You are on page 1of 5

Talasalitaan:

Bapor tabo – barko na hugis tabo


Patungo – papunta
Paksa – pinag-uusapan
Nagmungkahi – nagsalaysay
Himagsikan – rebelyon,
pakikidigma
Umaga ng Disyembre, ang bapor tabo ay
naglalakbay sa liku-likong daan ng Ilog Pasig
patungong Laguna.

Sakay sa bapor sina Donya Victorina, Don


Custodio, Benzayb, Padre Salvi, Padre Sibyla,
Padre Camorra, Padre Irene, at si Simoun. Paksa
sa usapan nila ang pagpapatuwid ng Ilog Pasig at
ang mga gawain ng Obras del Puerto.
Nagmungkahi si Simoun na maghukay ng isang
tuwid na daan mula pagpasok hanggang sa
paglabas ng Ilog Pasig. Ang mga lupang nahukay ay
siyang gagamitin upang takpan ang dating ilog.

Pagtatrabahuhin ang mga bilanggo upang hindi


mag-aksaya ng malaking halagang pera. Kung hindi
sapat ay pagtatrabahuhin din ang mamamayan ng
sapilitan at walang bayad.
Hindi sinang-ayunan ni Don Custodio ang
paraang iminungkahi ni Simoun dahil maaari
itong magsimula ng himagsikan.

Sa halip, pilitin na mag-alaga ng itik ang lahat


ng naninirahan malapit sa Ilog Pasig. Sa gayon
ay lalalim ang lawa sa kanilang pagkuha ng
susong pagkain ng pato. Ito’y hindi rin sinang-
ayunan ni Donya Victorina dahil dadami ang
balot na pinandidirihan niya.

You might also like