You are on page 1of 3

KABANATA 1: SA IBABAW NG KUBYERTA

Umaga ng Disyembre, ang bapor tabo ay naglalakbay sa liku-likong daan ng Ilog


Pasig patungong Laguna.
Sakay sa bapor sina Donya Victorina, Don Custodio, Benzayb, Padre Salvi, Padre
Sibyla, Padre Camorra, Padre Irene, at si Simoun. Paksa sa usapan nila ang
pagpapatuwid ng Ilog Pasig at ang mga gawain ng Obras del Puerto.
Nagmungkahi si Simoun na maghukay ng isang tuwid na daan mula pagpasok
hanggang sa paglabas ng Ilog Pasig. Ang mga lupang nahukay ay siyang gagamitin
upang takpan ang dating ilog.
Pagtatrabahuhin ang mga bilanggo upang hindi mag-aksaya ng malaking halagang
pera. Kung hindi sapat ay pagtatrabahuhin din ang mamamayan ng sapilitan at
walang bayad.
Hindi sinang-ayunan ni Don Custodio ang paraang iminungkahi ni Simoun dahil
maaari itong magsimula ng himagsikan.
Sa halip, pilitin na mag-alaga ng itik ang lahat ng naninirahan malapit sa Ilog
Pasig. Sa gayon ay lalalim ang lawa sa kanilang pagkuha ng susong pagkain ng
pato. Ito’y hindi rin sinang-ayunan ni Donya Victorina dahil dadami ang balot na
pinandidirihan niya.

You might also like