You are on page 1of 4

ARALIN: PAG-USBONG NG NASYONALISMO SA EUROPA AT IBA’T IBANG BAHAGI

NG DAIGDIG

Pagpapahalaga Sa Nasyonalismo Sa Iba’t Ibang Bahagi Ng Daigdig

Ang nasyonalismo ay nangangahulugang pagmamahal sa bayan na nakabase sa

kamalayan ng isang lahi na sila ay nabubuklod ng isang wika, kasaysayan, kultura,
pagpapahalaga, at relihiyon. Hindi madali ang pagpapakita ng damdaming makabayan
dahil dadaan ito sa iba’t ibang proseso at paraan. Mayroong iba’t ibang manipestasyon
ng nasyonalismo at ang pinakamataas na pagpapakita ng damdaming ito ay ang
kahandaan ng isang tao na mamatay para sa kanyang bayan.
Ang paghangad na maipakita ang damdaming ito ay may kasamang pighati,
pagsubok, kawalan ng kasiyahan at minsan pagsasakripisyo ng buhay. Datapuwa’t ang
isang bansa na nagkaisa ay handang gagawin ang lahat maipadama lamang ang tunay
na pagiging makabayan.
Sa iba’t ibang panig ng daigdig dumaan ang lahat ng bansa ng pamamaraan kung
paano ipadama ang damdaming nasyonalismo. Minsan hahantong sa digmaan ang
isang bansa upang maipakita ang marubdob at masidhing damdamin ng pagmamahal sa
sariling bayan.

Pagsibol ng Nasyonalismo sa Europa

Ang mga pangyayaring kagaya ng Rebolusyong Amerikano at Rebolusyong
Pranses sa ika-19 na siglo ay nakapagdulot ng maraming pagbabago sa daigdig, isa na
rito ay ang pag-usbong ng damdaming nasyonalismo. Sa pamamagitan ng kaisipang ito,
ito'y nagsilbing isang pwersa na ginamit ng ilang mga estado at kolonya sa mundo upang
itaguyod ang kanilang pagkakaisa at pagkakakilanlan laban sa mga bansang sumakop
sa kanila.
Bago pa natatag ang bansang Germany, ito ay binubuo ng iba't ibang estado na
napasailalim sa pamumuno ng Austria. Dahil sa hindi sila nabigyan ng malaking
partisipasyon sa pamahalaan, bumuo ang mga estudyante ng isang radikal na kilusan na
Burschenschaften, na naghahangad na magkaroon ng pagkakaisa na siyang simula ng
nasyonalismong German. Ang kilusang ito ay binuwag noong 1819 sa pamamagitan ng
pagpatupad ng Carlsbad Decrees na nagsensura sa kalayaan ng pamamahayag ng mga
German at pagtalaga ng mga espiya sa mga unibersidad. Ito ay nagdulot ng
demonstrasyon at pag-aalsa sa Berlin noong 1848 sa kabisera mismo ng Prussia.

Ang tagumpay ng nasabing pag-aalsa ay ang pagpayag ng hari ng Prussia na si

Frederick William IV sa isang konsesyon kung saan binuwag and sensura at
paghahanda ng isang konstitusyon at assembly. Sa tulong ni Otto Von Bismarck sa
Frankfurt Assembly na dinaluhan ng 800 German naitatag nila ang Imperyong German
na naging isa sa pinakamakapangyarihang bansa daigdig.

Pagsibol ng Nasyonalismo sa Russia

Ang bansang Russia ay napabilang sa dalawang kontinente: ang Europe at Asia
(Eurasia). Halos doble ang laki nito sa Estados Unidos. Isa sa pinakatanyag na pinuno
ng Russia ay si Vladimir I na binansagang “Vladimir the Saint.” Sa ilalim ng kanyang
pamumuno noong 988 CE, ipinalaganap niya ang Kristiyanismong Griyego na nananatili
pa rin hanggang sa kasalukuyan.
Noong ika-13 na siglo, napasailalim ang Russia sa pamamahala ng mga Tartar o Mongol
na nagmula sa Gitnang Asya. Umabot ng mahigit na 200 na taon ng kanilang
pamamahala na nagdulot ng mga pagbabago sa lipunan. Ang mga bakas ng pananakop
ay may impluwensiya sa pananalita, pananamit at kaugalian ng mga Ruso. Sa paglipas
ng panahon, natamo ng mga Ruso ang kanilang kalayaan nang talunin ni Ivan the Great
ang mga Tartar sa labanan sa Oka.

Himagsikang Ruso
Noong unang bahagi ng ika-20 siglo, nagpagimbal sa daigdig ang rebolusyon ng
mga Ruso. Ngunit bago naganap ang himagsikang ito ang Russia ay ang
pinakamalaking burukrasya sa mundo na kontrolado ng mga maharlika at pulisya. Nasa
ilalim ng pamamahala ng czar ang mga magsasakang nakatali sa lupa, walang
karapatan at laging nakabaon sa utang at maging sa industriya.
Ang pagtatayo ng mga manggagawa sa mga pagawaan ang naghikayat sa mga Ruso na
magpunta sa mga bayan at lungsod. Nagkaroon sila ng pagkakataon para makapag-aral
sa bayan. Sa sobrang higpit ng pulisya, lumikas patungo sa kanlurang Europe ang mga
intelektwal na Ruso. Sa Europe, nagkatagpo ang mga disipulo ni Karl Marx at Friedrich
Engels at nagtatag ng dalawang partido.
Sa mga alituntunin na dapat sundin sa Russia nagkaroon ng di-pagkakaunawaan.
May alitan ang pinakamasugid na tauhan na sina Josef Stalin at Leon Trotsky-tungkol sa
kahalili ni Lenin. Paniniwala ni Trotsky dapat ikalat agad ang komunismo sa
pamamagitan ng rebolusyong pandaigdig.
Mungkahi naman ni Stalin, hindi napapanahon ang ikalat ang komunismo dahil mahina
pa ang Russia. Naging matagumpay si Stalin sa kanyang suhestiyon. Napilitang tumakas
si Trotsky na nanirahan sa Mexico at namatay noong 1940.
Samantala, ang mga komunistang Soviet ay nagpasimuno ng October Revolution
na may magandang naidulot sa Russia. Nagresulta ito na nagkaisa ang mga Ruso,
nagapi ang mga czar at nagwakas ang aristokrasya sa bansa. Kaya napalitan ng
diktadurya ng Partido Komunista ang pamamahala. Sa Unang Digmaang Pandaigdig,
sumanib ang Russia sa Alyado. Noong 1923, tinawag na Soviet Union ang pangalan ng
bansa. Humalili si Stalin nang namatay si Lenin sa edad na 53 dahil sa sakit.

Mga Pamprosesong Tanong

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong.
Isulat ang iyong mga sagot sa sagutang papel.
1. Bakit pinabagsak ng mga Ruso ang pamamahala ng czar?
2. Paano ipinakita ng mga Ruso ang damdaming nasyonalismo?

You might also like