You are on page 1of 30

Filipino 10

IKATLONG KWARTER

Mga Akdang Pampanitikan


ng Africa at Persiya
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN:
Naipapamalas ng mag-aaral ang pagunawa at
pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan
ng Africa at Persia.

PAMANTAYAN SA PAGGANAP: Ang mga


mag-aaral ay nakapanghikayat tungkol sa
kagandahan nga alinmang bansa batay a
binasang akdang pampanitikan.
SAKLAW NA ARALIN
Si Nyaminyami, Ang Diyos ng Ilog
Aralin 1
Zambezi (Mitolohiya)
Mga Anekdota sa Buhay ni Nelson
Aralin 2
Mandela
Aralin 3 Ang Ibong Nakahawla (Tula)
Si Rustam at si Sohrab (Buod ng
Aralin 4
Epikong Persiyana)
SI NYAMINYAMI, AND
DIYOS NG ILOG ZAMBEZI
PAGTUKLAS

Gawain 1. Picture Analysis


Panuto: Tingnan at suriing mabuti
ang mga larawan, pagkatapos
pagnilayan ang mga tanong.
Alin-alin sa mga ginagawa ng tao
ang maaaring makapagdulot ng
kaunlaran subalit pinagmumulan
naman ng pagkasira ng
kapaligiran o ng kalikasan?
Sa iyong palagay, maaari pa rin
kayang magkaroon ng kaunlaran
ang isang bayan nang hindi
nasisira ang kapaligiran? Sa
papaanong paraan?
Mahalagang Tanong:

Bakit mahalagang mapangalagaan


ang ating kalikasan? Paano
makaaapekto sa tao ang pagsira sa
kapaligiran?
ALAM MO BA?

Ang Ilog Zambezi ay ikaapat sa pinakamalaking ilog


sa Africa. Ito’y nasasakop ng anim na bansa. Sa ilog na
ito matatagpuan ang Dam ng Kariba. Tanyag ang lugar
na ito sa mga turistang nais makakita sa kagandahan
ng dam at sa kalikasang nakapaligid sa ilog. Maraming
bahagi kasi ng mga kagubatan sa magkabilang
pampang ng ilog ang protektado sa ilalim ng Nature
Conservation Act. Ang isa pang dinarayo sa lugar na ito
ay ang iba’t ibang sports sa tubig tulad ng white water
rafting, kayaking, river boarding, at jet boating.
Ang Kariba Dam kung saan sinasabing nakatira ang diyos
ng ilog na si Nyaminyami ay isa sa pinakamalaking dam sa
boung mundo sa taas nitong 128 metro at habang 579 na
metro. Dumaan sa maraming kalamidad ang dam bago
tuluyang nabuo noong 1960. Ang mga kalamidad na ito ay
sinasabing kagagawan ni Nyaminyami dahil sa galit niya sa
pagtatayo ng dam na sumira sa kanyang tahanan, naglayo sa
kanila ng kanyang asawa, at naging dahilan ng paglilipat ng
tirahan ng humigit kumulang 57,000 mamamayang kabilang
sa tribong Tonga o Ba Tonga na sinasabing minahal at
pronotektahan ng diyos ng ilog.
Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin nawawala ang
takot sa paniniwalang gigibain ni Nyaminyami ang dam lalo
pa’t ito ngayon ay nagpapakita ng mga senyales ng paghina ng
estruktura. Ayon kay Felix Nkulukusa, ang permanent
secretary ng Zambia Ministry of Finance, ang dam ay maaaring
bumagsak kung hindi maiaayos ang mahihinang bahagi nito sa
loob ng tatlong taon. Inaagapan naman ito ng dalawang
bansang nakasasakop sa dam, ang Zambia at Zimbabwe.
Unti-unting isinasaayos at pinatitibay ang mahigit limampung
taong gulang na dam. Aabot kasi sa mahigit 3.5 milyong tao
mula sa mga bansang Zambia, Zimbabwe, Malawi at
Mozambique ang maaaring madamay o malagay sa panganib
kung sakaling tuluyang bumigay ang dam.
Gawain 2. Paglinang ng Talasalitaan
Panuto: Ibigay ang salitang kasalungat o kasingkahulugan ang
nakasalungguhit na salita. Ilagay ang sagot sa iyong kwaderno. (10
puntos)
1. Ang paniniwala ng Tribong Tonga ay isang dambuhalang nilalang si
Nyaminyami na may asawang hegante rin tulad niya.
2. Alam nilang pinoprotektahan sila ng diyos ng ilog laban sa mga nilalang
na lagi silang pinagsasamantalahan.
3. Nanlumo ang mga tao nang magdesisyon ang pamahalaang ituloy ang
proyekto subalit natuwa na rin sila nang magkaroon sila ng koryente
mula sa nasabing dam.
4. Ang bakang itim na inilagay ng mga Tonga ay nakalutang sa lawa subalit
kinabukasa’y nawala ang baka kaya’t inakalang ito’y nakalubog na
5. Kinatatakutan ng mga tao ang paniniwalang magigiba ang dam dahil
mapababagsak daw ito ng ngitngit ng diyos ng ilog.
Si Nyaminyami, Ang Diyos ng
Ilog Zambezi
(Isang Mitolohiya mula sa Tribung Tonga ng Africa)
“Ating pagpalain, alagaan, at igalang ang kalikasan. Ang pagsira dito’y makapagdadala
sa tao ng kapahamakan.”
Ang napakagandang ilog Zambezi ay may itinatagong isang hindi
pangkaraniwang hiwaga na magpahanggang ngayon ay
pinaniniwalaan ng marami, lalo ng ng mga mamamayan ng tribung
Tonga o Ba Tonga na naninirahan sa magkabilang pampang ng ilog
Zambezi. Ayon sa mitolohiya, sa loob ng napakahabang panahon, si
Nyaminyami, ang diyos ng ilog ay tahimik na naninirahan sa Lawa
ng Kariba na karugtong ng ilog Zambezi kasama ang kanyang
asawa. Maraming katutubo na raw ang nakakita kay Nyaminyami
tulad ni Pinunong Sampakaruma subalit walang matibay na
ebidensiyang makapagpatunay rito. Ayon sa mga nakakita, si
Nyaminyami raw ay may ulo ng isang isda at katawan ng isang
ahas. Siya’y isang dambuhala sa lapad na halos tatlong metro at
habang hindi nila magawang hulaan.
Naniniwala ang mga mamamayan ng Tonga na si diyos
Nyaminyami ay nagging mabuti sa kanila. Katunayan, sa mga
panahon daw ng matinding taggutom na dala ng mahahabang
tagtuyot sa Africa ay nabuhay sila sa tulong ng mga bahagi ng
katawan ni Nyaminyami na ibinibigay o iniiwan niya para sa mga
mangingisda. Kinilala at iginalang ng mga Tonga si Nyaminyami
at sa loob ng napakahabang panahon, naniwala silang
pinoprotektahan sila ng diyos ng ilog kahit wala silang
masyadong nagging ugnayan sa mga tagalabas. Namuhay sila
nang mapayapa subalit ang lahat ay nagbago noong mga huling
taon ng 1940s nang mapagtibay ang desisyon ng pamahalaang
ipatayo ang Dam ng Kariba.
Ikinatakot ng mga mamamayan ang balita, lalo na nang
malamang ang dam ay itatayo sa mismong tabi ng malaking
batong pinaniniwalaang tahanan ng diyos ng ilog na si
Nyaminyami at ng kanyang asawa. Katunayan, napakalaki ng
paggalang ng mga mamamayan sa bahaging iyon ng lawa at
walang mangingisda ang nangahas lumapit man lang doon dahil
ang mga naunang nangisda raw roon ay nahigop ng alipuyo sa
tubig at hindi na muling nakita. Kaya nga tinawag nila ang
higanteng batong iyon na “kariva” o “karinga” na ang ibig sabihin
ay “ang bitag” at dito rin nagmula ang pangalang “Kariba” para sa
lawa.
Nang magdatingan ang mga puting inhenyero at mga
manggagawang magpapasimula na sa paggawa ng dam ay nagbabala
ang mga nakakatanda ng Tonga. “Huwag na ninyong ituloy ang plano.
Hindi ninyo magugustuhan ang gagawin ni diyos Nyaminyami sa inyo
at sa inyong proyekto.”
Pinagtawanan lang ng mga puti ang ganitong mga babala at
paniniwala. Itinuloy pa rin nila ang mga panimulang gawain sa
pagtatayo ng dam tulad ng pagpapaalis sa mga mamamayan ng
Tonga sa pampang ng ilog na kanila nang nagging tahanan sa
napakahabang panahon. Pinalipat ang mga mamamayan sa mas
mataas na bahagi ng ilog. Pinagpuputol din ng mga dayuhan ang libo-
libong matatandang puno upang makagawa ng daan at upang may
magamit sa pagbuo ng tirahan ng mga manggagawa.
Subalit ang ikinatatakot ng matanda ay nangyari nga noong gabi
ng Pebrero 15, 1950. Isang napakalakas na bagyo mula sa
Karagatang India, isang pangyayaring hindi karaniwang nagaganap
sa lugar na ito ang bumayo at nagdala ng napakalakas na hangin at
ulang nanging sanhi ng napalaking baha sa buong lambak ng
Zambezi. Inanod ang maraming kabahayan at ang lahat ng
madaanan ng ilog na umapaw nang mahigit pitong metro. Tatlong
araw ang inabot bago narrating ng rescue team ang lugar at sila’y
nanlumo sa nakitang pinsala. Ang katawan ng mga namatay na usa
at iba pang hayop ay nangakasabit sa sanga ng matataas na kahoy
na nagpakita kung gaano katas ang inabot ng tubig baha. Sa
kasamaang palad ay namatay ring lahat ang mga kasama sa rescue
team nang mabagsakan sila ng gumuhong lupa.
Sa kabila ng pangyayaring ito ay hindi rin nahadlangan ang
pagpapatayo ng dam. Hindi inisip ng mga puti na ito’y isang babala ni
Nyaminyami kundi nagkataon lang na may dumating na bagyo at binaha
ang lambak ng Zambezi. Subalit noong 1957, nang halos patapos na ang
dam ay dumating ang pinakamalaking baha sa kanilang kasaysayan.
Sinasabing ang ganito katinding baha ay dumarating lamang nang
minsan sa isanlibong taon. Inanod ng baha ang malaking bahagi ng
papatapos na sanang dam gayundin ang mga kagamitan sa paggawa
nito. Maraming buhay rin lalo nan g mga manggagawa sa dam ang
nawala. Ang nakapagtataka, ang katawan ng mga puting manggagawa
ay hindi lumutang. Hinanap ang mga ito kung saan-saang bahagi ng ilog
at lawa subalit walang nakita isa man sa kanila. Dahil dito’y kinausap ng
mga pinuno ang mga nakatatandang Tonga.
“Paanong nangyaring ang katawan ng mga itim ay lumutang
samantalang wala ni isa man sa mga puti ang nakita kahit pa
hinanap na sila kung saan-saan?” ang nagtatakang tanong ng mga
kinatawan ng pamahalaan. Tulungan ninyo kaming mahanap ang
mga katawan nila.”
“Si Nyaminyami ang may gawa ng dambuhalang baha. Mag-alay
kayo ng isang itim na baka para mawala ang galit niya at nang ilabas
niya ang katawan ng mga Puti,” ang sabi naman ng mga
nakatatanda.
“Kalokohan! Hindi totoo ang Nyaminyami na iyan! Tumulong na
lang kayong maghanap sa mga nawawala,” ang sagot ng mga
pinuno.
.Subalit kahit anong tindi nang tulong-tulong na
paghahanap ay hindi pa rin natagpuan ang katawan ng mga
nawawala. Nang malapit nang magdatingan ang mga
kapamilya ng mga manggagawang namatay ay wala nang
nagawa ang mga pinuno kundi subukin ang mungkahi ng
mga nakatatandang Tonga.
Nagsagawa ng ritwal ang mga Tonga saka ipinaanod ang
inialay na itim nab aka sa Lawa ng Kariba. Kinabukasan,
wala na ang itim nab aka kung saan ito ipinalutaang at sa
halip, ang katawan ng mga putting manggagawang tatlong
araw nang hinahanap ang nakitang nakalutang.
.
Walang maibigay na matibay na paliwanag maging
ang mga pinuno ng mga gumagawa ng dam sa
mahiwagang pangyayaring ito. Subalit natitiyak ng
matatandang Tonga; kagagawan ng galit na galit na si
Nyaminyami ang lahat ng ito.
Pagkatapos ng malaking baha ay pinag-araan ng
mga eksperto ang daloy ng tubig sa ilog Zambezi at
saka nila pinag-usapan ang patungkol sa itinatayong
dam. Nagkasundo silang ang ganoon kalaking baha ay
nangyayari lamang nang minsan sa isanlibong taon
kaya’t itinuloy pa rin nila ang pagtatayo ng dam.
.
Sa kabila ng paniniwala ng mga eksperto ay alam
ng matatandang Tonga na muling gaganti si
Nyaminyami at may mangyayari pa uling sakuna.
Dahil kasi sa pagtatayo ng dam ay nalubog sa halos
tatlumpung metrong tubig ang batong tirahan ng
diyos ng ilog at ang masaklap, sinasabing naiwan
daw sa kabilang bahagi ng dam ang kanyang
pinakamamahal na asawa at alam nilang ito ay
lubhang nagpagalit sa kanya.
.
“Tigilan na ninyo ang pagsira sa tahanan ng diyos
Nyaminyami. Hayaan n’yo na kaming makabalik sa
pampang na dati naming tirahan. Kung hindi ay muli
ninyong matitikman ang bagsik ni Nyaminyami,” ang
babala nila sa mga puti.
“Kalokohan! Mga eksperto na mismo ang nagsabi,
nangyayari lamang ang ganoon kalaking baha tuwing
isanlibong taon. Itutuloy namin ang pagpapatayo ng
dam!” ang maatigas na paninindigan ng mga pinuno.
. At hindi nga nagkamali ang mga Tonga. Nang
sumunod na tag-ulan ay muling sumilab ang galit ni
Nyaminyami na ngayo’y mas matindi pa kaysa sa
dalawang nauna. Isang mas Malaki pang baha ang
naganap kaysa sa naranasan nila nang nagdaang
taon. Sa laki ng baha ay nagging lubhang mapinsala
ito. Nasira nito ang coffer dam, ang tulay sa pagitan ng
itinatayong dam at ng pampang, at ang malaking
bahagi ng dam na malapit na sanang matapos.
Sinasabing ang ganoon kalaking baha ay nangyayari
lamang nang minsan sa sampung libong taon.
.Subalit hindi nito napigil ang pagpapatayo ng dam. Itinuloy pa
rin ito ng pamahalaan at noong 1960, natapos din sa wakas ang
Dam ng Kariba. Ito na ngayon ang pangunahing pinagmumulan
ng suplay ng kuryente para sa mga bansang Zimbabwe at
Zambia. Makikita naman ang rebulto ni Nyaminyami sa itaas na
bahagi ng Ilog Zambezi at nakatanaw na tila ba nagbabantay sa
kabuoan ng Dam ng Kariba. Dinarayo na rin ito ngayon ng
napakaraming turistang nais makapaglaro ng mga isport na
pantubig at upang makita ang kagandahang ng paligid at ng dam
na ilang beses nang muntik-muntikang hindi maitayo dahil sa
paghagupit ng kalikasang pinaniniwalaang kagagawan ng diyos
ng ilog.
.Ang mga Tonga naman ay patuloy na naninirahan sa mataas
na bahgi ng ilog Zambezi. Madalas silang nakararamdam ng
pagyanig sa paligid. Naniniwala silang ito ay ang mga
pagkakataong galit ang diyos Nyaminyami at nagpipilit maabot
ang kanyang kabiyak na nasa kabilang bahagi ng dam.
Naniniwala silang isang araw ay magigiba rin ni Nyaminyami
ang dam subalit sa kanilang puso’t isipan ay umaasa rin silang
sana’y hindi na ito mangyari sapagkat kung magtatagumpay si
Nyaminyami ay tiyak na isang trahedyang walang katulad ang
idudulot nito sa mga mamamayang wala namang kinalaman.
Patuloy na lamang nilang pag-iingatan at alagaan ang kanilang
kapaligiran bilang pagbibigay-pugay sa kanilang alaala.
.
SAGUTIN NATIN
1. Anong hiwaga ang itinatago ng
napakagandang ilog Zambezi? Ano-ano ang
magpapatunay sa sinasabi ng mga Tonga o Ba
Tonga na may isang diyos ngang naninirahan
at nagbabantay sa ilog na ito?
2. Sa paanong paraan namuhay ang mga
mamamayan ng tribung Tonga sa tabi ng lawa
ng Kariba noong unang panahon.
.
3. Bakit labis nilang ikinagulat at mariing tinitulan
ang pagtatayo ng dam? Ano ang naging epekto
sa kanilang pamumuhay?

4. Ano-anong kalamidad ang nangyari sa lugag na


naging dahilan kung bakit muntik-muntikan nang
hindi matapos ang pagtatayo ng dam? Bakit kay
Nyaminyami iniuugnay ang mga kalamidad na
ito?
.
5. ano-ano ba ang mga sinasabibg naging dahilan
sa labis na pagkagalit ni Nyaminnyami sa mga
taong nagpasimula sa paggawa ng dam?
Makatwiran bang makadama siya ng ganito para
sa mga taong iyon?

6. Kung ikaw ang tatatungin, alin sa mga


ginagawa ng mga taong ito ang sa tingin mo ay
talagang nakagagalit? Bakit?

You might also like