You are on page 1of 9

Lesson Exemplar in Filipino 9

ASIGNATURA: FILIPINO 9

BAITANG: 9

KWARTER : Ikalawa

TEMA/PAMAGAT: Akdang Pampanitikan ng Silangang Asya

PAKSA: Modal

PAMATAYANG PANGNILALAMAN: Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa


mga piling akdang tradisyonal ng Silangang Asya

PAMANTAYAN SA PAGGANAP: Ang mag-aaral ay nakasusulat ng sariling akda na


nagpapakita ng pagpapahalaga sa pagiging isang Asyano

MOST ESSENTIAL COMPETENCIES: Pagpapahayag ng ibat\’t ibang expresyon sa


pagpapahayag ng damdamin

CG CODE: F9WG-IIc-48

DOMAIN: Gramatika

NAKALAANG ORAS : 1

CAPAS NATIONAL HIGH SCHOOL – 300994 1


Lesson Exemplar in Filipino 9

Modal

GRAMATIKA

CAPAS NATIONAL HIGH SCHOOL – 300994 2


Lesson Exemplar in Filipino 9

TALAAN NG NILALAMAN

Panitikang Asyano ng Pilipinas


Gramatika: Modal

Panimulang Gawain -------------------------------------------------------------------------------------------------- 4

Layunin ------------------------------------------------------------------------------------------------------------------ 4

Subukin ------------------------------------------------------------------------------------------------------------------ 5

Balikan ------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- 5

Tuklasin ------------------------------------------------------------------------------------------------------------------5

Talakayin ---------------------------------------------------------------------------------------------------------------- 5

Pagyamanin ------------------------------------------------------------------------------------------------------------ 7

Isapuso ------------------------------------------------------------------------------------------------------------------ 7

Susi ng Pagwawasto -------------------------------------------------------------------------------------------------8

Sanggunian ------------------------------------------------------------------------------------------------------------ 8

CAPAS NATIONAL HIGH SCHOOL – 300994 3


Lesson Exemplar in Filipino 9

Proseso ng Pagkatuto

Panimulang Gawain ALAMIN

Ang modal ay salitang malapandiwa na ginagamit sa pagpapahayag ng kagustuhan,


posibilidad, kakayahan, pahintulot, at obligasyon. Mga halimbawa nito ang maari, puwede,
gusto, ibig, nais, dapat, kailangan, at hangad. Anyo ng modal ay hindi nagbabago dahil wala
itong aspekto.

Layunin ALAMIN

a. Naibibigay ang kahulugan ng modal


b. Natutukoy ang modal sa loob ng pangungusap
c. Nagagamit ito sa pangungusap

4
CAPAS NATIONAL HIGH SCHOOL – 300994
Lesson Exemplar in Filipino 9

Subukin

Salungguhitan mo ang modal sa bawat pangungusap.


1. Ibig ng ina na maging masunurin ang kanyang anak tulad ng ibang palaka.
2. Hangad ng hari ang Paghihiganti.
3. Gusto kong hamunin ang kaharian ng mga matsing sa isang labanan
4. Puwede ang labanan kahit saan.
5. Dapat nating ipaghiganti ang kaaihan ni Pinsesa Tubina.
6. Kailangan ng hari ang matatapang na tutubi.
7. Maaaring ba kayong maghatid ng pagkain sa itaas?
8. Gusto ka niya.
9. Dapat magmahalan ang lahat.
10. Maaring magbakasyon sa Antipolo.

Balikan

Iantas ang mga sumusunod na salita batay sa sidhi nito. Isulat ang a-b-c

______ tuwa _____ asar _____ pobre

______ saya _____ galit _____ pulubi

______ ligaya _____ pikon _____ mahirap

Tuklasin

Salungguhitan ang pandiwa sa loob ng pangungusap

1. Gusto ko ng damit mo.


2. Hangad ko ang iyong tagumpay.
3. Kailangan ka namin.
4. Ibig ng tigre na makaahon sa hukay.
5. Dapat matuto ang batang palaka

Talakayin

Alamin mo

CAPAS NATIONAL HIGH SCHOOL – 300994 5


Lesson Exemplar in Filipino 9
Pagsasanib ng Gramatika

Ang modal ay salitang malapandiwa na ginagamit sa pagpapahayag ng kagustuhan,


posibilidad, kakayahan, pahintulot, at obligasyon. Mga halimbawa nito ang maari, puwede,
gusto, ibig, nais, dapat, kailangan, at hangad. Anyo ng modal ay hindi nagbabago dahil wala
itong aspekto.
Gamit ng modal:
1. Bilang malapandiwa o salitang kahawig ng pandiwasa mga pangungusap na walang
totoong pandiwa.
Hal.
Gusto ko ng damit mo.
Hangad ko ang iyong tagumpay.
Kailangan ka namin.
Walang totoong pandiwa ang mga pangungusap na ito. Ang mga modal na
gusto, hangad at kailangan ang nagpapahiwatig ng pandiwa.
2. Bilang panuring o pantulong sa pandiwa na may anyong pawatas
( Ang Pandiwang pawatas ay walang panahunan at binubuo ng salitang-ugat
at panlaping makadiwa)
Pandiwa
Salitang-
ugat Perpektibo Imperpektibo Kontemplatibo Pawatas
aral nag-aral nag-aaral mag-aaral Mag-aral
sayaw sumayaw sumasayaw sasayaw magsayaw
lutas nalutas nalulutas malulutas malutas
takbo tumakbo tumatakbo tatakbo magtakbuhan

Hal.
Ibig ng tigre na makaahon sa hukay.
Sa pangungusap na ito ang modal na ibig ay ginamit na pantulong sa pandiwang
maglakbay.
Dapat matuto ang batang palaka.

Sa pangungusap na ito ang dapat ang modal sa pandiwang pawatas na matuto.


Mga Uri:

1. Nagsasaad ng kagustuhan (pagnanasa, paghahangad)

Gusto ng tigreng kainin ang lalaki.


Hangad kong makatapos ka ng pag-aaral.
Ibig ng haring maghiganti.

2. Nagsasaad ng kakayahan

Maaari mong kunin sa kanila bukas.

CAPAS NATIONAL HIGH SCHOOL – 300994 6


Lesson Exemplar in Filipino 9
Puwede natin makamit ang ating mithiin.
Maari tayong magwagi.
Puwede kang mamasyal sa Baguio sa Linggo.

3. Nagsasaad ng obligasyon (sapilitang pagpapatupad, hinihinging manyari)

Hindi ninyo kailangang mag-alala


Dapat tayong magtungo sa hukay
Kailangang maituwid ko ang kanyang pag-uugali

Pagyamanin

Pagsasanay I
Salungguhitan mo ang modal sa bawat pangungusap. Isulat sa patlang ang titik M kung ang
modal ay malapandiwa at titik P kung panuring.
_________ 1. Ibig ng ina na maging masunurin ang kanyang anak tulad ng ibang palaka.
_________ 2. Hangad ng hari ang Paghihiganti.
_________ 3. Gusto kong hamunin ang kaharian ng mga matsing sa isang labanan
_________ 4. Puwede ang labanan kahit saan.
_________ 5. Dapat nating ipaghiganti ang kaaihan ni Pinsesa Tubina.
_________ 6. Kailangan ng hari ang matatapang na tutubi.
_________ 7. Maaaring ba kayong maghatid ng pagkain sa itaas?
_________ 8. Gusto ka niya.
_________ 9. Dapat magmahalan ang lahat.
_________ 10. Maaring magbakasyon sa Antipolo.

Isapuso

Dugtungan ang mga pangungusap upang maipahayag ang damdamin sa isyu o paksa.

1. Puwede tayong mkatulong sa pagpapanatili ng katahimikan sa ating lugar


___________________________________________________________________________

2. Maaari kang magtagupay sa anumang laban


___________________________________________________________________________.
3. Kailangan ipaalam kaagad ang nagyari
___________________________________________________________________________

4. Dapat kang magbigay ng panata


___________________________________________________________________________

CAPAS NATIONAL HIGH SCHOOL – 300994 7


Lesson Exemplar in Filipino 9
5. Hangad nating ang maayos at wastong pamamahala ng mga tao sa gobyerno
___________________________________________________________________________

6. Nais kong magbago ang takbo ng iyong buhay


___________________________________________________________________________

7. Ibig kong makipagkaibigan sayo


___________________________________________________________________________

8. Gusto maging isang piloto


__________________________________________________________________________

Susi ng Pagwawasto

Sabukin

1. Ibig 6. kailangan
2. Hangad 7. maaari
3. Gusto 8. gusto
4. Pwede 9. dapat
5. Dapat 10. maaari

Balikan: Nasa guro ang pagpapasya

Tuklasin: 1. wala; 2 wala; 3. wala; 4. Makaahon 5. matuto

Pagyamanin: 1. P- IBIG 6. M-KAILANGAN


2. M-HANGAD 7. P-MAAARI
3. M-GUSTO 8. M-GUSTO
4. M-PWEDE 9. P-DAPAT
5. P-DAPAT 10. P-MAAARI
Isapuso: Nasa guro ang pagpapasya

Sanggunian

Filipino 9- SELF-Learning Module (Capas National High School) 2020.

Panitikang Asyano 9 Gabay ng Mag-aaral sa Filipino

CAPAS NATIONAL HIGH SCHOOL – 300994 8


Lesson Exemplar in Filipino 9

CAPAS NATIONAL HIGH SCHOOL – 300994

You might also like