You are on page 1of 24

1

Justice Antonio T. Carpio


(ni type ng 1week ni Luisa and I thank you, libre niyo ko oy)

Isang magandang araw sa lahat! Maraming salamat sa panonood ng presentasyong ito tungkol
sa “Philippines Sovereign Rights in the West Philippine Sea.” Kung titingnan Ninyo ang screen,
makikita Ninyo ang south china sea.

Bakit mahalaga ang south china sea?

Sa kasalukuyan, ang south china sea ay isa sa pinakamahalagang pandaigdigang daanan ng


tubig. Halos 5.3 trilyong dolyar ang halaga ng mga kalakal na dala ng mga barkong bumabagtas
sa south china sea bawat taon. Apat na pangunahing tagapagluwas na bansa ang bumabagtas
sa south china sea para sa kanilang pakikipagkalakakalang maritimo: nariyan ang China, Japan,
South Korea at Taiwan.

Tinatayang 65% ng mga petrolyong inaangkat ng south korea, at 60% ng petrolyong inaangkat
ng Japan at Taiwan, ay dumaraan sa makitid na kipot na Malacca papunta sa mga bansang
[Vietnam, China at Philippines.]

Ngayon, 50% ng petrolyong inaangkat ng china ay dumaraan sa makitid na kipot ng malacca.


Ngunit bago mag 2015, 80% ng petrolyong inaangkat ng china ang dumaraan sa makitid na
kipot ng malacca.

At palaging nag-aalala ang china sa posibilidad na may humarang sa makitid na kipot na ito, na
maaring makasama sa ekonomiya ng china.

Nagpatayo ang china ng 2 pipeline: Isa para sa langis at isa para sa gas, mula sa baybayin ng
Myanmar hanggang sa Kunming sa probinsya ng Yunman.

Nagsimula ang operasyon ng mga pipeline na ito noong 2015. Kaya ngayon 30% ng petrolyong
inaangkat ng china ay dumaraan sa dalwang pipeline na ito, at 50% na lamang ang dumaraan sa
makitid na kipot ng malacca.

Nasa 12% ng kabuuang taunang pandaigdigang huli ng isda sa buong mundo ang nagmumula sa
south china sea. Ang south china Sea ay mayaman sa isda, Ito’y isang napakaliit na dagat na
kumakatawan lamang sa halos 2.5% ng karagatan ng buong mundo. Ngunit kumakatawan ito sa
12% ng taunang huli ng isda dahil sa spratlys.

Ang spratlys ay malawak na koleksyon ng mga atoll reef kung saan nalalagi ang mga isda para
mangitlog. Ang mga itlog ay tinatangay ng mga alon patungo sa mga baybayin ng china,
Vietnam, Luzon, palawan, dagat ng sulo, Indonesia (sa natuna at borneo).
2

Iyon ang dahilan kung bakit maraming isda sa south china sea. Kung wala ang spratlys, hindi
tayo makakakuha ng sing raming isda na tulad ng nakukuha natin ngayon sa south china sea.

Ang sout china sea ay mayaman din sa mga Methane Hydrates.

Ano ba ang methane Hydrate?

Ito ay mga tumpok ng mineral na matatagpuan sa ilalim ng dagat, kung saan ang temperature ay
napakalamig at ang presyon ay napakabigat. Ang mga yelong kristal ay nabubuo nang
nakapalibot sa natural gas, kaya ang natural gas ay nakapaloob sa mga yelong kristal. Mayroon
na ngayong teknolohiya upang makuha ang mga natural gas na ito. Tinatayang higit na mas
marami ang reserba ng mga methane hydrates sa daigdig kumpara sa pinagsamang reserba ng
langis at gas.

Tinataya ng China na kayang suportahan ng mga methane hydrates sa south korea sea ang
kanilang ekonomiya sa loob ng 100 taon.

Kasalukuyang sinusubukan ng china ang pagkuha ng mga methane hydrate sa lalawigan ng


Guangdong. Mayroon nang teknolohiya ang china upang kunin ang natural gas mula sa mga
methane hydrate. Mayroon na ring ganitongg teknolohiya ang China, US, Canada at Japan.

Kaya ang South China Sea ay isang napakahalagang pandaigdigang daanan sa kasalukuyan.
Sa 5.3 trilyong dolyares na kalakal na dala ng mga barko na dumaraan sa south china sea kada
taon, Isang trilyon ang inaangkat at iniluluwas ng US, at isa pang trilyon ang inaangkat at
iniluluwas ng Europeon Union.
Ang mga bansang ito sa labas ng rehiyon ay may interes sa pagpapanatili ng kapayapaan at
kaayusan sa south china sea, dahil ang kanilang mga inaangkat at iniluluwas ay dumaraan dito.
Ang South China Sea ay mayroon ding daan-daang batuhan (rocks) na nakalitaw tuwing taib
(high tide) ng tubig-dagat. Kahit na isang pulgada lamang ang nakalitaw na batuhan sa taas ng
tubig tuwing taib, itinuturing pa rin itong lupa o teritoryong may Karapatan sa isang territorial
sea, na may saklaw na 12 nautical miles sa palibot nito.
Gaano ito kalawak? Nasa 155 libong ektarya ang sukat nito. Gaano kalaki ang 155 libong
ektarya? Ito ay higit sa dalawang beses ng sukat ng lupain ng buong metro manila, o higit sa
dalawang beses na sukat ng lupain sa Singapore. Kapag nasa pagmamay-ari ng isang bansa ang
isang batuhan na may isang pulgadang nakalitaw tuwing taib sa south china sea, pagmamay-ari
rin nito ang lahat ng nasa loob ng territorial sea nito, kasama ang lahat ng mga isda, langis,
petrolyo at yamang mineral dito.
3

Napakahalaga ng isang batuhan sa gitna ng south china sea. Pinag-aagawan ng ibat-ibang bansa
ang mga batuhang ito at iyon ang dahilan kung bakit mayroong tunggali sa south china sea.
Kahit na hindi makapagpatubo ng kahit isang puno sa mga maliliit na batuhang ito mayroon pa
rin itong 12 nautical miles territorial sea sa palibot nito. Napakalaking sukat nito. Kahit pa ang
mga batuhang nakalubog tuwing high tide ay mayrooon pa ring halaga.
Sa ginanap na arbitrasyon sa the hague, ipinakita natin sa tribyunal ang Pag-asa Island,(ang
pinaka malaki nating teritoryo sa spratlys). Iginiit natin sa tribyunal na ang pag-asa, bilang
batuhan na nakalitaw sa ibabaw ng tubig sa tuwing taib na may 45 na ektaryang lawal, ay
mayroong nakapalibot na territorial sea na may lawak na 12 nautical miles.
Ngunit sa lugar na ito ay mayroon ding mga batuhan na nakalitaw lamang tuwing kati (lowtide
rock). Sa ilalim ng UNCLOS (United Nation Convention Law of the Sea) ang Batuhang nakalitaw
tuwing low tide ay maaring gamitin upang masukat ang 12 nautical miles. Kaya kung susukatin
ang 12 nautical miles mula sa batuhang ito lalawak ang territorial sea ng pag-asa.

Ang territorial sea natin ay hihigit pa sa 12 nautical miles mula sa baybayin ng pag-asa dahil
sinusukat natin ito mula sa naturang batuhan na nakalitaw tuwing low tide. Ang bauthang ito ay
hindi lupa at hindi teritoryo dahil ito ay nakalubog sa tubig tuwing high tide, ngunit nakalitaw
naman tuwing low tide.
Mayroon pa ring halaga ang batuhang ito dahil maari nitong palawakin ang territorial sea. (
Sinang-ayunan tayo ng tribyunal sa puntong ito. Ito ang dahilan kung bakit sinabi ng tribyunal
na ang subi reef ay bahagi ng territorial sea ng pag-asa. Kapag susukatin ang 12 mautical mile
territorial sea mula sa batuhang ito (, nakapaloob ang subi reef sa territorial sea ng pag-asa.
Kung direktang susukatin ito 0 mula sa baybayin ng pag-asa, ang subi reef ay nasal abas ng ating
territorial sea.
Ngunit ayon sa Artikulo 13, Talata 1 ng UNCLOS. Maaring nating gamitin batayan ang naturang
batuhan na nakalitaw tuwing low tide.
4

Hindi lumahok ang China sa nangyaring arbitasyon sa The Hague, ngunit nagsumite naman sila
ng position paper. Sinabi ng China na hindi sila nakikilahok ngunit nilatag naman nila ang
kanilang posisyon. At ito ang nasa position paper: Sinabiu ng china na sa amin ang South China
Sea dahil kami na ang nagmamay-ari nito mula pa man noong 2000 taon na ang nakakalipas.
Sila raw ang unang bansang nakatuklas, pangpangalan, gumalugad at kumasangkapan sa mga
likas na yaman ng mga pulo sa South China Sea. Ito ang klwento ng kasaysayan ng China, ang
dahilan kung bakit nila inaangkin ang South China Sea.
Ang kwento ng kasaysayan na ito ang tinuturo sa mga mamamayang Chinese mula sa
elementarya hanggang sa kolehiyo. Bawat Chinese na heneral, admiral, kasapi ng politburo,
diplomant, propesor, negosyante, kawani ng gobyerno – itinuro sa kanila itong kuwento ng
kasaysayan at taimtim silang naniniwala napagmamay-ari nila ang south china sea mula noong
2000 taon na ang nakalilipas. Sila raw ang unang nakatuklas, nagpangalan, gumalugad at
nakinabang dito. Ang kuwento ng kasaysayan na ito ay maling mali at walang katotohanan.
Tinatawag ko ito na fake news of the millennium, fake history of the millennium. Ito ay maling
mali at papatunayan ko ito.
Noong 2009, isinumite ng china ang mapang ito sa United Nations. Tinatawag itong “nine-dash
line” na mapa ng China. Kalakip nito ang note verbale na nagsasabing pagmamay-ari nila ang
lahat ng nakapaloob sa nine-dash line.
Inilahad ng tribyunal ng The Hague na sa petsang ito [Mayo 7, 2000] lamang unang ipinaalam ng
china sa buong mundo ang kanilang pag-aangkin. Bagaman 1947 pa nilikha ng china ang
mapang ito sa loob lamang ng china ito ipinamahagi. Hindi ito ipinakalat sa labas ng china, at
hindi ito pinaiiral sa buong mundo.
Taong 2009, nang isinumite ito sa UN ang panahon para maglahad ng patutol ang ibang mga
bansa, at mariin nating tinutulan ang mapang ito. Hindi pagmamay-ari ng china ang katubigan
sa loob ng nine-dash line. Kasama nating nagprotesta ang Indonesia, ang Vietnam, at marami
pang mga bansa.
Noong 2013, naglathala ang china ng isang bagong mapa. Sa mapang ito ay idinagdag ng China
ang ika-sampung dash sa silangang bahagi ng Taiwan. Kaya’t ang nine-dash line ay patuloy pang
dumarami hanggang ngayon.
May sampung dash na ngayon ngunit tinawag ko pa rin itong nine-dash line. Kung titingnan ang
mapang ito, ang itsura ng linyang gamit para sa lupang teritoryo ng China ay katulad din ng
linyang nasa sampung dash. Ibig sabihin nito, ang pagturing ng china sa katubigan sa loob ng
sampung dash ay tulad din ng pagturing nito sa kanyang lupang teritoryo.
Itinuturing ng china ang katubigan bilang bahagi ng kanilang pambansang teritoryo. Prinotesta
rin natin ang mapang ito.
5

Balikan natin ang kasaysayan. Ano ang nangyari sa south china sea mula 1946 hanggang
2017?
Bago ang ikalawang digmaang pandaigdig, ang pinakatimog na teritoryo ng china ay ang Hainan.
Walang kahit isang Chinese ang manlalayag o sundalo ang nakahimpil sa south china sea. Wala
sa paracels, wala sa spartlys, wala sa Scarborough Shoal.
Sa buong kasaysayan ng mga dinastiya sa china, ang pinakatimog nilang teritoryo ay ang Hainan.
Hindi kailaman inokupa ng china ang alinman sa mga isla sa south chine sea.
Kailan lumayo ang China sa Hainan?
Bago magsimula ang ikalawang digmaang pandaigdig, inagaw ng mga Japanes mula sa French
ang paracels. Ang mga French ang nag ookupa sa paracels noon. Ang Japan naman ang nag-
ookupa sa Itu Aba, ang pinakamalaking batuhan sa spratlys. Nagtayo ang Japan ng isang
submarine base sa Itu Aba, at ito ang ginamit nila sa pagsalakay sa Pilipinas. Sa pagkatalo ng
puwersa ng mga Japanese, nilisan nila ang South China Sea. Dito na nagsimula sa pagkilos ang
china.
Noong 1946(Amphitrite Group of the Paracels), pagkatapos ng ikalawang digmaang pandaigdig
at nakaalis na ang mga Japanese sa South China Sea, sinakop ng China ang Kalahati ng Paracels.
habang ang kalahti ay nabawi ng mga French at naipasa sa pamahalaan ng South Vietnam.
Noong 1946 din sinakop ng china ang Itu Aba, na dating submarine base ng Japan.
Kaya 1946 ang taon kung kailan nakapagsagawa ng malaking hakbang ang china sa south
china sea: mula sa Hainan, patungo sa paracels at patungo sa Spratlys.
Noong 1974(Crescent Group of the Paracels), nang patapos na ang digmaan sa Vietnam, inagaw
ng china ang kalahati pa ng paracels mula sa pamahalaan ng south Vietnam na noon ay labis
nang mahina. May naganap na labanan doon, ang Battle of the Paracels.
Noong 1987, naglagay ang china ng isnag radar weather station sa Fiery Cross Reef.
Noong 1987(Fiery Cross Reef), Nagsagawa ang UNESCO ng pandaigdigang sarbey ng mga
karagatan, at nag-alok ng tulong ang china. Sinabi nilang tutulungan nila ang UNESCO sa
pamamagitan ng pagtatayo ng radar weather station sa Fiery Cross Reef. Tinuturing itong isang
marangal na proyekto noon. Walang tumutol, at pinapurihan ng lahat ang China. Sa
kasalukuyan, ang fiery cross reef ay isa nang panghimpapawid at maratimong base militar ng
china.

Noong 1988 (Subi Reef at Johnson Reef) naman, inagaw ng china ang Subi Reef mula sa
Pilipinas. Hindi man lang natin ito napansin. Hindi ito naiulat sa mga pahayagan sa Maynila.
Hindi pa tayo pamilyar sa UNCLOS noong panahong iyon. Inagaw ng china ang Subi Reef at
kasabay nito, inagaw din ng china ang Johnson South Reef mula sa mga Communist Vietnamese.
6

Nagkaroon ng labanan sa Johnson South Reef sa pagitan ng mga Vietnamese at Chinse, kung
saan tinatayang 69 na marinong Vietnamese ang namatay.
Noong 1995 (Mischief Reef), inagaw ng china ang Mischief Reef mula sa Pilipinas. Sa
pagkakataong ito malawakan na itong naiulat sa mga pahayagan sa Maynila.
Noong 2012(Scarborough Shoal), inagaw ng china ang Scarborough Shoal mula sa Pilipinas.
Malawakan din itong naiulat.
Noong 2013(Luconia Shoal), inagaw rin ng china ang Luconia Shoals mula sa Malaysia. 54
nautical miles lamang ang layo ng luconia shoals mula sa baybayin ng Sabah.
Noong 2015 hanggang 2016, sinimulan ng China ang pagbuo ng mga baseng panghimpapawid
at pandagat sa pitong lugar na inookupa nila sa Spratlys.
Nagsimula ang reklamasyon ng China sa mga ito sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga
aritipisyal na isla.
Noong 2017(Sandy Cay), inagaaw ng China ang Sandy Cay mula sa Pilipinas sa pamamagitan ng
paglibot dito ng mga barkong pandigma ng China. Ganito rin ang paraang ginamit nila sa pag-
agaw sa Scarborough Shoal mula sa Pilipinas. Pinalibutan nila ito ng mga barkong pandigma.
Kasama ang kanilang cost guard, at ganito nila naagaw ang Sandy Cay mula sa Pilipinas. Ang
sandy Cay ay 2 nautical miles lamang ang layo sa Pag-asa, ang ating pinakamalaking batuhan sa
Spratlys. Gayunpaman, kasalukuyan pa ring itinatanggi ng administrasyong Duterte ang pag-
agaw na ito. Hindi rin nila sinasabi sa sambayanang Pilipino na inagaw ng mga Chinese ang
Sandy Cay mula sa atin.
Kaya kung titingnan ang mga kaganapan na ito mula 1946 hanggang 2017, makikita ang unti-
unting pagsakop ng China sa South China Sea. At iyon ang eksaktong naganap mula sa 1946
hanggang 2017.
Noong pebrero 2016, ilanag buwan bago inilabas ng Tribyunal ang pagpapasya noong hulyo
2016, ang ministrong panlabas ng china si Wang Yi ay nagbigay ng isang panayam sa Washington
DC sa CSIS na isang pangunahing think tank sa Washington DC at sa harap ng mga diplomat
mula sa ibat-ibang panig ng pandaigdig. Sinabi ng Ministrong panlabas na si wang yi na ang
china at pilipinas ay malapit na magkapitbahay lamang na pinaghiwalay ng makitid na anyong
tubig. {China at Pilipinas ay malapit na magkapitbahay lamang na pinaghiwalay ng makitid na
anyong tubig.}
Isipin Ninyo iyon, paano tayo naging magkalapit na kapitbahay na pinaghiwalay lamang ng
makitid na anyong tubig?
Narito ang paliwanag. Dahil tinuturing na ang nine-dash line ang pambansang
hanggahan ng China. Pagmamay-ari ng China ang Lahat ng katubigan sa kanluran at ang nalalabi
na lang para sa atin ay ang makitid na anyong tubig na ating territorial sea at exclusive economic
zone. Kaya mula sa isla ng Balabac, ang ating pinakamatimugang isla na nakaharap sa South
7

China Sea. Ang teritoryo ng China ay may distansya lamang sa atin ng 64 kilometro. Mula
Bolinao sa Pangasinan, ang teritoryo ng China ay 70 kilometro lamang ang layo. Mula sa Isla ng
Yami, ang ating pinakakatimugang teritoryo sa Batanes, ang hanggahan ng China ay may layo
lamang na 44kilometro.
Ito ang kuwento ng kasaysayan na itinuro sa bawat mamamayang Chinese.
Nang dumating si Pangulong Xi Jinping dito noong Nobyembre 2018, bago ang kanyang aktuwal
na pag dating. Si ambassador Zhao ng China ay nagsulat ng isang artikulo sa Philippine Star.
Nobyembre 15, 2018 ito nailathala. Sa artikulong ito, sinabi sa kanyang panimulang pahayag na:
“Pinaghihiwalay ng makitid na anyong tubig lamang, ang China at Pilipinas ay magkalapit na
magkapitbahay sa loob ng daan-daang taon.”
Ito na naman ang kanilang kuwento ng kasaysayan.
Ayon kay Ambassador Zhao, ito ang konteksto ng pagbisita ni Pangulong Xi Jinping sa Maynila.
Dahil malapit na magkapitbahay ang Pilipinas at China. Bumibisita sa Pilipinas si Pangulong Xi,
ito ang opisyal na inilathala sa Philippine Star.
Tinanong ko ang mga patnugot ng Star kung sino ang nagbigay sa kanila ng larawan na ito, at
sinabi nila na ang nagbigay ay si Ambassador Zhao.
Ito ang pasimpleng mensahe ng mga Chinese: Ang pangulong Duterte at ang buong
gabinete ay sumasang-ayon na ang Pilipinas at China ay napakalapit na magkapitbahay sa loob
ng daang-daang taon na pinaghihiwalay lamang ng makitid na anyong tubig. Hindi ito kailanman
kinuwestiyon ng administrasyong Duterte, hindi ito kailanman tumutol.
Kaya’t nang dumating si Pangulong Xi sa Maynila, nagpalathala siya ng isang artikulo na
nasa buong unang pahina sa Manila Bulletin at Philippine Star. May pamagat ito na Open Up
New Future Together for China-Philippines Relations.
“Mahigit 600 taon na ang nakaraan, ang Chinese na manlalayag na si Zheng He ay
makailang ulit na dumaong sa maynila, kabisayaan, at sulu sa loob ng kanyang pitong
paglalakbay sa ibang bansa.” Sinasabi ni President Xi sa mga nasa Pilipinas na dumaong sa
Maynila ang mga Chinese mahigit 600 taon na ang nakakalipas. Bakit ito sinabi ni Pangulong Xi?
Noong nakaraang taon ng 2019, ipinagdiwang ng mga Espanyol ang ika-500 anibersaryo ng
paglisan ni Magellan. Umalis siya mula sa Espanya noong 1519, at makalipas ang dalawang taon
ay narating niya ang Pilipinas noong 1521. Kaya sa susunod na taon, sa 2021, ay ipagdiriwang
natin ang 500 anibersaryo ng pagdating ni Magellan at ng Kristiyanismo. Ngunit, iginigiit ni
Pangulong Xi na nauna sila, na narito na sila sa Pilipinas 600 taon na ang nakaraan, samantalang
500 taon lamang ang nakalilipas nang dumating ang mga Espanyol. Sinasabi ni Pangulong Xi na
nauna sila ng isang daang taon sa mga Espanyol. Sinasabi ng Chinese na sila ang naunang
nakadiskubre ng Pilipinas. At dahil sila ang unang nakadiskubre, ang mga isla ng Pilipinas ay
pagmamay-ari nila. Ngunit sasabihin din nila: “Mapagbigay kami, hindi naming balak bawiin ang
Luzon, Visayas at Mindanao. Ngunit pananatilihin naming ang pag-aari ng Spratlys at
Scarborough Shoal.” Iyan ang menshane ni Pangulong Xi sa Philippine star at manila bulletin.
Ngunit ang kuwentong ito ay pawang mali! Hindi kailanman bumisita sa Pilipinas si Zheng He.
8

May isang International Zheng He Society, at mayroon silang isang sangay sa Singapore.
Binubuo ito ng mga pantas. Noong 2005, ang Singapore Zheng He International Society ay
naglathala ng isang aklat na may pamagat na Admiral Zheng He and Southest Asia. Isa sa mga
artikulo sa aklat na iyon ay isinulat ni Propesor Hsu. Ang pamagat ng kanyang artikulo ay Did
Admiral Zheng He Visit the Philippines? Sinabi ni Propesor Hsu na hindi napadpad kailanman si
Zheng He sa Pilipinas. Ang salitang Chan Cheng ay pangalan talaga ng Disnastiyang Ming para sa
isang estadong Malayo sa Indochina. Inakala nil ana ang Chan Cheng ay tumutukoy sa Luzon,
ngunit sinabi ni Propesor Hsu na ang Chan Cheng ay ipinangalan ng Dinastiyang Ming sa isang
Estadong malay sa Indochina.
Nagkaroon ba ng isang estadong Malay sa Indochina? Oo, ang kahariang CHAMPA.
Ang mga cham ay nagmula sa mga Austronesyano. Tayong mga Pilipino ay nagmula rin sa mga
Austronesyano. Ang wikang tagalog ay mula sa wikang Austronesyano. At ang wika ng mga cham
ay namula rin sa wikang Austronesyano. Ang mga cham ay nagtatag ng isang makapangyarihang
maritimong kaharian sa Central Vietnam. Ito ay bago pa ang pagdating ng mga European sa
South China Sea, bago pa ang 1400s, bago pa ang ika-14 na siglo. Talagang makapangyarihan
ang mga cham, kung kaya’t ang tawag noon sa South China Sea ay Cham Sea. Ang unang
Pangalan ng South China Sea ay Cham Sea. Dahil ang mga cham ay isang makapangyarihang
maratimong kaharian sa Central Vietnam na nakaharap sa Cham Sea.
Noong nakaraang disyembre, bumisita ako sa Danang sa Central Vietnam. Mayroong
isang Museo ng Cham sa Danang, at isa sa mga aklat na maaaring bilhin doon ay ang Vestiges of
Champa Civilization. Ayon sa aklat, “Ang pangalang Chan Cheng ay nagmula sa terminong
champapura na nangangahulugang ‘bayan ng champa.’” Ang mga naninirahan sa kaharian ng
champa ay mga cham. at ang wika nila ay nasa ilalim ng kategoryang austronesyano. Ang mga
cham na ito ay ating malalayong pinsan dahil sila ay mga austronesyano na katulad natin. Kaya
talagang nakarating si Zheng he sa Central Vietnam. Ang chan cheng ay nasa Central Vietnam,
hindi sa Pilipinas. Mayroong isang pantas na chinese na nagtatrabaho sa Naval Hydrographic
Institute ng People's Republic of China. Nagulat siya ng isang artikulo sa International
hydrographic review noong 1988. Sinundan niya ang ruta ng mga paglalayag ni Zheng He mula
China papuntang Central Vietnam at hanggang sa makitid na kipot ng malacca. Narito ang
Pilipinas, kaya ni hindi manlang nakita ni Zheng He ang baybayin ng Pilipinas at ito ay mula sa
isang pantas na chinese na nagtatrabaho sa peoples republic of china. Noong 2018, naglathala
ang National Geographic Magazine ng isang artikulo ukol sa pitong paglalakbay ni Zheng He.
Naglalaman ang artikulong itoo ng isang tsart na nagpapakita ng kanyang ruta sa paglalayag.
Mula sa China, tumungo siya sa Central Vietnam at makitid na kipot ng Malacca. Malayo rito
ang Pilipinas kaya hindi siya nakarating sa Pilipinas. Sa katunayan, lahat ng mga pantas sa buong
mundo ay nagkakaisa na kailanman ay hindi bumisita sa Pilipinas si Zheng He.
Ngayon, ang pinakamalaking pulo sa Spratlys ay Itu Aba. Narito ang larawan ng Spratlys. Ang Itu
Aba ay 45 ektarya, kumpara sa Pag-Asa na 36 ektarya lamang. Kasalukuyan itong Okupado ng
Taiwan. Ang Isyu sa Aribitasyon ukol dito ay ito: ang isla bang ito ay may kakayahang sustenahan
ang paninirahan ng tao sa sarili nito? Dahil lung may kakayahan itong sustenahan ang
9

paninirahan ng tao sa sarili nito may Karapatan ito sa isang 12 nautical mile territorial sea
kasama ang extended continental shelf hanggang 200 nautical miles. Ngunit kung ang pulong ito
ay walang kakayahang sustenahan ang paninirahan ng tao sa sarili nito nangangahulugang na
walang kahit anong pulo sa spratlys ang may kakayahang sustenahan ang paninirahan ng tao sa
sarili nito. Kung gayon, lahat ng pulo sa Spratlys ay mayroon lamang 12 nautical mile territorial
Sea. Idineklara ng chin na may kakayahang lumikha ang Itu Iba ng 200 nautical mile na EEZ. Ang
EEZ nito ay sasapaw sa EEZ ng palawan. May reserbasyon ang China noong 2006 na kung
sakaling may magsapawan na EEZ ay hindi ito magpapasailalim sa sapilitang aribitasyon. Anila,
yayamang may EEZ ang pulong ito, walang hurisdiksyon dito ang tribyunal. Kaya ang isyu kung
ang Itu Aba ay may kakayahang panahanan ng tao sa sarili nito o hindi ay isang napakahalagang
isyu o kaso. Dahil kung ito ay may kakayahang sustenahan ang paninirahan ng tao sa sarili nito
ibig sabihin ang EEZ na 200 nautical miles ng Itu Aba ay sasapaw sa EEZ ng palawan. At
samakatuwid ay walang hurisdiksyon dito ang Tribyunal dahil ang islang ito ay nasa 200 nautical
miles ang layo sa Palawan. Ngayon ano ang naging kapasyahan ng Tribyunal? Sinabi ng Tribyunal
na upang matukoy kung ang isang isla ay may kakayahang sustenahan ang paninirahan ng tao sa
sarili nito o hindi dapat mong tingnan ang likas na kondisyon nito, kung mapapanatili nito ang
isang matatag na komunidad ng mga tao. Kayang manirahan ng tao sa Itu Aba dahil nagtayo ang
Taiwan doon ng dalawang planta para sa desalinasyon. May mga taniman ng mga gulay doon,
may mga puno ng prutas doon. Dahil nagluwas ang Taiwan ng lupang taniman mula sa Taipei at
inilagay ito sa Itu Aba kaya nakapagtanim ng mga puno ng prutas doon ngayon. Ngunit sinabi ng
tribyunal na hindi iyon maikokonsidera dahil dapat tingnan ang natural na kondisyon nito.
Inilahad ng Tribyunal na isa itong borderline case, kung kayang suportahan ng Itu Aba ang isang
matatag na komunidad ng mga tao. Mayroong tubig doon kapag umuulan, ngunit kapag walang
ulan ay walang tubig sa Itu Aba. Ang lupa ay sobrang nipis, kaya ito ay isang borderline case.
Kung borderline case ito, dapat tingnan ang pangkasaysayang presensya ng mga tao sa Itu Aba.
May mga nanirahan ba talaga dati na mga tao sa Itu Aba? Walang tala na sumuporta rito, kahit
isa. Kaya sinabi ng tribyunal na kung walang tala ukol sa paninirahan ng mga tao sa Itu Aba
marahil ito ay dahil hindi talaga kayang suportahan ng Itu Aba sa sarili nito ang komunidad ng
mga tao. Kaya ang kapasyahan ay ang Itu Aba, na pinakamalaking pulo sa Spratlys ay walang
kakayahang sustenahan ang paninirahan ng tao sa sarili nito at samaktuwid ay walang taglay na
EEZ, mayroon lamang itong territorial sea. At ito ang dahilan kung bakit inilahad ng Tribyunal na
mayroon silang hurisdiksyon sapagkat walang magkasapaw na EEZ sa pagitan ng Palawan at
anumang anyong lupa sa Spratlys.

Tumango tayo sa Scarborough Shoal. Ang Scarborough Shoal ay isang piraso ng batuhan, iyan
lamang ang makikita kapag taib. Ito ay isang batuhang nakalitaw kapag taib, kung kaya’t ito ay
lupa, ito ay teritoryo. Ayon sa china, may kakayahan itong panahanan ng tao sa sarili nito at may
Karapatan ito sa isang 200 nautical mile exclusive economic zone. Sinabi natin na hindi ito totoo,
malinaw naman na hindi ito kayang panahanan ng tao. Walang kahit isang hibla ng damo ang
tumutubo roon, walang kahit isang patak ng sariwang tubig. Kaya sumang-ayon sa atin ang
10

Tribyunal na ang Scarborough Shoal ay isa lamang batuhan. Nagtataglay ito ng 12 nautical mile
territorial sea, ngunit hanggang doon lamang. Hindi ito makalilikha ng exclusice economic zone.
Sinabi ng tribyunal na sa ilalim ng UNCLOS ang isang baybaying-estado ay maaaring umangkin
ng 12 nautical mile territorial sea at kung may espasyo, karagdagang 188 nautical miles o
pangkabuuang 200 nautical miles mula sa baybayin. Kung may espasyo pa ay karagdagang 150
nautical miles kaya ang pinakamalaking maaring angkinin ng isang estado sa ilalim ng UNCLOS
ay aabot ng 350 nautical miles. Ang inaangkin ng China ay higit pa sa 350 nautical miles.
Inaangkin ng China ang Reed Bank na halos 800 nautical miles ang layo mula sa Hainan. Kaya
ang pag-angkin ng china sa mga katubigan sa loob ng nine-dash line na lagpas sa 350 nautical
miles ay walang legal na batayan at iyon ang pasya ng Tribyunal. Bawat estado sa mundo, bawat
baybaying-estado ay maaring umangkin ng hanggang 350 nautical miles lamang: ang 12 nautical
miles territorial sea at 200 nautical miles EEZ na sinusukat mula sa baybayin at ang 150 nautical
miles na sinusukat naman mula sa dulo ng EEZ. Iyon na lahat, hindi na maaring umangkin nang
lagpas pa roon dahil iyon ang UNCLOS, iyon ang batas ng dagat. Kaya lubos tayong nagtitiwala
na kakampihan ng tribyunal ang ating posisyon na ang nine-dash line ay walang anumang legal
na batayan na umangkin ng katubigan na lagpas sa pinahihintulutan ng UNCLOS. Ang probleme
natin ay, alam natin na magiging problema ang pagpapatupad ng kapasyahan ng Tribyunal. Dahil
itinuro sa mga mamamayang Chinese ang kwento ng kasaysayan na pangmamay-ari nila ang
south china sea. Hindi susunod sa kapasyahan ang pamahalaang Chinese dahil sasabihin ng mga
mamamayan nila, “Bakit Ninyo ipamimigay ang teritoryo na ipinama sa atin ng ating mga
ninuno? Ang mga ito ay sagradong katubigan, sagradong teritoryo, sagradong kapuluan.” Kaya
hindi susunod ang pamahalaang chinse; baka itakwil sila ng kanilang mga mamamayan. Kaya
kinakailangan nating pakiusapan ang Tribyunal, na kanilang pagpasyahan kung totoo o hindi ang
kuwento ng kasaysayan ng china, kung makatotohanan ba ang batayan ng kuwento ng
kasaysayang iyon.
Mabuti na lamang ay tumugon ang Tribyunal. Kaya’t tinukoy natin ang isyung ito: totoo
nga bang may karapatang pangkasaysayan ang china? Ang pinag-uusapan na natin ngayon ay
kasaysayan, hindi na batayang legal.
Paano natin nakumbinse ang Tribyunal na kailanman ay hindi nagkaroon ng
pangkasaysayang Karapatan ang China? * Nagtatag tayo ng mahigit sa 170 na mga sinaunang
mapa, ang pinakamaraming bilang ng mga mapa na isinumite sa anumang pandaigdigang
arbitrasyon. [1] At nagpasa tayo ng mga mapa ng mga dinastiyang Chinese na hindi nila maaring
ikaila. [2] Naglatag tayo ng mga mapa ng Pilipinas. [3] at mga mapa ng iba pang bansa sa Timog-
Silangang Asya. At mga Europeong mapa ng Asya na nilikha ng mga Europeong Kartograpo. [4]
At naglatag tayo ng mga opisyal na dokumento ng China matapos ang Dinastiyang Qing.
11

Pag-usapan natin ngayon ang mga mapang ito (ANCIENT MAPS OF THE PHILIPPINES)
Para sa Pilipinas ay maglalatag lamang ako ng isang mapa, ang pinakamahalagang mapa
ng Pilipinas. Ito ay ang 1734 na mapa nina Velarde-Bagay-Suarez, at ang mapang ito ay ang
unang mapa na nagbigay ng pangalan sa Scarborough, at ang pangalang iyon ay Panacot. Ito ang
unang map ana nagbigay ng pangalan sa Scaborough Shoal at ang pangalan ay isang salitang
Tagalog na Panacot. Bakit panacot? Ang panacot ay nangangahulugang panganib. Kung ikaw ang
kapitan ng isang barko at hindi moa lam kung nasaan ang Panacot ang iyong barko ay maaring
tumama sa mga bato ng Panacot at ang iyong barko ay maaring lumubog. Ito ang nangyari sa
isang barkong Briton na nagngangalang Scarborough. Lumubog ito sa Panacot Shoal, sa mga
bato ng Panacot. Pinangalan ito ng mga Europeong kartograpo na Scarborough Shoal, ngunit
tayo ang unang nagbigay ng pangalan dito. Walang mas matandang mapa mula sa China o mula
sa Vietnam o mula sa anumang bansa na nagpapakitang pagmamay-ari o teritoryo nila ang
Scaborough Shoal. Taglay natin ang pinakalumang mapa at ang mapang ito ay nagpapakita rin
ng Los Bajos De Paragua. Ang Paragua ay lumang katawagan sa Palawan ng mga Espanyol.
Pinangalanan lamang itong Palawan noong panahon ng rehimeng Amerikano. Ang Los Bajos ay
isang terminong Espanyol na nangangahulugang Shoals, ang shoals ng Paragua. Ang shoals ng
Paragua ay ang Spratlys. Walang mas lumang map amula sa China o Vietnam na nagpapakitang
pagmamay-ari nila ang Spratlys. Taglay natin ang pinaka lumang map ana nagpapakita ng
spratlys na may kasamang pangalan. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na binigyan ng
pangalan ang Spratlys, Los Bajos de Paragua. Ang mapang ito ay ginawa ni Padre Pedro Murillo
Velarde, isang paring Heswita. Siya na marahil ang pinakamatalinong prayleng Espanyol na
ipinadala sa Pilipinas sa panahon ng rehimeng Espanyol. Ang tagapag-ukit ng mapang ito
sapagkat ito ay nakaukit sa binatbat na tanso ay isang Pilipino, si Nicolas Dela Cruz Bagay. At ang
gumuhit ng mapang ito ay isa ring Pilipino, si Francisco Suarez.
At bakit mahalaga ang mapang ito? Mahalaga ito dahil sa cartouche na ito. Ang
cartouche na ito ay ang Royal Coat of Arms ng Hari ng Espanya na nangangahulugang ito ay
isang opisyal na mapa ng kaharian ng Espanya na nagpapakita ng Teritoryo ng Pilipinas noong
1734.
Iyan ang cartouche. Noong 1732, inutusan ni Haring Philip V ng espansya ang
Gobernador-Heneral noong panahong iyon. Si gobernadora-heneral tamon, na gumawa ng
isang mapa ng teritoryo ng Pilipinas. Inatasan ni Gobernador-Heneral Tamon si Pader Pedroi
Murillo Valerde, ang heswitang pari. Kaya ito ay isang opisyal na mapa ng teritoryo ng Pilipinas
sa panahon ng rehimeng Espanyol. Napakahalaga ng mapang ito dahil tinutukoy ng mapang ito
ang teritoryo ng Pilipinas kahit hanggang sa Kasalukuyan. Tandaan na ipinapakita ng mapang ito
ang Scarborough Shoal na may pangalan na Panacot, at ang Spratlys, na may pangalang Los
Bajos De Paragua. Babalikan natin mamaya ang mapang ito.
12

(ANCIENT MAPS OF CHINA)


Mga sinaunang mapa ng China. Inilathala ng China ang Atlas ng mga Sinaunang Mapa ng
China, tatlong tomo, magkakaibang petsa, isa noong 1990, ang isa pa ay noong 1994, at ang isa
pa ay noong 1997. Hindi maaaring itatwa ng china ang mga mapang ito dahil sila mismo ang
naglathala ng atlas na ito bilang opisyal na paglathala ng People’s Republic of China. Pagtuunan
natin ng pansin ang mapang ito. Ito ay isang map ana libo-libong taon na ang tanda, sa panahon
ng Dinastiyang Tang. Ipinakita nito ang Hainan bilang pinakatimog na teritoryo ng China. Ito ay
ika-97 na mapa ng Atlas ng mga Sinaunang Mapa ng China. Kaya noong panahon ng Dinastiyang
Tang, ang pinakatimog na teritoryo ng China ay Hainan. Ang sumunod na mapa ay isang mapa
na nilikha noong panahon ng Dinastiyang Song, 1136 at ipinapakita nito ang Hainan bilang
pinakamatimog na teritoryo ng China. Mayroon lamang isang kopya ng mapang ito, at ang
mapang iyon ay naroon pa rin sa China, dahil isa itong mapang bato. Noong maagang bahagi ng
1990s, may isang French na naglagay ng papel sa ibabaw ng mapang bato at ikinuskos ito rito. At
ito ang marka ng pinagkuskusan. Sa kasalukuyan, ito’y nasa US Library of Congress kung saan ko
nai-download ang isang high resolution copy nito. Ang mapang ito ay ika-60 sa Atlas ng mga
sinaunang Mapa ng China. Kaya hindi ito maaring itatwa ng China. Kahit sa kasalukuyan ay
maaring makita ang mismong mapang baton a ito, naroon pa rin ito sa forest of Stone Steles
Museum sa Xi’an, China. Mayroon lamang isang kopya nito, at naroon pa rin ito. Nariyan ang
Dinastiyang Song, at ang sumunod ay ang Dinastiyang Yuan, ang dinastiyang Mongol. Ito ang
mapa mula sa Dinastiyang Yuan, at ipinakita nitong Hainan ang Pinakatimog na Teritoryo ng
China. Ito ay ikaw-193 sa atlas ng mga Sinaunang Mapa ng China. Panahon ng Dinastiyang Yuan,
ang dinastiyang Mongol, ang pinakatimog ng china ay Hainan. Mayroon na tayong Song, Yuan at
ang sunod na dinastiya ay ang Dinastiyang Ming. Ito ang map amula sa dinastiyang ming, at
ipinapakita nito ang Hainan bilang pinakatimog na teritoryo ng China. Ito ay isa sa
pinakapaboritong mapa ng china, at ginawa nila itong pang-unang mapa sa Atlas ng mga
Sinaunang Mapa ng China. Isang kopya lang ito dahili ipininta ang mapang ito sa selda. At ang
orihinal na kopya ay naroon pa rin sa uanang pangkasaysayang arkibo ng China sa Beiging. Kaya
noong Dinastiyang Ming, ang pinakatimo na teritoryo ng China ay Hainan. Tumungo tayo sa
huling dinastiya ng China, ang Dinastiyang Qing. Ito ang mapa mula sa Dinastiyang Qing, at
ipinapakita nito ang Hainan bilang pinakatimog na teritoryo ng China. Kaya noong Dinastiyang
Qing, Hainan ang pinakatimog na teritoryo ng China. Mula Song hanggang Qing, humigit
kumulang isang libong taon, ang pinakatimog na teritoryo ng China ay Hainan. Natapos ang
Dinastiyang Qing noong 1912. Ipinakita natin ang mga ito sa tribyunal. Ipinakita natin ang mapa
ng Asya, at ang lahat ng mga mapa ng mga dinastiyang Chinese at ipinakita ng mga ito na Hainan
ang pinakatimog na teritoryo ng China noong panahon ng mga Dinastiya. Hindi kailanman
inokupa ng China ang Paracels, hindi inokupa ang Spratlys, hindi inokupa ang Scarborough
Shoal.
Inilahad natin sa ating isinumite, nakiusap tayo sa arbitrasyon sa Tribyunal ng The Hague
na hindi dapat lumampas patimog ang Teritoryo ng China nang higit pa sa Hainan.
13

Kailan ba lumampas ang China sa Hainan?


Noong 1932, hindi okupado ng anumang bansa ang Paracaels, kaya ang mga French ang unang
umokupa rito. Ang mga French ang kolonyal na kapangyarihan sa Vietnam. Nag protesta ang
china, na noon ay pinamamahalaan ng Kuomintang. Nagpadala ng note verbale ang China sa
pamahalaang French noong Setyembre 29, 1932 at nag protesta, iyon ang laman ng note
verbale. Sa note verbale na iyon, sinabi ng china na may dalawang pangkat sa Paracels, ang
pangkat ng Amphitrites at ang Pangkat ng Crescent. May layo itong 145 nautical miles mula sa
Hainan, at ito ang pinakatimog na teritoryo ng China. Ang paracels ang pinaka timog na
teritoryo ng China. Sinabi ng China noong 1932 sa isang opisyal na deklarasyon sa buong mundo
na ang Paracels ang kanilang pinaka timog na teritoryo. Hindi na nila iyan mababawi.
Kaya inilahad muli namin sa Tribyunal na ang teritoryo ng mga Chinese ay nagtapos
lamang hanggang sa Paracels.
Hindi ito umabot sa Spratlys, hindi ito umabot sa Scarborough Shoal. Narito na tayo sa
1932.

Naging Republika ang China sa pagtatapos ng Dinastiyang Qing noong 1912. Bilang Republika,
kinakailangang magkaroon ng isang konstitusyon, at nagkaroon ang China ng maraming
Konstitusyon. Ang kanilang unang konstitusyon, probisyunal na konstitusyon noong 1914 ay
nagbigay ng pakahulugan sa kanilang teritoryo, dahil kinakailangan mong bigyan pakahulugan
ang iyong teritoryo sa isang konstitusyon. Ipinagpatuloy ng teritoryo ng Republika ng China ang
Teritoryo ng dating Imperyo. Initerpreta ng People’s Republic of China ang “Dating Imperyo’
bilang tumutukoy sa teritoryo ng Dinastiyang Qing.

Ipinahayag ng China ang deklarasyon iyon sa [1] 1914 Provisional Constitution of the
Republic of China: “The territory of the Republic of China continues to be the territory of the
former empire (referring to the Qing Dynasty – Ed)” [China No. 2 History Archives, China
International Press.] noong 1980s. Noong panahong iyon, pinipilit patunayan ng China sa
mundo na bahagi ng China ang Tibet. Noong panahon ng Dinastiyang Qing, ang Tibet ay bahagi
ng China. Inilimbag ng People’s Republic of China ang pahayag na “ang dating imperyo ay
tumutukoy sa Dinastiyang Qing.” Dahil ang Dinastiyang Qing ang pinakamalawak na paglaganap
ng Teritoryong Chinese sa kasaysayan. Bahagi nito ang Tibet, bahagi nito ang Xinyang. Ngunit sa
kamaang palad para sa China, ang pinakatimog na teritoryo ng China noong panahpon ng
Dinastiyang Qing ay Hainan. Iyon ang Konstitusyon ng China, ang kanilang teritoryo ay ang
teritoryo ng Qing. Ang teritoryo ng Qing ay hindi kailanman lumampas sa Hainan.
Sa sumunod na konstitusyon ng China, ang konstitusyon ng 1924, pareho lang.
[2] 1924 Constitution of the Republic of China: “The territory of the Republic of China continues
to be the traditional territory.” Ang teritoryo ng Republika ng China ay ang tradisyunal na
teritoryo pa rin, ibig sabihin, ang teritoryo ng Qing. Ang teritoryong ito ay hanggang sa Hainan
lamang sa katimugan.
14

Pareho rin ito sa konstitusyon ng 1937 ng China. [3] 1937 Constitution of the Republic of
China: “The territory of the Republic of china continues to be the territory it owned in the past.”
Ang teritoryo ng Republika ng China ay ang Teritoryo pa rin ng nakaraan, at ang pinakamalawak
na paglaganap nito ay noong Dinastiyang Qing.
Pareho pa rin sa huling konstitusyon ng China noong Enero 1, 1947 [4] January 1, 1947
Constitution of the Republic of China: “The territory of the Republic of China shall be that
encompassed by its traditional boundaries.” Ang teritoryo ng Republika ng China ay yaong
nakapaloob sa tradisyunal na hanggahan.
Kaya sa sarili nilang mga konstitusyon, sinabi ng China na ang kanilang teritoryo ay
tumutukoy sa teritoryo ng Dinastiyang Qing. Ngunit ang teritoryong iyon ay hanggang sa Hainan
lamang.
Dinanas ng China ang tinatawag nilang “Dantaong Pagkapahiya” dahil mula 1820s hanggang sa
pagtatapos ng 1800s inokupa ng mga banyagang puwersa ng Europa, at maging ng Japan at
Russia, ang mga teritoryo ng China. Nariyan ang mga Briton, Portuges. Dumanas ng matinding
kahihiyan ang China dahil nagapi sila ng mga Europeo sa maraming digmaan. Kaya gumuhit ang
kanilang mamamayan ng mga mapa, tinawag nila itong “Mapa ng pambansang kahihiyan ng
China.” Wika ng kanilang taumbayan, kapag nagging malakas na ulit ang China, babawiin namin
ang lahat ng teritoryong inagaw ng mga banyaga. Gumuhit sila ng mga linya sa paligid ng China,
at sinabing babawiin nila lahat ng nasa loob ng mga linyang iyon.

Isinama nila sa loob ng mga linya maging ang mga teritoryong hindi nila kailanman nagging
pagmamay-ari dati. Makikita niyo rito, isinama nila maging ang Borneo, bahagi ng borneo.
Isinama rin nila ang Cambodia, Vietnam. Ang mga ito ay iginuhit ng mga pribadong
mamamayan, ngunit malawak ang nagging pagpapamudmod nito sa loob ng China.
Iyan ay Mapa ng Pambansang Kahihiyan ng China noong 1927.
15

Ngunit makikita niyo sa mapang iyan na hindi isinama ng China ang Spratlys o ang Scarborough.

Kaya maging sa kanilang pinakamapusok na pangarap na bawiin ang mga ipinagpapalagay nilang
pagmamay-ari na nawala sa kanila hindi nila naisip na Nawala sa kanila ang Spratlys o
Scarborough. Dahil hindi nila naisip kailan man na pagmamay-ari nila ang Spratlys o ang
Scarborough. Ngunit, makikita niyo rito na isinama nila ang Arkipelago ng Sulu bilang bahagi ng
teritoryong dapat bawiin. Bakit? Sapagkat noong 1417, nilisan ni Sultan Padukah Batara ang
Sulo para sa isang dakilang paglalayag patungong China. Dinala niya ang kanyang asawa, mga
anak, at ilan pang mga kasama, at naglayag patungong China dala ang mga regalo para sa
Emperador. Ito ay tila isang engrandeng paglalakbay at malamang na nagdala sila ng mga perlas
mula sa South Sea at nang makita ito ng mga Chinese, naisip nila na “Oh! Ang Sultan na ito ay
basalyo na ng Emperador dahil nagbigay siya ng tributo, nagbibigay siya ng tributo sa
Emperador!” Kaya isinama nila ang arkipelago ng Sulu bilang bahagi ng teritoryo ng China na
dapat bawiin, dahil nagdala si Sultan Padukah ng regalo at pinagpakahulugan ng mga Chinese na
ito ay tributo at siya ay naging basalyo. MAPANGANIB NA MAGDALA NG REGALO SA CHINA sa
Chinese na Emperador, o sa pinunong Chinese, dahil ipagpapalagay nila itong tribute at ikaw ay
magiging basalyo. Kaya kung maghahandog ka, kailangan mong linawin na ito’y isang regalo at
hindi tributo. Ito pa ang isang Mapa ng Pambansang Kahihiyan ng China, isang mapa noong
1938 [1938 Map of China’s National Humiliation]. Sa kabutihang palad, hindi na kasama rito ang
Arkipelago ng Sulu. Hindi pa rin nila isinama rito ang Spratlys at ang Scarborough Shoal. Hindi
nila kailanman inisip, sa kanilang pinakamapusok na pangarap. Na pagmamay-ari nila ang
spratlys o scarborough kaya hindi nila isinama ang mga ito sa kanilang mga Mapa ng
Pambansang kahihiyan. Itinuro sa mga estudyante sa elementarya ang ukol sa mapang ito.
16

Kaya naniniwala talaga ang mga Chinese na pagmamay-ari nila ang South China Sea, dahil
kasama ito sa mapa.
Noong 1943, habang nagaganap ang digmaang sibil sa mainland China sa pagitan ng mga
komunista at mga Nasyonalista (Kuomintang) at ang kuomintang ang may hawak sa pamahalaan
nang mga panahong iyon, ang Ministeryo ng Impormasyon ng Republic of China ay naglathala
noong 1943 ng isang handbook dahil sinusubukan noon ng Kuomintang na ipakilala ang
Republic of China sa Buong Mundo. At shempre, kung gusto mong ipakilala ang iyong sarili sa
mundo, kailangan mong ilarawan ang iyong teritoryo, kung ano ang iyong teritoryo. Sa unang
kabanata ng Handbook, sinabi ng China na ang kanilang teritoryo ay hanggang sa mga isla ng
Paracels, na ang isla ng Triton bilang pinakatimog na Teritoryo. Kaya sa kanilang handbook
noong 1943, hindi pa inaangkin ng China ang Spratlys o ang Scarborough. Sinabi nil ana ang
kanilang pinakatimog na teritoryo ay ang Paracels. Ito ay galing sa sarili nilang opisyal na
dokumento. Nirebisa ang Handbook na ito. Ito ang Kopya ng Handbook, nakabili ako nito sa
Ebay. Mahirap nang makahanap ng kopya nito sa kasalukuyan.
Nirebisa ito noong 1946. Naglathala sila ng nirebisang bersyon ng Handbook. Sa 1946 na
bersyon ng Handbook, na sa katunayan ay 1947 nailimbag, ay may idinagdag noong 1946. Sa
handbook na ito dinerklara ng China ang kanyang pag-angkin sa Spratlys. Tinawag nila itong
Coral Islands. Kasabay nito ay inamin din ng China na ang Coral Islands ay pinag-aagawan ng
China ng Commonwealth ng Pilipinas, at ng mga French sa Indochina. Noong 1946, hindi
nagpahayag ng lubos na pag-angkin ang China sa Spratlys. Sinabi ng China na “Inaangkin naming
ang Spratlys ngunit inaangkin din ito ng Pilipinas, ng mga French sa Vietnam.” Hindi sila
umangkin ng lubos na soberanya noon. Iyon ang handbook ng 1946.
Ipinakalat ng 1947, inilabas ng may idinagdag noong 1946, kaya maaari itong
ipagpalagay na 1946 o 1947 nailimbag sa New York. Dulot ng nagaganap noong digmaang sibil, wala
silang mainam na limbangan noon sa China.
17

Noong 1947, nilikha ng China ang mapang ito. [China's 1947 Nine-Dash Line Map] Ito ang
kilalang Nine-Dash Line Map, at ipinakalat ito sa buong opisina ng pamahalaang Chinese para sa
pagpapatunay.

Noong Pebrero 1948, sa nine-dash line map, pinangalanan ng china ang lahat ng anyong lupa sa
Spratlys. Ngunit kinopya lamang nila ang mga pangalang ito mula sa tsart na Briton. Hindi nagbigay ang
China ng mga orihinal na pangalan. Isinama nila ang Scarborough, ngunit wala silang pangalan sa
Scarborough Shoal. Malamang ginamit ng China ang China Sea Directory na inilimbang noong 1906 ng
UK at nilagay ang parehong mga pangalan: ang luconia shoal. Iyan ay pangalang briton na transliteradong
sinalin sa lu-kang-ni-a, James Shoal na transliteradong sinalin bilang Zengmu. Kinopya lang ng china ang
mga pangalang briton, hindi sila ang unang nag bigay ng mga pangalan ng Spratlys. Tayo naman ang
nagbigay ng pangalan sa Scarborough Shoal noong 1734, Panacot. Pinalitan ito ng mga Europeo ng
pangalan Scarborough Shoal matapos lumubog ang barkong Scarborough dito noong 1748.

Noong 1947, wala pa ring sariling pagpapangalan ang China sa Scarborough Shoal. Pag tumungo
ka sa Spartlys at sa Paracels, makakakita ka ng mga lapidang pananda ng soberanya. Inilahad ng mga
lapidang ito n nagawi rito ang China noong 1901 at 1902 At ginagamit ito ng China bilang patunay na
pagmamay-ari nila ang mga isla. Tinatawag nila itong lapidang pananda ng soberanya sa Paracels at sa
Spratlys. ngunit ang mga lapidang ito ay talaga namang peke at patutunayan ko ito.

Noong 1987, naglathala ang probinsya ng Guangdong ng aklat na Compilation of References of


all our Islands of Nan Hai, kung saan ipinapaliwanag kung bakit ganoon ang ginawa nilang mga
pagpapangalan sa mga islang naroon. Ang aklat na ito ay may kakaibang dagdag na bahagi at tala ng
patnugot na bahagi ng aklat.

Noong Hunyo ng 1937 ipinahayag ng China na ipinadala nila ang isang lalaking nagngangalang
Huang Qiang sa Paracels upang siyasatin kung nagpatayo ba ng mga kuta rito ang mga hapon at upang
igiit ang soberanya ng mga Chinese. Iyon ang laman ng anunsyo.

Pero sa katunayan, si Huang Qiang ay may lihim na misyon, at itinala niya ang ulat ng lihim na misyong
ito. Isang kumpidensiyal na ulat noong Hulyo 1. Tumungo siya roon ng Hunyo kaya sinulat niya ang ulat
sa sumunod na buwan ng Hulyo. Sa ulat na iyon, inilahad niya na “inilagay ko ang mga lapidang ito sa
North Island, bilang pag-alala sa inspeksyong naganap noong 1902.” Ganun din sa isa pang bahagi ng
North Island, “bilang pag-alala sa inspeksyong naganap noong 1902.” Nakalagay naman sa lapida sa
Woody Island ang “pag-alala sa inspeksyon noong 1911.” Naglagay siya ng mga lapidang ito, at ang mga
tao na nakaukit sa lapida ay mas maaga kaysa 1937. Nilagay niya ang mga lapidang ito sa 20 hanggang 24
na mga lugar sa Paracels. Naroon siya ng 1937, ngunit nagtanim siya ng mga lapida ng pag-alala ng
inspeksyon noong 1901. Mas maaga ang taon na nakaukit sa mga lapida. Nang milimbag ng China ang
aklat nang nailimbag ito sa probinsya ng Guangdong, may kawani na nakakita sa kumpidensiyal na ulat
na ito at nagpasyang isama ito bilang dagdag sa aklat. Ang kumpidensyal na ulat ay naging bahagi ng
aklat dahil sa isang pagkakamali.

Binigyan ako ng Hudyat tungkol dito ng aking kaibigang si Francis Pierre Bonnet na napakaraming
naisulat ukol sa South China Sea, isang pantas na French. Sinabi niya, “Nakita ko ang aklat na ito sa isang
aklatan sa Hong Kong. Nagpagawa siya ng kopya ng maraming pahina nito. Sabi niya, “Tingnan mo ito,
lahat ng lapida sa Spratlys at sa Paracels ay peke!” kaya sabi ko “kailangan kong magkaroon ng kopya ng
librong ito!” kaya nakiusap ako sa isang kaibigan kong madalas magbalik-magbalaik mula sa maynila
18

patungong Beiging dahil sa Negosyo na hanapan ako ng kopya ng aklat sa mga segunda manong
tindahan ng aklat sa Beijing at nagtagumpay siyang makabili ng isang kopya. Ginalugad niya ang lahat ng
tindahan ng aklat sa Beijing at nakahanap ng kopya, at nasa akin na ang kopyang iyon.

Ito ang larawan ng aklat na iyon, at ang hinala ko, matapos naming ilimbag ito, pinabawi ng pamahalaang
chinse ang lahat ng kopya ng aklat. Kaya naman hindi pangkaraniwan ang aklat na ito. Kaya ang mga
lapida sa Paracels ay peke, at hindi ito maitatanggi ng mga Chinese dahil naroon ito, naroon sa kanilang
publikasyon.

Paano naman ang mga Lapida sa Spratlys? Sa ika-291 pahina ng parehong aklat, mayroong tala
ng patunogot na naglalahad na ang mga lapida sa dalawang isla sa West York Island at sa Spratlys Island
sa Spratlys ay maaring inilagay ng Hukbong Dagat ng Taiwan noong 1956, hindi 1946 tulad ng nakalagay
sa mga lapida. Nakalagay sa lapida sa West York Island: “Itinayo noong Disyembre 1946.” Nakalagay sa
lapida sa Spratly, “Itinayo noong Disyembre 1946.” Itinayo ba talaga ang mga ito noong 1946? Noong
1946, nang iwan ng mga Hapon ang Itu Aba, nagpadala ang pamahalaang Kumonting ng barko sa
Spratlys, ang Taiping. Ito ay barko ng U.S na ibinigay sa Kuomintang at pinalitan nila ito ng pangalang
Taiping. Tumungo lamang ang kapitan ng barko sa Itu Aba at naglagay siya roon ng lapida. Ngunit hindi
siya nakapunta sa West York Island noong 1946, hindi rin siya nakapunta sa Spratly Island. Kaya nang
makita niya ang aklat na nagsasabing may mga lapida sa Spratly at sa West York Island na itinayo noong
1946. Pinuntuhan niya ang mga patnugot ng aklat. Ang mga patnugot ng aklat ay mga propesor sa
Unibersidad ng Guangdong. Sabi niya “Ako ang kapitan ng barko na tumungo sa Itu Aba noong
Disyembre 1946. Hindi kami naglagay ng anumang lapida sa West York Island o sa Spratly Island.
Naglagay lamang kami ng isa sa Itu Aba.” Kaya sabi ng mga patnugot, naglagay sila ng tala kaya sabi ng
mga patnugot, naglagay sila ng tala “ang mga lapidang ito ay maaaring itinayo ng Hukbong Dagat ng
Taiwan noong 1956, hindi 1946.” Bakit 1956? Dahil tulad ng sinabi ko, matapos ang pagkatalo ng mga
puwersang Hapon noong 1945 inokupa ng Kuomintang ang Itu Aba noong 1946. Ngunit nilisan din nila
ang Itu Aba noong 1949, 1950 dahil ang puwersa ni Chiang Kaishek, ang Nationalists, ay tumakas
patungo sa Taiwan. Pinabalik ni Chiang Kai-shek ang lahat ng sundalo na nasa Itu Aba upang ipagtanggol
ang Taiwan laban sa inaasahan nilang pag-atake ng mga Komunistang Chinese. Kaya nilisan nila ito at
bumalik lamang noong 1956 bilang hukbong Dagat ng Taiwan. Iyon ang dahilan kung bakit inilagay ng
mga patnugot ang tala na noong bumalik sila ay maaaring itinayo nila ang mga lapidang iyon sa West
York Island at sa Spratly Island at nilagyan nila ng petsang Disyembre 1946. Kaya malinaw na ang mga
lapidang ito ay peke.

Bago natin inihain ang ating kaso laban sa China sa Tribyunal ng UNCLOS sa the Hague binisita ko
ang website ng embahada ng China sa Maynila at Nakita ko ito. Sa website na iyon, ito ang screenshot
sinabi ng China “Kami ang unang nakadiskubre ng Huangyan (pangalan nila para sa Scarborough Shoal)
noong 1279.” Dahil noong 1279, nagtayo si Guo Shoujing ng obserbatoryo sa Huangyan Island bilang
tugon s autos ni Kublai Khan. Si Guo Shoujing ang Leonardo Da vinci ng China noong panahong iyon. Isa
siyang matalinong matematiko, inhinyero, isa siyang astronomer at nagpatayo siya ng mga kanal para sa
China. Inutusan siya ni Kublai Khan na lumikha ng isang wastong kalendaryo dahil gusto nilang malaman
kung kailan magsisimula at magtatapos ang apat na panahon. Kailan magsisimula at magtatapos ang
taglamig, kailan mag sisimula at magtatapos ang tagsibol dahil gusto nilang malaman kung kailan
magtatanim, kailan mag-aani, kailan magdidilig. Kaya nagtayo si Guo Shoujing ng mga obserbatoryo, mga
astronomikong obserbatoryo 26 sa mainland China, isa sa Nan Hai, sa South Sea.
19

Saan sa South Sea itinayo ang obserbatoryo? Ayon sa screenshot na ito, sabi ng Embahada ng
China sa Maynila, inilagay niya ito sa Scarborough Shoal, Huang Yan Island.

Ngunit noong 1980 [1980 Official Document of China’s Ministry of Foreign Affairs] nang
pinagtalunan ng Vietnam at China ang soberanya sa Paracels naglabas ng tala, mas kapani-panila ang tala
ng mga Vietnamese na pagmamay-ari nila ang Paracels. May kung anong kababalaghang ginawa ang
China at sinabi nilang mas maaga ang pag-angkin nila sa Paracels dahil noong 1279. Inutusan ni Kublai
Khan si Guo Shoujing na magtayo ng obserbatoryo sa Paracels. Tandaang nagpatayo si Kublai Khan ng 27
obserbatoryo, 26 sa mainland China at isa sa South China Sea, South Sea. Saan? Noong 1980, sinasabi ng
mga Chinese na ito ay sa Xisha Islands na may internasyunal na pangalang Paracels, at inilathala nila ito
sa Beijing Review. Sa Beijing Review, opisyal na publikasyon ng Ministeryo ng Ugnayang Panlabas ng
China “Itinuro ng astronomical na obserbasyon na ang nanhai ay nasa kasalukuyang Xisha Islands na
nagpapakitang ang Xisha Islands ay nasa loob ng hanggahanng China noong panahon ng Dinastiyang
Yuan.” Sinabi nilang itinayo ni Guo Shoujing ang obserbatoryo sa Paracels. Sa kasalukuyan, sinasabi ng
mga Chinese na itinayo ito ni Guo Shoujing sa Scarborough Shoal.
Iyan ang nasa Beijing Review kung saan nila inilathala ang artikulo.

Narito ang Paracels, may layong 380 nautical miles mula sa Scarborough Shoal, napakalayo nito. Ang
pantas na si Guo Shoujing ay hindi maaaring nagkamali kung itinayo niya ito sa Paracels, hindi maaaring
itinayo niya ito sa Scarborough Shoal. Sa 26 obserbatoryong itinayo ni Guo Shoujing sa mainland China
may isang nananatili pa rin sa kasalukuyan, na nasa probinsya ng Henan. Ito yun, Malaki ito, 12.6 metro
ang taas. Mayroong sundial, malaking bato. Nakaya niya kayang itayo ito sa mga bato ng Scarborough
Shoal? Ang mga bato ng Scarborough Shoal ay maliliit, siguro’y 3 metro ang taas tuwing taib. Marahil,
pinakamarami na ang sampung tao na magkakasya rito. Nakaya niya kaya itong itayo roon? Kapag
ipinatong ang astronomikong obserbatoryo ng Henan, ito ang magiging itsura. Imposibleng naitayo niya
ito doon!

Kaya sa usapang legal, hindi na maaring sabihin ng China na itinayo ni Guo Shoujing ang obserbatoryo sa
Scarborough Shoal dahil ginamit na nila ang argumentong iyon laban sa mga Vietnamese noong 1980. Sa
usaping pisikal, imposible ring naitayo nila iyon doon. Kaya dineklara ng Tribyunal na hindi kailanman
nagkaroon ng kaparatang pangkasaysayan ang China sa South China Sea. Walang mahanap na patunay
ang Tribyunal na magpapakitang may pangkasaysayang control sa pangingisda ang China sa South China
Sea.”
20

Scarborough Shoal, yan ang Scarborough Shoal, iyan ay imahe sa satellite, Malaki 150 kilometrong
kuwadrado ang lawak. Ito ang pasukan at labasan. Banda rito naman ang mga bahura ng koral.

Sino ang nagmamay-ari ng Scarborough? Alam nating lahat na sa treaty of Paris noong 1898, isinuko ng
Espanya ang Pilipinas sa Amerika kapalit ng 20 milyong dolyar. Nakapaloob sa Treaty of Paris ang linyang
ito, ang treaty lines ng Paris. Ibinigay ng Espanya sa Amerika lahat ng nasa loob ng linyang ito (ph) kapalit
ng 20 milyong dolyar. Sa kasamaang palad, ang Scarborough Shoal ay nasa labas ng linya, ang Spratlys ay
nasa labas din ng linya, malaking problema para sa atin.
Ang Chinese na ministro ng ugnayang panlabas na si Wang Yi sa kanyang panayam sa CSIS sa
Washington noong pebrero 2016 sa harap ng mga diplomat mula sa ibat-ibang panig ng daigdig ay
nagsabi: “Ang teritoryo ng Pilipinas ay pinapangasiwaan ng tatlong kasunduan: Ang treaty of Paris ng
1898, ang treaty of Washington ng 1990 at ang kasunduan ng 1930 sa mga Briton at mayroong linya sa
mga kasunduang iyon, lahat ng nasa silangan ay isinuko ngunit lahat sa kanluran ay hindi isinuko.” Sabi
pa ni Wang Yi, “Ang Nasha (o ang Spratlys) at ang Huangyan (o, ang Scarborough Shoal) ay nasa kanluran
ng linya, 118 digre, nasa labas sila ng treaty lines.” Kaya hindi pagmamay-ari ng Pilipinas ang mga
kapuluang ito. Paano natin ito tutungunan? Sinagot natin ito sa pamamagitan ng ikalawang Treaty of
Washinton ang 1900.

Matapos lagdaan ang Treaty of Paris, tumungo rito ang mga Amerikano at nalaman nilang maraming
pulo ang nasa labas ng treaty lines: Batanes, Scarborough Shoal, Sulu Archipelago, Mapun Islan, Turtle
Island. Ang lahat ng ito ay nasa labas ng Treaty Lines. Kaya bumalik sila sa mga Espanyol at nagsabi
“Linawin natin ito, marami pa ring pulo sa labas ng treaty lines, maari ba nating linawin na pati ang mga
ito ay isinuko Ninyo sa amin?” at sinabi ng mga Espanyol: “Hindi, Hindi kami pipirma!” Tugon ng mga
Amerikano “Magbabayad kami sa inyo ng karagdagang 100 libong dolyar.” At sinabi ng mga Espanyol,
“Sige pipirma kami.” Kaya pinirmahan ang Treaty of Washington at nilinaw ng Espanya na lahat ng titulo
at pag-angkin ng titulo sa oras ng pagpapatibay ng Treaty of Paris ay ipinagkaloob sa U.S. Sa lahat ng pulo
ng archipelago ng Pilipinas na nasa labas ng Treaty Lines.

Lahat ng pulo ng archipelago ng Pilipinas sa labas ng treaty lines ay isinuko rin sa U.S. kapalit ng
karagdagang 100 libong dolyar.

Kaya ang Treaty of Washington ang mas mahalagang kasunduan. Sinama ng Treaty of Washington ang
lahat ng pulo na kabilang sa archipelago ng Pilipinas, nasa loob man o labas ng treaty lines. Ngunit hindi
naituro sa atin ang ukol sa Treaty of Washington. Kaya mayroon tayong mga propesor, kahit pa propesor
ng batas, na nagsasabing huwag na nating pag-usapan pa ang scarborough shoal at ang spratlys dahil
nasal abas sila ng treaty lines. Nakakaligtaan nila ang Treaty of Washington.

Kaya ang tanong ay ano ang mga pulong pagmamay-ari ng pilipinas na nasa labas ng treaty lines?
Ano ang punto ng pagtukoy natin sa pagtiyak sa mga pulong ito? Sinasabi na “lahat ng mga pulo
ng archipelago ng Pilipinas sa labas ng Treaty Lines.” Ano ang punto ng pagtukoy natin? Ito ay ang 1734
na mapa nina Velarde-bagay-suarez, dahil ito ang opisyal na teritoryo ng Pilipinas sa ilalim ng rehimeng
Espanyol at ito ang ipinasa nila sa mga Amerikano sa Treaty of Washington at Treaty of Paris. At kabilang
dito ang Scarborough Shoal at ang Spratlys. Ang mapang ito ay narito pa rin sa kasalukuyan. Tinutukoy ng
mapang ito ang ating teritoryo, teritoryong ipinasa ng espanya sa Amerika at ang kasalukuyang teritoryo
natin bilang Republika ng Pilipinas. Kaya kinakailangan nating bumalik sa mapang ito. Kaya noong
nakasubasta ang mapang ito (walang kopya ng mapang ito sa ating mga pampublikong aklatan) noong
nakasubasta ang kopya ng mapang ito sa Sotheby’s, nakiusap ako sa mga pampublikong aklatan, sa
21

pambang Museo. Sa mga pribadong Museo, kung maari nila itong bilhin, hindi raw sila interesado. At
walang sapat na salapi ang mga pampublikong museo na pagmamay-ari ng pamahalaan kaya nakiusap
ako sa isang kaibigan na bilhin ito, at kapag nagtagumpay siya ibenta ito sa pamahalaan dahil gusto kong
magkaroon ng kopya nito ang ating Pambansang Aklatan hindi mo na kailangang magpaliwanag sa kanila
na ang Scarborough shoal ay bahago ng teritoryo ng Pilipinas mula 1734 na ang Spratlys ay bahagi ng
teritoryo ng Pilipinas mula 1734. Kaya sumali siya sa surbasta para sa mapa at sa kabutihang palad ay
nagtagumpay siya. At ibinigay niya ito bilang donasyon dahil ang mga pamahalaang opisina ng
Pambansang Aklatan at Pambansang Museo ay salat sa salaping pambili nito. Nagpasya ang kaibigan
kong ibigay na lamang ito bilang donasyon sa Pambansang Aklatan. Naibigay na nga ang mapa bilang
donasyon sa Pambansang Aklatan. Bago lumabas ang kapasyahan, inaangkin ng China ang bahaging ito.
Nang sabihin ng Tribyunal na walang legal na batayan ang nine-dash line, kaagad ay malinaw na
nagkaroon ng high seas sa South China Sea. Nasa 20 hanggang 25% ng South China Sea ay high seas, at
sa paligid ay nariyan ang Exlusive economic zone ng Pilipinas. Pilipinas lamang ang maaaring magmay-ari
nito dahil ang Pilipinas lamang ang tanging adjacent na baybaying-estado.
Narito ang EEZ ng Malaysia sa Sabah, EEZ ng brunei, EEZ ulit ng Malaysia. Sa kabilang panig ng
sabah EEZ ng Indonesia sa Natuna, EEZ ng Vietnam at China. Kaya awtomatikong nagkaroon ng high seas,
at mayroong exclusive economic zone sa paligod ng high seas. Ang lugar na ito, ang lugar na may kulay
pula ang napanalunan natin. Gaano iyan kalaki?

Kasinglaki iyan, mas Malaki pa yan sa pambansang teritoryo ng Pilipinas ng kalupaang teritoryo. Ang
tatlong tuldok na ito (Scarborough Shoal, Mckennan Reef, Johnson South Reef) ay patuloy pa ring
pinagtatalunan dahil ito ay mga batuhan na nakalitaw sa tubig kapag may taib at nasa pagitan ng
Pilipinas at China. Pinagtatalunan pa rin iyan dahil walang hurisdiksyon ang tribyunal sa mga isyung
teritoryal. At may hurisdiksyon lamang ito sa mga isyung pangkaragatan.
[The Philippine’s EEZ in the south china sea is larger than its total land area] Napalanuhan natin
ang lawak na may 376,350 kilometrong kuwardrado sa south china sea na Malaya mula sa anumang
pang-aangkin ng China. Ito ay mas Malaki pa kaysa kabuuang lawak ng ating kalupaan. Kapag pinagsama-
sama ang lahat ng ating kalupaan, aabot ito ng 300, 000 kilometrong kuwadrado. Kaya ang napalanunan
natin na lawak pangkaragatan ay mas Malaki pa kaysa kabuuang lawak ng ating kalupaan. At pagmamay-
ari natin ang lahat ng nakapalaoob sa lawak na ito ng karagatan: lahat ng isda, langis, gas at iba pang
yamang mineral. [Maritime Zone under UNCLOS] May mga sonang pandagat na nakasaad sa UNCLOS.
Ipagpalagay na ito ang Palawan, mayroong territorial sea na 12 nautical miles mula sa low water mark.
Mula sa dulo ng territorial sea, magsukat ka ng 188 nautical miles, mayroong EEZ, at mula roon ay
22

mayroong High Seas. Ito ang ating extended continental shelf. Ito ang Area, o ang lugar na nakalaan sa
sangkatauhan. Ngunit ang punto rito, mula sa dulo ng territorial sea at papalayo pa dito,, mayroong
Kalayaan sa paglalayag at paglipad. Ang sibilyang eroplano, pandigmang eroplano, sibilyang barko at
pandigmang barko ay maaring lumipad at maglayag sa lugar na iyon nang hindi humihingi ng permiso sa
baybaying-estado. Dahil mayroong karapatang maglayag doon ang lahat ng bansa ng buong daigdig.

Kaya noong lumabas na ang pasya, sinabi ng US na maglalayag at lilipad sila sa South China Sea, sinabi ng
France na maglalayag din sila at lilipad na pakikiusapan nila ang kanilang mga karatig bansang Europeo
na Samahan sila sa regular na pagbabantay sa South China Sea. Sinabi ng mga Briton na gagawin din nila
iyon, kapag buo na ang kanilang dalawang aircraft carrier maglalayag din sila sa South China Sea. Inilahad
ng Australia na magpapatuloy sila sa paglalayag at paglipad sa South China Sea. May partikular na
nadiskubre ang Tribyunal ukol sa Mischief Reef. Sinabi ng Tribyunal na napagtanto nil ana ang Mischief
Reef ay isang Low tide elevation. Nakalubog ito sa tubig tuwing may taib, nakalitaw lamang ito tuwing
kati, at samakatuwid ay walang territorial sea ang Mischief Reef at hindi maaring angkinin dahil ito’y
lampas sa teritoryo ng anumang estado. Ito’y bahagi ng exclusive economic zone ng Pilipinas. May
malinaw at diretsong pagpapasya ang Tribyunal na ang Mischief reed ay walang territorial sea, walang
territorial airspace at bilang bahagi ng exclusive economic zone ng Pilipinas. Pilipinas lamang ang
maaring makinabang dito. Tanging ang Pilipinas ang makapagtatayo rito ng istruktura. Ang mischief Reef
ay Malaki, ito’y lubos na nakkalubog tuwing taib sa likas na kondisyon nito bago ang reklamasyon ng
china. Sa kasalukuyan, mayroong itong Paliparan na military grade na may haba na tatlong kolometro,
himpilan para sa libo-libong marino, may mga radar, ,ha istruktura, pasukan at labasan para sa mga
barkong pandigma at mga sabmarino. Iyan ang Paliparan sa Mischief Reef. Anumang jet fighter dito ay
makararating sa Maynila nang wala pang 20 minuto. Makararating sa Puerto Prinsesa nang wala pang
10minuto. Ang radar dito ay kayang bantayan ang anumanag sasakyang pang hihimpawaid na bumaba o
umalis sa Puerto prinsesa o sa buong lawak ng palawan. Kaya ang Air and nawal base na ito ay tinatawag
ng mga Chinese bilang kanilang Pear Harbor sa South China Sea. Ito ay isang punyal na nakatutok sa atin,
dahil ang air and naval base na ito ay Mischief Reef ay gagamit ng China upang ipatupad ang nine-dash
line bilang pambansang hanggahan ng China. Kaya nang lumabas na ang pasya, nagtangka ang mga
Amerikano na subukin ito. Dahil inilahad sa pasya na walang territorial sea ang Mischief Reef, naglayag
ang barko ng U.S, nang pazigzag, dahil kung mayroon itong territorial sea dpaat na maglayag ang barko
nang dire-diretso sa iisang linya nang hindi humihinto. Ngunit upang ipakita sa mga Chinese dfito sa
23

Mischief Reef na hindi ito territorial sea dahil isa itong artipisyal na lupa. Nag-zigzag sila, nagsagawa sila
ng man overboard na pagsasanay, nagpadala sila ng maraming drones sa katunayan ay ipinatupad nila
ang pasya para sa atin. At ang barkong ito, ang USS Giffords, ay muling naglayag dito, naglagay dito ng
ika-16 ng Nobyembre 2019 sa parehong pamamaraan upang ipakita sa mga Chinese na hindi iito
territorial sea. Ipinatupad nila ang pasya. Ang eroplanong ito, ang U.S Poseidon na may kakayahang
makasagap ng anumang submarine na nakalubog at kayang magbagsak ng torpedo mula sa Himpapawid
ay lumipad sa ibabaw ng Mischief Reef. Ito ang palitan sa pagitan ng ground controller ng mga Chinese sa
lupa at ng eroplano ng U.S., sinabi ng Chinese na ground controller “agaran kayong lumisan dito ngayon
din upang maiwasan ang anumang di-pagkakaunawaan.” Tugon ng U.S.,”Nagsasawa kami ng legal na
pangmilitar na aktibidad na lampas sa pambansang himpapawid ng anumang baybaying-estado. Hindi ito
isang teritoryong panghimpapawid, maaari kaming lumipad dito dahil may Kalayaan ditong lumipad,
bahagi ito ng EEZ ng Pilipinas.” Ipinatupad ng mga Amerikano ang pasya para sa atin hindi dahil mahal
nila tayo kundi dahil nasa kanilang interes ang ipagtanggol ang kanilang mga sea lanes. Alalahanin na sa
nagkakahalagang 5.8 trilyong kalakal na bumabagtas sa South China Sea taun-taon nasa isang trilyon ang
halaga ng iniaangkat at iniluluwas na kalakal ng U.S. Kinakailangan nilang pangalagaan ang kanilang
Kalayaan ng paglalayag at paglipad. May dalawang barko ang mga French na patuloy na naglalayag sa
South China Sea [Provence Frigate, Auvergne Frigate] dahil nais nilang mapanatili ang kanilang
pangkaragatang presensya sa lahat ng mga exclusive economic zone.

[UK WILL HAVE “UNBROKEN PRESENCE” IN SCS] Patuloy ding naglalayag sa South China Sea ang
dalawang barkong Briton dahil nais nila ng di-naantalang presensya rito. Nais nilang ipatupad ang pasya
nang hindi kailangang sabihing ipinatutupad nila ang pasya. Ito ang sinasabi nila: Integrity of the rules-
based international system.

[Japan’s Helicopter Carriers Sail in South China Sea] May dalawang barkong helicopter carrier
ang mga Hapon, nagsasalitan ito sa paglalayag sa South China Sea taun-taon. Ito ay nakadaong sa Subic,
binisita ko ito noong huling beses na naroon ito, at tinanong ko ang kapitan ng barko “Saang bahagi ng
South China Sea kayo naglayag?” at tumugon siya, “Sa kanlurang Dagat ng Pilipinas, sa inyong EEZ.”
“Anong ginawa ninyo sa EEZ ng Pilipinas?” tumugon siya “Ipinadala naming ang sasakyang ito
(helicopter).” Iyon ay isang pangmilitar na aktibidad. Sinasabi nila sa China sa pamamagitan nito na
exclusive economic zone ito ng isang baybaying-estado at mayroon silang karapatang maglayag dito. Ang
mga Indian, nagpapadala sila taun-taon ng puwersang pangkaragatan sa South China Sea upang igiit ang
Karapatan sa paglalayag. Ginagawa rin ito ng mga Canadian taun-taon upang panatilihin, upang igiit ang
Kalayaan sa paglalayag. Kaya sa katunayan, ipinatutupad ng lahat ng puwersang pangkaragatang ito ang
kapasyahan para sa atin sapagkat ipinakita nila sa mga Chinese na ang mga ito ay exclusive economic
zone o high seas.

[Significance of Freedom of Navigation and Overflight Operation by Naval powers in the South
China Sea] Alalahaning itinatanggi ng China na may exclusive economic zone sa loob ng nine-dash line sa
South China Sea. Mariin itong tinutulan ng mga pangkaragatang puwersa! Lahat ng Kalayaan sa
paglalayag at paglipad na mga operasyon ito ay nakatuon sa China hindi niyo ito katubigan, ang mga ito’y
high seas o exclusive economic zone ng ibang baybaying pulo, at samakatuwid makapaglalayag kami rito.

Kaya anong magagawa natin ngayon bilang mga Pilipino? [What should the Filipino People Do
Now?] Kailangan nating himukin ang lahat ng puwersang pandagat ng buong mundo na maglayag sa
South China Sea at sa partikular sa West Philippine Sea, upang maipatupad nila ang pasya. Kailangan din
24

nating himukin ang mga karatig nating bans ana Vietnam, Malaysia, Indonesia at Brunei na tulungan
tayong magpaliwanag sa sambayanang Chinese na hindi kailanman nagkaroon ng karapatang
pangkasaysayan ang China sa South China Sea. Talagang kasinungalingan ito at lahat tayo sa ASEAN ay
marapat na turuan ang buong mundo na walang pangkasaysayang Karapatan ang China sa South China
Sea. Lahat ng pang-aangking ito ng China sa ilalim ng nine-dash line ay pawang kasinungalingan.
Kailangan nating patuloy na kumiling sa panunutunan ng batas dahil wala tayong ibang pagpipilian. Bakit
wala tayong ibang pagpipilian?

[War is not an Option – Never an Option] Inilahad ng ating konstitusyon na itinatatwa natin ang digmaan
bilang instrument ng pambansang polisiya at hindi natin maaaring ipatupad ang pasya sa pamamagitan
ng pagsasagawa ng digmaan. Kailangan nating gamitin ang panuntunan ng batas. Ipinagbabawal din
naman ng UN Charter ang digmaan bilang pamamaraan o paggamit ng dahas o banta ng dahas upang
mapagpasyahan ang teritoryal o pangkaragatang pagtatalo. Ipinagbabawal na sa ilalim ng UN Charter
ang digmaan o paggamit ng dahas o banta ng dahas.

At sa ilalim ng ating konstitusyon, ano ang kapangyarihan ng pangulo? Maari bang magdeklara
ang pangulo ng digmaan? Hindi, hindi niya kayang mag deklara ng digmaan. Nakalimita lamang ang
kapangyarihan ng Pangulo sa pagtawag sa sandatahang lakas kung sakali mang may lumusob sa atin
ngunit hindi niya magagawang ituon ang agresyon laban sa ibang estado. Hindi ito saklaw ng kanyang
kapangyarihan. Matatawag niya lamang ang Sandatahang Lakas kung may paglusob. Ang kapangyarihan
na magdeklara ng digmaan ay nasa kongreso. Ang kongreso lamang ang tanging makakapagdeklara ng
pag-iral ng estado ng digmaan, sa pamamagitan ng 2/3 boto ng parehong kapulungan sa isang
pinagsamang sesyon magkahiwalay na pagboto. Iyan ang ating Konstitusyon, kaya kailangan nating
labanan ang China, kailangan nating panatilihin ang ating Karapatan sa West Philippine Sea sa
pamamagitan ng panuntunan ng batas.

You might also like