You are on page 1of 3

DIVISION OF GEN.

TRIAS CITY
Project ISuLAT– ACTIVTY SHEETS in FILIPINO
(Intensified Support to Learning Alternatives Through Activity Sheets)

Baitang10 -Kwarter 3_Linggo 4

Pangalan: ______________________________________ Baitang 10 Seksyon: _________


Guro: ___________________________________________ Iskor: _______________________
Fokus

Makatutulong sa iyo ang Activity Sheet na ito upang ikaw ay masanay sa mga
sumusunod:
1. Naihahanay ang mga salita batay sa kaugnayan ng mga ito sa isa’t isa.
Inabel

Panuto: Pangkatin ang mga salita batay sa kaugnayan ng mga ito sa isa’t isa.

hari matapang kawal kapangyarihan


alipin reyna pananakop magiting
digmaan kaharian dakila bayani

1. __________________, _________________,_______________, _____________________


2. ____________________, ___________________, _________________, _______________
3. ____________________, ___________________, ________________, ________________

Lingap
Ang Sundiata: Ang epiko ng Sinaunag Mali
Sundiata: An Epic of the Old Mali
Salin sa Ingles ni J.D Pickett
Isinalin sa Filipino ni: Mary Grace A. Tabora

BUOD:
Si Naré Maghann Konaté ay hari ng mga Mandinka.
Isang araw, may dumalaw sa kanyang isang mangangaso na may
kakayahang manghula. Ayon sa manghuhula, si Haring Konaté ay
makapapangasawa ng isang hindi magandang babae na magsisilang ng
isang sanggol na lalaki na magiging napaka-makapangyarihang hari.
Noong panahong iyon, si Konaté ay may asawa na; ang pangalan ng kanyang
reyna ay Sassouma Bereté. Mayroon na silang anak na lalaki na ang pangalan
ay Dankaran Toumani Keïta.

Ganunpaman, isang araw ay may dalawang mangangalakal na dumalaw kay


Haring Konaté para iprisinta sa kanya ang isang kuba na babae na ang

1
DIVISION OF GEN. TRIAS CITY
Project ISuLAT– ACTIVTY SHEETS in FILIPINO
(Intensified Support to Learning Alternatives Through Activity Sheets)
pangalan ay Sogolon. Naalala ng hari ang sinabi ng manghuhula at
pinakasalan niya ang kuba. Makatapos ng sampung buwan, nagsilang ang
babae ng isang sanggol na lalaki na pinangalanan nilang Sundiata Keita.
Minana ng batang Sundiata anghindi kagandahan ng kanyang ina, at hindi
niya makayanang lumakad nang maayos, kaya lagi siyang kinukutya ni Reyna
Sassouma.

Bagaman mahina ang katawan ni Sundiata, binigyan pa rin siya ng kanyang


amang hari ng kanyang sariling griot (isang manganganta na ang tungkulin ay
alalahanin ang mga kaganapang nangyayari at magbigay payo). Tradisyon
noon na magkaroon ng griot na alalay ang bawat importanteng miyembro ng
pamilya ng hari.

Nang pumanaw si Haring Konaté noong taong 1224, ang kanyang panganay
na anak na si Dankaran ang umakyat sa trono. Si Sundiata at ang kanyang
kubang ina na si Sogolon ay lalo pang inapi.
Nang minsan ay may nag-insulto kay Sogolon, nagpakuha si Sundiata ng isang
bakal na tungkod na nabali nang subukan niyang gamitin upang tulungan ang
sarili na tumayo. Ang iisang tungkod na hindi nabakli ay nagmula sa isang
sanga ng puno ng S’ra. Parang milagro, ang kahoy na ito ay nakatulong kay
Sundiata na makatayo at makalakad nang maayos.
Pinatapon ni Hari Dankaran ang mag-inang sina Sogolon at Sundiata.
Nanirahan sila sa kaharian ng Mema kung saan lumakas ang katawan ni
Sundiata. Siya’y naging isang dakilang mandirigma hangga’t siya’y inatasang
maging tagapagmana ng trono ng Mema.
Samantala, ang kaharian ng mga Mandinka ay pinuntirya ng isang malupit na
mananalakay na ang pangalan ay Soumaoro. Ang hari ng mga Mandinka na si
Dankaran ay tumakas kung kaya’t humiling ang mga Mandinka ng tulong kay
Sundiata.
Nagtagumpay si Sundiata laban sa mga mananalakay at dahil sa pinagsama-
samang lupain sa ilalim ng kanyang administrasyon tulad ng Mema at
Mandinka, siya ay tinaguriang pinakaunang tagapamuno ng imperyo ng Mali.

Ayon sa mga griot, maihahalintulad ang lawak ng nasakop ni Sundiata sa


Aprika sa kalawakan ng mga lupaing napailalim kay Alexander the Great sa
dakong Europa noon sinaunang panahon.

2
DIVISION OF GEN. TRIAS CITY
Project ISuLAT– ACTIVTY SHEETS in FILIPINO
(Intensified Support to Learning Alternatives Through Activity Sheets)

(GawaingPasulat # 1)

MgaTanong:

MgaTanong MgaSagot
1. Ano-anong salita ang maiuugnay kay
Sundiata para ipakita ang
kanyangkahanga-hangang
katangian? Ipaliwanag.
2. Ano-anong salita ang maiuugnay sa
tauhan upang ipakita ang mga
suliraning nangingibabaw sa epiko?
Ipaliwanag.
3. Paano momaiuugnay ang salitang
bayani kay Sundiata?
4. Paano mo maihahambing ang
iyong sarili sa tauhan. Magbigay
ngmgasalitangmaiuugnaysaiyongsarili
at satauhan. Ipaliwanag.

(Paggampan # 2)

Sa iyong tingin, bakit mahalagang magplano upang matiyak ang


pagtatagumpay sa hinaharap? Sikaping gumamit ng mga salita na may
kaugnayan sa isa’t isa.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________.

You might also like