You are on page 1of 2

THOBURN MEMORIAL ACADEMY

FIRST QUARTERLY EXAMINATION


FILIPINO 9
(Mga Akdang Pampanitikan ng Timog-Silangang Asya)
AUGUST 23-24,2018
Pangalan: Puntos:

PAGSUSULIT I
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Isulat ang tamang sagot sa patlang.
___1.Dito binibigyang diin ng pagkakataon ng mga mambabasa na tapusin ang kwento at
magkaroon ng pagkakataon na gamitin ang kanyang pag-iisip.
a.saglit na kasiglahan b.kakalasan o wakas c.suliranin d.kasukdulan
___2. Naglalarawan ng pasimula tungo sa suliraning inihahanap ng lunas.
a.saglit na kasiglahan b.panimula c.suliranin d.kasukdulan
___3.Ang mga suliranin ay kinakailangang magkakaugnay mula sa simula hanggang sa
paglalapat ng mga karampatang lunas sa bawat suliranin.
___4. Naglalarawan ng pasimula tungo sa suliraning inihahanap ng lunas.
a.saglit na kasiglahan b.panimula c.suliranin d.kasukdulan
___5.Ang bahaging kinapapalooban ng pinakamasidhing pananabik dahil sa takbo ng mga
pangyayari.
a.saglit na kasiglahan b.panimula c.suliranin d.kasukdulan
___6.Ito ay ginagamit bilang pangatnig sa mhga pangungusap na hugnayan ito ay panimula sa
sugany na di nakapg-iisa.
a.Nang b.ng c.daw d.raw
___7.Ito ay ginagamit bilang pananda sa tuwirang layon ng pandiwang palipat.
a.Nang b.ng c.daw d.raw
___8.Ito ay ginagamit kung ang sinusundang salita ay nagtatapos sa patinig at malapatinig na y
at w .
a.Nang b.ng c.daw d.raw
___9.Ito ay ginagamit kung ang sinusundang salita ay nagtatapos sa katinig maliban sa y at w.
a.Nang b.ng c.daw d.raw
___10.Ito ay ginagamit kung sumusuri at nagsisiyasat sa uri,lakas o kakayahan ng isang tao o
bagay.
a.Nang b.ng c.daw d.subukin
___11.Ito ay ginagamit kapag gusting malaman kung ano ang ginagawa ng isang tao o bagay ng
palihim.
a.Nang b.ng c.subukan d.subukin
___12.Ginagamit ito kung ang ibig sabihin ay pag-alis ng isang bagay.
a.pahirin b.pahiran c.subukan d.subukin
___13.Ginagamit ito kung ang ibig sabihin ay paglalagay ng bagay sa isang lugar o karaniwan ay
sa isang bahagi ng katawan.
a.pahirin b.pahiran c.subukan d.subukin
___14.Ginagamit ito kung ang pahayag ay nangangahulugan ng pagsunod sa payo o
pangangaral.
a.sundan b.sundin c.subukan d.subukin
___15. Ginagamit ito kung ang pahayag ay nangangahulugan na gayahin o puntahanang
pinuntahan ng iba.
a.sundan b.sundin c.subukan d.subukin
PAGSUSULIT II
Panuto: Punan ng wastong gamit ang patlang upng mabuo ang pahayag sa bawat bilang. Piliin
ang sagot sa loob ng panaklong.
(sundin,sundan)1._______________natin palagi ang mga batas sa ating bayan upang lalong
umunlad ang Pilipinas.
(pahirin,pahiran)2._______________mo na ang luha sa iyong mata. Makabubuting gumawa
nalang tayo ng magagandang bagay para sa bansa.
(subukin,subukan)3.______________natin puntahan ang iba pang magagandang lugar sa bansa
para Makita nating mayaman nga ang Pilipinas.
(daw,raw)4.Mas maganda ____________kung pag-aaralan mo ang kasaysayan at panitikan ng
Pilipinas upang higit mong maunawaan ang kanilang kultura.
(nang,ng)5.Paganda __________paganda ang mga bagay na nababalita tungkol sa Pilipinas.
(subukin,subukan)6.______________mo ang husay ng mga Pilipino.
(subukan,subukin)7.____________mo kung ano ang ginagawa ng mga pinuno ng bansa kapag
nagtitipon.
(nang,ng)8.Ang Pilipinas ay lalong nakilala sa buong mundo ________mapili ang underground
river sa Palawan bilang isa sa New Seven Wonders of the World.
(raw,daw)9.Mas mahal ____________ang pumunta sa ibang bansa.
(sundin,sundan)10.______________mo ang ginagawa ng iyong magulang upang maging
matagumpay ka rin sa buhay.
PAGSUSULIT III
Panuto: Tukuyin ang bawat pahayag kung ano ang isinasaad na ginamit sa pagbibigay ng
opinyon. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.
A.Pagbibigay ng matatag na Opinyon

B. Pagbibigay ng Neutral na Opinyon

____1.Buong igting kong sinusoportahan ang……


____2.Kumbinsido akong…….
____3.Kung ako ang tatanungin……
____4.Kung hindi ako nagkakamali…..
____5.Labis akong naninindigan na…..
____6.Sa aking pagsusuri…..
____7.Sa totoo lang…..
____8.Lubos kong pinaniniwalaan….
____9.Sa aking palagay…..
___10. Sa tingin ko
PAGSUSULIT IV
Panuto: Tukuyin ang mga sumusunod na pagpapahalaga bilang isang Pilipino na naaangkop sa
bawat pahayag. Isulat ang tamang sagot sa patlang. (dalawang puntos bawat bilang)

_______________________________1.Para sa marami ito ay susi sa pag-unlad para maiahon


sa kahirapan ang maraming Pilipino.Dahil dito maraming magulang ang nagsisikap nang mabuti
mapag-aral lamang ang kanilang mga anak.
_______________________________2.Sa oras ng sakuna at kahirapan ang mga Pilipino ay
laging handa sa pagtulong sa kapawa.
_______________________________3.Magilw o pagiging hospitable ang mga Pilipino sa mga
panauhin maging sila man ay kamag-anak,kaibigan ,kakilala o dayuhan.
_______________________________4.Ang pagmamano,paghalik sa pisngi at pagbati ay ilan
lamang sa mga paraan ng pagpapakita ng pagggalang sa mga nakakatanda.Gumagamit din ang
Pilipino ng mga pananalita kung silay nakikipag-usap sa mga matatanda.
_______________________________5.Masasalamin ito sa kanilang pagpapahalaga bilang
magkakasama sa hirap man o ginhawa.

PAGSUSULIT V (PAGPAPALIWANAG)
*PAGPAPAHALAGA BILANG ISANG PILIPINO (limang puntos bawat bilang)
I.Pagpapahalaga sa Pamilya

II.Pagpapahalaga sa Edukasyon

III.Isang katangian na iyong taglay na gusto mong baguhin.Bakit?

Inihanda ni: Bb.MARICEL M. HAGUNOS Inaprubahan ni: G. FULGENCIO A.ACDAL


Guro sa Filipino Asst. School Director

“Lahat ng bagay Pinaghihirapan, hindi matamis ang Tagumpay kapag walang Paghihirap na
Naranasan”

You might also like