You are on page 1of 1

Ang Kubyerta

Ang kubyerta ng bapor tabo ay binubuo ng dalawang bahagi, ibabaw at ilalim. Nakasakay dito
habang sumasalungat sa agos ng ilog-pasig sina Don Custodio, Ben Zayb, Padre Irene, Padre
Salvi, Donya Victorina, Kapitan Heneral at Simoun. Ang bapor ay naglalakabay sa umaga ng
Disyembre sa ilog Pasig patungong Laguna.

Habang nagbibiyahe, ang pagpapalalim ng ilog Pasig ang kanilang pinag-uusapan. Mag-itikan o
mag alaga ng mga itik na lamang ang mungkahi ni Don Custodio. Nararapat gumawa ng diretsong
kanal sa ilog upang mag-ugnay sa lawa ng Laguna at look ng Maynila, walang guguling malaki
dito dahil sa ang gagawa nito ay ang mga bilanggo sakaling di sapat ang mga ito, taumbayan ang
pagtatrabahuhin ng libre, ang sabi ni Simoun na kilalang tagapayo ng kapitan Heneral, bagay na
pinagtalunan nina Don Custodio at ilang mga prayle na ang munkahi kapag isinagawa ay
pagmumulan ng di-pagsangayon at pag-aalsa ng mga mamayan. Nagsabi si Ben Zayb na ang
panukalang ito ay isang maliit na bagay lamang.

Ang magandang gawin wika pa ng Don ay mag-alaga ng itik upang lumalim ang lawa sa pagkuha
nila ng mga susong kinakain ng mga itik na kasama na ang burak. Dahil sa pandidiri ni Donya
Victorina sa balot kung kaya sinabi niyang tutol siyang magkaroon ng itikan sa naturang ilog
dagdag pa rin niya na kung ang lahat ng mga taong nakatira sa tabi ng ilog ay mag-aalaga ng itik
darami ang balot na ayaw niyang kainin at tabunan na lamang ng lupa at buhangin ang nasabing
lawa.

You might also like