You are on page 1of 16

[Type here]

10

FILIPINO
Kwarter 3 – Modyul 1
Liongo
(Mitolohiya ng Kenya)

Self-Learning Module
1
[Type here]

PAUNANG SALITA

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating

mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na

naglalaman ng mga paalaala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa
kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng

mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding
pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan.
May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat
gawain at pagsusulit. Inaasahan naming na magiging matapat ang bawat isa sa
paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro

kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng
SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,

umaasa kami na matututo ang ilang mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

2
[Type here]

KASANAYANG PAMPAGKATUTO:
• Naipaliliwanag ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mitolohiya ng Africa at
Persia F10PN-IIIa-76

• Nasusuri ang mga kaisipang nakapaloob sa mitolohiya batay sa: - suliranin

ng akda - kilos at gawi ng tauhan -desisyon ng tauhan F10PB-IIIa-8

• Nabibigyang-puna ang napanood na video clip F10PD-IIIa-74

• Napangangatuwiranan ang sariling reaksiyon tungkol sa akdang binasa sa

pamamagitan ng debate/pagtatalo F10PS-IIIa-78

ALAMIN

1. Nauunawaan ang mitolohiya ng Persia;

2. Nakapaglalahad ng sariling kaisipan at reaksyon sa akda at sa tauhan nito;
at
3. Nakapagsasalin gamit ang mga pamantayan sa pagsasaling-wika.

BALIKAN

Paano susuriin ang mga kaisipang nakapaloob sa mitolohiya na may iba’t ibang
bayani?; at Paano magagamit nang angkop ang mga pamantayan sa
pagsasalarawan?

__________________________________________________

3
[Type here]

SUBUKIN

A. Panuto: Basahin ang kasunod na mitolohiya mula sa Africa. Sagutin ang

kasunod na mga tanong ukol dito.

Mashya at Mashyana: Mito ng Pagkalikha

Mula sa primebal na hayop na Gayomard na hindi lalaki at babae. Nagmula
ang ikaanim na paglikha ni Ahura Ohmuzd. Sa kabilang banda, si Ahriman Mainyu
na sinasabing espiritu ng masama at naninirahan sa kadiliman ay naghangad na
wasakin ang lahat ng nilikha ni Ahura Ohmuzd.

Inisip naman ni Ahura Ohmuzd na patayin si Gayomard kaya nagpadala siya

ng demonesa sa katauhan ni Jeh.

Nagtagumpay ang demonesa, subalit nabihag siya ng buwan na si Mah. Mula

sa binhi ni Gayomard bago siya namatay ay lumago at mula sa kaniyang bangkay
ay may tumubong isang puno na pinagmulan ng lahat ng may buhay na halaman.
Dito nanggaling sina Mashna at Mashyana.

Tumulong si Mashya at Mashyana sa pakikipaglaban kay Ahriman Mainyu.

Nagkaroon ng mga anak sina Mashya at Mashyanana tig-15 kambal na kumalat sa
buong daigdig at maging mga lahi ng sangkatauhan.

-Mula sa Elements of Literature nina Holt et. Al. 2008. Texas, USA

Mga Tanong Mga Sagot

1. Tungkol saan ang mitolohiya?

2. Ilarawan ang ginawa ni Ahriman Mainyu

at ang ginawa ni Ahura Ohmuzd?

3. Ang pagpatay ba ni Ahura Ohmuzd kay

Gayomard ang pinagmulan ng suliranin
ng kuwento? Patunayan.

4. Bakit tumulong sina Mashya at

Mashyana sa pakikipaglaban kay
Ahriman Mainyu?

4
[Type here]

B. Panuto: Piliin ang angkop na salin sa mga salitang nasa loob ng

panaklong.

Noong unang (1.) ____Time____ (Bagyo, Oras, Panahon,) ang kalangitan at ang
kalupaan ay mag-asawa. Sila ay may dalawang anak na sina Langit at Tubigan. Sila
ay may kani-kaniyang (2.) _____Covered_______ (palaruan, nasasakupan, palayan).
Si Langit ay diyosa ng (3.) ________Galaxy________ (kalawakan, lupain, kalangitan),
at si (4.) _______Pond_____ (Kalikasan, Katubigan, Tubigan) naman ay diyosa ng
katubigan.

Sina Langit at Tubigan ay (5.) ____Married______ (nag-ibigan, nagpakasal,

magkababata) at ang naging anak nila ay apat, tatlo ang lalaki at isa ang babae. Si
Dagat ay (6.) ____Chick_____ (makisig, mayabang, mabait) malakas na lalaki at ang
katawan ay mulato. Si Adlaw ay (7.) ______Cheerful______ (masayahin, masigla,
mainam) na lalaki na ang katawan ay ginto. Si Bulan ay isang (8.) _____Weak______
(maginoong, mahinang, matabang) lalaki na ang katawan ay ginto. Si Bulan ay isang
mahinang lalaki na ang katawan ay kulay tanso. Si Bitoon ang (9.) ___Only_____
(tanging, marami, grupo) babae na maganda ang katawan at kulay (10.) ___Silver____
(pilak, ginto, tanso).

TUKLASIN
Linangin
Panuto: Basahin ang isang mitolohiya mula sa Kenya upang malaman mo kung
masasalamin ba dito ang kanilang kultura.

Liongo
Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles

Isinilang si Liongo sa isa sa pitong bayang nasa baybaying-dagat ng Kenya.

Siya ang nagmamay-ari ng karangalan bilang pinakamahusay na makata sa
kanilang lugar. Malakas at matangkad din siya tulad ng isang higante, na hindi
nasusugatan ng anomang mga armas. Ngunit kung siya’y tatamaan ng karayom sa
kaniyang pusod ay mamamatay siya. Tanging si Liongo at ang kaniyang inang si
Mbwasho ang nakaaalam nito. Hari siya ng Ozi at Ungwanasa Tana Delta, at
Shangha sa Faza o isla ng Pate.

Nagtagumpay siya sa pananakop ng trono ng Pate na unang napunta sa

kanyang pinsang si Haring Ahmad (Hemedi) na kinilalang kauna-unahang namuno
sa Islam. Ang pagbabago ay naging mabilis mula sa Matrilinear na pamamahala ng
mga kababaihan tungo sa Patrilinear na pamamahala ng kalalakihan sa pagsasalin
ng trono. Nais ni Haring Ahmad na mawala si Liongo kaya ikinadena at ikinulong
siya nito. Nakaisip si Lionggo ng isang pagpupuri. Habang ang parirala (Refrain) nito
ay inawit ng mga nasa labas ng bilangguan, bigla siyang nakahulagpos sa tanikala
na hindi nakikita ng bantay. Nang makita ito ng mga tao, tumigil sila sa pag-awit.

5
[Type here]

Tumakas siya at nanirahan sa Watwa kasama ang mga taong naninirahan sa

kagubatan. Nagsanay siyang mabuti sa paghawak ng busog at palaso kinalaunan ay
nanalo siya sa paligsahan ng pagpana. Ito pala’y pakana ng hari upang siya ay
madakip at muli na naman siyang nakatakas. Kakaunti lang ang nakaaalam tungkol
sa matagumpay na pagwawagi ni Liongo sa digmaan laban sa mga Gala (Wagala).
Kaya naibigay ng hari ang kanyang anak na dalaga upang ang bayaning si Liongo ay
mapabilang sa kanyang pamilya. Nang lumaon si Liongo ay nagkaanak ng isang
lalaki na nagtraydor at pumatay sa kaniya.

-Mula sa http://www.agallery.de/docs/mythology.html

ISAGAWA

GAWAIN 1: Paglinang ng Talasalitaan

Panuto: Sa pamamagitan ng salita na nasa loob ng kahon ay tukuyin ang
pinagmulan nito na may kaugnayan sa mitolohiya.

Matrilinear Ozi
________________________________ _____________________________
________________________________ _____________________________
________________________________ _____________________________

Patrilinear Faza
________________________________ _____________________________
________________________________ _____________________________
________________________________ _____________________________

Gala
______________________________

6
[Type here]

GAWAIN 2: Pag-unawa sa Akda

A. Panuto: Sagutin ang mga tanong.

1. Ano ang suliranin ng tauhan?

________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

2. Makatuwiran ba ang kaniyang naging desisyon? Patunayan.

________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

3. Sumasang-ayon ka ba sa naging desisyon ni Liongo? Ipaliwanag.

________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

4. Ano ang naging kilos at gawi ni Liongo?

________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

5. Anong mahalagang aral ang nais nitong ipabatid mula sa iyong

binasang akda?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

B. Panuto: Panoorin ang video ng Liongo sa

Ibigay ang mga pangyayaring kaugnay ng
https://www.youtube.com/watch?v=jRsKxsLf4ks.
mga kaisipang nakapaloob sa mitolohiya batay sa suliranin ng akda, kilos, at gawi
ng tauhan. Gawin ito sa pamamagitan ng story board.

3
4

5 6
..

7
[Type here]

TAYAHIN

Panuto: Ngayong naunawaan mo na ang akda, pangatuwiranan ang iyong sariling

reaksiyon tungkol sa akdang binasa sa pamamagitan ng argumentativ na sanaysay.
Isaalang-alang ang pamantayan na nasa ibaba.

Pamantayan Bahagdan

Paglalatag at Pag-aanalisa ng 35%

Katibayan

Pangangatuwiran at Panunuligsa 30%

Organisasyon ng mga ideya 20%
Mekaniks at gamit 15%

Kabuuan 100%

TALAKAYIN

GRAMATIKA AT RETORIKA
Alam mo ba na…
ang pagsasaling wika ay ang paglilipat sa pinagsasalinang wika ng
pinakamalapit na katumbas na diwa at estilong nasa wikang isasalin? Ang
isinasalin ay ang diwa ng talata at hindi ang bawat salita na bumubuo rito.
(Santiago, 2003).

Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Isang Tagapagsalin

1. Sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot. Nakukuha niya ang
kahulugan ng kaniyang isinasalin o siya’y mahusay na kumokunsulta sa
diksyonaryo. Nauunawaan niya ang maliit na himaymay ng kahulugan at
halagang pandamdamin taglay ng mga salitang gagamitin.

2. Sapat na kaalaman sa gramatika ng dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin.

Ang kaalaman sa gramatika ng dalawang wika sa pagsasalin ay kailangang-
kailangan ng tagapagsalin sa pagsusuri ng dalawang nais ipabatid ng awtor,
gayundin sa wastong paggamit ng mga salita, wastong pagkakabuo, at
pagsusunod-sunod.

3. Sapat na kakayahan sa pampanitikang paraan ng pagpapahayag. Ang

kakayahang magsalita sa dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin at

8
[Type here]

kaalaman sa gramatika ay hindi sapat para makapagsalin. Kaya kung ang

lahat ay salin ay patas, nagiging higit na mahusay na tagapagsalin ang
manunulat.

4. Sapat na kaalaman sa paksang isasalin. Marapat na ang tagapagsalin ay may

higit na kaalaman sa paksa. Sapagkat siya ay higit na nakaaalam at
nakauunawa sa mga konseptong nakapaloob dito.

5. Sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang bansang kaugnay sa pagsasalin.

Walang higit na mabisa kaysa ibang wika. Ang lahat ng wika ay may
sariling bisa at kakayahan bilang kasangkapan sa pagpapahayag ng
kulturang Pilipino at ng ibang bansa.

Gabay sa Pagsasaling-wika
Basahing mabuti ang buong tekstong isasalin at unawain ang kabuuang diwa
nito. Tandaang mahalaga para sa tagapagsalin na magkaroon ng malawak na
kaalaman sa wikang isasalin at sa wikang pagsasalinan. Mahalaga rin ang
kakayahang magsulat nang maayos at maging pamilyar sa mga estilo ng pagsulat sa
dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin.

1. Isagawa ang unang pagsasalin. Isaisip na ang isasalin ay diwa ng isasalin at

hindi salita.

2. Basahin at suriing mabuti ang pagkakasalin. Tandaang ang pagdaragdag,

pagbabawas, pagpapalit o pagbabago sa orihinal na diwa ng isinasalin nang
walang napakalaking dahilan ay isang paglabag sa tungkulin ng tagapagsalin.

3. Rebisahin ang salin upang ito’y maging totoo sa diwa ng orihinal. Ayusin
ang bahaging hindi malinaw at nagbibigay ng kalituhan. Bigyang-pansin din
ang aspektong panggramatika ng dalawang wikang kasama sa pagsasalin.

Kung gagamit ng diksiyonaryo ay isaalang-alang ang iba’t ibang kahulugan ng

isang salita. Kakailanganin ng isang mag-aaral ang pagsasanay upang makuha ang
kahulugang angkop sa konteksto ng pangungusap.

Tayahin
A. Panuto: Isalin mo sa Ingles ang sumusunod na salita.

Tagapagbantay ___________________
Misteryo ___________________
Nagpagulong-gulong ___________________
Mahika ___________________
Kumikinang ___________________

9
[Type here]

B. Panuto: Isalin sa Filipino ang sumusunod.

1. The Kikuyos are large tribe. They speak a beautifl Bantu

language and lived on the slopes of Movement Kenya.
Kikuyo Literatura ng Africa

Kikuyo Literatura ng Africa

___________________________________________________________________________

2. The Yoruba believe that there is a god, Ori, who supervise

people’s choice in heaven.

(Destiny Yoruba)
Literatura ng Africa

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

3. In the days of King Solomon, three thousand years ago,

there lived in Ethiopia a dynasty of Queen, who reigned
with great wisdom.

The Queen of Ethiopia (Literatura ng Africa)

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

10
[Type here]

KARAGDAGANG GAWAIN

Panuto: Suriin ang salin ng mitolohiyang “Maaring Lumipad ang Tao” gamit ang
kasunod na talahanayan. Lagyan ng tsek (/) ang mapipiling eskala :
5 – Napakataas, 4 – Mataas, 3 Mataas-taas, 2 – Hindi mataas,
at 1 – Paunlarin pa.

The overseer rode after her, Ang bantay ay nagronda

Hollerin,” Sarah flew over the habanghumihiyaw, sumisigaw.
fences. She flew over the Samantalang si Sarah at ang
woods, tall trees could not kaniyang anak ay lumilipad sa
snag her. Nor could the bakuran, sa mga kahoy, sa mga
overseer. She flew like an nagtatasang puno na hindi siya
eagle. Now until she was nakikita maging ng tagapag-
gone from sight no one dared bantay. Lumilipad siyang tulad
speak about it. Couldn’t ng isang agila. Hanggang sa
believe it. But it was, unti-unti na silang makita ng
because they that was there taong nasa ibaba. Walang
saw, that it was. sinuman ang makapagsalita
tungkol dito. Hindi
makapaniwala subalit Nakita
nila ito.

Katangian 1 2 3 4 5
Sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot.

Sapat na kaalaman sa gramatika ng dalawang wikang

kasangkot sa pagsasalin.

Sapat na kaalaman sa uri ng panitikang isasalin.

Sapat na kaalaman sa paksang isasalin.

Sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang bansa kaugnay

sa pagsasalin.

11
[Type here]

PAGYAMANIN

Panuto: sagutan ang sumusunod na taong batay sa iyong mga natututunan.

1. Ano ang masasabi mo sa pagkakasalin ng teksto? Angkop ba ang mga ginamit

na salita sa pagsasalin? Tama ba ang pagkakasunod-sunod ng mga ideya?
Patunayan
______________________________________________________________________________

2. Paano nakatulong sa iyo ang binasang teksto na nakasalin sa Filipino?

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

3. Kung ang bersyong nasa Ingles lang ang binasa mo, ganito rin kaya ang
pagkaunawa mo sa teksto? Pangatuwiran.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

4. Paano nakatutulong ang pagsasaling-wika ng mga akda sa pagpapahalaga ng

pampanitikan?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

12
[Type here]

SINOPSIS
Ang Sariling Linangan Kit na ito ay tumatalakay sa panitikan ng Africa at
Persia. Isa na ito ang akdang Mitolohiya ng Taga- Kenya ang “Liongo”. Ang “Liongo”
ay isa sa mga pinagmulan na mito mula sa Kenya.

Sa pamamagitan ng modyul na ito, inaasahan ang mga mag-aaral na

maipamalas ang kanilang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan ng Africa at
Persia lalo na sa bansang Kenya.

Tara na at samahan mo kami sa paglalakbay sa mga akdang-pampanitikan

na sumasalamin sa kultura at tradisyon ng Africa at Persia.

May-akda: JESSEL O. BONJOC

Nagtapos sa University of Southern Philippines
Foundation ng Bachelor in Secondary Education- Major
in English, taong 2017. Kasalukuyang nagtuturo sa
Don Gerardo Llamera Ouano Memorial National High
School bilang guro sa Ikasampung baitang, Teacher I.

13
14
Ilipat
• Argumentative na sanaysay ng mag-aaral
PAGSASANAY 1 : Isalin Mo
A. Tagapagbantay- keeper; guard/guardian; attendant; supervise
Misteryo- mystery
Nagpagulong-gulong- rolled over; tumbled down
Mahika- magic; spell; charm
Kumikinang- shining; sparkling; aglow; glowing
B. 1. Ang mga Kikuyos ay malaking tribo. Nagsasalita sila ng isang
magandang wika ng Bantu at nanirahan sa mga dalisdis ng
Kilusang Kenya.
2. Naniniwala ang Yoruba na mayroong diyos, Ori, na nangangasiwa
sa pagpili ng mga tao sa langit.
3. Sa mga araw ni Haring Solomon, tatlong libong taon na ang
nakalilipas, doon nanirahan sa Etiopia isang dinastiya ng isang
Reyna, na naghari nang may malaking karunungan.
PAGSASANAY 2: Suriin Mo
Sa talahanayan= ibase ang sagot ng mag-aaral
Mga katanungan:
1. Ibase ang sagot/opinyon ng mag-aaral
2. Mas naintindihan ang pahayag
3. Maaaring hindi magkatulad ang pagkakaindi nito sa teksto
sapagkat may salita sa Inglis na higit pa sa isa ang salin sa Filipino
4. Mas nauunawaan ang ibig ipahiwatig ng akda o ng panitikan
Susi sa Pagwawasto
[Type here]
[Type here]

SCHOOLS DIVISION OF MANDAUE CITY

NIMFA D. BONGO, CESO V

Schools Division Superintendent

LEAH B. APAO, CESO VI

Assistant Schools Division Superintendent

JAIME P. RUELAN, EdD

Chief Curriculum and Implementation Division

ISMAELITA N. DESABILLE, EdD

LRMDS, Education Program Supervisor

FELICITAS C. MAGNO, MAED

Education Program Supervisor in Filipino

JESSEL O. BONJOC
Writer

15
[Type here]

For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – Division of Mandaue City
Plaridel St., Centro, Mandaue City, Cebu, Philippines 6014
Telephone Nos.: (032) 345 – 0545 | (032) 505 – 6337
E-mail Address: mandaue.city001@deped.gov.ph
Website: https://depedmandaue.net

16

You might also like