice Terraces

Saan matatagpuan ?______________________


Paglalarawan ____________________________

6. Mt. Everest
Saan matatagpuan ?_____________
Paglalarawan ___________________
Mga Anyong Lupa

■ Natatangi ang Asya sa lahat ng kontinente Sa buong daigdig, dahil


sa lawak ng sakop nitong lupain. Sakop nito ang halos ikatlong
Bahagi ng kabuuang lupain sa daigdig na humigit kumulang sa
49, 694, 700kilometro kwadrado.
■ Ang kabuuang sakop ng Asya ay nagmula kahila- hilagaang bahagi
nito sa Cape Baba Turkey hanggang sa pinaka-silangang bahagi
nito sa Cape Dezhnev sa Hilagang Silangang Siberia, at mula sa
katimugang dulo ng Malay Peninsula hanggang sa Cape
Chelyuskin sa Hilagang Siberia.
■ Ang hangganan sa pagitan ng Europa at Asya ay ay
bumabagtas sa mga bundok ng Ural, patimog sa Ural
River, Caspian Sea, at pakanluran sa mga bundok ng
Caucasus at Black Sea.
■ Ang bahaging baybayin ng Asya ay binubuo ng
malalawak na tangway. Binubuo naman ng mga pulo
at kapuluang bansa ang mga baybaying dagat nito.
Matatagpuan sa Indian ang bansang pulo ng Sri
Lanka, kapuluan ng Maldives, at Andaman.
Matatagpuan naman sa timog-silangang bahagi nito
ang mga kapuluan ng Indonesia, Pilipinas, at Japan
sa silangan.
■ Bulubundukin o hanay ng mga bundok (Mountain
Ranges
- binubuo ng mga bundok na magkakaugnay na
nagsisilbing hangganan ng mga lupain . Ito rin ang
nagsisilbing ng isang lugar sa iba pang mga lugar.
1. Pinakatanyag dito ay ang Himalayas na may
habang umaabot sa 2,414 kilometro o 1,500 milya
mula sa hilagang bahagi ng India na umabot
hanggang sa Tien Shan.
■ Ang “Himalayas” ay isang salitang Sanskrit na
nangangahulugang “Binubuo ng yelo” dahil ang mga
taluktok nito ay nababalutan ng yelo. Ang mga
natutunaw na yelo mula rito ay ang pinagmumulan ng
tubig sa mga ilog sa Timog Asya.Ranges
■ Iba pang mga bulubundukin sa Asya
1. Hindu Kush (Afghanistan)
2.Pamir (Pakistan, Afghanistan, Tajikistan, at Kyrgyzstan)
3. Tien Shan (Hilagang Asya)
4.Ghats (Timog Asya)
5. Caucasus (Azerbaijan, Georgia, Russia at Armenia)
6. Ural (Kanlurang Asya)
7. Sierra Madre (Northern Luzon, Philippines)
8.Cordillera (Northern Luzon, Philippines)
Sa Himalayas matatagpuan ang pinakamataas na
bundok sa buong daigdig, ang Mt. Everest na may
taas na 8,848 na metro o 29,028 na talampakan, na
tinaguriang “house of snow” dahil sa palaging
nagyeyelo dahil sa taas nito.
■ Bundok (Mountain)
– Pinakamataas na anyong lupa. Karaniwang
nagtataglay ng taas na 2000 talampakan o 600 na
metro mula sa ibabaw ng dagat.
Ang mga sumusunod ay talaan ng labing-apat na
bundok sa Asya na may taas na mahigit sa 8,000
metre above sea level “Eight Thousander” ang
taguri sa mga bundok na ito na makikita sa
Himalaya Ranges.
Bundok Taas (metro) Taas (Talampakan) Bansang
Kinaroroonan

Everest 8, 844 29, 086 Nepal, China


K2 8,611 28, 251 Pakistan, China
Kangchenjunga 8, 586 28, 169 Nepal, India
Lhotse 8, 516 27, 940 Nepal, China
Makalu 8, 485 27, 838 Nepal, China
Cho Oyu 8, 188 26, 864 Nepal, China
Dhaulagiri I 8, 167 26, 795 Nepal
Manaslu 8, 163 26, 781 Nepal
Nanga Parbat 8, 126 26, 660 Pakistan
Annapurna I 8, 091 26, 545 Nepal
Gasherbrum I 8, 080 26, 509 Pakistan, China
Broad Peak 8, 051 26, 414 Pakistan, China
Gasherbrum II 8, 034 26, 362 Pakistan, China
Shishpangma 8, 027 26, 335 China
■ Bulkan ( Volcano)
Tulad ng bundok, ang bulkan ay mataas din ngunit
ito ay may butas sa tuktok.
Naglalabas ito ng lava, isang mainit na materyal
na mula sa pinakailalim na bahagi ng mundo

2 Uri
•Aktibong bulkan
•Hindi aktibong bulkan
1.Aktibong bulkan – ay bulkan na kamakailan lamang
sumabog o may panganib na sumabog dahil sa madalas
na pangyayari sa ilalim nito
2.Hindi Aktibong Bulkan – ito ay hindi na sumasabog
sa loob ng maraming taon at may maliit na tiyansang
muliing sumabog.
 Dahil sa ang Insular Southeast Asia ay nakalatag sa
Pacific Ring of Fire, tinatayang nasa humigit
kumulang 300 aktibong bulkan ang nasa Asya tulad
ng Semeru, Krakatoa, Fuji, Pinatubo, Taal at Mayon.
■ -Ang “Pacific Ring of Fire” na matatagpuan sa
dakong silangan ay sonang binubuo ng
magkakahanaY NA MGA AKTIBONG BULKAN na
pumapalibot sa Dagat Pasipiko na may habang 40,
000kilometro. Ito rin ay kilala sa pangalang
“Circum-Pacific Seismic Belt”.
■ -Sa sonang ito matatagpuan ang pitompu’t-limang
bahagdan (75%) ng mga aktibong bulkan sa
daigdig. Ang ano mang na nagmumula sa mga
aktibong sa Ring of Fire ay maaaring maging
sanhi ng pagyanig at paglindol sa mga bansang
malapit at sakop ng sona. Kabilang dito ay ay ang
mga bansang Korea, Japan, Pilipinas, China at
Indonesia.
Bulkang Taal Bulkang Mayon Mt. Semeru

Mt. Krakatoa Mt. Fuji Bulkang Pinatubo


■ Talampas o Kapatagan sa itaas ng bundok (Plateau)
Mataas na lupa na patag ang ibabaw.

 Mga Natatanging Talampas sa Asya


•Deccan Plateau - nasa katimugang bahagi ng Indo-
Gangentic Plain ng India.
- Ang “Deccan ay hango sa salitang Sanskrit na
nangangahulugang “timog”.
- Ito ay nababalutan ng ilang mga halaman at
Halos sumasakop sa kabuuang India Peninsula.
•Tibetan Plateau – Itinuturing na pinakamataas na
talampas sa buong mundo na may taas na 16, 000
talampakan.
- Kilala sa taguring “ Roof of the World”.
•Anatolian Plateau – matatagpuan sa Turkey. Isa sa
pangunahing talampas sa Asya.
Deccan Plateau Tibetan Plateau

Anatolian Plateau
■ Disyerto (Desert)
- Malawak na tuyo at mabuhangin lupa na patag
ang ibabaw.
- Ang mga disyerto ay matatagpuan sa Timog
Kanlurang Asyaat mga ilang bahagi ng Gitnang Asya.
- Kadalasan mataas ang temperatura sa mga lugar
na ito. Ang matinding init ng Araw ay sanhi ng
kakulangan ng tubig sa lupa.
- Kahit mainit at tuyo sa disyerto, maraming uri ng
halaman at hayop ang Nabubuhay sa rito.
Isa na dito ang halamang kaktus (cactus). Ang kaktus
ay may kakayahang mag-ipon ng tubig,
kaya nakakatagal ang halamang ito sa disyert.
 Mga kilalang disyerto sa Asya
 Gobi Desert – Pinakamalaki sa Asya at pang-apat sa
buong mundo.
- pinakamalamig na disyerto sa buong
mundo na matatagpuan sa Timog Mongolia at
Hilagang China.
 Rub A’l khali Desert – na matatagpuan sa Saudi
Arabia at kilala sa tawag na “Empty quarter” dahil
sa sobrang kainitan ng lupain.
Sahara Desert - pinakamalaking maiinit na disyerto sa
buong daigdig.
- Mayroon itong higit sa 9,000,000 kilometro
kwadrado (3,500,000 milya kuwadrado) na lawak.
- tinatakpan nito ang karamihan ng Hilagang Aprika,
na halos katumbas ang laki sa Estados Unidos o
sa lupalop ng Europa
Taklamakan Desert - kilala rin bilang Taklimakan, ay
isang disyerto sa Gitnang Asya, sa Rehiyong Autonomo
ng Xinjiang Uyghur ng Republikang Popular ng China.
Kara Kum Desert - ay isang disyerto sa Gitnang Asya.
- Ang pangalan nito ay nangangahulugang “Itim na
Buhangin” sa mga wikang Turkiko, sa pagtukoy sa
madilim na lupa na nasa ilalim ng (sandy)
buhangin ibabaw ng karamihan sa disyerto.
- Ito ay sumasakop sa halos 70 porsiyento, o 350,000
km², sa lugar ng Turkmenistan.
- Ito ay sumasakop sa halos 70 porsiyento, o 350,000
km², sa lugar ng Turkmenistan.
- Ito ay sumasakop sa halos 70 porsiyento, o 350,000
km², sa lugar ng Turkmenistan.
Gobi Desert Rub A’l khali Desert Taklamakan Desert

Sahara Desert Kara Kum Desert


■ Kapuluan ( Archipelago)
- ay isang lupon ng mga pulo o kaya'y katubigan
na naglalaman ng mga malalaki o maliliit na pulo.
-- Ang mga kapuluan ay maaring matagpuang
nagiisa sa malawak na bahagi ng karagatan o kaya'y
kalapit lamang ng mga malalaking anyong lupa.
 Mga Kapuluan sa Asya
Indonesia - ang pinakamalaking archipelagic state
sa buong mundo na binubuo ng humigit kumulang
na 13,000 mga pulo
Honshu – pinakamalaking pulo sa bansang Japan
na may sukat na 227, 962.9 km²
Hokkaido – isang pulo at prepektura sa bansang
Japan na may sukat na 83, 453. 57 km²
Pilipinas – isang malayang estado at kapuluang bansa
sa Timog Silangang Asya na matatagpuan sa kanlurang
bahagi ng Karagatang Pasipiko.
- Ito ay binubuo ng 7,110 na mga pulo na hinahati sa
tatlong kumpol ng mga pulo na: Luzon, Visayas at
Mindanao.
- Ito ay kabuuang lawak na 300,000 km².
- ang Pilipinas ay matatagpuan sa pagitan ng 116°
40' at 126° 34' S. longhitud at 4° 40' at 21° 10' H.
latitud.
Kapuluan ng Indonesia Kapuluan ng Pilipinas

Kapuluan ng Honshu at Hokkaido, Japan


■ Pulo o Isla (Island)
- mga kalupaan na mas maliit pa sa mga kontinente
na napapaligiran ng tubig.
- Ang maliliit na pulo na hindi napakikinabangan ay
tinatawag na islet sa Ingles. Ang mga pangkat ng mga
magkakaugnay na pulo ay tinatawag na arkipelago.
-- Umaabot sa 770 libong milya ang kabuuang sukat
ng mga pulo sa Asya at kabilang dito ang Cyprus,
Andaman, Sri Lanka,Maldives,Borneo,Taiwan, at marami
pang iba.
 Dalawang pangunahing uri ng mga pulo:
Pulong Kontinental - Ang mga pulong kontinental
ay mga pulo na matatagpuan sa continental shelf
ng isang kontinente.Isang halimbawa nito ang isla
ng Lupanlunti, na nasa kontinente ng Hilagang
Amerika
Pulo sa Karagatan – Ang Greenland ang
pinakamalaking pulo sa buong daigdigna may
sukat na mahigit sa 2.1 million km², samantalang
ang Australia ang pinakamaliit na kontinente ay
may sukat na 7.6 milyon km², subalit walang
pamantayang sukat na makapagsasabi at
magpapaiba sa mga pulo mula sa mga kontinente
o mula sa mga munting pulo.
Pulo ng Cyprus Pulo ng Andaman

Pulo ng Sri Lanka Pulo ng Taiwan


■ Tangway (Peninsula)
anyong lupang nakausli sa karagatan
Ang isang tangway o tangos (peninsula,
capeTangos, tangway) ay isang anyong lupana
napapaligiran ng tubig sa tatlong sulok. Maaaring
maging tangway ang mga punong lupain
(headland), tangos (cape), pulong promontoryo,
lupaing palabas ng dagat, punto o spit.
Isang halimbawa nito ay ang Lungsod ng Cavite
(Cavite City), na dating pangalan nito ay Tangwáy.

Tangway ng Arabia Tangway ng Kamchatka Tangway ng Korea


■ Kapatagan
 - mahaba, patag at malawak na anyong lupa. Madaling linangin
at paunlarin ang mga pook na kapatagan. Mainam ito sa
pagsasaka, Pagtatayo ng mga kabahayan at paaralanat sa
pangangalakal kaysa sa mga talampas at mga bundok.
 Ito rin ang pinakamataong uri ng anyong lupa. Dahil sa patag na
lupain, mas madaling magpagawa ng mga lugar na maaaring
gamitin ng mga tao. Sa Pilipinas, malalawak ang mga kapatagan
sa Gitnang Luzon gaya ng Tarlac, Nueva Ecija, Pampanga at
Bulacan. Maraming produkto ang nakukuha rito tulad ng palay,
mais, tubo, kamote at iba pang mga gulay.
 - Sa kapatagan naman ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at
Quezon ay may malalawak na taniman ng niyog, kape, pinya,
dalandan, mais at palay. Sagana naman sa abaka, papaya,
mangga, tubo at mga gulay sa mga kapatagan ng Negros,
Davao, Cebu at Iloilo.
Mga Anyong Tubig
■ Mapapansin na ang kontinente ng Asya ay halos napapaligiran ng
mga karagatan at mga dagat. Isa-isahin mo ang mga ito. Ang
malaking bahagi ng hangganan ng Asya ay mga anyong tubig.
■ Ang mga karagatan at mga dagat na ito ay gumaganap ng
mahalagang papel sa pamumuhay ng mga Asyano dahil ang mga ito
ay nagsisilbing likas na depensa, rutang pangkalakalan at sa
paggagalugad, at pinagkukunan ng iba’t-ibang yamang dagat at
yamang mineral.
■ ang mga ilog, sapa, kanal, agusan, bambang at ibang katangiang
pang-heograpiya kung saan dumadaloy ang tubig mula sa isang lugar
hanggang sa isa pang lugar ay tinturing din na anyong tubig.
■ Iba’t-ibang Anyong Tubig sa Asya
 Karagatan
- ang pinakamalawak at pinakamalalim na anyong-tubig. Maalat ang
tubig nito. (Kabilang sa mga kilalang karagatan ay ang Karagatang
Pasipiko, Karagatang Atlantiko, Karagatang Indiyano, Karagatang Artiko,
at ang Katimugang Karagatan.
Karagatan Pasipiko
Karagatang Atlantiko

Karagatang Indyano
 Dagat
- malawak na anyong-tubig na mas maliit lamang ang sukat sa
karagatan. Maalat ang tubig ng dagat sapagkat nakadugtong ito sa
karagatan. (Nabibilang sa mga dagat sa Pilipinas ang Dagat Timog
Tsina, Dagat Pilipinas, Dagat Sulu, Dagat Celebes, at Dagat
Mindanao.)

Dagat Pilipinas Dagat Cerebes


 Ilog - isang mahaba at makipot na anyong tubig na umaagos
patungong dagat. Nagmula ito sa maliit na sapa o itaas ng bundok o
burol.
 Look - isang anyong-tubig na nagsisilbing daungan ng mga barko at iba
pang sasakyang-pandagat. Maalat din ang tubig nito sapagkat
nakadugtong ito sa dagat o sa karagatan. (Ang Look ng Maynila, Look
ng Subic, Look ng Ormoc, Look ng Batangas, at Look ng Iligan ay
halimbawa ng mga look sa Pilipinas.)
 Golpo - isang malawak na look.
 Lawa - isang anyong tubig na napapaligiran ng lupa.
 Bukal - anyong tubig na nagmula sa ilalim ng lupa.
 Kipot- makitid na daang-tubig na nag-uugnay sa dalawang malaking
anyong tubig tulad ng dagat o karagatan. May kabuuang 200
ang kipot sa Pilipinas dahil sa pagiging kapuluan nito.
 Talon - matarik na pagbaba ng tubig sa isang sapa
 Batis - isang ilug-ilugan o saluysoy na patuloy na umaagos na tubig.
 Baybay-Ilog - Bahagi ng tubig na dumadaloy mula sa mataas na lugar
tulad ng bundok tungo sa higit pang mababang lugar.
■ Mga Ilog at Baybay-ilog sa Asya
1. Tigris – Ang Tigris ay ang silanang kasapi ng dalawang malaking mga
ilog na naglalarawan sa Mesopotamya, kasama ng Eufrates, na
dumadaloy mula sa mga bulubundukin ng timog-silangang Turkiya
hanggang Iraq. Kilala rin ito bilang Hiddecel (o Hiddekel).
2. Euphrates – ang kanluranin sa dalawang malaking
ilognanaglalarawan sa Mesopotamia. (ang Tigris ang isa pa) na
dumadaloy mula sa Anatolia.
3. Ilog Huang Ho (Yellow River) - ang
ikalawang pinakamahabang ilog sa
Asya at ikaanim sa pinaka-Mahaba sa
buong mundo sa habang
5,463kilometro (3,398 miles).

Ilog Huang Ho
4. Ilog Yang Tze - ang pinakamahabang ilog sa Asya, at ang ikatlong
pinakamahaba sa buong mundo.
- Umaagos ito ng 6,418 kilometre (3,988 mi) mula sa mga
yelo ng Tibetan Plateau sa Qinghai pasilangan
patungong timog kanluran, gitna at silangang Tsina bago
dumating sa Silangang Dagat Tsina at Shanghai.

Ilog Yang Tze


5. Ilog Mekong - isang ilog sa Timog Silangang Asya na dumadaloy sa
China, Myanmar, Laos,Thailand, Cambodia, at Vietnam.
- Ito ay ang ika-12 sa mga pinakamahabang ilog sa mundo.
- Ang Mekong River ay daluyan ng tubig Indochina ni mula sa
talampas ng Tibet sa China sa hanggang sa Myanmar
(Burma), Taylandiya, Laos at Cambodia bago magkatagpo sa
South China Sea sa timog ng Vietnam na may layong 4300km.
- Ang pangalan Mekong ay mula sa Thai na ibig sabihin ay
“Mother of Rivers".
6. Ilog Ganges - ang itinuturing na banal na ilog sa India. Nagsisimula ito
sa itaas ng Himalayas ng Hilagang India, sa puntong
lagpas sa 3,048 metro o 10,000 piye, sa ibaba ng
antas ng dagat.
7. Ilog Indus – Kilala sa tawag na “Sindhu o Darya-e-Sindh. Isa sa pinaka
mahabang ilog sa Asya. Ito ay may lawak na 1,165,000
km2 (450,000 sq mi).

8. Iba pang mga Ilog sa Asya - Bramaputra, Amur, Jordan, Chao Phraya,
Irrawady at Salween
Mga Kilalang Lawa sa Asya
•Caspian Sea – pinakamalaking lawa sa mundo. Ang lapad ay 394,299
km², ito ay higit na malaki kahit pa pagsa-samahin ang sumunod na anim
na lawa na pinagsama-sama.
• Lake Baikal – pangalawa sa pinakamaalat na anyong tubig sa buong
daigdig.
- Pinakamalalim ang lawa sa buong mundo, na may
lalim na 1,637 m (5,371 talampakan) at ang
pinakamalaking lawa na may sariwang tubig ayon
sa dami sa daigdig.
- pinakamatandang ilog (25 milyon taon)
• Aral Sea – pinakamalaking lawa sa Asya
• Dead Sea - ay isang lawang
nakalatag sa pagitan ng mga
bansang Israel at Jordan. Sa 418 m
(1,371 talampakan) sa ilalim ng
antas ng dagat, ito ang
pinakamababang bahaging nasa
ibabaw ng mundo.
- Halos siyam na ulit na
mas maalat ito kaysa dagat.
Behetasyon sa Asya
- Ang Behetasyon (Vegetation) isang napakapanlahatang kataga para sa
mga halaman; tumutukoy ito
sa "panakip sa lupa" na ibinibigay ng mga halaman. Isa itong katagang
pangkalahatan, na hindi tumutukoy sa tiyak na taxa, mga uri o mga anyo
ng buhay, kayarian, kasaklawan ng puwang, o anumang iba pang tiyak na
mga katangiang pambotanika at pangheograpiya.
- Mas malawak ang kahulugan nito kaysa sa flora na tumutukoy lamang
sa kumposisyon o mga bumubuo sa espesye. Marahil, ang pinakamalapit
na kasingkahulugan ay ang "pamayanan ng mga halaman", subalit ang
"behetasyon" ay maaaring tumukoy, sa kadalasan, sa isang mas malawak
na nasasakupan na mga sukat na puwang na hindi natutukoy ng
katagang iyon, kabilang na ang sukat na kasinlaki ng "pangglobo”.
Kahulugan
Behetasyon - uri o dami ng mga halaman sa isang lugar tulad ng
pagkakaroon ng kagubatan o damuhan ay epekto ng klima nito.

Uri ng Behetasyon sa Asya


Sa Hilagang Asya, ang katangiang pisikal ng kapaligiran nito ay
pagkakaroon ng malawak na damuhan o grasslands na nahahati sa
tatlong uri:
• Steppe - ay isang ekorehiyon na matatagpuan sa mga lugar na may
temperaturang katamtaman at subtropikal sa hilaga at timog
ng hemispero.
- Tampok na katangian ng steppe ay ang malawak na madamong
at kapansin-pansin ang kawalan ng mga puno rito, maliban na
lamang sa mga lugar na malapit sa mga katawang-tubig, gaya ng
mga ilog at lawa.
- Maaaring may katuyuan ang steppe at depende sa latitud at
panahon ang uri ng damong tumutubo rito. Masasabing ang
steppe ay medyo tuyot upang magkaroon ng kagubatan, ngunit
di-naman gaanong tuyot upang maging disyerto ito.
- Ang steppe ay tinutukoy namang prairie sa Hilagang Amerika.
- Saan: Mongolia, Manchuria at Ordos Desert

Steppe sa Mongolia
• Prairie parang o kaparangan - ay isang anyo ng maluwang na kalatagan
ng lupa kung saan matatagpuan ang damuhan; likas at hindi pa ito
natatamnan, hindi tulad ng mga nasaka o sinasaka nang mga bukirin.
- Bagaman may mga damo, walang punong-kahoy sa
kalawakan nito. Nakakapamuhay sa mga parang ang mga ahas.
- Saan: Mongolia, Manchuria at Russia

Prairie
• Savanna - ay magkahalong kakahuyan at damuhan na ekosistema na
karaniwang may mga puno na may mga sapat na puwang para
ang canopy (o mga korona ng mga puno) ay hindi
magsasara.Pinahihintulot ang bukas na canopy na magkaroon
ng sana ilaw na aabot sa lupa upang makatulong sa paglago
ng damo.
Saan: Myanmar at Thailand

Savanna
•Tundra -isang biyoma(biome) kung saan temperatura at maikling panahon
ng paglago. Isa itong rehiyong hindi na tinutubuan ng punongkahoy.
- Nagmula ito sa hangganan ng kapa ng yelo at linya ng puno ng mga
rehiyong artiko.
Nagmula ang katawagang tundra mula sa Kildin Saming tūndâr,
nangangahulugang "tuyo na kapatagan, walang kahoy na kasukatan
ng bundok.
Saan: Siberia, Russia at nasa baybayin ng Arctic Ocean
Dalawang uri ng tundra:
1. Artikong tundra (na mayroon din sa Antartika)
2. Alpes na tundra
•Taiga – ang pinakamalaking biome sa mundo. Ang salitang taiga ay
nangangahulugang "kagubatan" sa salitang Ruso. Ang mga lugar na taiga
ay matatagpuan sa matataas na latitude (50deg Hilaga hanggang 60deg
Hilaga) sa itaas na bahagi ng mundo
tulad ng Canada, Alaska, at hilagang bahagi ng Russia.

- Ang klima sa mga lugar na nasasakupan nito ay malamig at mababa ang


temperatura sapagkat maikli lamang ang nararanasang tag-araw ditto.
Isa ring katangian ng biome na ito ang pagkakaroon ng makakapal na
kagubatan at mga puno na nagububunga ng cone.
- coniferous ang mga kagubatan bunsod ng malamig na klima dahil sa
presipitasyonna maaaring nasa anyong yelo o ulan.
- Saan: Siberia, Canada, Alaska, at hilagang bahagi ng Russia
• Rainforest - Ang maulang gubat (rainforest) ay mga gubat na mayroong
mataas na antas ng pag-ulan. Ang pinakamababang taas ng pag-
ulan kada taon ay tinataya sa 1750–2000 mm (68-78 pulgada).
- Ang monsoon trough, mas kilala bilang intertropical convergence
zone, ay may malaking papel na ginagampanan sa paglikha ng
mga tropikal na maulang gubat ng mundo.
- Ang halamang tumutubo sa silong ng kagubatan sa mga maulang
gubat ay natatakdaan sa maraming lugar dahil sa kawalan ng
sikat ng araw sa antas ng lupa.
- Saan: Timog – Silangang Asya

Rainforest
Gawain 3
Sa ibaba ay makikita ang isang concept organizer na nagtataglay ng mga
larawan ng iba’t-ibang vegetation cover.
Gamit ang iyong nalikom na mga impormasyon, isulat sa espasyo sa
ibaba ng larawan angMaikling paglalarawan dito.
Sa kahon sa ibaba ng bawat seksyon ng graphic organizer ay itala ang
mga bansa sa Asya na may ganitong uri ng behetasyon.
Gawain 4

Panuto: Pumili ng tatlong bansa sa iba’t ibang rehiyon sa Asya na


nagmimina ng langis. Sa pamamagitan ng ang Venn diagram,
paghambingin ang mga likas na yaman ng mga ito. Tukuyin ang
mga pagkakatulad at pagkakaiba ng bawat isa.
Thank you

You might also like