You are on page 1of 15

Aralin 2:

Ang Nasyonalismo at Paglaya ng


mga bansa sa Silangan at
Timog-Silangang Asya
Panimula

• Bahagi ng kasaysayan ukol sa Imperylismo sa Asya


ang Ottoman Empire at ang kanilang karanasan sa
pakikipag-ugnayan sa mga imperyalistang Europeo.
• Ang Ottoman empire ay isa sa mga huling emperyong
naitatag noong medieval age taong 1299.
• Sa rurok ng kanilang katanyagan,
ang sakop ng Ottoman empire ay
umabot sa Hilagang Aprika,
Silangang Europa, at sa Kanlurang
Asya.
Pagtatalakay
• Ang Ottoman Empire ay nagsimulang
humina pagpasok ng 18th century.
• Maraming sa dating mga teritoryo nito ay
napasakamay ng mga Europeo. Ang Egypt
ay nasakop ng mga British, ang Algeria at
Tunisia ay napunta sa mga French, at ang
Greece ay lumaya sa kamay ng mga
Ottoman.
• Noong 1876 nakuha ng mga
repormistang Turks ang pamahalaang
Ottoman.
• Isa sa kanilang layunin ay ang
pagkakaroon ng legislative assembly
upang makontrol ang pag
kapangyarihan ng pamahalaan.
• Iniluklok ng mga repormista si Abdul Hamid II
upang maging sultan ng kanilang bagong tatag na
pamahalaan.
• Gayunpaman, imbis na gawing demokratiko ang
pamahalaan, si Abdul Hamid II ay naging isang
diktador.
• Sinuspindi niya ang bagong Saligang batas at iba
pang reformang napanalunan ng mga repormista.
• Ang pangyayaring ito ay nagresulta sa
pagkakabuo ng isang nasyonalistang
pangkat na tinawag na Young Turks.
• Ang mga Young Turks ang maging susi sa
malaking pagbabago sa Kanlurang Asya.
• Ngunit hindi sapat ang lakas at puwersa
ng Young Turks upang pabagsakin ang
Ottoman empire.
• Ang huling dagok na nagresulta sa
pagbagsak ng Ottoman empire ay ang
Unang Digmaang Pandaigdig.
• Noong 1914, ang Ottoman Empire ay
nakisangkot sa Unang Digmaang
Pandaigdig, kung saan sila ay pumanig sa
Germany, Austria-Hungary.
• Upang pabagsakin ang Ottoman empire,
sinuportahan ng British empire ang
iba’t-ibang nasyonalistang Grupo sa loob
ng Ottoman empire.
• Ang nanguna sa distabilisasyon ng
Ottoman empire ay isang British
adventurer na si T.E. Lawrence na mas
kilala bilang Lawrence of Arabia.
• Makalipas ng madugong apat na taon, natalo ng British,
French, US at mga kaalyado nito ang Germany, Austia-
Hungary at Ottoman empire.
• Sa bisa ng Treaty of Lausanne inihayag ng bagong
parliamentaryo ng Ottoman empire ang bagong
hangganan ng kanilang emperyo.
• Kasabay nito, kanila ding inihayag ang
pagwawakas ng Ottoman Empire.
• At mula sa abo nang bumagsak na
Ottoman empire isinilang ang
Republic of Turkey.
• Ang mga teritoryo ng Ottoman Empire
ay pinaghatian ng mga nagwaging
bansa alinsunod sa itinakda ng League
of Nations.
• Ang Trans-Jordan, Iraq, Palestine ay
napunta sa mga British, samantala ang
Syria, Lebanon ay sa mg French.
• Ang mga bansang ito ay isinailalim sa mga Europeong
bansa bilang mga protektorado (protectorate),
• habang ang mga ito ay inihanda para sa kanilang
lubusang paglaya.
• Samantala ang Saudi Arabia at Yemen ay naging mga
independent na mga bansa.
• Ang pagbagsak ng Ottoman Empire ay nakatulong sa
iba’t-ibang nasyonalistang grupo na makapagtatag ng
kanilang nagsasariling bansa.
• Kung ating isipin, ano kaya ang hitsura ng Kanlurang
Asya kung hindi bumagsak ang Ottoman Empire?
• Gawain 1
• Subukin Natin
• Sagutin ang mga tanong.
• 1. Ano ang dahilan ng pagbagsak ng Ottoman Empire?
• 2. Ano ang papel na ginagampanan ni Abdul Hamid II sa
pagkabuo ng ng Young Turks?
• 3. Sino si T.E. Lawrence? Ano ang papel niya sa pagbagsak ng
Ottoman Empire?

You might also like