You are on page 1of 14

ARALIN 1

Panitikan: MITOLOHIYA
“Si Nyaminyami, Ang Diyos ng Ilog Zambezi”
(Isang Mitolohiya mula sa Tribong Tonga ng Africa)

Wika : ANG DEBATE O PAKIKIPAGTALO


MGA PAMANTAYAN SA PAGSASALING WIKA

SIMULAN NATIN
GAWAIN 1
Alin-alin sa mga ginagawa ng tao ang maaaring makapagdulot
ng kaunlaran subalit pinagmumulan naman ng pagkasira ng
kapaligiran o ng kalikasan?
 ________________________________________________
 ________________________________________________
 ________________________________________________

Sa iyong palagay, maaari pa rin kayang magkaroon ng


kaunlaran ang isang bayan nang hindi nasisira ang kapaligiran?
__________ Maglahad din ng tatlong paraan.
 ________________________________________________
 ________________________________________________
 ________________________________________________

Alam Mo Ba?
Ang Ilog ng Zambezi ay ikaapat sa pinakamalalaking ilog sa
Africa. Ito’y nasasakop ng anim na bansa. Sa ilog na ito
matatagpuan ang Dam ng Kariba. Tanyag ang lugar na ito sa
mga turistang nais makakita sa kagandahan ng dam at sa
kalikasang nakapaligid sa ilog. Maraming bahagi kasi ng mga
kagubatan sa magkabilang pampang ng ilog ang protektado sa
ilalim ng Nature Conservation Act. Ang isa pang dinarayo sa lugar
na ito ay ang iba’t ibang water sports tulad ng white water rafting,
kayaking, river boarding, at jet boating.
Ang Kariba Dam kung saan sinasabing nakatira ang diyos ng
ilog na si Nyaminyami ay isa sa pinakamalalaking dam sa buong
mundo sa taas nitong 128 metro at habang 579 metro. Dumaan
sa maraming kalamidad ang dam bago tuluyang nabuo noong
1960. Ang mga kalamidad na ito ay sinasabing kagagawan ni
Nyaminyami dahil sag alit niya sa pagtatayo ng dam na sumira sa
kanyang tahanan, naglayo sa kanila ng kanyang asawa, at naging
dahilan ng paglipat ng tirahan ng humigit-kumulang 57,000
mamamayang kabilang sa tribung Tonga o Ba Tonga na
sinasabing minahal at prinotektahanng diyos ng ilog.
Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin nawawala ang takot
sa paniniwalang gigibain ni Nyaminyami ang dam lalo pa’t ito
ngayon ay nagpapakita ng mga senyales ng paghina ng
estruktura. Ayon kay Felix Nkulukusa, ang permanent secretary
ng Zambian Ministry of Finance, ang dam ay maaaring bumagsak
kung hindi maiaayos ang mahihinang bahagi nito sa loob ng
tatlong taon. Inaagapan naman ito ng dalawang bansang
nakasasakop sa dam, ang Zambia at Zimbawe. Unti-unting
isinasaayos at pinatitibay ang mahigit limampung taong gulang na
dam. Aabot kasi sa mahigit 3.5 milyong tao mula sa mga bansang
Zambia, Zimbawe, Malawi, at Mozambique ang maaaring
madamay o malagay sa panganib kung sakaling tuluyang
bumigay ang dam.

Si Nyaminyami, Ang Diyos ng Ilog Zambezi


(Isang Mitolohiya mula sa Tribong Tonga ng Africa)

“Ating pagpalain, alagaan, at igalang ang kalikasan


Ang pagsira rito’y makapagdadala sa tao ng kapahamakan”

Ang napakagandang ilog ng Zambezi ay may itinatagong


isang hindi pangkaraniwang hiwaga na magpahanggang ngayon
ay pinaniniwalaan ng marami, lalo nan g mga mamamayan ng
tribong Tonga o Ba Tonga na ninirahan sa magkabilang pampang
ng Zambezi kasama ang kanyang asawa. Maraming katutubo na
raw ang nakakita kay Nyaminyami tulad ni Pinunong
Sampakaruma subalit walang matibay na ebidensiyang
makapagpapatunay rito. Ayon sa mga nakakita, si Nyaminyami
raw ay may ulo ng isang isda at katawan ng isang ahas. Siya’y
isang dambuhala sa lapad na halos tatlong metro at habang hindi
nila magawang hulaan.
Naniniwala ang mga mamamayan ng Tonga na si diyos
Nyaminyami ay naging mabuti sa kanila. Katunayan, sa mga
panahon daw ng matinding taggutom na dala ng mahahabang
tagtuyot sa Africa ay nabuhay sila sa tulong ng mga bahagi ng
katawan ni Nyaminyami na ibinibigay o iniiwan niya para sa mga
mangingisda. Kinilala at iginalang ng mga Tonga si Nyaminyami
at sa loob ng napakahabang panahon, naniwala silang
pinoprotektahan sila ng diyos ng ilog kahit wala silang masyadong
naging ugnayan sa labas. Namuhay sila nang mapayapa subalit
ang lahat ay nagbago noong mga huling taon ng 1940s nang
mapagtibay ang desisyon ng pamahalaang ipatayo ang Dam ng
Kariba.
Ikinatakot ng mga mamamayan ang balita, lalo na nang
malamang ang dam ay itatayo sa mismong tabi ng malaking
batong pinaniniwalaang tahanan ng diyos ng ilog na si
Nyaminyami at ng kanyang asawa. Katunayan, napakalaki ng
paggalang ng mga mamamayan sa bahaging iyon ng lawa at
walang mangingisda ang nangahas lumapit man lang doon dahil
ang mga naunang nangisda raw roon ay nahigop ng alimpuyo sa
tubig at hindi na muling nakita. Kaya nga tinawag nila ang
higanteng batong iyon na “kariva” o “karinga’’ na ang ibig sabihin
ay ang “ang bitag” at dito rin nagmula ang pangalang “Kariba”
para sa lawa.
Nang magdatingan ang mga putting inhenyero at mga
manggagawang magpapasimula na sa paggawa ng dam ay
nakiusap at nagbabala ang mga nakatatanda ng Tonga. “Huwag
na ninyong ituloy ang plano. Hindi ninyo magugustuhan ang
gagawin ni diyos Nyaminyami sa inyo at sa inyong proyekto,” ang
babala nila sa mga Puti.
Pinagtawanan lang ng mga Puti ang ganitong babala at
paniniwala. Itinuloy pa rin nila ang mga panimulang gawain sa
pagtatayo ng dam tulad ng pagpapaalis sa mga mamamayan ng
Tonga sa pampang ng ilog na kanila nang naging tahanan sa
napakahabang panahon. Pinalipat ang mga mamamayan sa mas
mataas na bahagi ng ilog. Pinagpuputol din ng mga dayuhan ang
libo-libong matatandang puno upang makagawa ng daan at
upang may magamit sa pagbuo ng tirahan ng mga manggagawa.
Subalit ang ikinatatakot ng matatanda ay nangyari nga noong
gabi ng Pebrero 15, 1950. Isang napakalakas ng bagyo mula sa
Karagatang Indian, isang pangyayaring hindi karaniwang
nagaganap sa lugar na ito ang bumayo at nagdala ng
napakalakas na hangin at ulang naging sanhi ng napakalaking
baha sa buong lambak ng Zambezi. Inanod ang maraming
kabahayan at ang lahat ng madaanan ng ilog na umapaw nang
higit pitong metro. Tatlong araw ang inabot bago narrating ng
rescue team ang lugar at sila’y nanlumo sa nakitang pinsala. Ang
katawan ng mga namatay na usa at iba pang hayop ay
nangakasabit sa sanga ng matataas na kahoy na nagpakita kung
gaano katas ang inabot ng tubig baha. Sa kasamaang palad ay
namatay ring lahat ang mga kasama sa rescue team nang
mabagsakan sila ng mga gumuhong lupa.
Sa kabila ng pangyayaring ito ay hindi rin nahadlangan ang
pagpapatayo ng dam. Hindi inisip ng mga puti na ito’y isang
babala bi Nyaminyami kundi nagkataon lang na may dumating na
bagyo at binaha ang lambak ng Zambezi. Subalit noong 1957,
nang halos patapos na ang dam ay dumating ang pinakamalaking
baha sa kanilang kasaysayan. Sinasabing ang ganito katinding
baha ay dumarating lamang nang minsan sa isanlibong taon.
Inanod ng baha ang malaking bahagi ng papatapos na sanang
dam gayundin ang mga kagamitan sa paggawa nito. Maraming
buhay rin lalo na ng mga manggagawa sa dam ang nawala. Ang
nakapagtataka, ang katawan ng mga putting manggagawa ay
hindi lumutang. Hinanap ang mga ito kung saan-saang bahagi ng
ilog at lawa subalit walang nakita isa man sa kanila. Dahil dito’y
kinausap ng mga pinuno ang mga nakatatandang Tonga.
“Paano nangyaring ang katawan ng mga Itim ay lumutang
samantalang, wala ni isa man sa mga Puti ang nakita kahit pa
hinanap na sila kung saan-saan?” Ang nagtatakang sabi ng mga
kinatawan ng pamahalaan. “Tulungan ninyo kaming mahanap
ang mga katawan nila.”
“Si Nyaminyami ang may gawa ng dambuhalang baha. Mag-
aalay kayo ng isang itim nab aka para mawala ang galit niya at
nang ilabas niya ang katawan ng mga Puti,” ang sabi naman ng
nakakatanda.
“Kalokohan! Hindi totoo ang Nyaminyami na iyan! Tumulong na
lang kayong maghanap sa mga nawawala,” ang sagot ng pinuno.
Subalit kahit anong tindi nang tulong-tulong na paghahanap ay
hindi pa rin natagpuan ang katawan ng mga nawawala. Nang
malapit nang magdatingan ang mga kapamilya ng mga
manggagawang namatay ay wala nang nagawa ang mga pinuno
kundi subukin ang mungkahi ng mga nakatatandang Tonga.
Nagsagawa ng ritwal ang mga Tonga saka ipinaanod ang
inalay na itim nab aka sa Lawa ng Kariba. Kinabukasan, wala na
ang itim nab aka kung saan ito ipinalutang at sa halip, ang
katawan ng mga puting manggagawang tatlong araw nang
hinahanap ang nakitang nakalutang. Walang maibigay na matibay
na paliwanag maging ang mga pinuno ng mga gumagawa ng
dam sa mahiwagang pangyayaring ito. Subalit natitiyak ng mga
matatandang Tonga; kagagawan ng galit nag alit na si
Nyaminyami ang lahat ng ito.
Pagkatapos ng malaking baha ay pinag-aralan ng mga eksperto
ang daloy ng tubig sa ilog Zambezi at saka nila pinag-usapan ang
patungkol sa itinatayong dam. Nagkasundo silang ang ganoon
kalaking baha ay nangyari lamang nang minsan sa isanlibong
taon kaya’t itinuloy pa rin nila ang pagtatayo ng dam.
Sa kabila ng paniniwala ng mga eksperto ay alam ng
matatandang Tonga na muling gaganti si Nyaminyami at may
mangyayari pa uling sakuna. Dahil kasi sa pagtatayo ng dam ay
nalubog sa halos tatlumpung metrong tubig ang batong tirahan ng
diyos ng ilog at ang masaklap, sinasabing naiwan daw sa
kabilang bahagi ng dam ang kanyang pinakamamahal na asawa
at alam nilang ito ay lubhang nagpagalit sa kanya.
“Tigilan na ninyo ang pagsira sa tahanan ng diyos Nyaminyami.
Hayaan n’yo na kaming makabalik sa pampang na dati naming
tirahan. Kung hindi ay muli ninyong matitikman ang bagsik ni
Nyaminyami,” ang babala nila sa mga puti.
“Kalokohan! Mga eksperto na mismo ang nagsabi, nangyayari
lamang ang ganoon kalaking baha tuwing isanlibong taon. Itutuloy
naming ang pagpapatayo ng dam!” ang matigas na paninindigan
ng mga pinuno.
At hindi nga nagkamali ang mga Tonga. Nang sumunod na tag-
ulan ay muling sumiklab ang galit ni Nyaminyami na ngayo’y mas
matindi pa kaysa sa dalawang nauna. Isang mas malaki pang
baha ang naganap kaysa sa naranasan nila nang nagdaang taon.
Sa laki ng baha ay naging lubhang mapaminsala ito. Nasira nito
ang coffer dam, ang tulay sa pagitan ng itinayong dam at
pampang, at ang malaking bahagi ng dam na malapit na sanang
matapos. Sinasabing ang ganoon kalaking baha ay nangyayari
lamang nang minsan sa sampung libong taon.
Subalit hindi ito napigil ang pagpapatayo ng dam. Itinuloy pa rin
ito ng pamahalaan at noong 1960, natapos din sa wakas ang
Dam ng Kariba. Ito ngayon ang pangunahing pinagmumulan ng
suplay ng koryente para sa mga bansang Zimbabwe at Zambia.
Makikita naman ang rebulto ni Nyaminyami sa itaas ng bahagi ng
Ilog Zambezi at nakatanaw na tila ba nagbabantay sa kabuoan ng
Dam ng Kariba. Dinarayo na rin ito ngayon ng napakaraming
turistang nais makapaglaro ng mga isport na pantubig at upang
makita ang kagandahan ng paligid at ng dam na ilang beses nang
muntik-muntikang hindi maitayo dahil sa paghagupit ng
kalikasang pinaniniwalaang kagagawan ng diyos ng ilog.
Ang mga Tonga naman ay patuloy na naninirahan sa mataas
na bahagi ng ilog Zambezi. Madalas silang nakararamdam ng
pagyanig sa paligid. Naniniwala silang ito ay ang mga
pagkakataong galit ang diyos Nyaminyami at nagpipilit maabot
ang kanyang kabiyak na nasa kabilang bahagi ng dam.
Naniniwala silang isang araw ay magigiba rin ni Nyaminyami ang
dam subalit sa kanilang puso’t isipan ay umaasa rin silang sana’y
hindi na ito mangyari sapagkat kung magtatagumpay si
Nyaminyami ay tiyak na isang trahedyang walang katulad ang
idudulot nito sa mga mamamayang wala namang kinalaman.
Patuloy na lamang nilang pinag-iingatan at aalagaan ang kanilang
kapaligiran bilang pagbibigay-pugay sa kanyang alaala.
-Halaw

SAGUTIN NATIN
GAWAIN 2
Sagutin ang sumusunod na mga tanong.
1. Anong tribo ang naninirahan sa Lawa ng Kariba? Sa
paanong paraan namuhay ang mga mamamayang ito sa
nasabing lugar noong unang panahon?
2. Paano sila nakikipamuhay sa diyos ng ilog na si
Nyaminyami? Bakit sila naniniwalang prinotektahan sila
nito?
3. Bakit labis nilang ikinagulat at mariing tinutulan ang
pagtatayo ng dam? Ano ang naging epekto nito sa kanilang
pamumuhay?
4. Bakit muntik-muntikan nang hindi maitayo ang nasabing
dam? Bakit kay Nyaminyami iniuugnay ang mga kalamidad
na nanalanta sa kanilang lugar habang ipinatatayo ang
dam? Sa iyong palagay, may katotohanan kaya ang mga
ito? Ipaliwanag.
5. Ano-ano ba ang mga sinasabing naging dahilang sa labis na
pagkagalit ni Nyaminyami sa mga taong nagpasimula sa
paggawa ng dam? Makatwiran bang makadama siya ng
ganito para sa mga taong iyon? Ipaliwanag.
6. Kung ikaw ang tatanungin, alin sa mga ginawa ng mga
taong ito ang sa tingin mo ay talagang nakagagalit? Bakit?

GAWAIN 3
B. Suriin ang mga kaisipang nakapaloob sa mitilohiya sa
pamamagitan ng pagpili ng angkop na kasagutan at
pagpapaliwanag ukol dito.
1. Anong suliranin ang kinaharap ng mga tauhan sa akda?
a. Ang pagsira sa kanilang tahanan upang makapagpatayo
ng bagay na makapagdudulot ng kaunlaran.
b. Ang paniniwala nila sa pagkakaroon ng isang diyos sa ilog
na nagpoprotekta sa kanila.
c. Ang pakikipaglaban nila sa mga dayuhan na naging
dahilan ng pagkamatay ng marami nilang kalahi.
Paano nakaapekto sa kanila ang suliraning isinagot mo? ___
________________________________________________

2. Paano mo ilalarawan ang ikinilos ng pangunahing tauhan


bilang resulta ng suliraning kinaharap niya at ng iba pang
tauhan?
a. Naging mapagpasensiya at hinayaan na lang ang mga
ipinagpalagay na kamaliang nagawa sa kanya.
b. Nagbulag-bulagan siya sa mga epektong idinulot ng mga
suliranin sa kanyang buhay.
c. Naging marahas siya at gumanti sa paraang alam niya
para sa mga nagdulot sa kanya ng suliraning kinaharap
niya.
Paano ang ibinunga ng naging kilos o gawi ng pangunahing
tauhan? _________________________________________
________________________________________________

3. Ano ang naging desisyon ng mga pinuno dahil sa epektong


idinulot ng mga hindi maipaliwanag na malalaking pagbaha
sa lugar?
a. Ipinaglaban na muna nila ang proyektong isinasagawa sa
lugar na ito.
b. Sinugod nila ang inaakalang pinag-uugatan ng ganitong
mga kalamidad.
c. Ipinagpatuloy nila ang ginagawa sa kabila ng
napakalaking pinsala sa kanila.
Ano ang ibinunga ng desisyong ito ng mga pinuno? Nakabuti
ba ito o nakasama? Patunayan. ______________________
________________________________________________

4. Paano naapektuhan ang mga mamamayan ng Tribong


Tonga dahil sa naging desisyon ng pamahalaan?
a. Nagkahiwa-hiwalay ang magkakapamilya nang
mangibang-bansa ang iba.
b. Napaalis sila sa tirahang naging tahanan na nila sa
napakahabang panahon.
c. Naging mas masagana ang kanilang buhay dahil sa
puhunang ibinigay sa kanila.
Ano ang nadama nila sanhi ng pangyayaring ito sa kanilang
buhay?

5. Ano naman ang ibinunga ng desisyong ito ng pamahalaan


para sa mas nakararaming mamamayan at sa buong
bansa?
a. Nagkaroon ng mapagkukunan ng koryente ang mga tao at
nakatulong sa bayan ang kinikita mula sa mga turistang
dumarayo sa lugar.
b. Naging pasakit ang pagbabaha sa mga lugar na
dinadaluyan ng Dam ng Kariba na nangyayari taon-taon
mula nang maitayo ang dam noong 1960.
c. Mas maraming dam pa ang itinayo at sumira sa mga
kagubatang protektado ng Nature Conservation Act.
Ano ang masasabi mo sa naging desisyong ito ng
pamahalaan? _____________________________________
________________________________________________

ALAMIN NATIN

ANG DEBATE O PAKIKIPAGTALO


Ang debate ay isang pakikipagtalong may estruktura.
Isinasagawa ito ng dalawang grupo o pangkat na may
magkasalungat na panig tungkol sa isang napapanahong paksa;
ang dalawang panig ay ang proposisyon (o sumasang-ayon) at
ang oposisyon (o sumasalungat). May isang moderatorna
magiging tagapamagitan upang matiyak na magiging maayos ang
daloy ng debate at igagalang ng bawat kalahok ang mga tuntunin
ng debate. Sa pagtatapos ng debate ay may mga huradong
magpapasiya kung kaninong panig ang higit na nakapanghikayat.
Ang mga hurado ay dapat walang kinikilingan sa dalawang panig
ng mga nagde-debate at kailangang nakaupo nang magkakalayo
sa isa’t isa at hindi mag-usap-usap bago magbigay ng kani-
kanilang hatol upang maiwasang maimpluwensiyahan ang hatol
ng isa’t isa.
Di tulad ng mga karaniwang argumento sa pagitan mo at ng
iyong pamilya o mga kaibigan, ang bawat kalahok sa isang
pormal na debate ay binibigyan ng pantay na oras o pagkakataon
upang makapaglahad ng kani-kanilang mga patotoo gayundin ng
pagpapabulaan o rebuttal. May nakatalaga ring timekeeper sa
isang debate upang matiyak na susundin ng bawat tagapagsalita
ang oras na laan para sa kanila. Karaniwang ang paksa sa isang
debate ay ibinibigay nang mas maaga upang mapaghandaan ng
dalawang panig ang kani-kanilang mga argumento.

Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Isang Mahusay na Debater


Ang mga sumusunod ay mga karaniwang pinagbabasehan ng
mga hurado sa pagiging mapanghikayat kaya’t kailangang
isaalang-alang ng isang debater:

 Nilalaman – Napakahalagang may malawak na kaalaman


ang isang debater patungkol sa panig na kanyang
ipinagtatanggol at maging sa pangkalahatang paksa ng
debate. Kailangan niyang magkaroon ng sapat na panahon
upang mapaghandaan ang sandaling ito at kasama sa
paghahanda ng malawakang pagbabasa, pananaliksik, at
pangangalap ng datos at ebidensiya tungkol sa paksa upang
magbigay ng bigat at patunay sa katotohanan ng kanyang
ipinahahayag.

 Estilo – Dito makikita ang husay ng debater sa pagsasalita,


sa pagpili ng tamang salitang gagamitin, at sa kaangkupan
ng pagbuo niya ng mga pangungusap na kanyang
babanggitin sa debate. Papasok din ditto ang linaw at lakas
o taginting ng kanyang tinig, husay ng tindig, kumpiyansa sa
sarili, at iba pa.

 Estratehiya – Dito makikita ang husay ng debater sa


pagsalo o pagsagot sa mga argumento, at kung paano niya
maitatawag ng pansin ang kanyang proposisyon. Dito rin
makikita kung gaano kahusay ang pagkakahabi ng mga
argumento ng magkakapangkat. Mahalagang mag-usap at
magplano nang maigi ang magkakapangkat upang ang
babanggiting patotoo o pagpapabulaan ng isa ay susuporta
at hidi kokontra sa mga sasabihin ng iba.
Mga Uro o Format ng Debate
Maraming iba’t ibang uri ng debate subalit ang
pinakakaraniwang ginagamit ng mga mag-aaral ay ang mga
debateng may uri o format na Oxford at Cambridge.
Sa Debateng Oxford, ang bawat kalahok ay magsasalita
lamang ng minsan, maliban na lang sa unang tagapagsalita na
wala pang sasalaging mosyon kaya’t mabibigyan ng isa pang
pagkakataong magbigay ng kanyang pagpapabulaan sa huli.
Sa pagtindig ng bawat kalahok upang magsalita ay
magkasama na niyang inilalahad ang kanyang patotoo
(constructive remark) at pagpapabulaan (rebuttal).
Sa Debateng Cambridge, ang bawat kalahok ay dalawang
beses titindig upang magsalita. Una ay para ipahayag ang
kanyang patotoo (constructive remark) at sa ikalawa ay para
ilahad ang kanyang pagpapabulaan (rebuttal).

Isaisip Natin

Ang pagsasaling-wika ay ang pagsasalin o paglilipat sa


pinakamalapit na katumbas na mensahe ng tekstong isinasalin
sa wika o diyalektong pinagsasalinan. Sa pagsasaling-wika
kailangang maipabatid nang tama ang mensahe ng isinasalin
kaya naman mahalagang isaisip ng isang tagapagsalin ang
sumusunod na paalala o pamantayan sa pagsasaling-wika:
 Alamin ang paksa ng isasalin. Magbasa o magsaliksik
upang mapag-aralan ito at magkaroon nang mas malawak
na kaalaman sa paksa ng tekstong isasalin.
 Basahin nang ilang beses ang tekstong isasalin.
Tiyaking nauunawaan mo ang nilalaman ng teksto sa lebel
na halos kakayanin mo nang ipaliwanag o muling
isalaysay kahit pa wala ang orihinal sa iyong harapan.
Gayunpama’y tandaang hindi ka basta
magpapaparaphrase kundi magsasalin kaya hindi mo
dapat baguhin, palitan, o bawasan ang ideya o mensahe
ng iyong isinasalin.

 Tandaang ang isinasalin ay ang kahulugan o mensahe


at hindi lang mga salita. Makatutulong nang malaki ang
pagpapabasa ng isinalin sa isang taong eksperto o
katutubong nagsasalita ng wikang ito upang mabigyang-
puna niya ang paraan ng pagkakasalin at masabi kung ito
ba’y naaangkop na sa konteksto ng isang taong likas na
gumagamit ng wika.

 Isaalang-alang ang iyong kaalaman sa genre ng


akdang isasalin. Makatutulong sa epektibong pagsasalin
ang kaalaman ng tagapagsalin sa genre na kinabibilangan
ng isasalin. Halimbawa, hindi basta makapagsasalin ng
isang tula ang isang taong walang gaanong alam sa
matatalinghagang salita at mga tayutay na karaniwang
ginagamit sa isang tula. Idagdag pa rito ang kaalaman
ukol sa magkakatugmang salita lalo na kung may sukat at
tugma ang tulang isasalin. Kung tula ang isasalin,
kailangang lumabas pa rin itong isang tula at hindi prosa.
Kung ito’y may sukat at tugma, kailangang pagsikapan ng
tagapagsaling mapanatili rin ito.

 Isaalang-alang ang kultura at konteksto ng wikang


isasalin at ng pagsasalinan. May mga pagkakataon
kasing ang paraan ng pagsasaayos ng dokumento sa
isang wika depende sa kanilang nakasanayan ay naiiba sa
wikang pagsasalinan kaya’t dapat din itong bigyang-pansin
ng magsasalin.

 Ang pagiging mahusay na tagapagsalin ay nalilinang


sa pagdaan ng panahon at napagbubuti ng karanasan.
Kung sakaling sa unang pagtatangka mo ay hindi moa gad
magawang makapagsalin nang halos kahimig ng orihinal
ay huwag kang mag-alala dahil habang tumatagal ka sa
gawaing ito at nagkakaroon nang mas malawak na
karanasan ay lalo kang gagaling at magkakaroon ng
kahusayan sa gawaing ito.
MADALI LANG ‘YAN
GAWAIN 4
Gamitin ang mga natutuhang mga pamantayan sa
pagsasaling-wika upang mapabuti ang sumusunod na literal
na pagsasalin mula sa orihinal ng mga online translation site
sa Internet.
1. “A nation that destroys its soils destroy itself. Forests are the
lungs of our land, purifying the air ang giving fresh strength
to our people.”
-Franklin D. Roosevelt

“Ang isang bansa na sira ang lupa nito sira mismo.


Kagubatan ang mga baga ng aming lupa, paglilinis ang mga
naka at pagbibigay sa mga sariwang lakas sa ating mga
tao.”
-Salin ng isang online translation site

________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
Salin ni: __________________
Pangalan mo

2. “Like music ang art, love of nature is a common language


that can transcend political or social boundaries.”
-Jimmy Carter

“Tulad ng musika at sining, pag-ibig ng kalikasan ay isang


pangkaraniwang wika na maaaring mangibabaw pampolitika
o panlipunan mga hangganan.”
-Salin ng isang online translation site

________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
Salin ni: __________________
Pangalan mo
3. “When the last tree is cut, ang the last fish killed, the last
river poisoned, then you will see that you can’t eat money.”
-John May

Kapag ang huling tree-cut at ang huling isda namatay, ang


huling ilog poisoned, pagkatapos ay makikita mo na hindi ka
maaaring kumain ng pera.”

________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
Salin ni: __________________
Pangalan mo

4. “We are seeds as well as parasites to the earth. We can


either give or take, depending on our perception of growth.”
-Zephyr McIntyre

“Kami ay buto pati na rin ang peste sa lupa. Maaari naming


bigyan o tumagal, depende sa aming pang-unawa ng pag-
unlad.”
-Salin ng isang online translation site

________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
_______________________________________________
Salin ni: __________________
Pangalan mo

5. “If you really think that the environment is less important than
the economy, try holding your breath while you count your
money.”
-Zephyr McIntyre

“Kung sa tingin mo talaga na ang kapaligiran ay di


masyadong mahalaga kaysa ekonomiya, subukan na may
hawak ang iyong hininga habang bilangin mo ang iyong
pera.”
-Salin ng isang online translation site

________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
_______________________________________________
Salin ni: __________________
Pangalan mo

PALAWAKIN PA NATIN
GAWAIN 5
Panoorin ang debateng inorganisa ng Philippine Collegiate
Peace Debate (PCPD) noong Setyembre 12-14, 2013 upang
marinig ang tinig ng mga kabataan kaugnay ng kapayapaan.
Mapapanood sa video ang dalawang nangunang pangkat na
magtatagisan ng talino at katwiran mula sa dalawampung
malalaking unibersidad mula sa iba’t ibang panig ng bansa.
Mapapanood ang debate sa link na ito: 1st Philippine Collegiate
Peace Debates https://www.youtube.com/watch?v=oo3Fa4L75Rc
(Ang aktuwal na debate ay nasa 16.30 hanggang 33.23 ng video.)

Sagutin ang sumusunod bilang pagbibigay-puna sa napanood na


debate:
1. Sa paanong paraan nagpahayag ng kani-kanilang mga
patotoo at pangangatwiran ang mga nag-debate?
2. Masasalamin bas a kani-kanilang mga pagpapahayag ang
kanilang kahandaan? Sa paanong paraan? Patunayan.
3. Ano-anong puna at papuri ang masasabi mo sa napanood
mong debate?
4. Ano-anong bagay ang natutuhan mo sa paraan nila ng
pagpapahayag at sa kanilang ginawang pangangatwiran?

Pinagyamang pluma 10

You might also like