You are on page 1of 3

DAILY LEARNING ACTIVITY SHEET

ACT.1 WEEK 2
Name: _______________________________________________ Score: __________________
Year & Section: ___________________ Day & Date Accomplished: __________________
Subject: A.P. 7 Parent/ Guardian Signature: _________________
Activity Title: Mga Dahilan at Paraan ng Kolonyalismo at Imperyalismo ng mga kanluranin sa Timog at
Kanlurang Asya (Pagpapakahulugan)
Learning Targets: Naibibigay ang kahulugan at epekto ng Kolonyalismo ng mga kanluranin sa Timog at Kanlurang
Asya
References Title: Samson, A.D.I., et, al. (2017) Araling Asyano. Rex Book Store,Inc. 856 Nicanor Reyes
Sr.St.,Sampaloc, Manila.
Author: Samson, A.D.I., et, al. (2017). Page No.: 272-275
Mga Pangunahing Ideya
Kolonyalismo- tumutukoy sa pagtatamo ng mga lupain upang matugunan ang layuning pang komersiyal at panrelihiyon
ng isang bansa.
Imperyalismo- tumutukoy sa patakaran ng isang makapangyarihang bansa na palawakin ang kanilang kapangyarihan sa
pamamagitan ng pagsakop o pagkontrol sa pangkabuhayan at pampolitikong kaayusan ng isa o iba’t- ibang bansa.

Halimbawa:
Transpormasyon ng Timog Asya sa Ilalim ng mga Kanluranin- ang Imperyong Briton ang kinilalang
pinakamalaking imperyong naitatag sa kasaysayan ng daigdig. Ito ay nag talaga ng kompanya na siyang namamahala sa
pagtatatag ng mga himpilang pangkalakalan sa Asya sa pamamagitan ng Britsh East India Company. Ang mga Pranses
ay nakapagtayo na rin ng sarili nilang kompaniya sa katimugan ng India. Nang humina ang Imperyong Mughal, unti-
unting tumiwalag ang mga kahariang Indian sa imperyo, at ang bansa ay nahati-hati sa mga kahariang pinamumunuan ng
mga maharajah. Ang Maharajah ay dating mga gobernador ng mga lokal na pamahalaan ng Imperyong Mughal.
Labanan sa Plassey- noong Hunyo 23, 1757, naganap ang hindi pagkakasunduan ng mga Pranses at Briton sa Plassey.
Ang kaganapang ito ay pinagwagian ng mga Briton sa ilalim ng pamumuno ni Robert Clive. Ang pangyayaring ito ang
nagpasimula ng paglipat ng pamamahala ng India sa kamay ng Briton.
Pamamahala ng British East India Company sa India- ang rehiyon ay pinamahalaan ng mga Briton sa ilalim ng
dalawang kategorya: Provinces at ang Princely States. Provinces ay tumutukoy sa mga teritoryong ganap na sakop ng
mga Briton Samantala, ang Prince States ay tumutukoy sa mga estadong pinamamahalaan ng mga maharajah saklaw rin
naman ng kapangyarihan ng mga Imperyong Briton.
Ang Pag-aalsang Sepoy (Sepoy Mutiny)- itinuturing na kauna-unahang digmaang pangkasarinlan ng mga Indian. Sa
pagkakataong ito maraming lider na Indian ang nakikiisa sa kilusan. Ang konseptong Hindswaraj na nangangahulugang
“kasarinlan” ang naging paniniwala ng mga kilusang Indian.
Tuwirang pamamahala ng Britain sa India- dahil sa naganap na pag-aalsa ng mga sepoy, ang India, tuwiran nang
pinamahalaan ng Britain sa pamamagitan ng pagpapatupad ng batas na Act for the Better Government of India noong
Agosto 1858. “Divide Rule” ang paraang ginamit ng mga Briton sa pamamahala sa India.

Mga Katanungan at Pagsasanay


Panuto: Ipaliwanag ang kahulugan ng sumusunod na terminolohiya. Paanp nakaapekto ang mga ito sa India?
KAHULUGAN EPEKTO

Kolonyalismo

Maharajah

Divide and Rule

Princely States

DAILY LEARNING ACTIVITY SHEET


ACT.2 WEEK 2
Name: _______________________________________________ Score: __________________
Year & Section: ___________________ Day & Date Accomplished: __________________
Subject: A.P. 7 Parent/ Guardian Signature: _________________
Activity Title: Ang Imperyalismo sa Kanlurang Asya (Tama o Mali)
Learning Targets:Nauunawaan ang mga Paraan ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Kanlurang Asya
References Title: Samson, A.D.I., et, al. (2017) Araling Asyano. Rex Book Store,Inc. 856 Nicanor Reyes
Sr.St.,Sampaloc, Manila.
Author: Samson, A.D.I., et, al. (2017) Page No.: 280-282
Mga Pangunahing Ideya
Ang kasalukuyang suliranin sa kanlurang Asya ay nag-uugat sa nakaraang kasaysayan nito, partikular ng
Imperyong Ottoman o Imperyong Osman. Ito ang bantog na imperyo ng mga Turk na itinatag ng Dinastiyang Osman.
Ang mga Osman ay ang mga sultan o caliph, pinuno ng mga Islamic ummah o ummat al-Islamiyah.

Halimbawa:
Mga Paraan ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Kanlurang Asya
Ang McMahon-Husayn Correspondence o Husayn-McMahon Correspondence- ito ay serye na paglilihaman sa
pagitan nina Shariff ng Mecca, Husayn ibn Ali, at Sir Henry McMahon, ang British High Commisioner sa Ehipto noong
Hulyo 14, 1915 hanggang Enero 30, 1916. Ito ay may kinalaman sa politikal na katayuan ng mga lupain sa ilalim ng
Imperyong Ottoman. Sa pagbagsak ng Imperyong Ottoman ang kalakhang bahagi ng Kanlurang Asya ay napasailalim sa
magkakaibang uri ng Kolonyalismo. Ipinamahagi ng bagong tatag ng League of Nations ang Imperyong Ottoman batay
sa Sykes-Picot Agreement bilang mandato. Ang mandatong ito ay tumutukoy sa mga teritoryong isinuko ng Germany at
Imperyong Ottoman na inilagay sa proteksiyon ng mga makapangyarihang bansang Europe hanggang ang mga ito ay may
kakayahan nang pangasiwaan ang sarili nilang pamahalaan.
Ang 1916 Sykes-Picot Agreement- ay ang lihim na kasunduan sa pagitan ng pamahalaan ng Britain at France sa
pahintulot ng Imperyong Russia. Ito ay pinagkasunduan nina Francois Geroges-Picot, isang diplomatikong Pranses at si
Sir Mark Sykes, isang diplomatikong Briton. Ang kasunduang ito ay kinilala at tinanggap ng Russia ngunit hindi naman
nilagdaaan. Sa kasunduang ito, ang kanlurang Asya ay binaha-bahagi bilang spheres of influence.
Mga kasunduang Itinakda ng Sykes-Picot Agreement
 Perpetual Maritime Truce ng Britain sa mga bansang Bahrain, United Arab Emirates, Muscat, at Oman noong
1853- ito ay itinakda ng Britain upang mapanatiling bukas ang kanyang ruta patungong India.
 Kasunduan ng 1892 – Pagkakaloob ng mga bansang Bahrian, United Arab Emirates, Muscat, at Oman sa Britain na
tanging karapatang bilhin ang anumang teritoryong nais ipamigay o ipagbili ng mga nabanggit na bansa.
 Kasunduang 1899 at 1916- pagkakaloob ng mga bansang Kuwait at Qatar sa Britain ng tanging karapatang bilhin
ang anumang teritoryong nais na ipamigay o ipagbili ng mga nabanggit na bansa.
 Sinakop ng Britain ang Aden noong 1839 at itinakda ito bilang base military- itinakda ng Britain ang isang
ekslusibong pakikipagsundo sa mga pinuno ng tribu sa teritoryo at ang Aden ay naging kolonya ng Britain.

Mga Katanungan at Pagsasanay


Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Tukuying kung ito ay TAMA o MALI. Isulat ang sagot sa
patlang bago ang bilang.
____________1. Ang 1916 Sykes-Picot Agreement ay ang lihim na kasunduan sa pagitan ng
pamahalaan ng Britain at France sa pahintulot ng Imperyong Russia.
____________2. Ang Perpetual Maritime Truce ay tinakda ng Bahrain upang mapanatiling bukas ang
kanyang ruta patungong India.
____________3. Ang Kasunduang 1899 at 1916 ay pagkakaloob ng mga bansang Kuwait at Qatar sa
Britain ng tanging karapatang bilhin ang anumang teritoryong nais na ipamigay o
ipagbili ng mga nabanggit na bansa.
____________4. Itinakda ng Britain ang isang ekslusibong pakikipagsundo sa mga pinuno ng tribu sa
teritoryo at ang Aden ay naging kolonya ng Britain.
____________5. Ang McMahon-Husayn Correspondence ay may kinalaman sa politikal na katayuan
ng mga lupain sa ilalim ng Imperyong Ottoman.

DAILY LEARNING ACTIVITY SHEET


ACT.3 WEEK 2
Name: _______________________________________________ Score: __________________
Year & Section: ___________________ Day & Date Accomplished: __________________
Subject: A.P. 7 Parent/ Guardian Signature: _________________
Activity Title: Epekto ng Kolonyalismo sa Kanlurang Asya (Check Your Knowledge!)
Learning Targets: Natutukoy ang Epekto ng Kolonyalismo sa Kanlurang Asya
References Title: Samson, A.D.I., et, al. (2017) Araling Asyano. Rex Book Store,Inc. 856 Nicanor Reyes
Sr.St.,Sampaloc, Manila.
Author: Samson, A.D.I., et, al. (2017) Page No.: 286-288
Mga Pangunahing Ideya

Ang pagkahati-hati ng kolonyal na teritoryo ng mga Muslim ay nabalot ng tensiyon at suliranin. Ang ilang
estadong itinatag ay sadyang ibinabahagi sa opisyal na kolonyal ng walang pagsasaalang alang sa mga mamamayan at
pinagkukunang yaman ng rehiyon. Ang ilang dibisyon naman ay isinasagawa upang tapusin lamang ang mga tensiyon sa
pagitan ng mga Kanluranin. Ang ibang kolonyal naman ay itinatag lamang upang mapagbigyan ang mga kaalyadong
kakampi ng mga kanluranin o hindi kaya’y maging buffer states laban sa iba pang nagnanais manakop na ibang
kolonyalista.

Halimbawa:
 Ang Afghanistan ay itinatag upang maprotektahan ang India na kolonyal ng Britain laban sa Russia.
 Upang masiguro ang naman ang pagkontrol ng mga Briton sa Palestine, sinakop ng Britain ang Egypt na kaalyado ng
Palestine.
 Ang interes ng mga Britain sa mayamang langis sa Persian Gulf ay nahantong sa pagtatatag ng Kuwait.
 Gayundin ang kamuntikan ng pagtatatag ng “Arabistan” na lalawigan ng Iran.
 Ang interes ding ito ang naging dahilan upang maudyok ng Britain ang Brunei na sumanib sa Malaysia.
 Upang matupad ang layuning makapagtatag ng estadong Kristiyano- Arab, itinatag ng France ang Lebanon mula sa
Syria, at itinatag naman ng Britain ang Jordan.
 Pag-aangkin ng Jordan sa ilang bahagi ng Syria gayundin ng Palestine; pinag aagawan naman ng Syria at Turkey ang
Alexandretta; pinag-aagawan din ng Iran at Iraq ang lagusang Shatt al-Arab; ang Kashmir ng Pakisatan at India.
 Ang Saudi Arabia at United Emirates ay nagtalo hinggil sa hangganang katatagpuan ng mga oases at langis.
Pinagtatalunan din United Arab Emirates at Iran ang mga pulo ng Tunbs at Abu Musa.

Mga Katanungan at Pagsasanay

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Lagyan ng tsek (/) kung ito ay epekto ng kolonyalismo sa
kanlurang Asya at ekis (X) naman kung hindi.

Pahayag (/) o (x)


1. Ang dibisyong teritoryal sa rehiyon ay nanatili parin hanggang sa kasalukuyan at
patuloy na nag nagdudulot ng pagkalito sa mga mamamayan.
2. Ang dibisyon ng rehiyon ay nagging sanhi rin ng tensiyon sa pagitan ng mga
Muslim na magkakaparehong umaangkin sa iisang teritoryo.
3. Nangibabaw ang kapakinabangang pang-ekonomiya ng mga kanluranin sa
rehiyon.
4. Ang mga hangganang itinalaga ng mga kolonyalista ay nakapagtatag ng mga
estado at ito ay nakatulong sa pagkakaisa ng mga mamamayan sa rehiyon.
5. Ang ilang dibisyon ay isinagawa upang tapusin ang mga tensiyon sa pagitan
ng mga Kanluranin.

You might also like