You are on page 1of 9

Zamboanga Peninsula

Ang rehiyong nasa katimugan ng Pilipinas ay ang Rehiyon IX.Ang Zamboanga del Norte,Zamboanga del
Sur,Zamboanga Sibugay at Basilan ang bumubuo ng rehiyong ito.May apat itong Lungsod ang
Dapitan,Dipolog,Pagadian at Zamboanga.Ang sukat ng buong rehiyon ay humigit kumulang sa 15,997.3
kilometrong parisukat.Ito ay mabundok na rehiyon at sa Zamboanga del Norte matatagpuan ang
pinakamataas na bundok Dabiah.Matataas ang kinikita sa pagsasaka dahil sa kalakihan ng rehiyon
subalit mababa ang establisyemento.Pangunahing hanapbuhay ng mga tao rito ang pangingisda lalo na
sa Basilan.Sa Zamboanga del Sur at Zamboanga del Norte naman ay pagsasaka,paghahayupan at
kaunting pangingisda.Hanapbuhay rin dito ang panghuhuli ng mga pawikan o pagong at ang
pangongolekta ng mga itlog nito.Sa mga nakalipas na panahon dahil sa maraming suplay ng
pangkagubatang produkto,nakilala ang rehiyon bilang angkatan ng mga kahoy.Sa kasalukuyan ang mga
troso na mula pa noong unang panahon ay nanggagaling na sa matandang kagubatan ay unti unti na
ring nawawala.Ang lungsod ng Zamboanga ang sentro ng kalakalan ng rehiyon.Ang Basilan ang
itinuturing na may pinakamaraming produksyon ng goma sa buong mundo ng Pilipinas at ang
Zamboanga del Sur naman ay kinilala sa pagtotroso.

Ang Zamboanga na tinaguriang “Zambangan” na lalong kilala sa tawag na Lupain ng mga Bulaklak ay
tinanghal bilang primera klaseng lungsod.Noong ika-6 ng Hulyo,1952 ang lupain ng mga bulaklak ay
nahati sa dalawang probinsya ang Zamboanga del Norte at Zamboanga del Sur.Ang Zamboanga del
Norte ay mayaman sa mga yamang mineral na kadalasan ay non-metallic .Ito ay mga durog na
bato,asbestos ,buhangin,graba at iba pa.Dipolog ang kabisera ng lalawigan.May magaganda rin itong
tanawin ang Aplaya o tabing dagat tulad ng Sinipang Bay at may mahiwagang kwebang matatagpuan
dito tulad ng Manuban,Katipunan,Roxas at Labason.Isa sa mga mahalaga at makasaysayang lugar ng
probinsya ay ang Dapitan Shrine kung saan pinatapon bago pinatay si Dr.Jose Rizal.Ang Zamboanga del
Sur ay galing sa salitang Malay na ang ibig sabihin ay paso o lalagyan ng bulaklak.Pagadian City ang
kabisera nito na mas kilala sa tawag na Little Hongkong ng Pilipinas dahil sa heograpikal na pagkakatulad
ng lokasyon sa Hongkong.Naitatag ito sa bisa ng RA Blg. 711 noong Septyembre 17, 1952.Mayroon ding
produksyon ng mineral ang lugar na ito pero karamihan ay metallic tulad ng
aluminum,ginto,tanso,tingga,nickel,chromite,pyrite,hematitie, at zinc.Ang mga non-metallic naman ay
uling,asin,lupa,buhanging,graba,asbestos,marmol,silica at iba pa.May magagandang tanawin dito tulad
ng Pasonanca Park,ang tatlong daang taong Fort Pilar na kung saan naroon ang grotto ng Lady of
Pilar,ang Sta.Cruz na isang islang may magagandang baybay-dagat at makukulay na mga korales at ang
Barter Trade Market na bilihan ng mga gamit pang Muslim.Rehiyon ito ng magaganda at makukulay na
mga vinta at layag.Matatagpuan sa rehiyon ng Tangway ng Zamboanga sa Mindanao ang Zamboanga
Sibugay.Ipil ang kabisera nito.Ito ay ganap na naging lalawigan sa bisa ng Batas Republika Bilang 8973
noong 22 Pebrero 2001 at binubuo ng 16 munisiplidad.Ang ikahuli ay ang Basilan na matatagpuan
sa katimugang bahagi ng Zamboanga del Sur.Dati itong bahagi ng Zamboanga del Sur subalit ng lumaon
ito’y inihiwalay sa pamamagitan ng Presidential Decree Blg.356 noong Disyembre 27, 1973.Ito ang
pinakamaliit sa apat na lalawigan ng Rehiyon IX at binubuo ito ng tatlong munisipalidad ang Isabela,na
siyang kabisera nito,Lamitan at Maluso.

Mga Tao at Kultura

Marami sa mga naninirahan dito ay mga Muslim,Pagano at mga Kristiyano.May ibat ibang pangkat ng
Muslim gaya ng Tausog,Subanon,Yakan at Samal na naninirahan sa Basilan.Maraming mga Sebuano ang
naninirahan dito kaya’t Cebuano ay isa sa mga diyalektong sinasalita.

Mahilig sila sa mga musika at mga sayaw sa saliw ng mga gong.Makukulay ang mga kasuotan.May iba’t-
ibang wikain tulad ng Bagjao,Cebuano,Kalibugan,Tausog,Subanum,Sanduka,Sibuku,Sama at Chabakano.

Ang mga Muslim ay may tradisyong tinatawag na Ramadan o Pausa.Ito ay ang hindi pagkain ng
mahabang panahon bilang sakripisyo at alay kay Allah,ang diyos ng mga Muslim.Matapos ang
mahabang panahon ng hindi pagkain o sakripisyo ay nagdiriwang naman sila ng kapistahan na kung
tawagin ay Hariraya Hadji.Mayroon pa rin silang isang tradisyon na ginaganap isang buwan sa isang taon
at apat na beses sa isang buwan tuwing Huwebes.Ang mag-aanak ay sabay-sabay na maliligo sa
dagat.Ang tawagdito ay Tulak Bala

May paniniwalang ang mga Muslim na ang isang namatay ay dapat suotan ng kanyang paboritong damit
at bigyan o pabaunan ng tubig at pagkain dahil malayo ang lalakbayin nito.

Ang mga Muslim ay hindi kumakain ng baboy dahil para sa kanila ito ay marumi.Dito rin matatagpuan
ang mga Samals na magagaling sa paggawa ng Bangka na ang tawag ay Vintas.Itinuturing silang
matatapang na mandirigma sa dagat.Magaling din silang magsaka ng lupa at balita rin sa paggawa ng
tanso.Nanatili pa rin ang kaugalian ng mga Tausog na ang mga magulang ang mag-aasikaso upang
makasal ang kanilang mga anak kahit na hindi pa nila halos kilala ang bawat isa.Dapat na magbigay ng
dote ang lalaki sa magulang ng babae na maaring alahas,pera,lupa o mga ani.

Nararapat na magsuot ang mga babaeng muslim ng damit na mahaba ang manggas at ang tabas ng
damit sa leeg ay makipot o “closed neck”.Ang kanilang palda ay sarong.Ang mayamang muslim ay
nagsususuot ng sedang sarong na magaganda ang kulay at disenyo na may palamuting perlas.Sa mga
lalaki naman ang mahigpit na jacket at mahigpit na manggas.Ang pantalon ay koton,may mahabang
sash na nakapalibot sa kanilang baywang.At kapag sila ay nagtatrabaho sa init ng araw ay nagsusuot sila
ng sarong na sumbrerong kahawig ng salakot.

Sining
Kung sining ang pag-uusapan ang Rehiyon IX ay may natatanging sayaw tulad:

* SUA-SUA- isang sayaw sa pag-iisang dibdib,

*SINGKIL- ang sayaw ng isang prinsesa na pinapayungan habang madamdaming humahakbang sa apat
na kawayan.Halos katulad ito ng Tinikling; at ang

*KOPARANGKAMANIS-ay sayaw panghukuman.

Panitikan

May ibat-ibang anyo ng Panitikan ang rehiyong ito tulad ng mga sumusunod:

a A. Iringa o Kwentong Bayan

Hal. Si-amo ago si bowaya at Manik Buangsi

b B. Kwentong Subanon

c C. Alamat ng Yakan

d D. Kabaraperanga-mga tulang papuri sa bayani ng digmaan.

e E. Panaroon-mga salawikain

F Antoka-bugtong (sa Tausog Tigum-Tigum)

G. Dedao so wata-awit sa pagpapatulog ng bata.

Mga Halimbawa ng Akda:

a. Alianapia(Tausog)

b. The Guman of Dumalinao(Subanon of the Samboanga Peninsula)

c. Ang tobig Nog Kibiklagan-kwentong panghimagsikan (Subanon)

d. Su Guksugan Mikatag de Taibun-kwentong pag-ibig

e. Se Ketubo ni Daugbulawan-Buhay ni Daugbulawan(Subanon)

Alamat
Kahulugan ng Alamat

Isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig.
Karaniwang nagsasalaysay ang mga ito ng mga pangyayari hinggil sa tunay na mga tao at pook at
mayroong pinagbatayan sa kasaysayan. Ang salitang alamat ay panumbas sa salitang "legend" ng ingles.

Anghel sa Kalangitan

(alamat kung bakit umuulan)

Nooong unang panahon ang mga tao sa mundo ay nagtataka kung bakit umuulan. Umaga hanggang gabi
ay nag-iisip sila, subalit wala ni isa sa kanila ang makapagsabi. Ngunit isang araw, ang kanilang
katanungan ay umabot sa Diyos. Sabi ng Bathala.” Gabriyel, magtungo kasa mundo at sabihin mo sa mga
tao na umuulan dahil ang mga anghel ay naliligo. Dahil dito pumunta si Gabriyel, sa mundo ng mga tao
at sinabi sa mga tao na umuulan dahil naliligo ang mga anghel. At pagkatapos noon ay bumalik na si
Gabriel sa langit.

ANG DALAWANG BUNBOK

(alamat ng dalawang bundokna nakatayo sa karatagan sa pagitan ng Zamboanga at Jolo.)

Noong unang panahon, may isang mag-asawang bagong kasal lamang. Gustong-gusto nilang bisitahin
ang mga magulang sa Zamboanga. Isang araw, nagpaalam sila sa mga magulang ng babae na pupunta
sila sa Zamboanga. Nang sila ay payagan, hiniram nila ang vinta at layag ng ama ng babae.Inayos ng
lalaki ang vinta at layag. Sinibukan niya ang layag na ito at maayos naman.Pagkatapos nila sa
paghahanda ng vinta, pinuno nila ito ng pagkain at sila ay naglayag isang araw ng Biyernes. Umaga pa
lamamg ng araw ay nagsimula na silang maglayag. Habang sila ay naglalayag naitulak ng malakas ng
hangin ang kanilang vinta patungo sa karagatang ng Sulu hangang marating nila ang Lampinigan sa
Basilan. Pagkatapos ng isang lingo ay narating din nila ang Zambaoanga, nagtungo sila sa bahay ng
magulang ng lalaki .Masaya ang mga magulang ng lalaki at ang kanilang anak ay nakapangasawa ng
mabait at magandang babae.
Isang araw, pagkalipas ng isang taon, nagpaalam naang babae sa kanyang biyenan. Araw din ng
Biyernes ng sila ay umalis patungo sa Jolo. Ang dagat ay tahimik at walang makitang alon. Naghintay sila
na umihip ang hangin. At nagsimula nga umihip ang hanging amihan. At nang hatinggabi na, ang ihip ng
hangin ay nagbago at ang kapaligiran ay dumilim bigla, nagkaroon ng bagyo. Wala na silang masisilungan
dahil sila nasa gitna ng karagatan. Hindi nila mapigil ang kanilang vinta

sa lakas ng hagin. Habang hinahampas ang kanilang bangka ng mga alon, sila ay nagdarasal na lamang sa
Diyos. “ O Diyos ko pagpalain mo po kami. At kung kami po ay mamamatay, sana po ang katawan namin
ay maging dalawang kabundukan”, sabi ng lalaki. Pagkatapos nilang magdasal sa Diyos at sa propeta
nilang si Mohammed, nagyakapan silang dalawa. Pagkalipas ng isang sandali tinamaan sila ng malakas na
alon at sila ay tumilapon sa dagat. Hindi na sila nakita. Pagkatapos ng bagyo ay lumitaw ang dalawang
bundok sa gitna ng karagatan. Ito ang pinagmulan ng dalawang kabundukan na nakatayo sa karatagan sa
pagitan ng Zamboanga at Jolo.

KWENTONG BAYAN (Zamboanga)

MANIK BUANGSI

Hitik sa pakikipagsapalaran at hiwaga ang bumabalot sa kwentong Manik Buangsi.Puno rin ito ng
damdaming makamandag, pagkainggit, kawalan ng tiwala sa kapwa, at kahinaan ng tao.Tunghayan natin
ang mga pangyayari.

Noon ay may isang sultan na may pitong anak na dalaga. Ang bunso ang pinakamaganda sa lahat. Ang
kanyang pangalan ay Tuan Putli. Nang magdalaga si Tuan Putli ay maraming dugong bughaw ang
lumigaw sa kanya. Ngunit hindi niya pinansin ang mga ito, sapagkat sa kanyang panaginip ay nakita na
niya ang lalaki na kanyang iniibig. Siya ay si Manik Buangsi. Datapwat si Manik Buangsi ay hindi isang
pangkaranwang tao. Siya ang nilalang na walang kamatayan at nakatira sa pook ng mga bathala. Sa
panaginip lang niya dinadalaw si Tuan Putli. Dumating ang araw na hindi na matiis pa ni Manik Buangsi
ang kanyang pag-ibig kay Tuan Putli. Kung kayat kinausap niya si Allah. Pumayag naman si Allah na
bumaba isi Manik Buangsi sa lupa. Si manik Buangsi ay nag-anyong isang ginuntuang bayabas.
Napasakamay siya ng isang matandang babae na pulubi. Nag bigyan ni Tuan Putli ang pulubi ng limos ay
ibinigay naman ng pulubi ang prutas sa kanya. “Itanim mo ito sa hardin,” ang bilin ng pulubi kay Tuan
Putli.”“ Ang bungang nito ay siyang iyong kapalaran!”. Itinanim ni Tuan Putli ang bunga. Tumubo agad
ito at nagbunga ng marami. Pinitas nito ang pinakamalaki at pinakamgandang bunga at iyo ay dinala niya
sa loob ng kanyang silid. Sa loob ng bungang iyon ay naroon si Manik Buangsi. Sa gabi, nagmumula sa
bungang iyon ang isang kakaibang liwanag. Pagkatapos, lalabas si Manik Buangsi at panonoorin ang
mukha isang magandang dayang-dayang. Saka lamang siya bumabalik sa loob ng bunga kapag tumilaok
na ang manok. Ngunit sa isang pagkakaton ay nakatulog si Manik Baungsi. Nang magising siya ay
nakasikat na ang araw. Gayon na lamang ang pagtataka ng dalaga. “Kung gayon, isa kang katotohanan!”
bulalas ni Tuan Putli. Ngumiti si Manik Buangsi. “oo Wika niya. At narito ako upang pakasalan ka!.
Naganap ang kasalan ni Tuan Putli at Manik Buangsi at sa piging na iyon ay bumaba ang mga bathala
mula sa kalangitan upang masaksihan ang pag-iisang dibdib ni Tuan Putli at

Manik Buangsi. Nanatili sina Manik Buangsi at Tuan Putli sa lupa. Sa kabilang dako, naninibugho ang mga
kapatid ni Tuan Putli sa kanyang magandang kapalaran. Hanggang sa naisip ng tatlong dalaga na sirain
ang magandang ugnayan ng dalawa. “ Hindi ka dapat magtiwala sa asawa mo,” sabi ng isa kay Tuan
Putli. “ Maaring isa lamang siyang masamang espirito!” “ Maganda siyang lalaki,” wika pa ng isa pa. “
sigurado mo bang ikaw lang ang babaeng minamahal niya?” “ Sa tingin ko ay isa ka lamang sa mga
babaeng dumaan sa buhay niya,” sabi sa kanya ng isa pa, “Paluluhain ka niya balang araw!” Dahil sa
patuloy sa paninira ng kanyang mga kapatid ay tuluyan nang nalason ang kanyang isipan. Naging selosa
si Tuan Putli sa kalaunan. Palagi na niyang inaaway si Manik Buangsi. Hanggang sa dumating ang
panahong napuno na si Manik Buangsi. Ipinasiya niyang bumalik na sa kanyang pinagmulan. Sa
kapangyarihang taglay niya ay biglang isang lumabas ang isang mabikas na puting kabayo at isang kris.
Nagsisi si Tuan Putli at nagmakaawang isama siya ni Manik Buangsi. Pumayag naman si Manik
Buangsi.Sa kanilang paglalakbay ay biglang binalot sila ng makapal sa alikabok. Ang mga dahon ng mga
damo sa paligid ay nagmistulang kris, ngunit buong tapang na sinagupa ni Manik Buangsi ang lahat.
Hanggang sa dumating sila sa isang mahaba at makipot na tulay. Sa ilalim ng tulay ay isang ilog na
kumukulo at mula roon ay maririnig ang daing ng mga nagdudurusa kaluluwa.

Mahigpit ang yakap ni Tuan Putli sa baywang ng asawa. “ hindi ako magdidilat ng mata,” pangako niya. “
pipikit ako!.” Nagsimula silang tumawid sa makipot sa tulay, sakay ng kabayo. Ngunit hindi kaginsa-
ginsa’y, biglang nakarinig ng tinig si Tuan Putli. Siya ang tinatawag nito.“Tuan Putli! Tuan Putli! Tuan
Putli!” daing ng tinig. Ang tinig na iyon at tulad ng kanyang yumaong ina! Bigla nitong iminulat ang mga
mata at tumingin sa ibaba. Dahil sa takot sa nakita ay nakabitaw

ito at nahulog sa kailaliman. Mula noon mag-isa na lang si Manik Buangsi na nakarating sa kaharian,
ngunit malungkot ito sa pagkamatay ng asawang hindi nakinig sa kanya.

Awiting Bayan

• INAKU DURINGDING (Awiting Bayan mula sa Zamboanga)

Inaku duringding

Umaga na yata

Nagtitilaukan na
Ang manok sa lupa.

Kayat ang sabi ko

Sa matanda’t bata

Matulog n ngayon

Bukas ay gawa.

• DORI-DORI SINGKIL

Dori-Dori Singkil

Mang Manuel

Dagil Mang

Iskong Kolikoy

At mang Juan Bambo.

Isang Awit

a.Dont you go,don’t you go to far Zamboanga,

where you may forget your darling far away.

b. Tap Tap mamamayan (Ang Pag-ibig natin)

Tap Tap mamayan ha daimman

Ing saksi nato ing kiraman

Ikaw baa-yan buddiman

Tungal wai limbangan.

Salin sa Filipino

Pag-ibig nati’y walang katapusan


Saksi nating ang kalangitan

Ikaw’y ubod ng kadalisayan

Isang walang makapantay.

Ang Bugtong ng Rehiyon IX

Ayon kay Charles Francis Potter ay isang mahalagang metapora at ito ay resulta ng pangunahing
prosesong mental ng pagsasama-sama, at ito ay pagkakahawig, at persepsyong pagkakapareho at
pagkakaiba.Ang bugtong ay isang paligsahan ng kaalaman at isang paraan upang madebelop ang talas ng
pag-iisip at obserbasyon.

Para naman kay Allan Dendes at Robert Georges ang bugtong ay isang tradisyonal na ekspresyon na
naglalaman ng isa o o mahigit pang elementong naglalarawan, pares na ang isa ay tutol na
nangangailangan ng kasagutan na maaring hulaan.

Ang bugtong ay isa sa pinakaunang porma ng pag-iisip.Ang mga primitibong tao ang nagsimula
nito.Subalit noon ito ay kilala bilang isang sagrado at pinaniniwalaang nagtataglay ng kapangyarihan.Ito
ay isang berbal na laro o isang paligsahan sa talas ng kaisipan na naging popular na libangan.Ang tawag
ng mga Tausog sa bugtong ay “tigumtigumo tukodtukod” na mula sa salitang tukod na ang ibig sabihin
ay hulaan.May dalawang uri ng bugtong ang mga Tausog:ang isa ay ang tinatanong sa isang kaswal na
pag-uusap at ang ikalawa ay ang inaawit sa isang okasyon.Subalit sa parehong kaso, ang

taong pinagtatanungan o taong kinakausap ay kinakailangang magbigay ng kasagutan.Subalit ang mang-


aawit na siyang umaawit ng bugtong ang siyang magbibigay ng kasagutan pagkatapos manghula ng mga
manonood.

Mga Manunulat ng Rehiyon IX

Antonio Descallar

Isinilang sa Sindangan Zamboanga noong Hunyo 15, 1952.Nag-aral sa isang pampublikong paaralan at
nagtapos ng kanyang pag-aaral sa Misamis Occidental Institute at sa College of law sa AU.Nagwagi siya
ng unang gantimpala sa timpalak ng pagsulat ng tula na ginanap noong 1949.Kauna-unaha niyang tula
na napalimbag ay ang “Now Before the Conqueror”.

Antonio Enrique
Siya ay sumulat ng mga maikling kwento tungkol sa mga kristiyano at mga Muslim sa Timog na
nakatagpo at nakasalamuha niya sa buhay,tungkol sa probinsya,bayan at mga baryong kanyang
tinitirhan at binibisita at tungkol sa mga obserbasyon at mga karanasan.Tumanggap siya ng dalawang
gantimpala sa Palanca sa kanyang maikling kwento sa

Ingles,ikatlo noong 1969,una noong 1973.Pinalimbag ng writers Association of Dumaguete City ang
kanyang unang aklat ang “Spot On Their Wings”.

Ignacio Alvarez Enrique

Pinanganak sa Zamboanga City kung saan din niya tinapos ang kanyang pre-college education.Pumunta
sa AU,kung saan niya natapos ang AB degree(1951) at matapos iyon ay nag-aral siya sa University of
IOWA.Bilang iskolar narrating niya ang University of Madrid.Pinagkalooban siya ng salapi ng pamilya
Zobel de Ayala.Mula noon sinimulan niyang sulatin ang kanyang nobelang “ The House Juan” na hindi
naipalimbag.Dalawa sa kanyang maikling kwento ay nagwagi sa Philippine Free Press Short Story
Contest.”Death of a House”,ikalawang gantimpala,1951 at “The Doll”,ikatlong gantimpala. Noong
Pebrero 20, 1971 ay ipinalabas sa UE sa Auditorium ang dulang “As Between Two Mirrors” na kanyang
isinulat at hinango sa kanyang nobela.Ang iba pang aklat niya na naipalimbag ay ang “Three Philippine
Epic,Plays at House of Images”(1953), at ang The White House of Ali at Other Stories”(1985).

Olivia Acas

Baguhan pa lamang siya sa larangan ng pagsusulat ng tula ngunit ang kanyang mga naisulat ay
naipalimbag na sa palimbagan.

Ibrahim A. Jubair

Siya ang kauna-unahang fictionist ng Zamboanga na ginantimpalaan ng Presidential Certificate of Merit


in Literature for Teaching the Filipino-Muslim sa kanyang panahon.Bukod sa pagiging manunulat ng tula
at mamamahayag isa rin siyang kolumnista sa isang pahayagan ng Zamboanga City at editor ng Cresent
Review.Ang aklat I Jubaira ay ipinalimbag hindi lang ng Free Press Pacific Quarterly(South Korea) at ng
The Times of Ceylon.

Gonzalo Villa

Isang manunulat ng maikling kwento at mananalaysay,ipinanganak sa Zamboanga City ng isang


maykayang pamilya .Naging news editor siya ng Atenean ,isang pampaaralang pahayagan na siyang
pinaglathalaan ng ilang mga akda niya.Una niyang kwento ang “When Death Struck”.Nagwagi siya sa
Pambansang Paligsahan sa pagsulat ng sanaysay noong 1946,ito’y pinamagatang “The Role of America in
the Rehabilitation of the Philippines”.Kabilang sa mga sinulat niyang nagwagi ng gantimpala ay ang
Footnoteof America at pinalitan niya ng “Death of Illusion”, “Barrio Miracle”, “A Voice of Rama”.

You might also like