You are on page 1of 1

EL FILIBUSTERISMO

KABANATA 1: SA IBABAW NG KUBYERTA

Isang umaga ng buwan ng Disyembre, ang Bapor Tabo na naghahatid ng maraming


manlalakbay na patungo sa lalawigan ng Laguna ay hirap na hirap sa pagsalunga sa malakas na
agos ng Ilog Pasig.

Ang bapor na ito ay mabigat at pabilog na parang tabo na pinaghanguan ng pangalan


nito. Lulan sa kubyerta nito sina Don Custodio, Ben Zayb, Padre Irene, Padre Salvi, Donya
Victorina, Kapitan Heneral at Simoum.

Naging mainit ang pagtatalo nang magawi ang pag-uusap tungkol sa pagpapailalim ng
ilog Pasig upang malutas ang suliranin sa paglalakbay. Mungkahi ni Don Custodio: mag-alaga
ng itik. Pumasok sa kainitan ng pagtatalo ang mag-aalahas na si Simoun na kilalang tagapayo
ng Kapitan Heneral at nagsabi na ang suliranin tungkol sa mga lawang hindi matino ay
napakadali. Aniya, gumawa ng tuwid na kanal na mag-uugnay sa lawa ng Laguna at sa look ng
Manila.

Labis na nagulat ang mga kausap ni Simoun sa kanyang mga tinuturan, subalit patuloy
na nakikinig ang mga ito sa kanyang mga mungkahi. Lalo pang namangha ang mga kausap ni
Simoun nang iminungkahi niyang huwag bayaran ang mga manggagawa at mas makabubuting
ang mga bilanggo at mga bihag ang gagawa ng trabaho. Ipinagpatuloy pa niya na kung
mamarapatin, maging ang mga matatanda at mga bata ay pagtrabahuin din. Hayaan daw na
magdala ng kanya-kanyang pagkain at kagamitan ang mga manggagawa. Nagkasagutan sila ni
Don Custodio at ng ilang pari. Ayon sa ibang sakay, siguradong mag-aalsa ang mga tao kung
ganito ang mangyayari. Napunta ang mainit na usapin sa mga pato na inaalagaan sa Pateros at
Pasig at naging punto ng pag-uusap ang kinakain ng mga ito.

Nang marinig ito ni Donya Victorina, paismid at palamya siyang nagsalita na kung ang
lahat ay gugugol ng panahon sa pag-aalaga ng mga pato ay siguradong dadami ang balot na labis
niyang inaayawan at pinandidirihan.

You might also like